Chapter 22

3402 Words
For dinner, Garett decided to cook for them. Habang abala ito sa mga ginagawa niya sa kitchen ay pinapanood naman ni Daneliya ang lalake, nakaupo siya sa island counter do'n at pinagmamasdan ang bawat galaw nito. Tila sanay na sanay ito gumalaw sa kusina. His knife skills are also impressive. Napapangiti si Daneliya habang tinitignan ang seryoso nitong mukha na abala sa kaniyang ginagawa. She wonders, may hindi ba ito kayang gawin? He is really a complete package kind of man. He handles several businesses that is why he's surely rich although may recent issue nga na naging dahilan ng break up nila ni Priscilla. Garett is also effortlessly attractive. Sobrang gwapo nito. He has the perfect face, perfect height, and perfect body. Siguradong matalino rin ito sa dami na nitong na-achieve at maganda pa ang mga natapos na kurso at may doctorate degree pa sa kilalang unibersidad sa ibang bansa. He also knows the basic skills like cooking, cleaning, and other chores that could be easily done by a housemaid for him if he just wants. But after all those long lists of good things about him, he remains humble, generous, and decent. Garett Adamson is surely a great man. Kahit dahil lang sa plano nilang paghihiganti kaya niya nakakasama ito, ang swerte pa rin niya. She is so lucky to have him by her side... to know him at that deep level. She considers herself lucky. Bigla ay naalala niya ang mga nangyari kanina sa bahay nila. Pinagtanggol talaga siya nito kay Priscilla. And he made her slap that woman. He pushed her to slap the woman that he once loved. Napapaisip siya, mahal pa kaya nito si Priscilla o galit na lang ang nararamdaman ng lalake dito? Because it seems like he was ready to risk it all and hurt her kung hindi niya lang ito inunahan kanina na sampalin si Priscilla. "Paano ka nga pala napunta sa bahay kanina?" she asked. Nabigla na lang siya na naroon na ito, sumunod pala sa kaniya. "You left your sling back in the car kaya hinabol kita para ibigay sayo," he said while expertly cutting the potatoes. "But iyon ang nadatnan ko." Tumango siya sa sagot nito. Sa sobrang pagmamadali niya ay naiwan pala niya ang bag niya sa kotse kanina. Malungkot na napangiti si Daneliya nang maalala ang Mama niya. Hindi pa rin siya makapaniwala. Siguro dahil umasa siya rito na sa kabila ng pagpapalayas sa kaniya at pagpapahiya nito, hindi pa rin gano'n kalala ang pag-ayaw sa kaniya ng sarili niyang ina. Pero sa nalaman niya kanina na inutusan lang pala ito ni Priscilla at nabayaran pa, doon niya na talaga napagtanto na wala talaga itong pakialam sa kaniya. Baka kahit katiting na pagmamahal ay wala. She silently sighed because of that thought. Pera na lang ba talaga ang nasa isip ng ina niya? Mas mahalaga pa 'yon para dito kaysa sa kaniya na sariling laman at dugo. Napailing siya. "Ang mama, tumanggap ng pera galing kay Ma'am Priscilla. Hindi ko pa kasi siya mabigyan ng sapat na pera kaya siguro gano'n," aniya saka tinignan ang malapad na likod ni Garett. She's saying that to save her mother's image even a bit. Kahit malala ang ginawa nito sa kaniya, hindi niya pa rin gusto na masira nang tuluyan ang imahe nito lalo na kay Garett. Natigil si Garett sa ginagawa ngunit hindi siya nilingon. It was like, he wanted to say something but he stopped himself. "Kaya gusto kong kumita nang mas malaki talaga para sa kaniya. Pero sasahod naman na ako, makakaabot na ako sa kaniya ulit. And there is a possibility na makapasok na ako sa modeling industry. I'll be able to give them enough money, or sobra pa kahit papaano. Para hindi na siya tatanggap mula sa kung sino lang kapalit ng maling bagay," litanya niya. She did not see it but Garett's jaw moved. Natulala ito saglit matapos marinig ang mga sinabi niya kapagkuwan ay nagpatuloy sa ginagawa niya. "She's lucky you're kind and you love her so much," tanging saad nito sa dami niyang sinabi. Akala niya ay iyon lang talaga ang pakahulugan ni Garett but there's something else behind those words. Dahil kung hindi lang ito mahal ni Daneliya ay baka naturuan niya na rin ito ng leksyon para sa mga ginawa nito sa dalaga. Ngumiti si Daneliya. "I really love her. One day, she will ask me to come back to our home at maayos ulit kami. Hindi ako matitiis ni Mama, " she said with a hopeful tone but her smile was sad. Alam niyang tila kinukumbinsi niya na lang ang sarili. "Anyway, kahit wala ako sa bahay, susuportahan ko pa rin sila. Nag-aaral si Daniella at Dane, hindi ko sila pwedeng pabayaan," determinado niyang saad ngunit kumunot ang noo niya nang may maalala. "Pero sana, hindi na sila gamitin ni Priscilla laban sa akin." Ayaw niyang tuluyang umabot sa gano'n. Na kapalit ng kagustuhan niyang makabawi at makapaghiganti sa mga ginawa sa kaniya ng Alejandro, mapapalayo naman siya sa pamilya niya. It shouldn't cost that. In the first place, si Priscilla at Evans ang may masamang ginawa sa kaniya. She's just making them pay even in a small way dahil iyon lang ang magagawa niya. Ang masaktan ang mga ito emotionally. Pero kung makababawi lang din ulit ang mga ito sa kaniya, wala sigurong katapusan ang mangyayari. Ayaw niyang dumating ang araw na pagsisisihan niya nang labis na ginusto niya maghiganti. She was just really hurt and angry. Deserve din naman ng mga ito na masaktan niya sila kahit papaano. Pero kung sa bawat pagpapabayad niya sa mga ginawa nito sa kaniya ay matagumpay na makagaganti lang ulit ang mag-ina, it really just means one thing... Time and fate favor them, not Daneliya. And that will be really painful and unfair. In the first place, pure ang intention niya sa mga ito ngunit sinaktan lang siya at pinahirapan. For once, she wants them to experience their own medicine. Pwede ba 'yon? Itinigil ni Garett ang ginagawa at nilapitan siya. He stood across her, the island countertop is in between them. Yumuko ito at hinalikan siya sa noo pababa sa ilong, sunod ay sa labi. Daneliya closed her eyes and sighed in contentment. "I admire how strong you are, Mallory," he whispered. "And I'll do my best to protect and help you. Kung may magagawa ako, gagawin ko para hindi na nila magamit ang pamilya mo, lalo na ang mama mo." Nagmulat si Daneliya at tinitigan ang lalake. She smiled sadly. Nagamit ni Priscilla ang ina niya pero sa paraan na hindi pilitan. Nagkusa ito. Nagpagamit ang mama niya. Mas magiging madali siguro na hindi sila magamit laban sa kaniya kung in the first place ay hindi willing ang mga ito. But her mother doesn't like her. Kung saan ito makaka-benefit, do'n ito, walang pake kahit masaktan pa ang anak niyang si Daneliya. "Thank you, Garett. I appreciate you so much," she sincerely said. Garett looks serious but his eyes are happy as he stares at her. "Anything for you, Mallory..." Garett cooked beef stew for their dinner. Nang kakain na sila ay siya ang naghanda ng mga plato, kubyertos, at baso na gagamitin nila habang abala sa pag-plate si Garett ng ulam at kanin nila. Ang laki ng mesa pero magkatabi silang kumain. Unang subo ni Daneliya ng luto ng lalake ay namangha siya sa sarap. She raised a double thumbs up. Garett smirked. Pakiramdam niya ay talo pa siya nito magluto. Marunong siya magluto-luto pero 'yong mga simpleng ulam lang. Nasasarapan palagi si Dane pero pakiramdam niya ay binobola lang siya nito. But she's sure that her food is decent in taste. Ngunit kung luto ni Garett ang pag-uusapan, masasabi talagang napakasarap. "You know what..." aniya matapos lunukin ang sinubo saka naglagay ulit siya sa kutsara niya. "Swerte ang magiging asawa mo," she commented in a light voice. Natigilan si Garett at tinignan siya. "You think so?" Sinulyapan niya ang lalake saka tumango bago muling maganang sumubo ng pagkain. Garett shrugged. "I'm not sure of that. One thing is for sure, I'm the one who's going to be lucky to have her as my wife." Natigilan saglit si Daneliya ngunit nagpatuloy siya sa kinakain, ayaw ipahalata iyon kay Garett. Sumimsim siya ng tubig kapagkuwan ay nanatili ang titig sa pagkain sa plato niya. "May plano ka na bang mag-asawa anytime soon?" she asked. Nasa early 30's na si Garett at hindi 'yon malabo lalo na marami na itong naabot sa buhay. "It's a perfect age for you to have a wife. You're already successful." Umiling si Garett saka huminga nang malalim. "I will not consider myself successful unless I am able to secure that I'll have her until the rest of my life." Nilingon niya ang lalake at naabutan niya na nakatitig na rin ito sa kaniya. "W-who?" she asked that it came out as a whisper. Kabado siya. Hindi niya alam kung bakit. May nagugustuhan na ba itong bago? Or does he still want Priscilla to be his wife? Akmang sasagot na si Garett nang may tumunog na phone. Daneliya realized that it was hers. She excused herself to get her phone from her bag. Pagbukas niya no'n ay may natanggap siyang messages. Her eyes widened when she saw that it was from someone named Julia. Na-mention din sa text na ito ang pamangkin ni Mrs. Mori. She realized that it's an invitation to undergo screening tomorrow. Napatakip siya ng bibig at halos mapatili. "What?" Tumayo si Garett at lumapit sa kaniya. "Is there anything wrong?" he asked. Tinanggal niya ang kamay na nakatakip sa bibig at nginitian ang lalake saka ito niyakap nang mahigpit. "I'm invited tomorrow for a screening. It's from Mrs. Mori's niece, Julia!" she explained. Napangiti si Garett nang makita kung gaano siya kasaya. Hinagod nito ang likod niya. Maya-maya ay natigilan si Daneliya at nakaramdam ng pag-aalala. "What if blacklisted din ako sa kanila?" She suddenly remembers what Evans did. Garett shook his head then gently tapped her head. "Don't worry about anything. I have you removed from the blacklist." Daneliya's eyes grew wider. "Really?" Tumango si Garett. Muling niyakap ng dalaga ang lalake. Hinigpitan niya ang yakap dito. Garett is really a lifesaver. "Thank you," she whispered emotionally. "Come on, let's finish our dinner. You have to sleep early so you can have some beauty rest for the screening tomorrow." Lumayo nang bahagya si Daneliya sa lalake at nagpipigil ng ngiti habang nakatitig dito. "Sleep lang ba talaga?" Tila na-gets agad nito ang ibig niyang sabihin. He chuckled lowly then nodded. "Yes, promise. Bukas na lang ako babawi, pag-uwi mo rito sa akin." Uminit ang pisngi ni Daneliya saka tumango. True to his words, nag-cuddle lang sila hanggang makatulog. Pero habang yakap siya nito ay ramdam niya ang labis na pagpipigil ng lalake. It was also very evident how much he stopped himself because he was very hard and ready for her. His glory was poking her. Kaya natatawa na lang siya sa isip niya hanggang sa makatulog na. Mabuti na lang, saktong rest day niya kinabukasan kaya makaka-attend siya sa screening nang walang problema. Kinabukasan ay light breakfast lang ang kinain niya. Kasama sa texts ang instruction kung ano ang susuotin niya na sinunod naman niya. She wore a white and fitted crop tank top and a skinny jeans na dark blue ang kulay. Nagdala na lang siya ng nude colored heels habang sneakers naman ang suot niya patungo ro'n. May aasikasuhin saglit si Garett sa opisina kaya hinatid na lang muna siya nito sa studio. Pagdating niya roon ay lumapit siya sa receptionist. When she stated her full name, sinamahan siya nito patungo sa isang babae na sobrang simple ng pananamit at may pagka-boyish pa. "Julia, Miss Daneliya is here," ani ng receptionist. Napatingin sa kaniya si Julia at agad tumaas ang kilay saka siya hinagod ng tingin kapagkuwan ay tumango at naglahad ng kamay. "I amJulia. Tita Claudia has really an impeccable taste. I really trust her when she recommends someone to me. Rare na may ma-recommend siya but it never fails so, nice to meet you Daneliya." Ngumiti si Daneliya at tinanggap ang kamay nito. "Nice to meet you too, Julia." Pinakilala siya nito sa mga naroon pati na rin sa photographer na napasipol nang makita siya. She took no offense on that. "She's smokin' hot!" komento nito at inikutan siya. "Come on, let us do the screening." May maikling interview na nangyari. Napaka-casual lang naman. Pagkatapos ay kinuha ang mga sukat niya saka siya pinatry ng iba't ibang damit. Then they also took pictures of her while wearing those fancy outfits. "Beautiful! Beautiful!" komento ng photographer habang kinukuhanan siya. Tinuturuan din siya nito sa poses kaya hindi siya nahirapan. They were so kind and considerate lalo na't alam nilang baguhan siya. "Perfect, Daneliya!" After no'n ay binigyan siya ng snacks at oras para mag-break saglit. May mga iilan pang babae ang dumating para screening. She's just on the side, watching all the happenings when someone suddenly approached her. Dahil nakaupo siya ay tiningala niya ito. It's a woman, seems like just about her age. Halata sa mukha nito na hindi ito purong pinay. Probably half-American. Matangkad ito at slim ang katawan. Her face is really beautiful. Ang medium length na buhok ay blonde. "Hi! You're Daneliya, right?" tanong nito sa kaniya habang nakangiti. Kumunot ang noo niya bahagya ngunit ngumiti pa rin siya at tumango. "Ah, yes." "Sabi ko na nga ba," saad nito, tila baluktot ang dila sa pagsalita ng Filipino. "I know you," makahulugan nitong saad. Napakurap siya at napaisip. Sa mga staff lang naman siya pinakilala ni Julia. Ang babae sa harap niya ay siguradong narito din para sa screening. Bigla ay naglahad ito ng kamay sa kaniya. "By the way, I'm Stacey." Alanganin man ay tinanggap niya ang kamay nito. "Nice to meet you, Stacey," sagot niya. Stacey chuckled. "No! It's 'nice' to finally meet you," she uttered, emphasizing the word nice. Kumunot ang noo ni Daneliya. Something is weird about this woman. "Stacey, come here. It's your turn now!" pagtawag ng staff dito. "Coming!" sagot naman nito saka siya nilingon saka kinindatan. "Talk to you later," she said. Daneliya shrugged and just resumed watching. Si Stacey na ang nakasalang sa test shoot at alam niya agad na may experience ito. Halatang sanay ito dahil hindi na kailangan turuan sa mga poses. Even her expressions are on point. Daneliya watched in awe. Gusto niya maging gano'n din kagaling at confident someday. Habang tinitignan si Stacey ay may nararamdaman siyang kakaiba. It feels like she had seen her somewhere. Hindi niya lang maalala kung saan. After a while ay pumunta sa isang room si Julia kasama ang photographer at iba pang staff. May mahalagang pag-uusapan. They might be deciding by now who passed the screening. There were ten girls overall at marami do'n ay tila magkakakilala na at magkakasama. Siya lang ang nag-iisa. Si Stacey ay hindi rin naman kilala ang mga naroon pero sadyang magaling ito makihalubilo at tila sanay na sanay na. Nilibang na lang ni Daneliya ang sarili sa kaniyang cellphone. She replied to messages that she didn't notice yesterday. Maya-maya ay biglang nagbulungan ang mga babae na naroon, tila kinikilig. Napaangat siya ng tingin at natigilan nang makita kung sino ang pumasok. "Anthony!" Stacey immediately hugged him. It was Evans. Kumunot ang noo ni Daneliya. Hinagod lang ni Evans ang likod ni Stacey at nagsalita ito ngunit nang mahagip siya ng mata nito ay nanigas ang lalake. It seems like he was shocked to see her there. It was unexpected for the both of them to see each other there. Hindi nakagalaw si Daneliya nang nilingon siya ni Stacey kapagkuwan ay hinila nito si Evans palapit sa kaniya. "Look who's here Anthony. This is Daneliya, right? Your ex girlfriend. Right, babe?" she asked him. Napakurap si Daneliya. Babe pa ang tawagan ng mga ito. Tinitigan niya si Stacey, iniisip kung saan niya ba talaga ito nakita then it slowly dawned on her. Naalala na niya. Kamukha nito ang babae sa s*x video ni Evans na napanood niya. Umangkla ito kay Evans at ngiting-ngiti na tumingin sa kaniya. "I am right. You're really his ex." Tumaas ang kilay ni Daneliya habang nakatitig kay Stacey. Ito ang naging babae ni Evans all throughout those years. Hindi niya alam kung nag-iisa lang ito o isa lang ito sa marami nitong naging side chicks. Hindi na siya interesado malaman ang detalye noon. Habang tinitignan ang babae, iniisip niya kung ano ba talaga ang agenda nito. She's overly nice. It is clear. Stacey knows that she is Evans' ex. Aware din ito na naging kabit siya. But she's overly friendly which is irritating. "Are you not talking anymore? Aww, I am sorry for making things awkward!" saad nito saka humagikhik. Hindi niya na tinignan ang dalawa. Hindi niya alam ang nararamdaman pero siguradong hindi siya nasasaktan. Sadyang hindi lang maganda sa paningin niya ang dalawa. After all, she's not fully healed yet. At ayaw niya rin na tila pinaplastik siya ni Stacey. Mas mabuti pang huwag siya nitong pansinin. Kumunot ang noo ni Evans saka hinila palayo roon si Stacey. Tumungo sa may sulok ang dalawa at mukhang nasira ang mood ng lalake. But Stacey tried to calm him down by trying to kiss him. Agad umiwas si Evans saka sumulyap kay Daneliya ngunit wala naman itong pakialam na sa kanila. Daneliya can't believe it. Talagang makikita niya pa ito ngayon dito. It was really unexpected. Kasama niya pa sa screening ang bago nitong girlfriend na dating kabit. A really small world it is. Maya-maya ay bumalik na sina Julia at pina-play sa malaking monitor ang result ng mga pictures nila. Napangiti si Daneliya habang nakikita ang mga resulta ng pictorial ng lahat. Then she felt proud for herself when she saw her pictures. Napatitig do'n si Evans. His jaw moved then he looked away as if he was displeased. "The next slides would be the pictures of the five girls who passed the screening, with no particular order," ani Julia saka sinimulan ang pag-next sa mga litrato. Unang-unang lumabas doon ay 'yung Grace ang pangalan. Tahimik lang pero expert at talagang magaling. Sunod-sunod na ang pagpindot at nagce-celebrate ang mga nafa-flash ang kanilang result sa screen. Ikaapat na ang pinakita ngunit wala pa rin si Daneliya. Nakaramdam na siya ng kaba lalo na nang maalala ang results ng iba. Sa lahat ba naman ng naroon, dalawa lang silang walang experience. At isa pa, hindi pa naipakita si Stacey and she saw how good that woman was. Wala siyang laban dito kung experience lang ang pag-uusapan. She felt hopeless but she's still happy that she tried and had this opportunity to audition. Pagpindot sa button para maipakita ang nasa last slide ay si Daneliya ang lumabas. Her lips parted in shock. Nagpalakpakan ang mga naroon maliban kay Stacey at Evans. Ilang segundo lang ay biglang nag-walk out si Stacey. Umiling ang nobyo nito at tila walang gana na sinundan ang babae. Julia and her team congratulated the chosen ones. Inencourage naman nito ang iba na pwede pang sumubok ulit next time na may opening. Daneliya stood when Julia walked towards here then congratulated her. "Congratulations, Daneliya." She smiled sweetly. "Thank you." Julia nodded. "You really deserve it. Talagang palaban ang face and aura value mo. I look forward to working with you. Just stay for a bit more as we ready your contract. For now, pwede ka naman lumabas and kumain ng lunch if you want heavy meals. I'm sorry, light snacks lang na-ready namin." Tumango si Daneliya. "I am excited to work with you too, Julia. No worries, I'll just grab some snacks at magpapahangin lang ako sa labas while I wait for the contract," aniya. Paglabas niya ng studio ay naglakad-lakad lang siya. Tanghaling-tapat na pero hindi naman gano'n kasakit sa balat ang init dahil marami ding puno sa paligid. Nakahanap siya ng magandang pwesto. Tahimik siyang kumakain ng oatmeal cookies do'n at ineenjoy ang kapayapaan ng paligid nang may humarang sa view niya. Tumayo ang bulto nito sa harap niya. Pagtingala niya ay si Evans 'yon na masama ang tingin sa kaniya. "Give up your slot, Daneliya. We both know that you don't deserve it. Give it to Stacey!" he demanded angrily.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD