Chapter 27

3268 Words
It was a weird encounter. Inakala niya na lalapitan siya ni Evans at handa na siyang tabuyin ito kung gano'n. Nang tinawag ang pangalan niya para sa order niya ay agad siyang tumayo at lumapit sa counter saka bumalik sa pwesto niya kanina. And when she looked in his supposed direction where he was standing earlier, he was gone. Kaya ang weird no'n. Akala mo ay isang scene sa palabas na may misteryosong tao na nanonood sayo at biglang nawala ngunit sa kaniya nga lang ay kilala niya 'yon. Evans was just looking at him in a mysterious way na tila may laman at dating ang titig nito. Isinawalang-bahala niya na lang iyon at ininom na ang binili niya. Baka napadaan lang ito roon at nakita siya. It is better that he didn't approach her. Sana ay talagang wala na silang pakialaman. She wish that he would never do anything to her again. Daneliya knows that she started revenge. Niloko siya ni Evans, pinahirapan ng ina nito, at pareho pang sinabotahe ng dalawa ang career niya. Pero ngayon na mas nagiging maayos na ang takbo ng buhay niya at tunay na siyang nagiging masaya, nakakalimutan niya na 'yon. Sa tingin niya nga ay tapos na siya ro'n. There are more important things to give her attention and energy to. May problema pa siya sa pamilya niya but overall, she's in a better place and revenge is not necessary anymore. The only thing that reminds her that she even did such thing is the fact that she has this unclear connection with Garett Adamson. Kung hindi naman dahil sa desperada siya no'n na masaktan pabalik ang mag-inang Alejandro ay tiyak wala sila sa sitwasyon na 'to. Garett and her world would never collide again. Walang dahilan para maging ganito sila kung hindi nangyari ang lahat ng 'yon. And now that she is happy and she wants to forget and stop the revenge, she can't fully let it go because of the thought that she might have to let Garett go, too is stopping her. Baka tuluyan na ngang matuldukan ang koneksyon nila sa oras na sabihin niyang tapos na ang napagkasunduan nila. But isn't that selfish? Baka sa sobrang kabaitan ni Garett ay hinahayaan lang siya nito pero hinihintay na rin na siya mismo ang magsabing tapos na ang lahat. Nahulog siya sa malalim na pag-iisip. Should she tell Garett that she is now satisfied and she doesn't need to do revenge anymore? Bumalik siya sa building habang lunod na naman sa pag-iisip dahil doon. Pagbalik niya sa office ay naroon si Garett na mukhang kanina pa siya hinihintay. Napatayo ito at pinagmasdan siya pagpasok niya. "Where did you go?" he asked her calmly. It seems like he was really relieved seeing her Napakurap siya at tinitigan ang lalake. Five years ago, she could not even look at him straightly. Sobrang intimidated siya rito, takot sa presensya ng lalake. And now, here she is, in front of him. He is her boss and even beyond that. They live together, they sleep together, and do things together. The progress was fast and huge. At hindi niya alam kung makarerecover pa siya roon kung matapos na ang lahat. "Sa labas lang. Sa may coffee shop. Nagsabi ako kina Lindy at Edith no'ng umalis ako," paliwanag niya rito. Lumapit ito sa kaniya at agad humawak sa bewang niya. "You didn't tell them where you would go. Hindi mo rin sinagot ang mga text at call ko." Napangiti siya sa sinabi nito. "Saglit lang ako nawala." Tumaas ang kilay ni Garett at sumulyap pa sa relo nito sa may palapulsuhan. "You're gone for 1 hour and 43 minutes, Mallory," mariin nitong sinabi. Her eyes widened because of what she head. She glanced at her wristwatch, too and realized that it is true. Ang tagal niya sa labas. "Overbreak ako," aniya nang napagtanto. Umiling si Garett saka niyakap siya. "That is not a problem. Nag-alala ako." Daneliya sighed then tapped his back for a bit. "Sorry, I was thinking too much. Hindi ko na napansin ang oras at ang cellphone ko." Lumayo sa kaniya nang bahagya ang lalake saka siya tinitigan. "What were you thinking?" She stared in his eyes. Si Garett lang naman ang iniisip niya pero hindi niya pa iyon kaya sabihin dito, kung ano ba talaga ang naiisip niya. She is afraid that everything will fall apart once she becomes honest. She shook her head while smiling. "Nothing. Just random things..." Matagal siyang tinignan ng lalake na tila tinatantiya kung nagsasabi siya ng totoo kapagkuwan ay bumuntong-hininga ito at muli siyang niyakap. Dinama niya ang yakap nito. "Don't think too much that you forget to be aware of your surroundings. And if you need someone to listen to you, you know that I am here, right?" he uttered gently. She immediately nodded as an agreement and that might be a lie. Hindi niya yata masasabi rito ang lahat ng naiisip niya. "Yes. I'm sorry, Garett. For making you worry," marahan niyang saad at niyakap ito pabalik. Pagkatapos ng shift niya ay hindi siya agad umuwi. Hinihintay na lang niya matapos si Garett sa natitirang paperwork nito para sabay silang umuwi. She insisted on helping him but he politely declined her offer. Mukhang confidential din iyon kaya hindi na siya namilit. Pinuntahan na lang niya ang mga kaibigan sa labas ng office ni Garett na patapos na rin ang shift, naghihintay na lang ng oras. "Buti hindi ka na ginugulo ni Evans," mahinang saad ni Lindy sa kaniya. Napatingin din si Edith sa kaniya, naghihintay ng sagot. Naalala niya ang huling panggugulo nito sa kaniya. It didn't really go well for Evans. Kanina nga nang makita niya ito mula sa may coffee shop ay kita pa niya ang bahid ng mga pasa sa mukha nito. She sighed. "So far, hindi na. But speaking of him, nakita ko siya kanina. Hindi ko alam kung namalikmata lang ba ako but it felt real. Pero ayon, hindi niya naman ako nilapitan. Nakatitig lang siya sa akin mula sa malayo kaya wala namang problema room." Napatango ang mga kaibigan niya. "Baka natauhan na. He's starting to realize his wrongdoings and the fact na the best thing he can do for you para makabawi ay ang hayaan kang sumaya na," ani Edith. Nagsalita rin si Lindy. "Kaya nga. Hayaan ka na talaga dapat niya. You look happier now. And for sure, way better than ever. Hiyang ka kay Garett. Hiyang sa ano." Tila may ibang kahulugan ito sa huling sinabi, idagdag pa ang mapanukso nitong titig at ngisi sa kaniya. Napairap si Daneliya sa kaibigan ngunit nakangiti naman. Humalakhak si Edith nang mapagtanto ang ibig sabihin nito. Puro kalokohan talaga ang dalawa lalo na si Lindy. Maya-maya ay lumabas na si Garett mula sa office nito, mukhang tapos na ang trabaho. Lumapit ito sa kaniya saka marahan na kinuha mula sa kaniya ang handbag niya para ang lalake na ang magbitbit no'n. Makahulugan ang titig ni Lindy at Edith sa kaniya bago bumati at nagpaalam sa boss nila. "Get home safe, ladies. Thank you for today," ani Garett bago siya hinawakan sa braso at inalalayan na maglakad paalis do'n. Kung makahawak at makaalalay ito sa kaniya, akala mo ay babasagin siya na sobrang selan at sensitibo. Sobrang ingat na ingat ito sa kaniya, kamay lang naman niya ang may sugat. "Bye Edith, bye Lindy. See you tomorrow!" Paalam niya sa dalawa matapos humalik sa mga pisngi nito at nagpatianod na siya sa hawak ni Garett. "Ingat kayo!" ani ng dalawa niyang kaibigan. Habang sumasara ang elevator ay ngiting-ngiti ang mga kaibigan niya sa kaniya at may laman pa rin ang titig. Naalala niya tuloy ang sinabi ng mga ito na patay na patay sa kaniya si Garett. Malamang ay iyon ang pinapahiwatig ng mga ito, na ang nakita nilang kilos at pag-alalay ng lalake sa kaniya ay kumpirmasyon ng haka-haka nila. "Are you okay?" Garett asked when he noticed her silence. Tiningala niya saglit ang lalake saka tumango bilang sagot. "Of course, Garett," she answered. He stared at her eyes. "Good. Kanina pa nasa condo sina Dane at Daniella... if you're worried about them." "Ah, yes. The driver texted me as per your instruction to him na i-update ako," aniya. Natahimik sila muli paglabas ng building hanggang sa makasakay ng kotse at nagmamaneho na si Garett. Hindi iyon masyado pansin ni Daneliya dahil sa lalim ng iniisip niya. Kaya hindi na rin niya namalayan na maya-maya ang sulyap sa kaniya ni Garett, pinagmamasdan siyang tulala. Katagalan ay hindi na ito nakatiis at binasag ang katahimikan. "I don't mean to disturb your thoughts but... Are you sure you're okay? Do you have a problem? Is something bothering you? Do we have a problem? Tell me, Mallory," ani Garett saka sumulyap ulit sa kaniya. Napakurap si Daneliya sa sinabi nito kaya nilingon niya na ang lalake. Saglit na nagtagpo ang mga tingin nila nang lingunin ulit siya nito bago muling nag-focus sa pagmamaneho. "No— I mean, everything is okay, Garett. I'm just thinking. Walang problema," she assured him softly. Tumango ang lalake ngunit halatang hindi pa rin kumbinsido. "Tell me if I can help you with anything..." he simply said. Although it seems like he really wants to know her thoughts but he is not pushing her to tell it to him. He is respectful to her boundaries. Napangiti si Daneliya saka tumango. God, this man is almost perfect. Kaya hindi siya handa, kahit kaunti, na matigil ang kung ano man ang koneksyon nila. How long would he stay? Hanggang pagdating ng condo ay lunod pa rin siya sa isip niya. Nag-asikaso lang siya at tinulungan siya ni Garett habang ang dalawa niyang kapatid ay gumagawa ng kaniya-kaniyang assignments at project nila. Tahimik lang siya kaya patuloy pa rin ang pagsulay sulyap sa kaniya ni Garett, tila hindi mapalagay sa sobrang katahimikan niya pero iniiwasan pa rin na magulo siya. Pagkatapos kumain ay nag-asikaso na siya at naghanda para sa pagtulog. Paglabas niya ng shower room ay naabutan niyang nag-iimpake ng mga damit si Garett. Her chest tightened and she felt cold when she realized what could be happening. "W-where are you going?" nauutal niyang tanong dahil sa kaba at pagkabigla sa naabutan. Sinulyapan siya saglit ni Garett bago nagpatuloy sa ginagawa nito. "I'm packing for my flight tomorrow." Nanigas lang siya sa kinatatayuan. "Saan? Papunta saan?" she nervously asked. What if he is leaving her? "Bukas na ang business trip ko sa Cebu. The trip where I'm supposedly bringing you, Mallory. But in this situation, I would prefer if you stay here and just rest. Alam kong mas gusto mo rin 'yon dahil sa mga kapatid mo." She blinked. Kahit papaano ay kumalma siya. Dahan-dahan siyang naglakad palapit dito. Tumayo siya sa gilid ng lalake na nag-iimpake. "A-are you sure you won't bring me? Baka naman kailangan ako ro'n, may trabaho ako na magagawa para sayo?" Garett eyed her directly. He reached for her hand then gently caressed it. "I badly wanna bring you with me, Mallory. Lalo na it's a 2 week business trip. Pero mas mahalaga ang pahinga mo ngayon. But once you get better for the next few days and you think you will be content na iwan ang kapatid mo rito, you can follow me. Mag-hire na lang ako ng taga-alalay sa kanila if needed." Napangiti si Daneliya saka tumango. Parang gusto niya 'yon na humabol dito. That's a great idea. Ngayon kasi ay hindi niya maiiwan talaga basta ang mga kapatid dahil baka ano pa ang mangyari. Pero kung maging confident siya na kakayanin ng mga ito ang sarili nila at mag-behave nang walang guardian, she would really go to Cebu. Ngunit wala iyon kasiguraduhan. Umupo siya sa tabi ni Garett at tinulungan ito mag-impake. Lalo siyang nakaramdam ng lungkot nang sabihin nito na may posibilidad na ma-extend ang stay nito sa Cebu at baka pumunta rin diretso sa iba pang lugar kapag nagkataon dahil sa trabaho. Kakayanin ba niya na mag-overthink pa sa gano'n kahabang panahon? "I wish I could bring you tomorrow," Garett said then sighed. "I'll make sure that on my business trip in Hong Kong next month, you'll be with me," dagdag nito. Huminga nang malalim si Daneliya at tinitigan ang lalake habang hinahanda ang sarili sa sasabihin. Tila napansin ng lalake ang pagbwelo niya at mukhang may sasabihin kaya napatitig ito sa kaniya at tumaas ang kilay. "Do you wanna tell me something?" he asked her. Nakagat niya ang labi. "Yes..." Marahan niyang sagot. "What is it?" "About the..." Napalunok siya nang malalim. Hindi niya na dapat ito patagalin. Whatever the result is, at least mababawasan na ang iniisip niya. "Revenge..." Tuluyan ng natigilan ang lalake sa ginagawa at ibinigay ang buong atensyon sa kaniya. "What about it?" She swallowed hard again. She looked at his eyes. "Until when are you planning to do this with me?" she blurted out. Matagal siyang tinitigan ni Garett bago bumuka ang bibig nito para magsalita. Seryosong-seryoso na ang mukha nito. "Why? Do you want to quit now?" he asked. Napayuko siya, hindi niya na kaya tagalan ang titig dito. Ito na, wala ng atrasan, anuman ang maging resulta. But she is scared to hear him say that he is leaving her because the revenge is done. Tumango siya. "I'm content in my life now. I feel better and happier..." Napailing siya. "I think, there is no need for me to continue the revenge anymore," marahan niyang sagot. Hindi agad sumagot si Garett. And it was a long painful wait for Daneliya. Pakiramdam niya ay bibitawan na siya nito ngayon. She saw something in his eyes that made her feel nervous even more. Nataranta siya. "B-but of course if you still need to use me, to take your revenge on Priscilla, I will gladly let you," bawi niya agad. Gumalaw ang panga ni Garett pagtiim noon bago umiwas ng tingin at ibinalik ang atensyon sa pag-aayos ng mga damit. "I still want to continue the revenge..." he said. Daneliya swallowed hard. Hindi niya alam kung matutuwa siya roon dahil ibig sabihin ay kailangan pa siya nito o dahil matindi pa rin ang nararamdaman na galit nito kay Priscilla. The second choice bothers her because she knows that anger could be love that was just tainted with grieving and heartbreak. Na baka mahal pa talaga ni Garett ang ex nito. "O-okay... I understand," sagot niya. Magsasalita pa sana siya ngunit dinugtungan ni Garett ang sinabi nito. "I still want to do it if that means I will be able to keep you beside me," Garett uttered. For a second, her mind went blank. Hindi niya agad naproseso ang ibig sabihin nito sa utak niya. Nagsalubong ang kilay niya, lito o in denial. Takot na baka mali ang narinig niya. "What? What do you mean, Garett?" she asked breathly. Nilingon siya muli ng lalake, tinitigan siya mata sa mata. Like he wants her to understand his words crystal clear. "If doing it means that I will have you here with me, ipagpapatuloy ko. Maghihiganti pa rin ako." Her lips parted. His words are not direct but she understands it. Ngunit takot pa rin siyang magkamali. Her heart is skipping a beat. "G-Garett..." Gumalaw ang panga nito dahil sa pagtagis no'n. "Ayaw mo ng maghiganti? Give me an assurance then that you will still stay with me, Mallory," he said as if he was challenging her. "If you're able to give me the assurance that I need, then we will stop. I will let you stop. Pero kung kasabay ng pagtigil natin sa paghihiganti ay aalis ka rin sa buhay ko, then we will continue the revenge. No one would be able to stop me." Tama ba ang naririnig niya? Papayag itong hihinto na sila sa paghihiganti basta... mananatili pa rin siya sa piling nito? He was challenging her as if his condition was not favorable for her. Na tila hindi iyon win win situation para kay Daneliya. Pero ano pa nga ba, wala itong alam sa naiisip niya. Na takot din siya na kapag huminto sila sa paghihiganting iyon ay matatapos na rin ang koneksyon nila. Nabalik sa reyalidad si Daneliya matapos iproseso ang narinig. "You mean... You want me to stay even if we stop the revenge? A-ayaw mong matigil ang connection natin?" she asked, in hopes that it will be confirmed by him. Na tama ang pagkakaintindi niya at hindi siya nag-iimagine lang. Hinaplos ng lalake ang pisngi niya. "I am not even interested in taking any steps for revenge in the first place. I did it just because of you," Garett explained. "Please let be this the aftermath, Mallory. Make it happen. Let the aftermath of vengeance be us, staying together unconditionally." Natulala na lang siya sa lalake at hindi pa rin makapagsalita. Is this for real? Garett Adamson, the former stepfather of her ex boyfriend, the man who she was afraid and intimidated to, and the man who helped her with revenge is asking her to be with him after everything? "And if it is still not clear to you, Mallory... Yes, gusto kita. Gustong-gusto kita. And I don't want to waste this chance and just let you go. I want to make sure that revenge will really lead to satisfaction. Because I will be only satisfied in this life if I will be able to keep you." Sa dami ng sinabi nito na mga salita na naging dahilan para halos lumundag ang puso niya ay hindi siya halos makapaniwala. Tinitigan niya ito. "Are you for real, Garett? O pinaglalaruan mo ako?" she asked. "Tell me the truth, please..." she demanded weakly. His eyes were staring at her full of sincerity. "Everything I said is real. Stay with me, please?" he asked. "Continue living with me. Even if we are already done with the revenge, stay with me. I will give you everything, Mallory." Grabe ang overthinking niya sa maghapon dahil sa mga what ifs and yet, here she is. Wala dapat ikabahala dahil ngayon ay nasa harap niya si Garett, nakikiusap mismo sa kaniya na itigil man nila ang paghihiganti ay mananatili pa rin sila sa isa't isa. Niyakap niya ang lalake nang mahigpit. Napapikit siya at malalim na buntong-hininga ang pinakawalan. Relief washed all over her. She is now be closer to the peace of mind. "We are done with the revenge and I will stay here with you," she whispered gently. "Thank you for everything, Garett. Thank you." If only he knew how much he had saved her. And everyday, he is still saving her. Mahigpit din siyang niyakap pabalik ni Garett na tila nakahinga na rin nang maluwag ito. Napailing ito kapagkuwan. "Now that we talked about this, mas lalong ayaw ko ng umalis bukas," he whispered. Daneliya chuckled then pulled away from the hug. She touched his face while smiling sweetly. "Don't worry, if I can, susunod ako sayo. I promise," aniya. Garett nodded while staring at her intently. Then he closed the distance between their faces and kissed her on her lips. Maya-maya pa ay binuhat na siya nito saka idinala sa kama. Agad nilang tinanggal ang damit ng isa't isa habang sabik na sabik na nagpapalitan ng halik. Their kisses and touches to each other are now more passionate and intense. Dahil na rin siguro nagkaroon ng linaw kahit papaano ang koneksyon nila. And from now on, it is not all about vengeance anymore because they are done with that. They are staying with each other by choice, not because of revenge.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD