Chapter 21

3219 Words
Bago ang lunch time ay umalis na sila ni Garett sa kompanya para tumungo sa fine dining restaurant kung saan gaganapin ang lunch meeting with the client. Garett was the one to drive the car and while he was driving, his other hand was holding Daneliya's leg. Para bang hindi ito mapapalagay kung hindi sila magkadikit. Si Daneliya naman ay hindi alam kung ano ang tawag sa eksakto niyang nararamdaman habang tinitignan ang malaking kamay ni Garett sa kaniya na sadyang mapag-angkin. Sakto, 20 minutes before the start of lunch meeting ay nasa restaurant na sila kung saan sila may reservation. 10 minutes bago magsimula ay dumating na ang half-Japanese na client ni Garett. Kasama ni Mr. Mori ang kaniyang Filipina wife. Tumayo si Garett at Daneliya nang makita ang paglapit ng mag-asawa at sabay silang bumati sa mga ito. Bumati sa isa't isa ang dalawang lalake. Pati ang asawa nito na kahit may edad na ay talagang napakaganda at elegante, bumati rin kay Garett. Pagkatapos ay napatingin sa kaniya ang ginang. Daneliya can't help but to feel nervous deep inside as the woman stared at her. Sanay na sanay na siya na karamihan ng mga may edad na babae na nakikilala niya ay hindi nagiging maganda ang trato sa kaniya. Hindi man siya bastusin o sabihan ng kahit anong pangit na salita, mararamdaman niya naman 'yon sa paraan ng pagtitig ng mga ito. "And you are..." saad nito sa kaniya. Daneliya bowed a bit. "I'm Mr. Garett's—" Biglang napatili ang ginang saka excited na inilahad ang mga kamay nang tila may napagtanto. "Oh, I remember you! You're his girlfriend s***h secretary, right? Nakita kita last time sa business event hosted by Mr. Philip. Hindi na kami nakalapit sa inyo because we have to go home early at ang assistant na lang namin ang nagkwento sa amin na you're also Garett's girlfriend, not just his secretary!" dire-diretso nitong saad sa kaniya. Pumula ang pisngi ni Daneliya. Inilahad niya rin ang kamay sa pag-aakalang para sa handshake iyon. "Opo, ako nga 'yon. Nice to finally meet you, Mrs. Mori." Imbes na handshake ay niyakap siya ng ginang. Daneliya's eyes widened a bit. Marahan na tinapik-tapik nito ang likod niya, tuwang-tuwa na makita siya. It's the first time she felt something warm from a woman with that age. Hindi siya makapaniwala na talagang masaya ito na makita at makasama siya. Nang maghiwalay sila ay ngiting-ngiti ito kay Garett. "Mabuti at sinama mo siya ngayon! I was so amazed when I saw her last time kasi ang pretty-pretty niya. She looks like a perfect doll. My husband here knows kung gaano ako kahinayang na we were not able to meet you that night!" Humalakhak si Mr. Mori, halos mawala ang mga mata sa pagkasingkit no'n. "Yes. She can't stop talking about you when we leave the event. She was so sad because she wants to see you face to face but failed." Ngiting-ngiti ang ginang na pinagmamasdan siya. "Mas may igaganda ka pa sa malapitan. Oh my gosh. I am glad na sumama ako today rito. Hindi na dapat ako sasama but I got bored in the house and mabuti na lang my sweetheart tried to invite me again to come here with him." Umupo na sila at hinanda na sa harap nila ang mga pagkain. Matapos ang mahaba-habang introduction at catch up, nagsimula na ang meeting ng dalawa at nakikisingit si Mrs. Mori minsan. Daneliya realized that the woman was really really nice. Hindi nito kinakalimutan na iinclude siya sa usapan at hinihingi pa ang suggestion niya minsan. Good thing na rin na familiar siya sa topic ng mga ito dahil inaral niya no'ng nakaraan ang mahahalagang aspect ng business ni Garett. Nang natapos na ang meeting at nagkekwentuhan na lang during dessert ay binalik-balikan siya ng ginang sa mga papuri nito. "Oh, I remember! My niece, Julia, owns a modeling agency together with her friends. Known na rin ito internationally kaya hindi basta-basta. Are you interested in modeling? I can recommend you to her kasi magkikita kami later after nito," ani Mrs. Mori. Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Daneliya. Modeling agency? It is one of her dreams, to be a model. Na naharang lang noong gusto niya sana noon dahil ayaw ng ex boyfriend niya na si Garett at nang subukan niya sana no'ng nakaraan, na-discover naman niya na nilagay pala siya sa blacklist ng mga modeling agency ng lalaking 'yon. "R-really? I mean, opo. I am really interested in modeling and I want to be a model someday." Napapalakpak ang ginang. "Perfect! And it won't be someday kasi it will be soon na, hija. I'll get your contact number and give it to my lovely niece. By the way..." Tumingin ito kay Garett at tinaasan ng kilay ang lalake. "Walang problem sayo 'to, 'di ba, Garett? You're not that type of boyfriend, I hope." Umiling si Garett, may ngiti sa labi saka hinawakan sa kamay si Daneliya habang nakatingin sa ginang. "I'll be very much happy to see her achieve her dreams. I'll support her with everything she wants as long as it won't harm her." His statement made her feel warm and happy. Hindi man totoo ang relasyon nila, ang sarap sa pakiramdam na marinig 'yon. Hindi tulad sa nakaraan niya na hindi siya pinayagan at gumawa pa ng paraan para masiguro na hindi siya makapapasok sa gano'n. Humalakhak si Mr. Mori. "That is good, Garett. I admire you even more now. We don't limit our partners, we support them and make things easier for them if we can do something about it. Remember, happy wife, happy life!" Ngumisi si Mrs. Mori. "Although hindi mo pa naman siya wife, same motto pa rin dapat Garett, ha? And good thing that she's your secretary and girlfriend at the same time para iwas selos at palagi kayong may time sa isa't isa. Back in the day, I was his secretary, too!" Napangiti si Daneliya at nakinig sa mga kwento ni Mrs. Mori. Napakadaldal nito at warm ng personality. And she can't help but to feel kilig dahil titig na titig dito ang asawa ng ginang habang nakangiti, halatang hanggang ngayon ay inlove pa rin sila sa isa't isa. They have been married for 45 years and yet, there is still that spark and passion for each other. Possible pala talaga 'yon. Daneliya wonders kung mararanasan niya rin kaya iyon. Natawa siya sa sinasabi ni Mrs. Mori. Wala sa sarili na napalingon siya sa katabi at nabigla siya nang makita na pinagmamasdan siya ni Garett nang may bahid ng ngiti sa labi. She felt her cheeks heated then she looked back at Mrs. Mori so she can save herself from being shy. Ang dapat na lunch meeting lang ay natapos na nang bandang hapon. Do'n na sila nag-merienda. Paano ba naman ay ang daming kwento ni Mrs. Mori at tuwang-tuwa ito sa kanilang dalawa dahil naaalala raw niya no'ng bata pa silang mag-asawa. Masaya kasama ang mag-asawa. Walang dull moment kahit puro kwentuhan lang. Hiningi rin nito ang contact details ni Daneliya bago umalis, hindi lang para sa pag-recommend nito sa kaniya modeling agency ng pamangkin nito kung hindi ay dahil gusto rin nitong kumain o magkape silang dalawa minsan. Daneliya waved back to Mrs. Mori before the older woman entered the car. Pinanood nila ni Garett ang pag-alis ng kotse ng mag-asawa na Mori. She sighed with a smile on her face. She feels so happy. Ang sarap pala ng pakiramdam na may mother figure siyang nakausap na tuwang-tuwa sa kaniya at hindi siya hinusgahan o pinagsabihan ng kung ano. Just an elderly woman who's bubbly, talkative, caring, and who really likes her. "That feels nice," she whispered. Pinagmamasdan siya ni Garett. "What?" Tiningala niya ang lalake nang may ngiti sa labi. "It feels nice to talk with them lalo na kay Mrs. Mori. She's super cute," aniya. Napakayaman nito. She already researched earlier about the business of the couple and some background so she would be ready for the meeting. At nakita niya kung gaano karangya ang buhay nito. Mga makakapangyarihang tao, hindi lang dito sa Pilipinas kung hindi pati na rin sa Japan. And yet, they are so nice, humble, and simple. Pwede pala talaga 'yon. Parang breath of fresh air ang dalawa. Ibang-iba sa mga nakasalamuha niya last time sa event. "I am glad you were so comfortable. Don't worry, we will meet them again soon," ani Garett saka hinawakan ang palad niya. "Let's go." Lumapit na sila sa kotse at pinagbuksan siya ni Garett ng pinto, inalalayan siyang makapasok bago ito umikot saka umupo sa driver's seat. He started the car then began driving. "Ihahatid na kita sa inyo so you can rest early." Napakurap si Daneliya saka nilingon ang lalake. "H-huh? Hindi na tayo babalik sa company?" Umiling ito saka sinulyapan siya. "Your work for today is done. Ihahatid na kita dahil may aasikasuhin din ako," saad nito. Alanganin tumayo si Daneliya. Hindi alam ni Garett na hindi dapat siya uuwi sa kanila dahil pinalayas siya ng Mama niya. 'Di bale na. Sisilip na lang din muna siya sa bahay nila at magko-commute patungo sa apartelle kung hindi pa rin siya tatanggapin sa kanila. Pagdating do'n, bago pa lumiko sa kanto nila ang sasakyan ni Garett ay tinanggal niya na ang seatbelt niya saka nginitian ang lalake. "Dito na lang. Sige na, baka mahuli ka pa sa aasikasuhin mo," aniya saka binuksan ang pinto sa tabi niya. "Wait, Mallory—" Hinalikan niya ito sa pisngi at bumaba na sa sasakyan saka isinara ang pinto. Naglakad na agad siya patungo sa bahay nila. Nang malapit na ay bumagal ang hakbang niya. Tatanggapin kaya siya? Kumunot ang noo niya nang mapansin na may kotse sa harap ng bahay nila. Kanino 'yon? Is it Evans' new car? Sinabihan niya na ito na huwag ng bumalik sa bahay nila. Nagkataon na bukas ang pinto ng bahay nila kaya pumasok siya sa loob. Pero nasa bungad pa lang siya ng pinto ay natigilan siya sa naabutan. Ano'ng ginagawa ni Priscilla sa bahay nila? Bakit kausap nito ang mama niya? They don't even know each other, the last time she checked. "That's good. Sinunod mo ang utos ko kahapon na palayasin siya rito. This is my initial payment to you." Nag-abot ito ng puting sobre. "Dadagdagan ko pa 'yan kapag napaghiwalay mo na talaga sila. Kailangan tigilan ng anak mo si Garett." Nanlaki ang mga mata ng mama niya at sinilip ang laman ng sobre. Tila nagulat ito sa laman no'n at natuwa. Siguradong malaki iyon. "Sige, Ma'am. Ako ang bahala sa batang 'yon—" "Mama!" she shouted in shock. Sabay napalingon sa kaniya ang dalawa. Malalaki ang hakbang na nilapitan niya ang mama niya at akmang kukunin do'n ang sobre ng pera ngunit malakas siya nitong tinulak palayo. "Ano ba, Mallory!?" sigaw nito sa kaniya. "Huwag kang tatanggap ng pera sa babaeng 'yan! Ginawa mo talaga 'yon dahil inutusan at babayaran ka niya? Mama naman!" aniya. Naipon na agad ang luha sa mga mata niya. Her mother doesn't really care. Wala itong ni kaunting pagmamahal sa kaniya, napatunayan niya na ngayon 'yon. "That's what you get kapag kinalaban mo ako," ani Priscilla. Tinignan niya ang babae at akmang susugurin ito ngunit hinila ng mama niya ang kaniyang buhok kaya napaupo siya sa sahig. Lumapit si Priscilla saka sinampal siya sa mukha. Napabaling ang mukha niya sa kanan dahil sa lakas no'n. Sinampal pa siya nito ulit. Nang tumaas pa ang kamay nito para sampalin pa siya sa ikatlong beses ay may malaking kamay ang humuli sa kamay ng babae at tinulak sa may sofa si Priscilla kaya halos mapahiga ito roon. Kasunod no'n ay may mabilis na kumuha kay Daneliya mula sa pagkakasabunot sa kaniya ng mama niya. "G-Garett!" Nahihintatakutang sinabi ni Priscilla nang makita ang madilim na ekspresyon ng lalake. Garett glared at Daneliya's mother sunod ay kay Priscilla. Nilagay siya ng lalake sa likod nito habang hawak ang kamay niya ngunit bumitaw ito saka lumapit kay Priscilla na nakatayo na. Nilingon ni Garett si Daneliya. "Come here." Sumunod si Daneliya sa pagtawag nito sa kaniya. Garett pulled her in front of Priscilla. "Slap her, Mallory." Nanlaki ang mga mata ng tatlong babae na naroon lalo na si Priscilla. "Garett!" she uttered in horror. Hindi ito makapaniwala sa utos ni Garett. Daneliya swallowed hard. "P-pero—" Nilingon siya ni Garett. "You won't like it if I will be the one to slap her for you." "You're joking, Garett!" Priscilla said in shock. Nang hindi agad kumilos si Daneliya ay umangat ang kamay ni Garett. Akmang sasampalin na nito si Priscilla kaya inunahan ni Daneliya ang lalake. She slapped the woman across her face. Dinagdagan niya pa 'yon ng isa katulad ng ginawa nito sa kaniya kanina. She heard her mother gasped. Si Priscilla ay nanatiling nakabaling ang mukha sa kanan, awang ang labi at hindi makapaniwala sa nangyari. Mabilis ang paghinga ni Daneliya habang namamanhid ang kamay na ginamit niya. Hindi siya nananakit pero napilitan siyang unahan si Garett dahil kung hinayaan niya ito, pwedeng makasuhan pa ito at malala ang mangyari lalo na at lalake ito. It could become a legal issue that could taint his name and image. Garett held her hand again and pulled her closer to him. Mukhang hindi pa rin ito satisfied pero kahit papaano ay nakontento na lang doon. "Huwag na huwag mo siyang sasaktan ulit. I have never hurt a woman, Priscilla. But if you lay another finger on her, I might kill you. Don't forget that." Sunod nitong nilingon ang mama ni Daneliya. No words came out from his mouth but his eyes were full of unspoken words. May pagbabanta iyon na hindi nito nasabi dahil alam ni Garett na mahalaga kay Daneliya ang ina nito kahit ano pang gawin ng ginang. Hinila na siya paalis ni Garett sa bahay nila. Pinasakay siya nito sa kotse nito na nasa harap na rin ng bahay nila at nang makasakay na rin ang lalake ay pinaandar na nito agad 'yon. Hindi umimik si Garett habang nagda-drive. Daneliya was so overwhelmed by everything that just happened. Natulala siya sa palad niya. She really slapped Priscilla. Not just once but twice. "Where were you staying last night?" mariin na tanong ni Garett sa kaniya. Sinabi niya ang pangalan ng apartelle. Nag-voice command ito sa mapa sa dashboard ng sasakyan niya para ipakita ang daan patungo roon. Wala pa rin silang imikan. Pakiramdam ni Daneliya ay galit si Garett sa kaniya. Pagdating do'n ay wala itong ma-parking-an. Kinailangan pa ni Garett magbayad sa may katabing establishment para payagan sila na mag-park saglit doon. Nang nasa harap na sila ng apartelle ay tiningala ng lalake ang building at nakita niya ang pagtiim ng bagang nito. Tinignan siya nito nang malamig. Daneliya got it. Nauna siyang pumasok at umakyat sila patungo sa room niya. Ang dami pang napatingin sa kanila na mga customer na nadaanan nila. Pagpasok nila sa kwarto ay nagsalita si Garett. "Pack your things. Aalis ka rito," he uttered coldly. Kinuha niya ang backpack na iniwan niya at chineck ang laman saglit kung kompleto base sa naaalala niya. Nang sulyapan niya si Garett ay ineeksamin nito ang paligid. Tinignan nito ang bintana, ang pinto, at ang mga sirang pader. Tila lalong nagalit ang ekspresyon nito. Dinaanan lang siya nito ng tingin saka tinalikuran. "If you're done, let's go," he said. Paglapit niya sa pinto ay kinuha ni Garett sa kaniya ang backpack saka hinawakan ang kamay niya. Nauna itong bumaba sa hagdan at nakabuntot lang siya rito. Sinauli niya ang susi sa receptionist bago sila umalis. Bayad na dapat pati ang gabi niya roon ngayon pero hindi niya na 'yon binawi. Agad pinaharurot paalis ni Garett ang sasakyan nang makasakay sila. Katulad ng inaasahan niya ay sa condo unit nito ang diretso nila. Buong biyahe ay hindi pa rin ito umiimik. Pakiramdam ni Daneliya ay bumalik sila sa simula. When Garett is just cold and silent towards her. She swallowed hard. Ayaw niyang bumalik pa sila sa ganito. What they have now is better... Pagdating sa condo nito ay nilampasan na siya nito at dumiretso sa kitchen. Sinundan niya ito roon. Garett drank two glasses of water. Naroon siya sa may tabi, tahimik na pinagmamasdan ang lalake. "Are you mad at me?" she asked softly. Nilingon siya nito. He's glaring at her. Then he looked away and sighed. Muli itong uminom ng tubig saka itinukod ang mga palad sa countertop, tila kinakalma ang sarili. "What were you thinking?" he asked, breaking his silence. Napakurap si Daneliya. "H-huh?" she asked confusedly. Hinarap siya ni Garett. "What were you thinking yesterday? Bakit mas pinili mong mag-stay sa delikadong lugar na 'yon kaysa pumunta sa akin o magpasundo?" Kalmado nitong tanong. Napayuko si Daneliya. "I—I was just... Nahihiya ako lumapit pa sayo kasi, ang dami mo ng naitulong sa akin," she explained. "I thought, it would be better if I deal with that situation alone." Mariin na pumikit si Garett saka tumiim ang bagang. Pagmulat nito ay bahagyang namumula ang mata sa halong inis at frustration. "Have you seen it clearly, Mallory? The room where you stayed is not safe. What if someone tried to break in? You're alone in that forsaken place!" Umiling siya. "Pero hindi naman 'yon ang nangyari, 'di ba?" marahan niyang sinabi na tila makatutulong iyon para kumalma ang lalake. Kumunot ang noo ni Garett. "Can't you understand it? Sa tingin mo ba, worth the risk ang mag-stay roon? What if something happened? Always think about the possibilities before doing something especially when you're alone." Lumapit ito sa kaniya at pilit na hinuhuli ang tingin niya ngunit napayuko si Daneliya. "And what did I tell you? If you need anything, tutulungan kita. You don't need to be shy to me, for pete's sake, Daneliya Mallory. Ano'ng nakakahiya kung tawagan mo ako at magpatulong sa akin? Isipin ko pa lang, para akong mababaliw sa katotohanan na mag-isa ka ro'n kagabi!" Daneliya closed her eyes tightly. Pagmulat niya ay tiningala niya si Garett. Her doe-eyes look at him apologetically. "I'm sorry," she uttered softly. Garett swallowed hard. Tila nanghina ang lalake sa tingin niya. Malalim itong bumuntong-hininga saka siya biglang niyakap nang mahigpit. "You don't have to be shy asking for my help, Mallory," he whispered. "Mas gusto kong tawagan mo ako. Mas gusto kong kailanganin mo ako. Ikatutuwa ko 'yon. So please, don't do that again. Please... please," he whispered gently. Daneliya's eyes watered. Niyakap niya nang mahigpit pabalik si Garett. Ramdam na ramdam niya ang pag-aalala nito sa kaniya. And it was so nice to be cared for at that level. Ang sarap sa pakiramdam no'n. "Okay. I won't do that again," she assured him. "I promise." "Good, baby. That's good," he said in a voice full of relief. "From now on, you're gonna stay here with me. Your problems are my problems, Mallory. You understand that?" Tumango siya bilang sagot dito. It is so nice to have him in her life. Hindi niya maimagine kung ano na ang nangyayari sa kaniya ngayon kung hindi nagtagpo sa gano'ng paraan ang landas nila ni Garett. Garett kissed her on her forehead. "You have me. Always remember that."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD