Chapter 23

2547 Words
She scoffed. Tumaas ang kilay niya at tinignan na tila hindi makapaniwala sa sinabi ng lalake sa kaniya. "Are you seriously asking me that?" she uttered with so much sarcasm in her voice. Evans glared at her. "Yes. Hindi ka nababagay sa industriyang 'yon, Daneliya. It's a tough world and I know how soft you are. Si Stacey, she's been in the industry for so long. She is experienced and just the best kaya siya dapat ang napili, hindi ikaw." Daneliya rolled her eyes then stood dahilan para mapaatras si Evans. "If she's that good, I wonder, bakit ako ang napili at hindi siya? Maybe because I suit their standard better?" aniya saka napailing. "You know what Evans, don't waste my time. Umalis ka sa harap ko. I am enjoying my peace here." Napangisi ang lalake na tila may naisip ito. "Are you jealous? Are you feeling bitter kaya inagaw mo kay Stacey ang slot?" he asked sounding so delusional. Napakunot ang noo ni Daneliya, hindi makapaniwala sa narinig mula sa lalake. Kung anu-ano ito! Ngayon niya nga lang nakita at nakilala si Stacey. At wala siyang pakialam dito, kahit kay Evans. She went here to try. Ni hindi nga niya inexpect na may makikita siya rito na konektado kay Evans, lalo na ang makita mismo si Evans. "Nababaliw ka na," she whispered saka ito nilampasan. Bago pa siya makahakbang ulit ay hinawakan siya nito sa braso kaya agad niya 'yon winaksi at nagpatuloy sa paglalakad. "I know sinadya mo 'yon because you're still inlove with me. Bitter ka sa aming dalawa. Nagseselos ka kay Stacey dahil nakuha niya ako sayo and now gumaganti ka at kinuha mo ang slot niya. After all, you really want to take your revenge, right?" saad nito habang sumusunod sa kaniya Hinila siya ulit nito paharap. "Ano ba? Bitiwan mo nga ako!" she said on his face, inis na inis na rito. Nauubos na ang pasensya niya. "Pwede ba, stop your delusions? Hindi na kita iniisip Evans. Wala na akong pakialam sayo. I went here para tuparin ang pangarap ko na sinubukan mo pigilan noon. Wala akong pakialam sayo at sa bago mo o sa kahit ano pa tungkol sayo, okay?" seryoso niyang sinabi rito. Gusto niyang idiin sa kokote nito iyon. Hinigpitan nito ang hawak sa braso niya. "Yumabang ka na talaga simula nang nadikit ka sa Garett na 'yon, 'no? You think you're in the better place now? Daneliya, Garett is going poor. He's just keeping it as a secret. Hindi mo alam pero naghihirap na siya. Kaya nga iniwan siya ni Mommy. Kaya kung ako sayo, iwan mo na siya dahil wala kang mapapala sa kaniya!" She smirked. "And then what? Pag-iniwan ko siya babalik ako sayo?" Natigilan si Evans at natahimik. It was like he was really hoping to hear those words from her. She shook her head while staring at him straight into the eyes. "That would never happen. I would rather be with a poor man, even with the poorest man, kaysa bumalik sa tulad mo. A lying cheater jerk who's a mama's boy. That's exactly you, Evans," mariin niyang sinabi rito. "What's happening here?" Dumating si Stacey at agad hinila si Evans palayo kay Daneliya. She then glared at her. "Are you trying to get him back? Dream on Daneliya. We've been together longer than you're with him." Daneliya chuckled then composed herself. "Both of you are delusional. Bagay na bagay kayo. Please, pakilayuan niyo ako. I don't want to be associated with you anymore," mariin niyang saad at tinalikuran ito. Bigla ay may humila sa buhok niya at siguradong si Stacey 'yon. "You b-tch!" she said as she pulled Daneliya's hair. Daneliya tried to fight back. Mas matangkad si Stacey sa kaniya pero sinubukan pa rin niyang pumalag kahit hindi siya sanay sa gano'n. Lugi na siya pero susubukan pa rin niya. "Stacey, stop!" ani Evans at pilit na nilayo ang babae kay Daneliya. Nang mapaghiwalay ang dalawa ay tinulak nito sa gilid si Stacey saka nilapitan siya para ieksamin. "Are you okay?" he touched her face. Aalisin niya pa lang ang kamay nito sa kaniya ay may tumapik na roon palayo kaya napahawak si Evans sa palapulsuhan dahil para siyang nabalian doon. Napatingala si Daneliya sa taong dumating. "Stop touching my woman, Evans," mariin na saad ni Garett saka sinulyapan si Daneliya na namumula ang mukha at magulo ang buhok. Then he eyed Stacey who looked stunned. "And put your feral girlfriend on a leash. Dahil kapag hindi ako nakapigil, I'll put her behind bars." "Garett..." Daneliya whispered. He eyed her keenly. "Are you okay?" Marahan nitong inayos ang buhok niya, puno ng pag-iingat para hindi siya masaktan. Evans was watching them intently, anger was building up inside him. Nang hindi na nakapagpigil ay bigla nitong inundayan ng suntok si Garett na tumama sa panga nito dahil hindi nito iyon inaasahan. "Akin si Daneliya, Garett!" Evans shouted then launched another punch. Bago pa iyon tumama kay Garett ay inunahan niya na ito nang mabilis na suntok na tumama sa mukha nito. Napaatras si Evans at halos matumba. Garett gently pushed Daneliya aside when he realized that Evans would really put up a fight against him this time. Tumayo ito saka nakayukong yumakap kay Garett at sumuntok-suntok sa tagiliran nito. Garett is obviously bigger and stronger than Evans. He effortlessly removed Evans from him saka ito tinadyakan sa tiyan. Natumba nang tuluyan si Evans, nakasalampak na sa sahig. But he looked up with fiery eyes. Galit na galit pa rin ito habang si Garett ay kalmado lang. "Ibalik mo sa akin ang girlfriend ko, Garett. She's mine. She's only mine. You f-cking bastard!" Sumugod ito muli ngunit walang maayos na instance. Tumiim ang bagang ni Garett saka malakas na sinapak sa mukha si Evans. It made his lips bleed. Sumubok umawat si Stacey ngunit tinuro lang ito ni Garett at awtomatikong napaatras na sa takot. Pinulot ni Garett si Evans gamit ang kwelyo nito saka inangat at sinapak ulit sa mukha. "This is for all the times that you've physically hurt her." Paulit-ulit niya itong sinapak. Nakaramdam na ng pag-aalala si Daneliya sa napapanood niya kaya lumapit na siya kay Garett at humawak sa braso nito. She didn't know her eyes were teary. Nang makita siya nito ay agad nitong binitawan si Garett saka tumiim ang bagang at tumalikod. Maluha-luhang nilapitan ni Stacey si Evans na pinipilit pa rin tumayo. "Babe!" she cried. Pinanood ni Daneliya iyon ngunit wala siyang naramdaman. Ang takot na naramdaman niya kanina ay para kay Garett dahil baka mapahamak pa ito kapag magpadala sa galit. "Babe..." mahinang saad ni Evans. Tumalikod na si Daneliya. Nakatingin sa kaniya si Garett, pinagmamasdan ang ekspresyon niya. "Yes, babe?" Stacey said. "Babe... Daneliya..." he uttered. Mariin na pumikit si Daneliya. Siya pala ang tinatawag nito. Alam niyang nasaktan si Stacey sa ginawa na 'yon ni Evans. "Please... Bumalik ka na sa akin. I miss you. Mahal na mahal kita, Daneliya. I realized that no one can really replace you. You're the only woman who's precious to me." Kahit hirap ay lumuhod ito at hinawakan ang kamay niya habang umiiyak. "Babe, come back to me." Hinarap niya nang dahan-dahan si Evans. She looked at his face. May bahid ng dugo ang mukha nito at namamaga na rin iyon. His tears were falling endlessly. Pilit itong nagmulat at tinitigan siya. "Please? Let's start over?" Natulala siya sa mukha ni Evans. Hinalikan nito ang kamay niya habang nakatingala sa kaniya. Hindi niya na namalayan na umalis na si Garett sa tabi niya nang natulala siya. She glanced at her side where Garett was standing only to see him gone. Binawi niya ang kamay mula sa hawak ni Evans saka siya umiling. Kitang-kita niya ang pagkalugmok nito sa naging sagot niya. "Let me go, Evans. We're not getting back together. Stick to your decisions and be happy," tanging sinabi niya saka tumalikod at halos lakad-takbong umalis doon. Hinanap niya si Garett. Hinanap niya ang kotse nito sa mga nakahilerang sasakyan do'n ngunit hindi niya mahanap. She looked around. "Garett?" she called out his name. Hindi niya ito nakita. She sighed and stood there helplessly. Iniwan ba siya nito? Napayuko siya at mariin na pumikit. Tila nagbagsakan ang kung ano man sa kalooban niya. "Are you done?" dinig niyang tanong ng pamilyar na boses. Nabuhayan siya muli ng loob saka nilingon ang pinanggalingan no'n. It was Garett who was staring at her seriously. Agad niya itong nilapitan saka niyakap nang mahigpit. Sinubsob niya ang mukha sa malapad nitong dibdib. "Are you going to say goodbye to me now? Babalik ka sa kaniya?" marahan nitong tanong sa kaniya. Umiling siya saka tiningala si Garett. She realized it when she was staring at Evans' face earlier. Wala na siyang nararamdaman dito. At that moment, kahit galit ay wala na. Nang makita niya kung paano siya ipinaglaban at iginanti ni Garett ay tila umalis na sa katawan niya ang lahat ng sakit at galit. She realized that what's important now is that she has him. She has Garett, a man who will not let anyone hurt her. Someone who will protect her. And the man who will do anything to fight for her. "I'll stay with you, Garett." Ngumiti siya. "I want to be with you." Garett stared at her. Then he closed his eyes tightly. He let out a sigh of relief and all the tension on his body left. Niyakap siya nito pabalik nang mahigpit. "I was scared..." he uttered vulnerably. "Akala ko babalik ka sa kaniya." Nakangiting umiling si Daneliya habang nanatili na nakayakap kay Garett. "G-gusto ko sayo," she whispered softly. Lalong humigpit pa ang hawak sa kaniya ni Garett. "Then stay. Let's stay together, okay?" Saglit na lang ang hinintay nila para pumirma siya ng kontrata. Pagkatapos no'n ay umuwi na sila. Pagdating sa condo ay inasikaso muna niya ang nasuntok na panga ni Garett. Even he insisted that it was nothing, nilagyan pa rin niya 'yon ng cold compress saka siya nagluto ng pananghalian nila. Pareho silang wala pang maayos na lunch kaya kahit late na ay nagluto na lang siya ng pork steak. Mabilisan lang. Just for them to have a hearty meal. Habang kumakain ay nakangiti si Garett kaya siya naman ay nakararamdam ng hiya. "Okay lang ba ang lasa?" she asked curiously. "Hindi ko alam kung napapangiti ka or nagpipigil ng tawa..." Garett chuckled then caressed her legs. "I'm happy, Daneliya. It has been a long time since someone cooked for me... a hearty home cooked meal. I can't stop smiling." Her eyes widened a bit. "Really?" Tumango ito sa kaniya. "The past years, it's either I cook or I eat in restaurants. Kung ipagluluto man ako sa isang bahay kung saan ako naroon o bumisita, it's always a fancy food. Kaya ngayon na lang ulit ako nalutuan ng ganito, a simple but very homey and delish meal. So, thank you, Mallory." Napangiti si Daneliya at tumango. "You're welcome. Lagi na kitang ipagluluto hangga't keri ng time. Basta, huwag ka lang mag-expect masyado sa lasa kasi sakto lang ang luto ko." Garett smirked. "Sakto? This is delicious!" Daneliya scrunched her nose while her cheeks were blushing. "Bolero ka naman!" aniya rito. Umiling ito habang nakangisi pa rin. "Hindi ako bolero. I'm telling the truth. It's so good." Napailing na rin siya. "Pareho kayo ng kapatid kong si Dane, grabe pumuri sa luto ko when I know it's simple and just decent enough." Bahagyang napawi ang ngiti niya saka siya bumuntong-hininga. "I hope you will be able to meet him soon. Ang bait ng kapatid ko na 'yon. He's very sweet. When things are getting stressful at home, he's my breather. Malambing sa akin kaya nakatutuwa." "You miss him?" Garett asked. Agad siyang tumango. "Oo. Kaso mukhang mahihirapan akong makita siya. Sigurado akong pagbabawalan siya ni Mama." Tumango si Garett at hindi na umimik. Dahil siya ang nagluto, Garett insisted that he will be the one to wash the dishes. Ayaw sana niyang pumayag pero ayaw nitong magpatalo. Naligo na lang siya at nagpalit na rin ng komportableng damit para mas presko siya. Pagkatapos niya mag-asikaso ng sarili ay naabutan niya si Garett na nasa may maliit nitong office doon sa condo unit niya, abala sa laptop nito. Nilapitan niya ito saka siya yumuko para tignan ang panga nito. Marahan niya 'yon na hinaplos. "Kumusta ito? Masakit pa rin ba?" she asked. Umiling si Garett. "No. I told you, it's fine, Mallory. Don't worry about it, okay?" he gently said then glanced at her before looking at his laptop again. Ngumuso siya. "Sigurado ka, ha?" aniya. He nodded then glanced at her again. Hinagod siya nito ng tingin. Pagkatapos no'n ay bigla itong tumayo at sinara ang laptop. "Tapos ka na?" Garett smirked at her. Halos mapatili siya nang bigla siya nitong buhatin at dinala na siya sa kwarto. Pinahiga siya nito sa kama. "Babawi ako ngayon, 'di ba?" he said while a naughty smile was on his face. Natawa si Daneliya. "May ginagawa ka pa yata sa work mo!" natatawang saway niya rito. "Work can wait but this... no. I can't wait any longer," he said then removed his clothes. Tawa nang tawa si Daneliya nang inatake siya nito ng mapaglarong mga halik. Nakikiliti siya at natatawa sa kalokohan nito. But a few moments later, ang mga tawa niya ay napalitan ng ungol at ibang ingay na nasasarapan siya. MISS na miss siya ng dalawa niyang kaibigan pagpasok niya. Paano ba naman ay talagang naging abala siya for the past days kaya halos hindi niya na nakausap ang mga ito, personal man o kahit sa chat or texts man lang. "Ano'ng balita sayo, sis?" tanong ni Lindy. Kinwento niya rito ang nangyari tungkol sa pagkatanggap sa kaniya sa isang modeling agency. Tuwang-tuwa ang dalawa para sa kaniya. "Ayan na, nagsisimula ng matupad ang mga pangarap mo!" ani Lindy saka niyakap siya. Si Edith ay napalabi, masayang-masaya para sa kaniya. "Aww. I am so proud of you, Daneliya. Basta huwag mo kaming kalimutan kapag sumikat ka na tapos rumarampa ka na sa mga sikat na fashion show sa international ha!" saad nito. Napahagikhik si Daneliya saka ito tinapik. "Magsisimula pa lang ako. Pa-start pa lang nga ang project ko next next week pag-uwi ko galing sa business trip ni Garett." Ngumuso si Lindy. "Grabe girl, ang swerte mo talaga. Business trip sa Cebu! Soon, pati sa international business trip, isasama ka na rin niyan!" Ngumiti lang siya. Tama ang sinabi ni Lindy dahil sa susunod na buwan ay magkakaroon ito ng business trip sa Singapore kaya nga inaasikaso na ang passport at documents niya in advance para hindi magkaroon ng problema. "Simula no'ng naghiwalay kayo ni Evans, sunod-sunod na ang swerte mo!" ani Edith. Tipid siyang tumango at ngumiti. Parang gano'n nga ngunit na-balanse naman 'yon. Because although her career is going well and her aspirations are coming true, ang relationship niya naman sa pamilya niya ang nalalagay sa risk. "Tuloy-tuloy na 'yan, for sure! Nakakatuwa naman. Pa-big time ka na!" saad ni Lindy sa kaniya. Tinawanan niya lang ang sinabi nito. Masyado yatang natuwa ang kaibigan niya. Hindi pa naman siya big time. At problemado pa rin siya sa pamilya niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD