Chapter 25

3321 Words
Daneliya never imagined that it would come to this point. Her mother is swinging a knife towards her. Naisip pa niya na tatakutin lang siya nito. But split second before her mother would really stab the knife on her stomach, she realized that it is real. Everything is real. Her mother's rage and intention is for real. Sasaksakin talaga siya nito, without any hesitation or fear in her eyes. Mabuti na lang ay mabilis siyang naka-react. Ang isang kamay niya ay pinigil ang kamay ng mama niya samantalang ang isa ay direktang napahawak sa kutsilyo. Nagkatitigan sila habang pilit nitong sinasaksak iyon sa kaniya. The sharp blade cut on her soft palm. Agad tumulo ang dugo mula sa kamay niya patungo sa sahig nang mahiwa ng talim ng kutsilyo ang palad niya. "Ma!" she called her mother, sinusubukan na tawagin ang katinuan dito ngunit wala na 'yon epekto. Her mother glared at her and tried to push the knife closer to her. Umatras si Daneliya para hindi 'yon maisaksak sa kaniya pero dahil sa pwersa ng mama niya at hawak niya ang mismong blade ng kutsilyo ay lalo lang lumalim ang sugat sa palad niya. Ang hapdi at ang sakit no'n pero wala ng isasakit pa kaysa sa katotohanan na balak talaga siyang saksakin ng mama niya. "Mamatay ka ng suwail ka!" Her mom shouted on her face and pushed again, nilalaban ang pagpigil niya rito. "Mama, please!" sigaw pabalik ni Daneliya habang iniinda ang sakit. Kita sa mukha niya na nasasaktan na siya ngunit wala iyon epekto sa kaharap niya. Tila walang balak ang ina ni Daneliya na tigilan siya. Ngunit wala rin siyang balak na magpatalo rito dahil kapag masaksak siya nito, lalala lang ang sitwasyon. Mapapahamak din sina Daniella at Dane. At hinding-hindi siya papayag na mangyari 'yon. At that moment, she realized that she had no choice but to hurt her mother. Sinipa niya ang paa nito dahilan para matumba ito. Nang mawala ito sa focus ay malakas niyang hinampas ang kamay na may hawak ng kutsilyo kaya tumilapon iyon palayo. Then she pushed down her mother to the floor habang lalo ito nagwawala at nagmumura. "Bitawan mo ako! Papatayin na kita!" Pilit niyang pinigilan ang pagpalag nito sa kaniya. Daneliya's blood is still dripping at kumakalat na 'yon sa mama niya. Sa kamay nito, sa damit, at sa iba pang parte. Her hand hurts so much but she has to endure it. "Mama, mama... please naman," pagod niyang bulong, umaasa na bumalik ito sa katinuan. Biglang bumukas ang pinto, kasunod niyang narinig ang nahihintatakutang sigaw ni Daniella. Dali-daling pumasok ang kapatid niyang babae saka siya malakas na tinulak palayo mula sa ina nila. "Mama! Ano'ng ginawa mo kay Mama, ate!" Umiiyak na sigaw ni Daniella saka siya sinamaan ng tingin at agad lumuha dahil sa naabutan na tagpo. Looking at them, it really looks like her mom is the one who is wounded. Duguan ba naman ito dahil sa mga hawak ni Daneliya. Pero may kirot iyon sa puso niya nang marinig sa kapatid ang pang-aakusa na tila kaya niyang saktan ang ina nila lalo na sa madugong paraan. Hindi niya 'yon pinansin at tumayo na lang saka hinila si Daniella palagyo sa ina nila na pumapalag pa rin at hinahampas-hampas ang sariling anak. "Daniella!" "Ate bitawan mo ako! Ano'ng ginawa mo kay Mama? Papatayin mo siya, ha?" Mapang-akusa nitong sigaw habang sinusubukan yakapin ang mapanakit nilang ina. "Mga hayop kayo!" Their mother shouted, glaring at them. "Daniella bitawan mo si Mama! Ako na ang bahala sa kaniya. Sinasaktan ka na niya!" Daniella glared at her. "Ano'ng ginawa mo kay Mama?" Bago pa siya makasalita ay napahiga sa sahig si Daniella nang ubod-lakas itong tinulak ng ina nila. Their mother tried to stand to reach for the knife across the room. Hindi agad nakakilos si Daneliya dahil biglang dumating si Dane at papasok sa kwarto, makikita ang gulo ro'n. She was about to stop him pero nahawakan na ng Mama nila ang kutsilyo. Kaya imbes kay Dane ay sa ina nila siya lumapit upang pigilan ito. "A-ate!" Takot na takot na sigaw ni Daniella nang makita ang mangyayari. Their mother is going to swing the knife and Daneliya is more than ready to jump in front of them to make sure that they won't get hurt. Bago pa bumaon ang kutsilyo kay Daneliya ay may malaking kamay ang humawak sa braso niya at hinila siya patungo sa gilid para malayo sa tiyak na kapahamakan. In a swift move, that huge physique stopped their violent mother. Ang braso nito ay hinuli ang leeg ng kanilang ina para hindi na ito makakilos at mabilis na inagaw ang kutsilyo mula sa kamay ng babae. Daneliya's lips parted when she realized who it was. "Garett..." she whispered in shock. Sa isang iglap ay nawalan ng malay ang ina nila. Bumagsak ito sa sahig nang binitawan ito ni Garett at nilapitan siya. "Si Mama!" ani Daniella at agad nilapitan ang ina nilang wala ng malay. "Ang daming dugo ni Mama! Nasaan ang sugat niya? Ano ba ang ginawa mo ate?" Daniella asked in a panic. Malalaki ang hakbang na nilapitan siya ni Garett at agad siyang ineksamin. Then from his pocket, he reached for a handkerchief. Kasunod no'n ay tinali nito iyon sa palad niyang nagdurugo pa rin. "A-ate Daneliya..." Dane was crying as he walked towards her then hugged her. Tiningala nito si Garett. "Dalhin natin sa hospital si Ate, Manong. Please! Ang daming dugo!" Napalingon si Daniella at nanlaki ang mga mata nang mapagtanto ang katotohanan. Her teary eyes look at Daneliya's hand. Dahan-dahan itong napatayo mula sa tabi ng kanilang ina. "Ate?" she uttered in a shaky voice. "Ikaw ang may sugat?" Puno ng takot at pagsisisi ang boses nito. Nilingon niya ang babaeng kapatid at nginitian ito nang tipid. "Ayos lang ako. Don't worry." Lumayo nang kaunti si Garett at may tinawagan sa kaniyang cellphone bago lumapit ulit sa kaniya saka marahan na hinawakan sa braso si Daneliya. "Let's go. I'm bringing you to the hospital." Nag-aalangan na tinignan niya si Garett saka nilingon ang ina niyang wala pa ring malay sa sahig. "Paano si Mama?" "I've already called someone. They will be here any minute from now," he assured her. Lumapit si Dane sa kanila. "Sasama ako sayo, ate..." Napalingon si Daneliya kay Daniella na nakatitig pa rin sa kaniya, hindi mabasa ang ekspresyon. And it seems like she wants to go with them, too. Ibinalik niya ang tingin kay Dane. "Dito ka na lang muna, Dane. Samahan mo si Ate Daniella mo. Saglit lang kami sa hospital. Babalik din agad ako rito," aniya. She won't bring them to the hospital if not needed. Malungkot ang lugar na 'yon. Tumango si Dane sa kaniya. Inalalayan siya ni Garett palabas ng bahay at agad siyang pinasakay sa kotse. Then he swiftly drove the car. Garett looks calm pero sa bilis ng patakbo nito sa kotse, mukhang hindi ito totoong kalmado. Nilingon niya ang lalake. "Drive slowly, Garett..." Marahan niyang sinabi rito. Saglit siyang nilingon ng lalake at umigting ang panga nito. Hindi nagbago ang bilis ng takbo ng kotse pero masasabi niyang mas smooth na ang takbo no'n ngayon. It is fast but still feels safe. Pagdating sa hospital ay agad naman siyang inasikaso ng staff. Ginamot ang kamay niya habang si Garett naman ay tahimik na nanonood. The doctor asked if she had other wounds or any injuries but she assured them that it was only on her palm. Matapos no'n ay kinausap ng doctor si Garett at umalis ito kasama 'yon. Hindi naman nagtagal ay bumalik din ito at may dalang paperbag na naglalaman ng panggamot sa sugat sa palad niya sa mga susunod na araw hanggang sa gumaling 'yon. "Uwi na tayo, Garett. Hinihintay na ako nina Daniella at Dane sa bahay." Garett stared at her intently. "Hindi ka na babalik do'n. Sa condo na ang diretso natin," mariin nitong saad saka inalalayan siyang tumayo. Marahan niya itong inilingan. "May sugat lang ako pero hindi ako pilay or paralyzed. At kailangan ko umuwi..." Hindi umimik ang lalake. Paglabas nila ng hospital ay sumakay na sila ng kotse. Tahimik lang sila. Daneliya then sighed when she realized that he was not driving her to their home. "Kailangan ko umuwi, Garett. My siblings are waiting for me. Pati si Mama!" Garett shook his head. "You're going to stay away from your mother. Hindi siya makakalapit sa inyo. She should be in the right place after what she's done to you," he coldly said. Marahas niyang nilingon ang lalake. Ang daming tumatakbo sa isip niya. "What are you talking about? My mother needs me now more than ever. Hindi siya normal ngayon. At ano'ng lugar ang sinasabi mo? Ipapakulong mo ba si Mama? Hindi niya sinasadya ang ginawa niya sa akin! Nasugatan lang ako—" Saglit siyang nilingon ni Garett habang nagmamaneho ito at kita sa mata nito ang iritasyon na ngayon niya lang nakita. "Nasugatan ka? Hindi ko man nakita pero alam ko kung ano ang nangyari. She surely tried to stab you and you stopped it kaya ganiyan kalalim ang sugat sa palad mo. And no one who's in the right mind will do that to her very own daughter. And your mother has not been treating you well, Mallory. Mula noon at lalo na ngayon. Don't try to cover it up." Namuo ang luha sa mga mata ni Daneliya. "Wala kang alam sa amin, Garett. You don't know my mother. Stop meddling in my life! I don't need you," mariin niyang sinabi. She's so hurt and mad but more than anything, she's embarrassed. Because she knows that he is right. Kaya nga wala siyang idea kung paano mahalin at maalagaan ng isang mother figure dahil wala siya noon. Sanay na siyang hindi nagugustuhan ng mga mas nakatatanda sa kaniya na babae dahil nagsimula iyon mismo sa ina niya. She saw Garett's grip on the steering wheel tightened. Kumawala ang mga luha sa mata ni Daneliya at kasabay no'n ay narealize niya kung ano ang sinabi niya sa taong walang ginawa kung hindi tulungan siya. Garett helped her in so many ways. He's been so generous to her samantalang siya ay walang maibigay rito pabalik and yet, she said those words to him. Natahimik siya at nanlalamig ang dibdib. During those moments, she's sure that he's going to drop her off anywhere he wants. She swallowed hard. "Pwede mo na akong ibaba rito," mahina niyang saad. Kahit papaano ay matao pa sa bandang iyon. Kaysa naman ibaba siya nito sa lugar na hindi siya pamilyar. "That's never gonna happen, Mallory. Hindi ka bababa ngayon," he uttered firmly and continued driving. She looked at him. Lalo siyang nakaramdam ng guilt sa sagot nito sa kaniya. Oo nga pala, Garett is not Evans. He's not her ex boyfriend who claimed to love her so much but didn't hesitate to leave her out of nowhere just because he's mad or he didn't like what she said. Garett is way way more better than Evans. They shouldn't be compared to each other dahil walang-wala ito kay Garett. "I'm sorry..." Daneliya uttered softly after a while. Hindi kumibo si Garett, focus lang sa pag-drive. Sa condo unit nito siya dinala at hindi na siya umalma. Tahimik siyang naglakad sa tabi nito. Pagdating nila roon ay nauna siyang pumasok. Her heart is heavy and sad. Dahil iyon sa nangyari sa kanila ng mama niya at pati na rin sa biyahe nila ni Garett. Pag-angat niya ng tingin ay nanlaki ang mga mata niya nang makita si Dane at Daniella na sinisilip ang laman ng mga paperbag sa may harap nila na galing sa mamahaling restaurant. "Dane? Daniella? Ano'ng—" Napaangat ng tingin ang dalawa. Agad siyang sinugod ng yakap ni Dane habang si Daniella naman ay tahimik na lumapit sa kaniya at yumakap din. "Dito na raw muna kami titira, ate! Sabi ni Kuya Danilo kanina, tao siya ni Sir Garett," ani Dane habang nakatingala sa kaniya. Si Daniella naman ay nakayakap pa rin kay Daneliya. Naramdaman niya ang bahagyang panginginig ng katawan nito dahil sa pag-iyak. "Ate, sorry. Pinagbintangan agad kita kanina. Sorry talaga, sorry sa lahat," ani Daniella habang nakayakap pa rin sa kaniya. Nilampasan sila ni Garett at kinuha nito ang mga paperbag na naglalaman ng mga pagkain saka naglakad patungo sa may kusina. Daneliya watched him walk away. Hinagod niya ang likod ng dalawa saka niyakap ang mga ito pabalik. "Ang mahalaga, safe tayong tatlo at magkakasama," bulong niya. "Si Mama nga pala?" Lumayo ang dalawa sa kaniya. Nagpunas ng luha si Daniella. Nginitian niya ang kapatid na babae at hinaplos ang buhok nito. "Tama na 'yan. Walang problema do'n, Daniella. Naiintindihan kita." Tila lalong naiyak lang ang kapatid niya. Si Dane na ang sumagot ng tanong niya tungkol sa Mama nila. "Kinuha siya ng mga tao ni Sir Garett. Ipapagamot daw si Mama, ate, para bumalik na siya sa dati." Daneliya closed her eyes tightly as her conscience started to eat her up. Her way of thinking earlier was so f****d up. Inisip pa niya na ipapakulong ni Garett ang mama niya. Why did she think the worst thing? "Ayos ka lang, ate?" Pagmulat niya ay narinig niya ang tunog ng mga kubyertos at plato sa may kusina na malamang ay si Garett at nag-aasikaso ito roon. Nilingon niya ang mga kapatid saka tumayo. "Sumunod kayo sa akin. Kakain na tayo," aniya at nauna na sa paglalakad. Pagdating niya sa kusina ay naghahanda nga si Garett, iyon ang naabutan niya. He's preparing plates and glasses for four people. Her heart softened even more as she watched him move silently. Ano ba ang nagawa niya para makilala ang tulad ni Garett? He's not just kind and generous to her. Ngayon, pati sa mga kapatid niya. Nilapitan niya ito para tulungan. Sinulyapan siya nito saglit. Nginitian niya ang lalake nang bahagya ngunit hindi ito kumibo. Nang makita ni Garett ang mga kapatid niya ay saka lang ito nagsalita. "Let's eat," ani Garett. "Have a seat, Dane, Daniella," sabi nito saka naman siya pinaghila ng upuan sa tabi nito. Sabay-sabay silang kumain. Sarap na sarap ang mga kapatid niya sa nakahain habang si Daneliya ay halos hindi mapalagay. Siguro gano'n talaga dahil may hindi maganda siyang nasabi rito kanina. "Ang yaman-yaman mo naman, Sir Garett. Boyfriend mo ba siya, ate?" tanong ni Dane sa kaniya. Halos maubo siya sa tanong ng kapatid. Paano ba niya sasagutin na may mutual understanding lang sila ni Garett? Hindi iyon pwede malaman ng mga kapatid niya at hindi niya rin alam kung paano ipapaliwanag ang set-up nila sa mga ito. Tinaasan ni Daniella ng kilay ang bunso nilang kapatid. "Hindi ba obvious, Dane? Malamang, boyfriend siya ni ate." Daneliya's cheeks are heated. Paglingon niya kay Garett ay nakatitig ito sa kaniya habang nakataas ang kilay, tila takha sa reaksyon niya. Matapos kumain ay nagpresinta si Daniella na maghugas ng plato. Hindi sanay roon si Daneliya na may pagkukusa ito ngayon dahil nang mula ng nagtrabaho siya, si Dane ang pumalit sa paggawa ng iilang gawaing bahay. Daneliya can't do it now because of her deep wound in her palm. Mabuti na rin na nagkusa ito lalo na nasa ibang lugar sila. After Daneliya took a warm bath, she went out of their room. Naabutan niya si Garett na kausap si Dane at Daniella at dinala ang mga ito sa kwarto na pananatilihan ng dalawa. Tila hinahaplos ang puso niya habang nagmamasid. Garett is really a good man. "Matulog na kayo. Huwag na kayo mag-isip ng kung anu-ano. Magiging maayos din ang lahat," aniya sa mga kapatid bago niya iniwan ang mga ito sa kwarto nila. Pagdating niya sa kwarto nila ni Garett ay naabutan niyang nakaupo ito sa may kama at focus na focus sa ginagawa nito sa laptop niya. Nilapitan niya ito saka umupo sa tabi nito. She watched him as he types fastly on the keyboard of his laptop. "Go to sleep. You had a long day," ani Garett, hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Daneliya looked at him. Seryosong-seryoso ang mukha ng lalake. "I-ikaw ba? Matutulog ka na rin?" "I have to finish this." She nodded gently. Pinagmasdan pa niya ang lalake. "I want to say sorry for what I said earlier. And thank you... for everything," aniya. Hindi kumibo ang lalake. Nanatiling gano'n ang ekspresyon nito, seryoso at abala sa ginagawa. Daneliya silently sighed. Siguro nga na-offend din talaga ito sa sinabi niya. After everything he did for her, she said those words as if she's ungrateful. At kung talagang hindi okay si Garett sa kaniya ngayon, naiintindihan niya. May karapatan itong maramdaman kung ano man ang nararamdaman nito sa kaniya ngayon. Tahimik siyang gumapang para makahiga na sa kama. She covered half of her body with the warm comforter. Nakatagilid siya, nakatalikod sa direksyon ng lalake. Ilang sandali siyang natulala. Pakiramdam nga niya ang haba ng araw sa dami ng nangyari. Kailangan niyang malaman kung tama ba ang hinala niya sa nangyari sa mama niya. But if she really was using drûgs, who was her source? At kanino ito natuto? Her mother may not be the best mother but she knows na hindi ito gano'ng klaseng tao. Tiyak na may nag-impluwensya rito. At kailangan maisuplong niya kung sino man ang supplier para mabawasan ang mga ito. Drûgs could literally ruin someone drastically that would lead to a bigger disaster. And of course, Garett. She thought of Garett. She's thinking of ways kung paano makababawi sa lalake. She should have been more careful with her words. Daneliya felt like crying when she remembered what just happened earlier. Ang daming nangyari at hindi man lang siya nag-isip nang maayos. The fact that Garett came to their house is the reason why they were safe. Kung hindi ito dumating, baka lumala pa ang sitwasyon. Mas nasaktan siya at nasaktan din ang mga kapatid niya. He effortlessly stopped their mother from hurting them. And what she did in return is to be ungrateful to him in the car. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang ang matitipunong bisig ni Garett ay yumakap sa kaniya mula sa likod. Binaon nito ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat ni Daneliya. He hugged her so tight that it pushed away all her worries. "I can't let you sleep without us talking properly," namamaos nitong saad, ang mainit na hininga ay humahaplos sa balat niya. Inabot ng isa niyang kamay ang braso nito at hinaplos iyon nang marahan. "Are you mad at me, Garett?" she asked gently. "I am really sorry for what I have said earlier." His hug tightened even more. "I don't need your sorry, Mallory. What I'm waiting for is for you to say that you didn't mean it..." Kumunot ang noo niya saglit. "Meant what?" she asked. There was a long silence before he answered her. "That you don't need me," mahina nitong saad. Kumawala si Daneliya sa yakap nito saka hinarap ang lalake. Gamit ang kamay niyang may gasa, marahan niyang hinaplos ang mukha ni Garett. She stared at him intently then smiled a bit. "I'm sorry if I said that, Garett. But I didn't mean that. I need you. Of course I will always need you. Not just because you help me in a lot of ways. But because I really... need you..." aniya. Garett stared at her with his gray eyes looking so gentle than ever. Her words were vague, she was not specific because there were still uncertainties but it seems like Garett understood her deeply. As if their heart and soul were the one talking at that time, that precise words are not needed anymore. The future and feelings are still unclear but at that moment, one thing is for sure. They need each other and Garett will definitely do everything for Daneliya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD