Kinabukasan ay antok na antok pa rin siya nang nagising. Paano ba naman ay talagang pinuyat siya ni Garett. Halos hindi siya nito tigilan magdamag. Kung hindi lang niya pinuna ang oras ay baka wala talaga siyang tulog at inabot na sila ng liwanag. He is just really insatiable when it comes to bed. His energy is really at its peak.
Napansin niyang wala sa tabi niya si Garett paggising. Naisip niya na umalis na ito ngunit naalala niya na hapon pa ang flight ng lalake patungo sa Cebu. Naghilamos lang siya at toothbrush bago lumabas ng kwarto. Nakita niya na paalis na sina Dane at Daniella para pumasok sa school. Ang naabutan niyang tagpo ay ang pag-abot ni Garett ng pera sa mga kapatid niya.
"Teka! That's too much!" puna niya. She saw Garett give them a few thousand pesos bills each!
Sana ay kung ilang linggo na allowance ng mga ito ang pera na 'yon. But she remembers that he gave them money yesterday, too. He is spoiling them at baka masanay ang mga ito!
Nanlaki ang mga mata ng kapatid niya nang makita siya saka halos patakbong lumabas ng condo unit. Nameywang siyang hinarap si Garett na tinaasan siya ng kilay habang palapit ito sa kaniya at hinalikan siya sa labi, sunod ay sa noo.
"What?" he asked her. "What's wrong?" he innocently added.
"Ang laki ng binigay mo kay Dane at Daniella. Ngayon lang ba 'yon dahil aalis ka na mamaya? O gano'n din ang binigay mo kahapon? Ako na ang magbibigay sa kanila ng baon, Garett. I have money, too."
Umiling ito saka humawak sa bewang niya. "It's nothing, don't worry about that, Mallory."
She sighed. "Thank you for giving them money, Garett. I really appreciate it pero nahihiya rin ako dahil sobra-sobra na ang naitulong mo sa aming magkakapatid, tapos malaki pa ang binibigay mo sa kanila."
Garett squeezed her waist a bit. "Huwag mo ng isipin 'yon. Besides, they are good students. They deserve it. Para makapag-ipon sila at mabili ang kanilang gusto."
Dinala siya nito sa may mesa kung saan nakahanda na ang breakfast nila. She sighed and watched him prepare her food and coffee for her first meal of the day. Her heart warmed in happiness and appreciation while watching.
"Inasikaso mo rin ang mga kapatid ko... Salamat," aniya nang marahan. "Hindi ako nagising nang maaga."
Tumaas ang sulok ng labi ni Garett at saglit na sumulyap sa kaniya. "That's fine. You deserve to rest. Pinagod kita," he naughtily uttered. "Now, let's eat our breakfast."
Kahit maraming upuan do'n ay magkatabi silang kumain. Ang breakfast nila ay pancakes, eggs, bacon, and sliced fruits. Hinandaan din siya nito ng kape. Nagkatinginan sila at napangiti sa isa't isa.
Daneliya's heart is really happy. Who would have thought that things will be this way. Pakiramdam niya ay sobrang swerte niya. Garett is really kind and generous. Pati mga kapatid niya ay inasikaso nito at tinulungan. Sometimes she thinks that he is too good to be true because he is too giving and caring to her.
"You don't have to go to the office today. Let's spend the day together until my flight. But don't come with me in the airport," ani Garett matapos lunukin ang nginuya.
Napalingon siya rito habang kunot ang noo niya. "But why? Gusto kitang ihatid..." Nanghihinayang niyang sinabi.
Tinitigan siya ng lalake sa mga mata. "It is already hard for me to leave, Mallory. Don't make it even harder. Kapag hinatid mo ako ro'n, I don't think makaaalis pa ako."
Daneliya pouted a bit. Sinandal niya saglit ang ulo sa may balikat nito. Gusto niya itong ihatid sa airport pero dahil nga ayaw nito na magpahatid sa kaniya, then she won't. Surely, malulungkot siya na maiwan dito mamaya.
"Okay, Garett."
"Cooperate with my assistant, okay? Inaayos niya na ang documents mo para walang problema sa international business trip next month."
Tumango siya sa sinabi nito at nagpatuloy sa pagkain.
They really spent time together. Nagligpit at naghugas ng mga ginamit nila nang magkasama, they watched movie while having a food trip and they also cuddled. It was a well spent hours together. Mga gano'ng simpleng bagay talaga ay labis na nakatutuwa pa rin gawin basta kasama mo ang taong gusto mo.
Pagdating ng hapon ay naghanda na sa pag-alis si Garett. She helped him fix the collar of his polo. Sunod ay hinawakan na nito ang handle ng maleta niya saka sila nagtitigan.
"Take care, okay? I'll update you from time to time," ani Garett sa kaniya, hindi na inaalis ang mga titig sa mata niya.
Tumango si Daneliya. "Mag-iingat ka ro'n. Tell me if I can do anything for you."
Garett smiled while staring at her intently. "The thing you can do for me is go at Cebu, Mallory. Follow me there. That would be really great," he said to her.
Napangiti si Daneliya habang inaayos ang damit ni Garett. Then she patted his chest three times before she looked in his eyes and nodded.
"You know I will do that if I have a chance, right?"
Garett nodded. Yumuko ito at hinalikan siya. It was a slow passionate kiss. The kind of kiss that will linger for a few days. Nang maghiwalay sila ay nagtitigan sila at ngumiti sa isa't isa. Sunod ay tumayo na nang tuwid si Garett saka umatras.
"I need to go."
Tumango si Daneliya. "Okay. Tell me once you arrive there safely. Take care, Garett."
He gave her an assuring smile. "I will, Mallory."
Pinanood niya ang paglabas nito sa condo unit at ang pagsara ng pinto. She sighed as soon as he left. Matagal siyang napatitig sa pinto saka muling napabuntong hininga. Umupo siya sa sofa at nangumbaba. Ngayon, hindi na siya sanay na wala ito. She is used to have him around her.
Dalawang linggo itong mawawala at may posibilidad pa na ma-extend kung may madagdag sa trabaho nito. Ang tagal na noon para sa kanilang dalawa.
Napatayo siya nang biglang bumukas ang pinto ng condo. And it is Garett. He walked towards her.
"Come here," he whispered and hugged her so tight.
Napapikit siya saka niyakap ito pabalik habang nakangiti. "Bakit bumalik ka?"
Binaon ng lalake ang mukha niya sa balikat ni Daneliya. He sniffed her and hugged her even tighter.
"I am gonna miss you so bad," he whispered.
Daneliya caressed his back gently. "I am going to miss you, too. But don't worry, days will pass quickly."
Tumango si Garett. "I hope so."
Bago ito tuluyang umalis ay matagal siya nitong niyakap at muli siyang hinalikan. Garett really had a hard time leaving pero kailangan talaga nito. Kung hindi lang nangyari ang mga bagay-bagay, hindi sana ito mahihirapan dahil tiyak na makasasama siya sa business trip nito sa Cebu.
She looked around the condo unit and sighed. Ilang araw lang naman. And maybe next week, kasama niya na si Garett kapag talagang makasusunod siya sa pagpunta roon.
The silences made her miss him quickly. Talagang nasanay na siya na magkasama sila palagi at maiisip pa niya kung gaano sila katagal na hindi magkikita.
Mabuti na lang dumating na ang mga kapatid niya kaya kahit papaano ay nabawasan ang lungkot niya. She was not that lonely anymore.
Tinulungan siya nina Dane at Daniella na maghanda para sa dinner nila. Habang hinihintay na maluto ay gumawa na ang mga ito ng project at assignments nila sa may island countertop sa may kusina para samahan siya roon.
"Nagpasalamat ba kayo kay Garett nang binigyan niya kayo ng pera? Nakita ko 'yon, ang dami niyang binigay."
Agad tumango ang dalawa. Si Dane ay malaki ang ngiti.
"Siyempre naman, ate!"
Nangalumbaba si Daniella habang may iniisip kapagkuwan ay kunot ang noo na tumitig ito sa kaniya.
"Ate, sino ang mas mayaman? Si Kuya Garett ba or 'yung ex mo na si Kuya Evans?" tanong nito.
Nanlaki ang mga mata ni Dane sa kapatid nito. "Ano'ng kuya Garett? Sir Garett!" Pagtatama nito sa isa niyang ate.
Inismiran ni Daniella ang bunso nila. "Sir ka diyan! He corrected us, 'di ba? Na huwag siyang tawagin na sir. At isa pa, boyfriend siya ni Ate Daneliya. Bakit natin siya isi-sir?"
Napakamot si Dane saka siya nilingon. "Boyfriend mo ba talaga siya, ate?"
Napakurap si Daneliya saka tumango. Iyon lang naman ang magandang sagot. Dahil iyon lang talaga ang pinaka-reasonable na dahilan kung bakit ganoon si Garett sa kanila.
Umirap ulit si Daniella. "Malamang. Hindi naman tayo makakatira dito kung hindi sila mag jowa!" Nilingon siya nito ulit. "So ano nga, ate? Sino ang mas mayaman sa kanila? Si Kuya Evans or Garett?"
Kumunot ang noo ni Daneliya at tinalikuran ang mga kapatid para i-check ang niluluto niya.
"Bakit mo ba tinatanong 'yan, Daniella? Hindi 'yon mahalaga."
Lumabi ang kapatid niyang babae. "Sabagay. Pero mas generous talaga si Kuya Garett. And anyway, he's way to handsome than Kuya Evans. Ibang level ang pagiging gwapo niya. Tapos, hot and mature pa talaga. Siya na lang ate, huwag mo na balikan si Kuya Evans, ha?"
Napailing si Daneliya sa mga pinagsasabi ng kapatid niya. "Matagal ng wala kami ni Evans kaya malabo na 'yon mangyari. And even without Garett, hindi ko na siya babalikan," sagot niya sa sinabi ng nakababatang kapatid na babae.
"Very good!" saad ni Daniella at nagpatuloy na sa ginagawa niyang school work. "Someday, magjo-jowa rin ako ng mayaman katulad mo. Better if mas mayaman pa kay kuya Garett!"
She received a text from Garett nang makarating na ito sa Cebu. Sa isang hotel do'n ito mananatili. Paglapag nito roon ay may dinner meeting ito kaya naman busy agad ang binata sa unang gabi pa lang.
Matapos nila kumain magkakapatid ay nag-asikaso na siya ng sarili saka siya humiga sa malaking kama. It feels bigger now that Garett is not beside her. Kinuha niya ang unan na ginagamit ng lalake saka iyon niyakap at ibinaon niya ang mukha ro'n. She is able to smell his scent on the pillow and it somehow helped her to sleep well during the first night that he is not there.
Kinabukasan ay gano'n pa rin ang routine niya. She has to wake up early to prepare their breakfast. Matapos noon ay sumama siya sa paghatid kina Dane at Daniella sa school. Sunod ay hinatid na siya ng driver sa kompanya.
Kung tutuusin ay wala siya masyadong gagawin doon. Magche-check lang siya ng paperwork at sasagot ng mga mahahalagang tawag na matatanggap ng office ni Garett. At kung wala siyang gagawin ay mas lalo na sina Edith at Lindy. Sa tuwing may darating at hinahanap si Garett, they will just inform them that he is not there and currently on a business trip.
Nilibang na lang ni Daneliya ang sarili sa mga nahahanap niyang trabaho. Mas magiging mahirap at malungkot kung wala siyang gagawin. She needs to be occupied to avoid missing him so much.
Nang talagang wala na siyang mahanap na gawin ay inabala na lang niya ang sarili sa pagbabasa. She was bored to the core. Lumapit siya sa shelf do'n at nagbasa nang kahit anong pwede niyang mabasa. Napunta siya sa mga properly arranged na folders do'n. It contains the past reports and projections of the company.
Natigilan siya at naalala ang issue na lumabas tungkol kay Garett. That he is going bankrupt na siyang naging dahilan kung bakit nga iniwan ito ni Priscilla Alejandro.
Binasa niya ang mga reports ng nakaraang taon. She doesn't know if she is capable of understanding it really well. Gusto niya lang subukan para maintindihan niya and to know what did go wrong para bumagsak ang mga kompanya ni Garett. Kunot ang noo niya habang nag a-analyze sa mga nababasa niya. Mali ba siya ng pagkakaintindi?
All she could see is growth on every report every year. Maganda ang performance. The businesses, investments, and stocks just really thrived.
Paanong sa taon na 'to ay biglang bumagsak na nag-lead sa bankruptcy umano ni Garett?
Ngayon ay napapaisip tuloy siya. Kung talagang bankrupt ito, bakit mukhang maganda ang standing ng mismong kompanya na pinapasukan niya ngayon? Bakit imbes magbawas ng empleyado ay nadadagdagan pa. His projects and business are doing well, nadadagdagan pa nga.
Imbes wala siyang iniisip ay nagkaroon pa tuloy. Naguguluhan lang siya ngayon at nalilito. Tumayo siya at iniligpit ang folders saka binitbit iyon pabalik sa shelf. Inayos niya 'yon, katulad sa kung paano niya kinuha. Natigilan siya nang mapansin ang isa pang folder sa gilid. Kinuha niya iyon saka binuklat. Her lips parted when she read the content.
She realized that the issue must be really false. Nakita niya ang reports last year pati na rin ang projection ng net worth ni Garett sa mga susunod na taon. And it is really good. Hindi man siya ganoon pa karunong sa gano'ng bagay but she's sure that the numbers and tables that she is seeing means growth and success.
"Why do you look confused?"
Napaangat siya ng tingin saka napalingon sa nagsalita. It is one of Garett's assistants, si Albert. May dala itong folders at inilapag iyon sa table ni Garett. Hindi niya namalayan ang pagpasok nito.
Napakurap siya. "A-ah, wala."
Bumaba ang tingin nito sa hawak niya saka napatango. "So, you have seen the real report and projection..." simple nitong saad.
Kumunot ang noo ni Daneliya. "Real? What do you mean real?" Sinara niya ang hawak na folder at ibinalik iyon sa shelf.
"Seeing the confusion in your face earlier, you must have heard about the news that Mr. Garett is going bankrupt."
Napatango si Daneliya. "Right. Pero, based sa nakita ko, hindi naman pala. May nanira lang siguro kay Garett."
Iniwan tuloy ito ng ex girlfriend nito sa lalakeng inakala nitong mas mayaman kay Garett.
"May nanira nga."
Napasulyap siya kay Albert sa pagkabigla sa agad nitong kumpirmasyon. "Alam niyo? Nahanap niyo ba ang gumawa ng paninira? It somehow affected Garett's life... so, did he get punished or..."
The assistant chuckled and shook his head. "How he could be punished when it is Mr. Adamson himself?" he said saka tumalikod na ito.
Nanlaki ang mga mata ni Daneliya. Tama ba ang narinig niya? Si Garett? Si Garett ang nanira sa sarili?
Akmang aalis na si Albert kaya agad siyang nagsalita.
"Siya ang may gawa no'n? But why? Bakit niya sisirain ang sarili sa media?"
Come to think of it, Garett Adamson is a very private person pero biglang may lumabas na issue. Ni wala nga itong latest pictures dati sa mga public domain tapos out of nowhere, biglang may lumabas na issue.
Sumulyap sa kaniya si Albert at napailing. "He wanted to make Priscilla leave him. Siniraan niya ang sarili dahil matagal niya ng ayaw kay Madam Alejandro pero ayaw siya nitong pakawalan. And he knows that she would immediately leave him if she knew that he is having a hard time financially because she is a gold digger."
Her lips parted. So... it is all set up? It was planned, to make him appear failing to make Priscilla leave him? And he was right. Dahil kahit mahal na mahal nito si Garett ay talagang iniwan ito ni Priscilla para sa mas inaakala niyang financially capable na lalake.
Nagkibit-balikat si Albert. "But sooner or later, Priscilla would realize that it is all lies and no one knows what she would do. After all, she's obsessive and desperate." Ngumiti ito sa kaniya nang bahagya. "I need to go, Miss Daneliya. Have a good day."
Naalala niya ang sinabi ni Garett sa kaniya noong nakaraang gabi. Na in the first place, wala naman itong balak maghiganti kay Priscilla. He only agreed with her proposal to do revenge because of her. Buong akala niya ay nasasaktan ito nang sobra sa ginawang panloloko ni Priscilla. She thought that he was still in love with that woman. But she is all wrong...
May tama ba sa naiisip niya kay Garett?
Pakiramdam niya tuloy ngayon ay hindi niya talaga ito kilala. She never imagined that he is capable of pulling off that kind of risky stuff just to make Priscilla leave him.
Siguro nga, hindi pa talaga ito gano'n ka kilala. And this new knowledge about him makes her want to know him more.
Kinagabihan ay hindi inaasahan na nakatanggap siya ng message mula kay Julia, ang may ari ng agency kung saan siya may kontrata na. Pinapapunta siya nito bukas sa studio dahil may isho-shoot daw sila.
Kaya nang tumawag si Garett sa kaniya sa gabing iyon ay excited niyang binalita rito ang lakad niya bukas.
She heard him sigh. "I wish I was there so I could watch you do your first project," nanghihinayang nitong saad.
Napangiti si Daneliya. "I will update you about it, Garett, don't worry. Atsaka next time, sigurado naman na makakasama ka na dahil nandito ka na no'n," she said to assure him.
Kinabukasan ay maaga siyang naghanda. She just wore a simple shirt and shorts. Siyempre ang team na ang bahalaga sa wardrobe niya para sa shoot. Hinatid siya ng driver na agad ding umalis pagkahatid sa kaniya. Pagdating niya sa loob ng studio ay binati siya ng mga staff at ng mga makakasama sa project.
Habang inaayusan siya ay pinapaliwanag na sa kaniya ang mga expectations at mangyayari. Ilalagay pala sa magazine ang isho-shoot nila kaya lalo siyang na-excite.
The product is a luxurious jewelry kaya hindi naman full body ang mga shot. Karamihan ay close up o 'di kaya half body. She enjoyed the shoot so much. Ang team ni Julia ay todo puri sa kaniya.
"You know what, I'll give most of the project to you!" Natatawang saad ni Julia. "I just really like your face, vibe, and aura. So elegant and you know... ethereal."
Daneliya blushed. "Thank you," aniya.
She is used to being complimented by people who see her pero iba kapag sa trabaho lalo na sa boss niya iyon makuha.
Nagpapahinga na sila nang biglang may dumating na nag-deliver ng mga bulaklak sa studio. Sa agency iyon para sa kanilang mga model ngunit may isang bukod tangi roon na malaki at napakaganda, halatang mamahalin.
Lahat sila nakatanggap ng bouquet, the one that came fromJulia and her team.
"Para kanina 'to? Pasabog naman ang bouquet na 'yan!" ani ng photographer habang nakatingin sa palumpon ng bulaklak na bukod tangi sa lahat.
Lumapit si Julia at hinanap ang card. Binasa nito ang nakasulat do'n.
"To my dearest, Mallory. Congratulations to your first project. I am proud of you. This is the start of your career and I will always support you. Love, Garett."
Nagtilian ang mga nakarinig. Daneliya blushed even more. Mapanukso siyang tinignan ng mga kasama niya habang tinatanggap niya ang bulaklak.
"Ikaw na!"
Napailing siJulia. "Patay na patay sayo. Dearest, huh?"
Napangiti si Daneliya saka nagpa-picture habang hawak ang bulaklak. She feels so giddy and flattered. Nang makita niya ang picture na kuha sa kaniya ay talaga namang kitang-kita na glowing at masaya siya.
Nagtipa siya ng mensahe kasunod ng pag-send ng picture na 'yon kay Garett.
'I received it. Thank you for the flowers, Garett. It is so beautiful.'
Hindi na siya nagpasundo sa driver pag-uwi. Naghanap na lang siya ng taxi na masasakyan. Bago bumaba mula sa taxi nang nasa harap na ng condo tower ay inabot niya ang bayad sa driver.
Papasok na siya sa building nang maramdaman na naman na may nanonood sa kaniya.
Paglinga niya ay pakiramdam niya nakita niya si Evans na nakatitig sa kaniya mula sa tawid. Ngunit mabilis din itong nawala sa paningin niya.
She shook her head and entered the building.
Bakit ba nakikita niya palagi si Evans? Totoo ba 'yon or is it just her mind tricking her?