Chapter 2

2376 Words
Kalalabas ko lang sa classroom namin nang hinarang ako ni Evans. Natigilan ako at tinitigan ang boyfriend ko. Naalala ko pa rin nang malinaw ang nangyari kahapon. Ang unang beses niyang hinayaan ako na umuwi mag-isa na tila walang pakialam sa akin. I can also remember my realization about how he got mad at me just because of my refusal. Ngayon ay maamo ang ekspresyon niya, nangungusap ang mga mata habang nakatitig sa akin. "Babe, bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko simula kagabi?" marahan niyang tanong. "10 p.m ka nagsimulang tumawag, patulog na ako no'n," saad ko saka tipid na ngumiti. "Sige na, Evans. Mamaya na tayo mag-usap. Bibili ako ng pagkain ko." Evans extended his arm that was carrying a paperbag. "I already bought lunch for you. Please, mag-usap tayo. I want to apologize. Sabay tayo kumain?" he asked. Tinitigan ko ulit siya at napagtanto ko na halatang pagod at puyat ang mga mata ni Evans. I sighed then nodded. "Okay." Tumungo kami sa may garden at doon napagpasyahan na kumain. May mga upuan at mesa kasi roon na gawa sa kahoy. Wala naman problema na walang bubong dahil malalaki ang mga lilim na naroon mula sa mga higanteng puno. May ibang mga estudyante rin doon na kumakain at nagkekwentuhan. The place is so peaceful. We settled on the spot that we chose. Todo asikaso si Evans sa paghahanda ng pagkain. I stopped my smile. Ganoon lagi siya, maasikaso sa akin. Kahapon lang talaga siya nagkaganoon. We ate silently. Nang dessert na ang kinakain amin ay doon nagsimula magsalita si Evans. "Sorry sa nangyari kahapon, babe. I realized how fcked up I was. Maling-mali ang ginawa kong pamimilit sayo," ani Evans saka inabot ang kamay ko at marahan iyon na hinaplos. I sighed then I put down the spoon I was holding. Ipinatong ko sa nakahawak sa akin na kamay ni Evans ang palad ko. "Nagsinungaling ka rin sa akin. Sabi mo ay magpapatulong ka ng project mo but it seemed like you just made it as an excuse," mahinahon kong saad. Tila nahihiya na napayuko si Evans. "I know. I'm really sorry." "Ano ba kasing nangyari? Bakit biglang gano'n?" I asked. Nag-angat ng tingin si Evans at tumitig sa akin. "Sorry. My friends are always talking about that. Lagi nilang pinag-uusapan ang mga ginagawa nila kasama ang girlfriend nila. And I couldn't help but to crave for that." His cheeks reddened then he looked away. "Nakakahiya talaga sayo. Naririnig ko kasi at hindi ko mapigilan na ma-curious at hangarin na maranasan din 'yon kasama ka." I can finally understand what pushed Evans to do that. It was peer pressure. Nasa age talaga kami na curious at mabilis maimpluwensyahan ng nasa paligid. But although we are already at legal age, I am still not ready to bring our relationship on that level. Premarital s*x is taboo in our society but it didn't stop people to engage on it. Iba-iba ang paniniwala ng mga tao na dapat na respetuhin pero dapat maging responsable din sa kahihinatnan. At sa prinsipyo ko, hindi ko 'yon gagawin lalo na kung hindi pa ako handa. I should be ready mentally, physically, emotionally, and financially. Para sa akin, nakadepende iyon sa kagustuhan ng bawat isa. So I would not do it with my boyfriend yet because that is what I want. Hindi dahil ito ang dikta ng mga tao at lipunan. It's my choice and freedom. It's based on my principle and discipline. At naniniwala rin ako na bago gawin iyon ay handa dapat sa mga posibleng mangyari na maaaring magbago sa daloy ng buhay. Isa pa, bata pa ako para sa bagay na ‘yon. Wala pang trabaho o kahit anong naabot sa buhay maliban sa academic awards. I gently caressed Evans’ hand with my thumb. “Babe, just because they are doing it doesn’t mean that we should do it, too. Nakadepende iyon sa tao and in my case, I don’t want it yet. Naiintindihan mo ba ‘yon?” kalmado kong tanong. Evans immediately nodded then looked at me lovingly. “I understand you, babe. Don’t worry. I also promise that I will never do that again. Hindi na kita pipilitin tungkol sa bagay na ‘yon.” Napangiti na ako nang tuluyan. “Thank you, Evans. I really appreciate your understanding.” Evans smiled then he kissed the back of my hand. Sa wakas, maayos na kami ulit. Hinda na ako mag-aalala. It is nice to hear that Evans understands my sentiments. It just really means that he loves me because on the stage of his life with his raging hormones, he chooses to understand me. “Well, pwede ka bang sumama ulit mamaya?” Evans asked, which made my eyebrow shot. He chuckled then shook his head. “Don’t worry, babe. This time, it’s true. Magpapatulong ako sa project ko. And to make you comfortable, sa living room lang tayo. Is that okay?” Naningkit ang mga mata ko. “Promise, project ang gagawin natin at sa living room lang?” pabiro kong paninigurado. Evans nodded. “I promise, babe!” Itinaas pa niya ang kanan na kamay niya. Katulad kahapon ay maaga rin nakalabas si Evans at sinundo niya ako mula sa building namin no’ng uwian na. Evans assured me again that his mother is not yet at home. Bukas pa raw uuwi at hindi natuloy kahapon dahil may mahalaga pang gagawin. “Bakit ba super takot ka kay Mommy?” natatawang tanong ni Evans sa akinhabang kinokontrol ang manibela ng sasakyan niya. Papasok na kami sa subdivision. Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Evans is not aware what was happening between me and his mother. Siyempre ay wala siya sa tuwing pinagsasabihan ako ng masama ni Ma’am Priscilla kaya hindi niya alam. And I am still contemplating if I will tell him because Evans loves his mother so much and I don’t want to taint their relationship. “Uhm, ano kasi…” I uttered, looking for words to say. Inabot ni Evans ang kamay ko habang nanatili ang titig sa daan. “Mom is just like that. She looks intimidating for other people. Mukhang strict kasi ang mukha, ‘di ba? But she’s kind and I know she will love you too as much as she loves me. Just give her time, babe,” masayang saad ni Evans. Tumango na lang ako. “Yeah, of course.” “Don’t worry, once you are ready, I’ll set up another lunch or dinner with her para mas maging close kayo. Mom is just really like that. Tahimik sa una kasi pinapakiramdaman ka pa. But soon, she will feel comfortable with you.” Hindi na ako umimik pa at tumango na lang muli. Lalo tuloy akong nag-alangan na sabihin ang totoo dahil sa mga sinabi ni Evans. Other than the fact that I don't want to taint their relationship, I am scared that he will not believe me. I know how much Evans loves me pero kahit ako mismo, alam ko na kung aabot sa sitwasyon na pipili siya sa pagitan ko at ni Ma’am Priscilla, mas gugustuhin ko na ang piliin ni Evans ay ang ina niya. Kaya hindi ko iyon paaabutin sa gano’ng sitwasyon. As long as it is bearable, I will take it silently. True to his words, we made his project in the living room. Nagdala ang maids ng snack para sa amin habang gumagawa. From time to time, Evans would stop just to stare at me with so much love and admiration in his eyes. Kaya naman hindi ko mapigilan na uminit ang pisngi at kiligin. “Evans, kulayan mo na banda rito!” natatawang saad ko sa sa boyfriend ko na titig na titig sa akin saka ko itinuro ang isang parte. We are painting on a huge canvas. Hindi nga ako makapaniwala na may ganito silang project samantalang STEM ang strand niya. “Dapat ikaw na lang ang ipininta natin. You’re a masterpiece, Daneliya Mallory,” he uttered. Lalong uminit ang pisngi ko at alam ko na pulang-pula na ako ngayon. Sinamaan ko ng tingin si Evans upang pigilan ang kilig. Evans chuckled then pinched my cheeks. Pilit ko namang tinanggal iyon habang tumatawa ako. Nasa gano’ng sitwasyon kami nang biglang dumating ang ina ni Evans kasama si Sir Garett. I suddenly froze while Evans just looked at the two people who were staring at them. Matapos ang ilang sandali ay tumayo si Evans saka inalalayan din ako na tumayo. Ilang na ilang naman ako at marahan na nilayo ang kamay ko mula kay Evans. Naasiwa lang ako na nakikita ng dalawa kung paano umalalay sa akin si Evans dahil baka maging masama iyon sa paningin nila. “Good afternoon po.” I broke the silence. “Mom, you’re here. I thought bukas pa ang dating mo,” Evans said then walked towards his mother to kiss her. Pinanood ko iyon ngunit napansin ko na nasa akin ang titig ni Ma’am Priscilla. Tila puno iyon ng pagkamuhi. Umiwas ako ng tingin at nahagip pa ng mga mata ko na nakatitig din sa akin ang stepfather ni Evans. Napayuko ako sa kaba. Pakiramdam ko ay palabas na ang puso ko sa aking lalamunan. Unexpected ang pagdating nila at hindi talaga ako handa na harapin sila pero nasa sitwasyon ako na walang choice. “Well, I am here. Your Tito Garett picked me up from the airport.” “Daneliya is helping me to do my project,” Evans said and looked at me then smiled reassuringly. Binalik niya ang titig sa ina niya. “Take a rest, Mom. I know you’re exhausted.” Ipinasok ng mga katulong ang mga maleta na dala ng ina ni Evans at tumulong doon si Sir Garett. Lumapit si Ma’am Priscilla sa ginagawa namin na painting at pinagmasdan iyon. “What do you think, Mom?” tanong ni Evans na lumapit na rin. Ako naman ay nasa tabi ng canvas at nakatitig doon para iwasan ang mababagsik na titig ni Ma’am Priscilla. “It’s fine, son. Can you get my gold purse, Evans? Naipadala ko sa maid doon sa kwarto namin. I need the lavender essential oil,” she uttered softly. Tumango si Evans at sinulyapan ako. He smiled at me reassuringly before he left. Nang kami na lang dalawa ay nanlamig ang kalooban ko. “Ano kayang ginawa mo sa anak ko? Why is he still with you? Kinulam mo ba siya?” Ma’am Priscilla started. I swallowed the lump in my throat then shook my head. “Oh, maybe you are giving your body to him willingly. Knowing men, they are always craving for s*x. That is how you make them stay. Lalo na sayo because you have nothing to offer other than that, wh*re.” Umiling ako at tumitig kay Priscilla. Kahit nanginginig ang kalooban ko, I tried to stand up for myself. “Hindi po. Hindi ako gano’ng klase na babae.” Ngumisi si Ma’am Priscilla ngunit ang mga mata ay nagngangalit. “Wow. Now you’re talking back, huh?” Tinikom ko ang aking labi. “You’re not suitable for Evans. You are nothing but a worthless poor sucking btch. Amoy na amoy ko ang kahirapan mo, umaalingasaw. You think makakaahon ka mula diyan by using my son?” She chuckled then in a snap, all her emotions were gone. Nilapitan niya ako at mariin na hinawakan ang mukha ko habang ang mahahabang kuko ay bahagyang nakabaon. “But dream on, sl*t. Hindi ka seseryosohin ng anak ko. He is just with you for your body. Kapag laspag ka na, iiwan ka na niya.” Padarag na binitawan niya ang mukha ko. Napangiwi ako nang bahagya at hinawakan ang magkabilang pisngi na medyo nasaktan sa ginawa ni Ma’am Priscilla na tinalikuran na ako at umakyat na sa hagdan. I sighed. Those words were like knives which stabbed my heart. It hurts that my boyfriend’s mother hates me so much. Sa paraan ng pagsasalita niya ay galit na galit siya. Matatanggap pa ba niya ako sa hinaharap? Bakit parang walang pag-asa? At ano ang gagawin ko kung hindi? Makipaghiwalay kay Evans? Dapat ko na ba ‘tong sabihin sa kaniya? Evans ran towards me then kissed me on my cheeks. Mukhang masayang-masaya siya kaya naman nabigla ako. “Look, Mom bought this for you.” Bumaba ang tingin ko sa paperbag na dala ni Evans. May laman iyon na wallet na ang tatak ay brand na sikat sa buong mundo. “I told you! She will love you. She likes you. She’s just not vocal about it.” Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman sa mga oras na ‘yon. Iba ang pinapakita ni Ma’am Priscilla sa aming dalawa ni Evans tungkol sa pagtanggap sa akin. “Huh? N-naku, hindi na dapat siya nag-abala. Huwag na, Evans,” saad ko bilang pagtanggi. Nawala ang ngiti ni Evans. “Babe, my mother bought this for you because she thought of you. Bakit mo tatanggihan?” he asked, then his expression turned concern when he noticed my cheeks. “What’s that? What happened?” Napahawak ulit ako doon. Parang may tumutulak na sa akin na sabihin ang totoo. “Oh, may allergy ka sa acrylic paint? May kaunting paint colors sa pisngi mo, babe,” he said then he immediately removed it with his thumb. He chuckled. “Akala ko sinaktan ka ni Mommy katulad sa movies. But that will never happen because Mom would never do that. I know her,” he said then laughed. “Evans…” I uttered. He looked at my eyes. “Why? Is there a problem?” he asked. “May nangyari ba no’ng wala ako? Tell me. I’ll be so mad to Mom if she hurt you.” Nakagat ko ang labi ko. Kung sasabihin ko ay lalala lang sitwasyon. I remembered Evans’ stories about how Ma’am Priscilla worked hard to raise him because she was a teenage single mother. Alam ko kung gaano kamahal ni Ma’am Priscilla si Evans at ganon din si Evans sa ina niya. At ayaw kong masira ang magandang relasyon ng dalawa dahil lang sa akin. “Tell her that I’m thankful for the gift,” saad ko at bumuntong-hininga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD