Chapter 15

3174 Words
Inayos niya ang sarili habang naririnig ang papalapit na mga hakbang ng mama niya. She parted her long hair and put it in front in an effort to hide any marks. At maya-maya ay nasa kwarto niya na nga ito. Galit na galit ang mga mata. "Ano 'yung sinabi ni Evans, huh? Nagloko ka? At sa iba't ibang lalake ka pa nagpagalaw?" galit na sigaw nito sa kaniya. She shook her head. "Ma, hindi po 'yon totoo! Siya po ang naglo—" "Napakalandi mo, Mallory. Sabi ko na nga ba ay nasa ilalim ang kulo mo. Akala mo kung sino kang mabait at santa, 'yon pala ginawa mo 'yon. Isipin mo, ikakasal na dapat kayo, 'di ba? Si Evans na 'yon! Ang tanga-tanga mo naman para gawin 'yan! Sinira mo ang relasyon niyo." Hindi man lang ito nakinig sa paliwanag niya, walang pakialam sa mga sasabihin niya sana. Napatayo na siya. Mas kailangan niyang ipaintindi rito ang mga sinasabi. She needs to make sure she will hear what she says. "Mama, pakinggan mo naman po ako. Hindi ko nga po 'yon ginawa. Si Evans po ang nagloko sa aming dalawa. For five years that he's in America, he was cheating on me. At sa limang taon na 'yon, wala akong ginawa kung hindi mag-aral para makapagtapos. Sunod, nag-focus ako sa trabaho. I have been loyal to him. He's the one to ruin it and now, binabaliktad niya dahil ayaw ko ng makipagbalikan." Her mother just glared at her. "Pero bakit 'yon ang sinabi niya? Mahal na mahal ka no'ng bata na 'yon, Mallory, sinayang mo pa. Siya ang daan para umasenso ang buhay natin. Tandaan mo 'yan." Umiling si Daneliya, nasasaktan na sa mga iginigiit ng kaniyang ina. "Ma, hindi. Kaya natin umasenso kahit wala siya. Hindi natin 'yon iaasa sa kaniya. Huwag kang maniwala kay Evans. At huwag mo na siya hayaan na bumalik dito because we are done. He ruined our relationship and I would never forgive him. Hindi natin siya kailangan." Sinimangutan lang siya nito. "Umayos ka nga, Daneliya Mallory. Huwag ka na mag-inarte diyan. Wala akong pakialam kung sino ang nagloko sa inyong dalawa pero malilintikan ka sa akin kapag pinakawalan mo 'yan." Lumapit ito sa kaniya saka dinuro siya sa mukha habang ang isang kamay ay nasa bewang. "Ayusin niyo 'yan. Kapag si Evans hindi bumalik sayo at malaman ko 'yon, palalayasin kita at hindi mo na kami makikita ng mga kapatid mo kahit kailan. Huwag mo ng pakawalan ang magiging swerte natin. Gawin mo lahat ng kailangan, kung kailangan, magpabuntis ka sa kaniya, pikutin mo! Ang mahalaga, makasal kayong dalawa at magkatuluyan!" mahabang sinabi nito sa kaniya bago umalis sa kwarto niya. Hindi na ito naghintay ng mga sasabihin pa niya. Halatang walang interest sa kung ano ang gusto at nararamdaman niya. That's her mother, she's always like that. Umasa siya na kahit papaano sana ay magpakita ito nang kaunting pakialam sa kaniya ngayon na mabigat ang pinagdaraanan niya. But no, it didn't happen. Naiwang tulala si Daneliya sa kwarto niya. Parang pinipiga ang puso niya sa mga narinig na salita mula sa kaniyang ina mismo. She doesn't care, even an ounce, if she's hurt and betrayed. All she thinks about is the fact that Daneliya has to get married to Evans because he will be the way for them to get out of their current status. Halata ring wala itong tiwala sa kakayahan niya. Hindi nito na-appreciate ang effort niya para sa ikaaayos ng buhay niya. Ang nasa isip lang nito ay kailangan nilang makasal ni Evans para gumanda ang buhay niya Napaupo siya at malalim na bumuntong-hininga. Para na naman siyang maiiyak sa mga narinig mula sa ina. Mabilis siyang maapektuhan at mapanghinaan kapag galing na sa pamilya niya ang mga masasakit na salitang narinig. Her family is her strength but also her weakness. At ang hirap nang gano'n dahil kadalasan, may maririnig siyang ikalulungkot niya mula sa mga ito, lalo na sa ina niya at minsan, pati kay Daniella. Kaya hanggang kaya, gusto niyang sundin ang mga sinasabi nito. Ngunit ngayon, hindi niya magagawang sundin ang utos sa kaniya ng mama niya. Hinding-hindi siya makikipagbalikan sa lalake na 'yon. Kaya ang kailangan niyang gawin ay maipakita sa mama niya na kaya nilang umasenso nang walang tulong mula kay Evans. Their life will be better by her own hard work. Not because of anyone, especially that jerk. "Ate..." Pag-angat niya ng tingin ay nakadungaw si Dane sa may pinto niya. Pasimple niyang inayos ulit ang sarili, sinigurado na wala itong makikita na kahit ano sa kaniya. "Dane!" Sinagot niya ito nang nakangiti. Lumapit ang kapatid niya sa kaniya. "Ayos ka lang po ba?" Marahan nitong tanong. Agad siyang tumango. "Oo naman..." "Totoo bang hiwalay na kayo ni Kuya Evans?" Mariin siyang napalunok habang nakatitig dito. Alam niya kung gaano kagusto ni Dane si Evans. Malapit ang dalawang ito sa isa't isa no'ng mga panahon na hindi pa umaalis patungo sa America si Evans. Natatakot siyang magalit din sa kaniya si Dane kapag sinagot niya ito pero wala siyang choice kung hindi sabihin ang totoo. Aasa na lang siya na maiintindihan siya ng bata kahit papaano. "Oo, Dane." She smiled sadly. "Things happened... Walang permanente sa mundo, at kasama roon ang relasyon namin." Kumunot ang noo nito. "Totoo ba na niloko mo siya, ate?" Tinitigan niya ang mukha ng batang kapatid. His face looks serious but there's a hint of sadness.. Agad umiling si Daneliya. "Hindi, Dane. Hindi ako nagloko—" Bigla ay niyakap siya ng bunsong kapatid. Mahigpit na yakap. Daneliya felt a shower of relief. Masaya siya na kahit papaano ay meron siyang Dane sa pamilya nila. Her sweet young brother who's always on her side. "Sabi ko na nga ba. Alam kong hindi mo 'yon magagawa, ate. Napakabait mo kaya." Mariin na napapikit si Daneliya at hinagod ang likod ng kapatid. She has a smile on her face. Sa daming nangyari kani-kanina lang at labis siyang na-drain, napagaan ni Dane ang loob niya. "Salamat, naniwala ka sa akin," marahan niyang sinabi. Tinignan siya sa mukha ni Dane saka ngumiti ito sa kaniya. "Ikaw lang ang most trusted person ko rito sa mundo, ate. Kahit ano'ng mangyari, sayo ako lagi maniniwala. Gusto ko si Kuya Evans pero kung nagawa ka niyang siraan sa harap namin, ibig sabihin hindi siya mabuti. At magiging masaya ako na hiwalay na kayo. Marami ka pang makikilala, ate. Ang ganda-ganda mo, atsaka mabait pa at matalino." Mahinang natawa si Daneliya. "Grabe naman mambola ang bunso namin na 'yan." Dane smiled at her widely. "Basta ate, pipiliin mo palagi kung saan ka masaya. Deserve mo ang sumaya. Gusto ko nga lumaki na ako agad para mabigay ko 'yon sayo." She smiled then pinched his cheek. "Don't worry and don't grow up too fast, Dane. And thank you, bunso." Ngumiti ito kapagkuwan ay napakamot. "Eh, ate... pwede ba manghingi ng pangbaon ko bukas?" Natawa si Daneliya sa hirit ng kapatid saka ginulo ang buhok nito. Kinuha niya ang bag para bigyan ito ng pera. Nang mag-isa na lang siya sa kwarto ay naghilamos siya saka tinignan niya ang sarili sa harapan ng salamin. Kita na ang pasa at sugat sa may bibig niya pati sa may braso. Ngayon ay namumula ang leeg niya dahil sa sakal sa kaniya ni Evans. Marahan niya 'yon na hinaplos. Hindi niya akalain na makikita niya ang sarili na may mga galos at pasa at dahil iyon kay Evans. He became abusive because of his uncontrollable anger. Binuksan niya ang cellphone at pumasok na ang sunod-sunod na texts galing sa mga kaibigan niya. Ang ginawa niya ay nag-video call na lang siya sa group chat nila at agad naman sumali si Lindy at Edith. "Kumusta ka na?" sabay pang bungad ng dalawa. Daneliya smiled a bit at the camera. "Okay lang ako. Nasa bahay namin ako ngayon, Lindy... Edith. Thank you nga pala sa pagtulong kanina." "Siyempre naman. Kaibigan mo kami. Gagawin namin ang makakaya para tulungan ka," ani Edith. Tumango si Lindy. "Grabe ang ugok mong ex. Napakalakas pero parang isang pitik lang kay Garett Adamson. Nga pala, nagpa-medical ka ba?" Kumunot ang noo ni Daneliya. "Medical?" Napasimangot ito. "Dapat nagpamedical ka sa mga nakuha mong galos galing kay Evans tapos kasuhan mo!" Tumango si Edith. "Oo nga. Kung revenge lang din hanap mo, gawin mo 'yon para masira ang pangalan." Natigilan si Daneliya. She doesn't know if she wants to take that path. At mukha bang seseryosohin ng authority ang magiging kaso nila kung sakaling kasuhan niya ito? She knows how powerful those Alejandro are. At kung magpatulong siya kay Garett ay madadamay talaga ang pangalan nito dahil legal na usapin 'yon. Umiling si Daneliya. "Hindi ko alam... Wala sa isip ko 'yan." Napairap si Lindy. "Sis naman, pinisikal ka na, oh?" Baka kung normal na tao lang din ang may gawa no'n ay may laban siya. Pero si Evans 'yon. Priscilla won't just let it happen. Ang malala, baka idamay pa ang pamilya niya dahil imahe na ng mga Alejandro ang nakasalalay roon. She smiled bitterly. "Hindi na. By the way, kumusta kayo pag-alis ko? Hindi naman ba nagkaproblema?" Hindi agad nakasagot ang dalawa. Daneliya immediately understood it. May naging problema. "Ano'ng nangyari?" Umiling ang dalawa at si Edith ang nagsalita. "Nagkaroon lang ng meeting tapos sinabi lang agenda for the day kasi nga important day kanina, 'di ba? At natanggap mo na rin ba ang email sayo ng HR?" Daneliya froze for a bit when she realized it. Inasahan niya na 'yon. Of course, termination ang mangyayari sa kaniya. "I'll check it now." Nanatili ang video call nila habang binubuksan ang email. Naramdaman niya ang panlalamig sa dibdib. Inasahan niya na 'yon pero masakit pa rin pala... Tinanggal na nga siya sa trabaho. Huling sahod na lang ang hihintayin niya at back pay pero hindi na siya pinapapasok. "Nabasa ko na," saad niya sa dalawa. "Okay lang. Gano'n talaga. Nag-cause din naman talaga ako ng gulo." Maybe the execution of her plan was really bad timing. Hindi niya inisip kung ano ang ugali ni Evans. Na hindi ito makapaghihintay at makatitiis, na talagang susugurin siya nito kahit nagtatrabaho. And she almost ruined that important day of the hotel. "Sinabi rin ni Evans na tanggalin ka," ani Edith. Daneliya smiled a bit. "Okay lang, inasahan ko na 'to." "H-huwag ka na bumalik do'n, ha?" ani Lindy. "Hayaan mo na ang natira mong gamit do'n." Hindi na siya kumibo. Nang natapos ang tawag ay natulala siya. She really had the confidence to do this revenge. At ngayon, wala na siyang trabaho. Nabanggit ni Lindy ang uncle nito na nasa ibang bansa ngayon dahil may pinuntahan na fashion show. Tiyak na may maitutulong daw ito sa kaniya. Daneliya appreciates it so much pero hindi naman agad-agad 'yon. Kung mag-abroad siya, matagal ang proseso no'n. Paano ang pamilya niya sa mga panahon na hindi pa siya makakaalis? Ngayon, napapaisip tuloy siya kung tama ba talaga na naghiganti pa siya o dapat ay hinayaan niya na lang 'yon? Kung ang kalaban niya ay ang mga Alejandro na bawat salita ay may kapangyarihan. Kinabukasan ay maaga siyang umalis. Pupunta siya sa hotel para kunin ang mga gamit niya na naiwan do'n. Gusto niya rin makita saglit sina Lindy at Edith. Pagdating niya ro'n ay siya ring dating ng mga katrabaho niya. Maya't maya ang tingin ng mga ito sa kaniya habang nasa locker sila. Kinukuha niya na ang iba niyang gamit at hihintayin na lang sina Edith at Lindy bago lumabas. Kakausapin niya rin saglit ang supervisor. Nilapitan siya ng isa niyang workmate na si Ruel. Hinawakan siya nito sa balikat. "Sorry sa nangyari sa'yo, Daneliya. Alam namin na tinanggal ka na," saad nito at halata naman ang sincerity sa boses nito. Nginitian niya ito. "Salamat sa pagtulong mo sa akin kahapon. Pakisabi rin kay Garry at Vince." Si Ruel kasi at ang dalawang 'yon ang naglakas-loob na sumubok na tulungan siya kahapon ngunit wala ang dalawa dahil day-off ng mga ito. Napakamot si Ruel. "Wala nga kaming naitulong..." Nahihiyang sinabi nito. Umiling si Daneliya habang nakangiti saka tinapik ito sa balikat. "The fact na sinubukan niyo, sobra ko 'yon naaappreciate." Sumulyap si Daneliya sa wristwatch niya. "Sige na, Ruel. Start na ng shift. Salamat ulit." Ngumiti ito sa kaniya. "You're welcome, Daneliya." Luminga siya at napatingin muli sa orasan niya. "Wala pa rin sina Edith at Lindy..." Mahina niyang sinabi. Narinig iyon nang paalis na sanang si Ruel at bumalik ito sa kaniya. "Hindi nila sinabi sayo? Pinatanggal din sila ni Sir Evans kahapon kaya wala sila rito. Sige, start na ang shift ko," malungkot nitong sinabi at tipid na ngumiti saka malalaki ang hakbang na lumabas ng locker room. Naiwan mag-isa si Daneliya roon. She felt the coldness of the room. Natulala siya at nang makahuma ay mariin na napapikit saka napahawak sa sentido. Hindi sinabi sa kaniya ng dalawa. Nadamay ang mga ito. Pinatanggal ni Evans dahil sa kaniya... Her eyes became teary. Naalala niya ang sitwasyon sa buhay ng dalawa. The two aren't rich. Si Lindy ay maayos-ayos ang buhay pero gustong-gusto nito ang trabaho niya. Si Edith naman, galing sa sakit ang ina nito kaya ang daming maintenance na gamot kaya kailangan din nito sobra ang trabaho. And the two of them got terminated just because of her. Sobra-sobrang guilt ang naramdaman ni Daneliya. Lalo niyang naramdaman ang pagsisisi. She blamed herself for this. Dapat talaga, hindi na niya sinubukan na maghiganti pa. Yes, she was able to hurt Evans but all of that costs a lot. Nawala ang trabaho niya. Pati ang dalawa niyang kaibigan ay nawalan. Malamang ay hindi sinabi sa kaniya dahil alam ng mga ito na sisisihin niya ang sarili. Kaya pala ayaw siyang pabalikin na ni Lindy rito, para hindi niya 'yon malaman. Hinanap niya ang supervisor nila para personal na kausapin ito. Nakita niya ito malapit sa may reception area. Tila naintindihan nito na kakausapin niya ito kaya dinala siya nito sa may sulok. "Sir, I deeply apologize for what happened yesterday. Alam kong pinaghirapan iyon ng iba't ibang department para maging sucessful pero halos masira dahil sa eskandalo na nadala ko rito," aniya. Pormal lamang ang mukha na tinignan siya nito. "It's done, Miss Daneliya. I hope you learned your lesson. You were a great part of this company. I hope you will be really happy in your next job and it will surely be a work that you deserve," saad nito sa propesyunal na tono. "I gotta get to work. See you soon, Miss Daneliya," dagdag nito at nilampasan na siya. Pag-alis niya sa hotel ay halos tulala siya. Gusto niyang kausapin ang dalawa pero naroon din ang hiya sa kaniya. Nahihiya siya nang sobra sa mga ito. For the past months that they have been together at work, ang daming naitulong ni Lindy at Edith sa kaniya. Be it emotionally, mentally, pati financially. Ngayon, ito ang naidulot niya sa dalawa. Kamalasan. Her phone suddenly rang. Wala sa isip na sinagot niya 'yon. "Hello..." nanghihina niyang sinabi. "Where are you?" Boses iyon ni Garett. Luminga si Daneliya sa paligid. Hindi pa pala siya nakalalayo sa hotel. "S-sa may tawid ng Stanford Hotel..." she uttered that almost came out as a whisper. Hinang-hina talaga siya sa nalaman. Pakiramdam niya ay pasan niya ang mundo. "Okay. Stay there, Mallory. I'm coming," saad nito saka pinatay ang tawag. Tinitigan niya lang ang matayog na Stanford Hotel and Casino sa harap niya. Kahit umaga ay napakasigla noon sa loob. Marami ding naglalabas-pasok. Ayos lang na matanggal siya rito kung may mahahanap agad siyang trabaho. But she remembers the fact that she's on the blacklist of almost all companies... Sina Lindy at Edith kaya, makahahanap agad ng trabaho? Mas iniisip niya na ang kapakanan nito. Siya rin naman ay iniisip niya ang sitwasyon niya lalo na damay rin ang pamilya niya. Pero namomroblema din siya para kay Lindy at Edith dahil nadamay lang ang mga ito sa kaniya. Maya-maya ay huminto sa harap niya ang isang itim na kotse. Lumabas do'n si Garett. Kinuha nito mula sa kamay niya ang bag na naglalaman ng mga kinuha niyang gamit niya sa hotel. "Let's go," ani Garett at gamit ang isang kamay ay hinawakan siya nito at marahan na dinala sa may passenger seat bago ito umikot at sumakay na para mag-drive. Akala niya ay sa condo unit siya nito dadalhin ngunit dinala siya nito sa isang building sa Metro. Pagpasok ay agad niyang napagtanto na pag-aari ni Garett iyon dahil lahat ng nakakasalubong nila ay pormal na bumabati. Dire-diretso silang tumungo sa may private elevator na nagdala sa kanila sa pinakataas na floor ng building, ang office ng CEO. "A-anong ginagawa natin dito?" Hindi niya na napigilang tanungin pagtapak nila sa floor na 'yon. Napakalawak no'n. Hindi pa mismong office iyon ngunit may desk para sa receptionist doon tapos ay may waiting lounge pa kung saan may pantry. Dinala siya ni Garett sa loob ng office at halos malula siya sa lawak no'n. Tanaw na tanaw din mula sa ceiling-to-floor glass window ang mga skyscraper sa kalawakan ng Manila. "I'm touring you in your new workplace," Garett simply said. Nilingon niya ito at bahagyang nanlaki ang mga mata niya. "W-what? New workplace... ko?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango si Garett at tinitigan siya. "Yes, from now on, you will work here. I need a secretary and also receptionist. Ang nakita mo sa labas na si Miss Ainsley ay aalis na but—" Napakurap si Daneliya. "I can be your receptionist," presinta niya agad. Bahagyang tumaas ang kilay ni Garett. "I'm sorry but that position is already taken." Kumunot ang noo niya. "Akala ko vacant 'yon?" "Miss Ainsley just contacted the new receptionists, an hour ago. So the only vacant position for you now is to be my secretary." Napangiti si Daneliya. Pangarap niya 'yon dati pa, ang mapunta sa office work, maging secretary. And now, she's here, being offered to be one. "Are you willing to be my secretary, Mallory?" Agad siyang tumango habang malaki ang ngiti. "Yes, of course! Thank you!" Nanatiling seryoso si Garett ngunit tila may bahid ng ngiti sa labi. "We'll ready the contract." Bumukas ang pinto ng office ni Garett at pumasok ang receptionist nito na si Miss Ainsley. Nginitian siya nito at tinanguan bago tumingin kay Garett. "Sir, the new receptionists are here. I'm gonna start training them now." Garett nodded. "Tawagin mo muna sila rito, Miss Ainsley. I want to talk to them first." Tumango si Miss Ainsley at umalis. Maya-maya ay bumukas ang pinto. Daneliya's eyes widened when she realized who they are. "Lindy... Edith." Hindi niya makapaniwalang saad. Ang laki ng ngiti ng dalawa na naglakad palapit sa kaniya. "Sis!" Masayang sinabi ni Lindy. Nilingon ni Daneliya si Garett, ang mga mata niya ay tila kumikislap sa saya. "Thank you..." she said through her teary eyes. Nalutas na agad ang problema niya. Garett just nodded. "You're very much welcome, Mallory."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD