Chapter 24

3238 Words
Nang dumating si Garett ay may kasama itong mga business partners at doon na ito nagkaroon ng meeting sa office nito. The past few days, sunod-sunod ang pagiging abala nito kahit nasa office lang. Daneliya prepared coffee and snacks for them saka siya umupo sa tabi ni Garett para mag-jot down ng mga mahahalagang detalye sa meeting na nangyari. Pagkatapos ng meeting at nang silang dalawa na lang ang nasa office ay tinawag siya ni Garett. Paglapit niya rito ay dinala siya nito sa kandungan saka siya pinaupo nang patagilid. Niyakap siya nito nang mahigpit saka binaon ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat niya. Lumabas na naman ang clingy side nito. "It's nice to have you here," saad nito sa kaniya. Dinig niya ang pagod sa boses nito. "At least, I can recharge when I am tired." Kumunot ang noo ni Daneliya at hinawakan ang mukha ng lalake. Pinagmasdan niya si Garett at ang ekspresyon ng mukha nito. "May problema ba?" marahan na tanong niya rito. Tila may iba sa lalake. Mukhang may problema at malalim na iniisip. May nangyayari kaya sa business nito? Garett smiled at her. "None. Everything is perfect because you're here with me," he said then kissed cheek. Napanguso si Daneliya saka inilapit ang mukha sa lalake at magaan itong hinagkan direkta sa labi. "Masaya ako na nakakatulong ako kahit papaano sayo..." marahan niyang saad at muli itong hinalikan. Iyon lang naman ang maitutulong niya rito. Moral support lang. Napapikit si Garett. Tila nawala ang tension sa katawan nito dahil sa paglalambing niya. "If only you know how much of help you are to me, Mallory. You're so great," he whispered sincerely. Napangiti si Daneliya at muli itong hinagkan. Lalayo na sana siya ngunit hinawakan ni Garett ang pisngi niya para mahagkan siya nito nang mas mabuti. He gently nibbled her lower lip then also her upper lip. He savored their kiss. Nang maglayo ang mukha nila ay namumungay na ang mga mata ng lalake. She can also feel him growing against her butt. Alam niya na ang gusto nito. Tuwing may pagkakataon ito, talagang hindi siya titigilan. Pero ngayon, hindi pwede iyon. Natawa siya at napairap nang maramdaman ang pagtigas nito sa may pwetan niya. "Garett!" natatawa niyang saad at pabiro itong pinalo sa matigas nitong balikat. Sumubsob ulit ito sa leeg niya saka doon ito humalik-halik. Para namang nakikiliti si Daneliya roon. Idagdag pa ang marahan na haplos nito sa hita niya. May gustong iparating ang mga haplos nito sa kaniya. "Do I have a coming schedule?" he whispered against her skin on her neck. He even licked her there. Daneliya pulled herself together. Hindi siya maaaring magpadala rito."Yes. Any minute from now, your client will arrive, Garett..." she whispered gently then kissed him teasingly. Pinutol niya agad ang halik nila. Narinig niya ang mahinang mura ni Garett saka nanggigigil na pinisil ang hita niya. "Tell Lindy and Edith to inform the client that our meeting will be adjusted dahil wala ako rito ngayon." Daneliya chuckled then shook her head. Pinilit niyang umalis sa kandungan nito at nilayo na ang sarili. Baka hindi na talaga makapagpigil ang lalake. Kapag sinimulan din siya nito hawakan talaga, hindi na rin siya makatatanggi. Mahirap na. "No. It's a very important client, Garett. Don't adjust it," aniya. "Marami pa tayong next time." Garett sighed in defeat at pabagsak na isinandal ang likod sa swivel chair niya. It seems like he's trying to calm himself. Maya-maya ay tumunog ang intercom at nagsalita si Lindy mula sa labas. "Sir Garett, Mr. Gregory Irinco has arrived," she informed them. Pumikit nang mariin si Garett at napatingin sa malaking bulge nito sa may pagitan ng higa. Pumula ang pisngi ni Daneliya at napailing na lang. Kawawang Garett. No choice ito at kailangan magtiis. "Come in," sagot ni Garett sa intercom bago nilingon si Daneliya. "Lagot ka sa akin mamaya," he uttered. Daneliya just rolled her eyes at him with a smile on her lips. Overtime si Garett sa araw na 'yon. Siya naman ay medyo maaga. Nakapagpaalam naman siya rito na maaga siya uuwi dahil dadaan si Daneliya sa bahay nila para bumisita. Garett wants to go with her pero may mahahalaga talaga itong meeting na hindi dapat palampasin kaya inassure na lang ni Daneliya na kaya niya naman ang sarili at mag-update na lang kaysa i-cancel pa nito ang meeting para lang masamahan siya. Sumahod na kasi siya no'ng nakaraang araw lang kaya balak niyang mamili sa grocery para sa pamilya niya at mag-aabot din siya ng pera sa Mama niya para sa mga gastusin sa bahay. Hindi niya 'yon agad nagawa dahil nga naging abala siya no'ng nakaraang araw kaya napagpasyahan niya na ngayon na lang 'yon gawin. Namili lang siya ng mga kailangan para sa bahay nila sa grocery. Tulak-tulak niya ang malaking cart habang namimili, karamihan ay pagkain para pambaon ng dalawa niyang kapatid, pang-ulam sa bahay, or snacks ng mga ito kapag nagugutom. Bumili siya ng maraming pang-stock para hindi na kulangin talaga. Natutuwa siya habang namimili. Hindi niya na kailangan magtipid nang sobra ngayon at 'di hamak na mas marami na siyang nabibili. Ang laki talaga ng inimprove ngayon at gusto niyang maranasan 'yon ng pamilya niya. Ang sarap sa pakiramdam na hindi na siya namomroblema sa pag-budget. Bumili na rin siya ng pampasalubong sa mga kapatid para pagkain na rin ng mga ito mamayang dinner. Dahil madami siyang napamili at dala ay nagtaxi na lang siya pauwi sa kanila. Pagdating sa harap ng bahay nila ay tinulungan siya ng taxi driver na dalhin ang mga pinamili niya sa may pinto para hindi na siya mahirapan pa. Pag-alis ng taxi ay saka siya kumatok sa pinto. Ilang beses siyang kumatok bago tuluyang bumukas ang pinto. Ngiti ang sinalubong niya sa nagbukas no'n pero napawi iyon nang makita ang hitsura ni Daniella. Mukha itong sobrang stress. "Daniella, may problema ba?" Hindi niya napigilang ibungad ang tanong na 'yon dahil sa pag-aalala. Tinignan lang siya nito sunod ay ang mga dala niya saka ito pumulot do'n ng dadalhin sa loob at iniwan siya sa may pinto. Sanay naman na siya sa gano'ng pakikitungo nito pero parang may iba at mukhang problemado ang kapatid niya. "Dane, andiyan 'yung ate mo. Tulungan mo sa mga dalahin niya," walang gana na sinabi ni Daniella sa bunso nila. Hinanda rin ni Daneliya ang ngiti para sa bunsong kapatid na lumapit sa kaniya. Nakangiti rin ito sa kaniya ngunit kita niya agad ang stress at lungkot sa mukha nito. Kumunot ang noo niya at lalong nadagdagan ang pag-aalala na nararamdaman. "Dane..." "Ate!" saad nito saka yumakap sa kaniya nang mahigpit. "Pasok ka." Tinulungan siya nito ipasok ang mga pinamili niya bago nila sinara ang pinto. Luminga si Daneliya sa bahay nila. Wala namang nagbago sa decorations o pwesto ng mga gamit pero bakit parang may mali. Parang may kulang at problema. The house was also extra silent than the usual. Something is definitely wrong. "Nasaan si Mama?" tanong niya nang hindi ito nakita roon. Umiwas sa kaniya ng tingin si Dane at sinilip ang mga dala niya. "Nasa kwarto niya, ate. Huwag mo na istorbohin. Baka magalit pa," sagot nito sa kaniya habang nagbubuklat ng mga grocery items doon. Tumango siya sa sinabi ni Dane. Naiintindihan niya ito. Sabagay, malamang ay ayaw pa rin siya nitong makita dahil nga pinalayas siya nito no'ng nakaraan. Hindi rin maganda ang huling tagpo no'ng nandito siya no'ng nakaraan kasama si Priscilla at Garett. Tinulungan niya si Dane at Daniella na i-arrange ang mga pinamili niya sa kusina nila. Nilagay nila 'yon sa may cabinet, maayos na inarrange. Ang mga frozen goods at iba pang kailangan nasa lamig ay nilagay na nila sa ref saka niya hinain sa mesa ang binili niyang dinner para sa mga ito. Ngiting-ngiti siya habang hinahain 'yon. "Ayan 'yung gusto mo Daniella, 'di ba?" aniya saka tinignan ang kapatid. Naalala niya ang request nito last time na nag-order siya kaya iyon ang binili niya ngayon para matuwa naman ang kapatid niya. Tila wala itong gana na tumingin do'n saka tahimik na kumain. Mukhang wala ito sa mood sobra. Pilit na lang siyang ngumiti at inalalayan ang mga ito sa pagkuha noon. "Ikaw ate, hindi ka kakain?" tanong ni Dane sa kaniya nang makitang nanonood lang siya. Para sumabay sa mga kapatid ay kumain na lang siya nang kaunti. Na-miss niya rin naman makasama ang mga ito dahil no'ng hindi pa siya pinalayas, talagang sabay-sabay sila nagdi-dinner. She looked around again while eating to see what was wrong in their house. Parang may kakaiba talaga. Then her brows furrowed when she slowly realized it. Nawawala ang TV nila pati ang mga speaker nilang malalaki! Mga luma na 'yon pero dahil nga mga original at talagang maingat sila sa gamit ay para pa rin 'yon mga bago. Halos hindi rin nila ginagamit dahil nagtitipid sila sa kuryente. Napatayo siya at tumungo sa sala para hanapin ang mga 'yon ngunit wala siyang naabutan sa pwesto dapat ng mga gamit na hinahanap niya. Nilingon niya ang dalawa sa mesa na tutok lang sa pagkain nila. Luminga siya ulit at litong-lito nang marealize na ang iilan pa nilang gamit ay nawawala rin. Kaya pala may kulang. "Nasaan ang mga gamit nating iba? 'Yung TV at dalawang malaking speaker?" she asked. "Pati 'yung microwave oven natin... Nasira na ba? Pinatapon na?" sunod-sunod na tanong niya. Hindi siya pinansin ni Daniella samantalang si Dane ay napakamot habang malungkot ang mukha. "Eh, ate, binenta na ni Mama ang mga 'yon," sagot nito sa kaniya. Napakurap siya. Binenta? Bakit ibebenta? Sa tagal na ng mga 'yon, ngayon pa talaga ibebenta? Bago siya pinalayas ay nag-abot siya ng malaking halaga sa Mama niya. Halos buo iyon, final at back pay niya na natanggap mula sa Stanford Hote and Casino. At alam niyang malaki rin ang natanggap nito mula kay Priscilla kapalit ng pagpapalayas sa kaniya. Kaya bakit kakailanganin ibenta ang mga 'yon. "Bakit?" hindi na napigilang tanong niya. Hindi nakasagot si Dane kaya si Daniella ang tinignan niya. "Daniella?" pagtawag niya rito, nanghihingi ng sagot. Masama siya nitong tinignan. "Kung hindi ka sana umalis, e'di alam mo sana kung bakit!" iritadong saad nito saka padabog na tumayo sa kinauupuan nito. Dinala nito ang pagkain at umalis sa mesa saka tumungo sa sariling kwarto niya. Daneliya was shocked in her sister's reaction. Sanay na siya sa kamalditahan nito pero parang may something sa ikinikilos nito. Tinignan niya si Dane na tutok sa pagkain, maganang-magana na tila sobrang gutom. "Dane, may problema ba rito sa bahay?" marahan niyang tanong sa bunso nila. Tumingin ito sa kaniya saka tahimik na umiling. Hindi pa rin siya kontento sa nakuhang sagot. Pagkatapos kumain ng kapatid ay dahan-dahan siyang tumungo sa kwarto ng Mama nila. Binuksan niya ang pinto at sinilip ito. Nakabukas ang dim light. Tulog na tulog ito sa mga oras na 'yon. She sighed. Akmang lalabas na sana siya roon para hindi na makaistorbo nang may mapansin siya. Kumunot ang noo niya at pumasok. Tinignan niya nang malapitan ang Mama niya. Her lips parted in shock. Bakit parang ang laki ng ipinayat ng Mama niya? May nag-iba rito... Ano ba ang meron bakit ang dami biglang nagbago sa bahay nila, ilang araw pa lang siya nawala. Akmang hahawakan niya ito nang biglang may humawak sa kaniya at hinila siya palabas mula room saka sinara ang pinto ng kwarto ng Mama nila. "Daniella," mariin niyang saad sa kapatid. Ito ang humila sa kaniya palabas doon. Masama ang titig nito sa kaniya. "Huwag mo siyang gisingin. Hindi mo alam kung gaano kahirap kontrolin si Mama dahil iniwan mo kami rito!" saad nito saka naglakad patungo sa sariling kwarto. Kunot ang noo na sinundan nito si Daniella. Pumasok siya sa kwarto ng kapatid niya saka sinara ang pinto. Daniella glared at her. "Umalis ka na! Hindi ka namin kailangan dito!" "Daniella, ano ba ang problema?" she asked in frustration. Kanina pa ito gano'n. Parang may gustong sabihin dahil galit siya pero dismissive naman. "Hayaan mo na dahil wala kang pakialam sa amin, 'di ba? Iniwan mo nga kami. Hirap na hirap kami dito pero ikaw, nagpapakasaya sa buhay kasama ang mayaman mong boyfriend! Iniwan mo ako, lalo na si Dane. Ikaw lang ang inaasahan namin pero gano'n ang ginawa mo sa amin!" She shook her head firmly. "Daniella, pinalayas ako. Hindi ko kayo iniwan! Magkaiba 'yon!" Dinuro siya ni Daniella. "And you didn't make any effort to come back here! Wala kang kwentang ate!" Umangat ang kamay niya at muntik niyang masampal ito ngunit pinigil niya ang sarili. Daniella just glared at her. Gano'n kadali sabihin nito sa kaniya iyon kahit ang dami niya ng ginawa para dito. "Sige, gawin mo. Sampalin mo ako! Saktan mo ako! Katulad ka lang ni Mama, lagi kaming sinasaktan!" Napakurap siya sa narinig. "W-what? Daniella, paanong sinasaktan? Never kayong sinaktan ni Mama, 'di ba?" lito niyang tanong. Sa kanilang magkakapatid, siya lang ang nakaranas ng pananakit mula sa Mama niya. It is very evident na mahal nito ang dalawa niyang kapatid at kahit kailan ay hindi man lang nalapatan ng kamay ng Mama nila. Si Daneliya naman ay nakakaranas ng sabunot, sampal, at kurot pero hindi gano'n kalala. Hindi naman mapanakit ang Mama nila. Kaya hindi siya makapaniwala sa narinig mula kay Daniella. Palagi silang sinasaktan? "You're clueless because you left us. Kaya kami lang ang nagsa-suffer!" sigaw nito sa kaniya. Hinawakan niya ang magkabilang-balikat ng kapatid niyang babae saka ito inalog. "Daniella, ipaliwanag mo naman sa akin nang maayos para maintindihan kita!" she frustratedly said. Kanina pa ito gano'n. Hindi siya binibigyan nang maayos na context kaya hindi niya alam kung ano ba talaga ang meron. "Gusto kitang maintindihan. Ipaliwanag mo. Huwag pangunahan ng galit mo. Sabihin mo sa akin para magawan ko ng paraan kung kaya ko!" Nasigawan niya na ito sa sobrang frustration. Naghabol siya ng hininga pagkatapos sabihin 'yon. Daniella burst into crying at halos mapasalampak sa sahig, mabuti na lang nahawakan niya ito. Yumakap sa kaniya si Daniella. It was the first time that Daniella hugged her. Para itong bata na yumakap sa kaniya nang mahigpit. Takot na takot at tila nagmamakaawa. "Ate, si Mama kasi... Hindi namin alam kung bakit. Basta bigla na lang siyang nagbago. She's always delusional. Laging bayolente. Palaging nambibintang. Lagi siyang nagwawala! Kahit ang mga baon namin, kinukuha niya. Halos wala na kaming makain tapos sasaktan niya pa kami at magwawala siya. Nakakapagod, ate. Nakakatakot. Hindi kami makatulog ng maayos dahil natatakot kami na baka ano ang gawin niya sa amin habang tulog kaya nagsasalit-salitan kami ni Dane ng tulog. Ang hirap-hirap, ate! Hindi namin mararanasan lahat ng 'yon kung nandito ka dahil ipagtatanggol mo kami kay Mama, 'di ba?" tila bata na pagsusumbong nito. Tears fell from Daneliya's eyes. Tila pinipiga ang puso niya. Mas gugustuhin niya pang nagmamaldita sa kaniya si Daniella kaysa ganito na takot na takot ito. Dahil ibig sabihin ay may malalang nangyayari. Hindi siya makapaniwala sa narinig. What happened to their mother? "Ate, huwag ka ng umalis. Huwag mo kaming iiwan ni Dane dito. Palala nang palala si Mama. Baka sa susunod, mapatay niya na kami. Please, ate!" Daniella begged to her. Lalong naluha si Daneliya. Niyakap niya nang mahigpit ang kapatid. Pilit niyang kinalma ang sarili. Hinawakan niya ang mukha ni Daniella saka pinunasan ang luna nito. "Listen to me, Daniella," aniya. Daniella nodded through tears. "Mag-impake ka ng mga damit niyo ni Dane. Pati ang gamit niyo sa school, dalhin niyo." Tila nagliwanag ang mukha nito. "Isasama mo kami?" Tumango siya at nginitian ang kapatid. "Oo kaya bilisan—" "Dane! Daniella!" Napatuwid ng tayo si Daneliya nang marinig ang malakas na sigaw ng Mama niya. Naramdaman niya ang panginginig sa takot ni Daniella. Pinisil niya ito sa balikat. "Focus sa task ko sayo—" "Si Dane ate..." Tumango siya at lumabas ng kwarto. Agad hinanap ng mata niya si Dane na nasa kusina, nakatayo sa may sulok hawak ang hinuhugasan na plato. Kitang-kita niya ang panginginig nito, malamang ay narinig ang boses ng Mama nila. "Tang-nang mga bata 'to. Dane, Daniella, nasaan kayo!" Paikot-ikot sa sala ang Mama nila. Pinagmasdan ni Daneliya ang babae. Talagang namayat ito. The last time she saw her mother, hindi gano'n kapayat. Sakto at malaman ang katawan nito. But now, she lost a lot of weight. Pagharap nito sa direksyon niya ay agad siya nitong nakita. Ibang-iba ang hitsura ng Mama niya ngayon. Maganda ito at mukhang bata pa rin kahit may edad na ngunit ngayon ay tila nanunuyo ang balat at ang tanda ng mukha. Ilang araw pa lang ang nakalipas, gano'n na ang pagbabago nito. "Daneliya!" sigaw nito sa kaniya saka malalaki ang hakbang na lumapit sa kaniya. Tinulak-tulak nito ang ulo niya gamit ang hintuturo. "Umuwi ka pa talaga dito! Sabing huwag ka ng babalik! Pahingi akong pera!" sigaw nito sa kaniya saka sumingot-singhot. She swallowed hard. Tears swelled her eyes. Nasaan na ang Mama niya? Tila hindi ito ang ina niya sa laki ng pinagbago ng hitsura. "Saan mo gagamitin, Ma?" matapang niyang tanong dito. Her mother glared at her. "Aba't! Tatanungin mo pa talaga! Malamang nag-aaral ang mga kapatid mo. Pangkain pa nila! Pagkain pa dito—" "Mama, nakita ko si Daniella at Dane. Halos mamatay sa gutom ang mga kapatid ko dahil wala ng makain. Bakit gano'n? Saan mo dinala ang mga pera? At bakit mo sila sinasaktan, 'Ma? Ano ba ang nangyayari sayo!?" hindi niya na mapigilang sigawan ito habang lumuluha siya. Naaalala niya ang estado ng mga kapatid niya at malinaw niya rin nakikita ngayon ang hitsura ng ina niya. "Ano ang ginagastusan mo nang malaki, Mama?" Her mother glared at her. Her eyes were suddenly filled with storming rage. Hinablot nito ang buhok niya saka siya sinabunot-sabunutan. Sinampal-sampal pa siya nito na may kasamang kalmot. Sobrang bayolente nga nito. Tila gigil na gigil at malala ang galit sa mundo. "Mama, tama na!" Umiiyak na sigaw ni Dane nang makita na sinasaktan nito ang ate Daneliya niya. Daneliya tried her best to stop her mother without hurting her pero sadyang kakaiba yata ang lakas nito kaya nahirapan siya. Umiiyak siya habang natatanggap ang mga pananakit nito. Pero hindi iyon ang kinaiiyak niya. Hindi dahil nasasaktan siya sa pisikal. It is her heart that was hurting. Bakit nagkakaganito ang pamilya niya kung kailan gumaganda na sana ang takbo ng buhay niya? Kung kailan mabibigyan niya na ang mga ito nang mas magandang buhay? Binitawan siya ng Mama niya na galit na galit pa rin sa kaniya. "Nasaan ba ang pamalo ko!" Tumakbo ito sa kwarto niya. Sinenyasan niya si Dane na pumasok sa kwarto kasama ang ate Daniella niya saka niya sinundan ang Mama niya sa kwarto nito. She opened the lights at pinanood niya ang Mama niya na maghalungkat sa mga gamit nito ng kung anuman na hinahanap nito. May nahagip siya ng tingin. Daneliya's eyes were glued on the things that were on the bedside table. Nilapitan niya 'yon at umawang ang labi niya nang makita ang mga pamilyar na bagay na sa balita niya lang napapanood noon. Drug paraphernalia. "Ikaw, suwail kang bata ka! Hindi ka na madadaan sa palo!" Paglingon niya sa mama niya ay nanigas siya at natulala. May hawak na itong kutsilyo at isasaksak na 'yon sa kaniya. Wala na talaga ito sa katinuan at mukhang papatayin pa siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD