[Ashere’s Point of View]
Matapos akong managinip kagabi ay hindi na ako muling nakatulog pa. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nangyayari sakin ang mga ganitong bagay nowadays. Hindi talaga ako naniniwala sa mga multo, pero ngayon ay parang naniniwala na ako.
“Ang aga mo naman Ash,” nakangiting wika ng librarian.
“Naku hindi na po kayo nasanay sa kaibigan ko. Araw-araw naman po iyan na unang dumarating dito,” sagot ni Ken na nasa likod lang pala ng librarian naming.
Napahawak sa dibdib si Ma’am Sheryl at hinarap si Ken. “Ikaw Hijo, masyado mo naman akong ginulat!” ani nito at hinampas si Ken ng folder na dala niya.
“Masyado naman po kayong magugulatin, Ma’am,” nakangising sagot ni Ken. Ang lalaking ito talaga eh talagang pilyo.
“Pagpasensiyahan niyo na po si Ken, Ma’am,” paghingi ko ng despinsa sa kaniya.
“Alam mo Ash, may gusto sana akong sabihin sa’yo kaya lang ay wala na akong oras. Just meet me at the library later, only you alone,” she said before leaving us.
Napaisip ako bigla. Bakit kaya? Importante siguro ang sasabihin niya.
“Aba Ash, iba ang level ng charm mo, pati teacher umaamo sa’yo. Alam mo ba na suplada daw iyon eh,’ natatawang sabi ni Ken at naupo sa tabi.
“Magtigil ka Ken. Teka, may himala yata ngayon at ang aga mo ah. Nasaan si Gill, ‘di mo ba dinaanan?”
Nagkibit balikat lang ito at humarap sakin. “Sabihin mo nga sa’kin, may kapatid ka ba?” tanong niya na ikinabigla ko. Wala akong kapatid, iyan ang pagkaka-alam ko.
"Bakit mo naman na tanong? Sa tagal ng pagsasama natin, eh ngayon ka lang yata nagtanong, " sagot ko.
Huminga muna siya ng malalim at sumeryoso ang mukha. Kapag ganiyan siya, kinakabahan ako kasi alam ko na hindi biro ang sasabihin niya.
"I saw someone at your house, kagabi. Alam ko na hindi ikaw iyon." He sighed and look at me.
"Sinundan kasi kita, may sasabihin ako sana kaya lang nang tawagin ko ang babaeng iyo ay pumasok lang sa loob ng bahay mo," he said which made me not to react immediately.
"Ken kung balak mo akong takutin, huwag namang ganiyan, " sagot ko.
Yes, I maybe a Christian pero hindi rin maalis sa'kin na matakot paminsan-minsan. Lalo na kung tungkol sa mga bagay na iyan.
"Hindi ito prank o pananakot. Totoo ang sinasabi ko," sagot niya.
Hindi ako naka-imik. Natahimik kaming pareho, at saka lang ulit nagka-ingay nang dumating si Gill.
"Hoy kayong dalawa. Bakit ang tahimik niyo?" tanong ni Gill na naguguluhan.
"Huh? Wala, talagang hinihintay ka lang namin na dumating," wika ni Ken.
"Totoo ba Ash?" nagtanong ulit sa'kin si Gill kasi alam niya na hindi ko alam na magsinungaling.
Hindi ako umimik at ngumiti lang ako. Nagkibit-balikat na lang siya at naupo sa tabi ko.
"Mukhang may problema yata," sabi ni Gill at kinalabit si Ken.
"Anong ginawa mo kay Ash?" galit nitong tanong kaya inawat ko kaagad.
"Walang ginawa si Ken. Nalulungkot lang ako, kasi may kakaibang nangyayari sa buhay ko, buhay natin," sagot ko.
Sabay silang napatingin sa'kin. "What I mean is, I feel weird talaga sa school na ito. Maliban lang sa sinabi ni Ken na may mga kaluluwa dito na kumakalat, kahapon din kakaiba ang kilos mo Gill, plus na rin ang mga panaginip ko, at kapag mag-isa ako pakiramdam ko may nakatitig sa'kin," paliwanag ko.
"I had conducted a research about this school. Si Mr. Miguel daw ay napakalupit noon dito. Takot sa kaniya ang mga estudyante, and alam niyo ba na maraming babae na ang namatay rito?"
Napanganga ako sa sinabi ni Ken. Halos hindi ko masikmura ang mga sinabi niya.
"Nawala daw ang pag patay sa mga babae nang umalis si Mr. Miguel," dagdag pa niya.
"Oh gosh! Hindi kaya bampira ang may-ari ng paaralan na ito?" sigaw ni Gillian na halos mabinge ako sa lakas nito.
"Hindi siya bampira! Maniwala ka ba naman sa bampira na iyan," sagot ni Ken.
"Siya ba ang pumapatay? Bakit hindi siya nakukulong?" tanong ko.
"Dahil walang bangkay na nakikita, at walang sapat na ebedensiya," sagot ni Ken at may ibinigay sakin na mga litrato.
"Ano ang mga ito?" tanong ko. Namangha ako nang tingnan ko ito. Ang gaganda ng mga dalaga na nakikita ko sa mga litrato na ibinigay sa'kin ni Ken. Tingin ko mga beauty contestants sila.
"Mga chix mo iyan 'no?" singhal ni Gill at binatukan si Ken.
"Anong chix, sumalangit nawa ang mga kaluluwa nila," sagot ni Ken.
"You mean, they were the victims?" I asked him out of my curiosity.
"You're right! Sila ang mga babaeng nawawala magpahanggang ngayon," Ken said, so Gill covered her mouth and closed her eyes.
Napa awang ang labi ko nang makita ko ang isang pamilyar na mukha sa litratong bigay ni Ken. If I'm not mistaken, siya ang babaeng iyon!
Napalingon ako kay Ken at nakatitig pala siya sa'kin. "Have you seen her?" he asked.
"Y-yes, pero buhay pa naman siya. Hindi siya patay, at mas lalong hindi missing," sagot ko.
"Diyan ka nagkakamali, dahil patay na siya. Nakita nang mga pulis noon ang kalahating kamay nito," sagot ni Ken at tila naduwal si Gill.
"Sus ang arte, MEDtech tayo Gill, huwag kang ganiyan," sabi ni Ken na sinamaan lang ng tingin ni Gill.
"Sigurado ka ba sa balitang iyan? Remember, uso sa'yo ang fake news!" singhal ni Gill.
"Maybe you're right, Ken. Sa panaginip ko, someone is asking for my help," I said.
"Teka, nagbibiro ba kayo? Huwag kayong ganiyan oy! " sagot ni Gill at hinawakan ang kamay ko.
"Maybe they need your help, pero sino naman ang lalaki sa panaginip mo?" Ken asked.
"Baka si Miguel, or yong killer!" Nakisali na rin si Gill sa topic namin.
"Hindi kaya, nandito lang si Mr. Miguel, or maybe namatay na siya," Ken said.
"Pero sabi ng teacher natin, nasa ibang bansa daw si Principal," sagot ni Gill.
"P'wede naman silang magsinungaling for their school's reputation," sagot ko.
"So, it maybe the Principal is just hiding," Ken said.
The bell rangs, kaya pause muna ang topic namin. Agad na kaming nagtungo sa first class namin.
Sad to say kasi malayo ang upuan ko kila Ken at Gill. Pinalipat kasi ako ng instructor namin.
"You're Ash right?" tanong ng katabi ko.
"Yes, nice meeting you!" sagot ko at nginitian siya.
"You're so nice like her. Christian ka rin?" he asked.
"Yes, ikaw din?" tanong ko pabalik.
"Ah, hindi ako Christian. Pero si Ashley oo, " sagot niya.
Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Sino si Ashley? Wala kaming kaklase na Ashley ang pangalan.
"She's my best friend, kagaya mo mabait din. Kamukha mo siya, kaya binabalaan kita. Mag-iingat ka lagi," sabi niya.
"Anong mayroon?" tanong ko.
"Mga Born Again Christian kadalasan ang nawawala dito. Pinatay si Ashley, pero hindi mahanap ang katawan niya," malungkot niyang sabi.
"Nakakatakot pakinggan, pero huwag kang mag-alala. God is with me, He is with us," sagot ko.
"Huwag kang tatambay sa library," sabi pa nito bago kami naglabasan.
Eh, doon pa naman ang punta ko mamaya after our last class. Bakit naman bawal sa library? Anong mayroon? Ito na naman ang curiosity ko nagsisimula na naman.
"Hey! Na paano ka at tila may glue na yata yong p'wet mo?"
Napalingon ako kay Gill na nakataas ang kilay habang nakatitig sa'kin. Natatawa naman si Ken sa naging reaction nito.
"W-wala, let's go!" Nauutal ko siyang sinagot at tumayo na ako.
"Well, nakalimutan mo yata na half day tayo ngayon," wika ni Ken at napakamot ito sa batok niya.
"Ay oo nga pala. Pero mauna na kayo, pupuntahan ko pa si Ma'am Sheryl eh," sagot ko.
"Oo narinig ko iyon kanina. Hindi ba pwede na hintayin ka namin sa labas?" tanong ni Ken, pero nakakahiya naman kung hihintayin nila ako ng ganoon katagal tapos iba naman ang daan na uuwian ko eh.
"Huwag na, magpahinga muna kayo. At bukas, pasyal kayo sa bahay, pwede ba?"
"Oo naman. Na miss din namin na tumambay sa inyo. Sleep over na rin kami doon, right Ken?" sabi ni Gill at kinalabit si Ken.
"Kahit nga sa kanila na lang ako tumira eh okay lang," sagot ni Ken na ikinagulat ko.
"Sus, ganiyan mo ka mahal si Ash? Pero sa bahay ni pagpasok eh ayaw mo," nakabusangot na sagot ni Gill.
Nagseselos yata ito. Nakakatawa ang cute niya kapag ganiyan siya. Sa totoo lang, bagay silang dalawa, kaso nga lang para silang aso't pusa.
"Sige, una na ako. Huwag na kayong magtalo," sabi ko at hinalikan ko silang dalawa sa pisnge.
"Bye, we love you! Mas mahal kita kaysa kay Kenpot! " sabi ni Gill na ikinatawa ko.
"Tsk. Asungot ka talaga," bulong ni Ken dito.
"Ingat ka Ash. Call me if you need help ha. I'm one call away,' sabi pa ni Ken bago sila lumakad pa alis.
Ang sarap sa feeling na mayroon akong Gill at Ken. Pero of course, wala ng makapapantay pa sa saya nang makilala ko si Kristo sa buhay ko. Hindi naman ako tumitingin sa kung ano ang relihiyon ng iba, kun'di ang tanging relasyon lamang sa Diyos. Sabi pa nga, we all are one.
Naglakad na ako papuntang library, pero napahinto ako saglit. Pakiramdam ko may sumunod sa'kin. Lumingon ako nang dahan-dahan, pero wala naman akong na kitang tao.
Hindi ko nalang ito pinansin, at nagmadali nalang akong naglakad papunta sa library. Agad kong tinawag si Ma'am Sheryl pero walang sumagot.
Pumasok ako at huminto nang matapat ako sa salamin. I blinked my yes thrice, nang may makita akong lalaki sa likuran ko.
I can see his eyes, mapupungay ito. Makikita rin na may itsura siya pero agad nagsitayuan ang balahibo ko nang may maalala ako.
"Who are you?" I shouted and face him, but I found no one at my back.
Lord, anong nangyayari? Dapat bang matakot ako, kung gayong alam ko naman na kasama kita?
Umiling ako at huminga ng malalim. Palabas na sana ko nang biglang bumukas ang pinto.
"Ash, nandito kana pala. Sinundan kita papuntang garden, hindi pala ikaw iyon," sabi ni Ma'am Sheryl na namumutla pa.
"Naku po. Pasensiya na po, Ma'am. Nga po pala, ano po ang sasabihin mo?"
Umupo siya saglit at tumingin sa'kin. "Magtransfer kana sa ibang paaralan, habang maaga pa," sabi niya kaya nabigla ako.
"Ma'am, may nagawa po ba akong kasalanan?"
Nanginig ako sa sinabi niya. Bakit ang niya ako paaalisin dito?
"Dahil tiyak ko na kapahamakan ang aabutin mo. Hija, makinig ka. Alam ko na babalik siya, at tiyak na ikaw ang isusunod niya! " she said and held my hand.
"Pero Ma'am, hindi ko po kayo maintindihan," sagot ko.
"Totoo po ba ang balita tungkol sa paaralan na ito?" tanong ko, pero huminga lang siya ng malalim.
"Ash, ayaw ko na magaya ka kay Ashley. Ayaw ko na masayang ang buhay mo," sagot niya.
"Kung hindi ka makikinig sakin, nasa sa iyo na iyon. Mag-iingat ka lang lagi," dagdag niya.
"Pag-iisipan ko po, Ma'am. Salamat po sa concern mo po," sagot ko at saka na niya ako pina-alis.
Teka, mali yata ang nadadaanan ko. "Ash!"
I heard someone calling me. Hindi pa naman madilim ang paligid pero hindi ko mahanap kung sino ang tumatawag sa'kin.
"Sino ka? Please kung sino ka man, sabihin mo sa'kin ang pakay mo. Huwag kang matakot, tutulungan naman kita," sabi ko at tila ba'y humangin ng malamig sa paligid.
"ASH HALIKA NA!"
Halos mapasigaw ako nang may tumawag sa'kin. It was Ken. Akala ko ba uuwi na siya?
"Bakit nandito ka pa? Si Gill? " tanong ko ka agad.
"Binalikan kita, ayaw ko na uuwi ka na mag-isa," sagot nito at inakbayan ako.
"Salamat Ken," sagot ko na may ngiti sa labi. Muli akong lumingon pero wala naman akong nakitang babae.
"Ganiyan kita ka mahal, handa rin akong magbago para sa'yo, Ash."
Natahimik ako sa sinabi ni Ken. Parang kakaiba ang ibig sabihin no'n.
"What do you mean, Ken?' I asked him.
"Let me court you, Ash. I know mali pero, mahal kita higit pa sa pagiging kaibigan," sagot niya kaya napaluha ako.
"Ken, don't change because of me. Hindi ko gusto na maging kaagaw ni Lord sa iyo," sagot ko at niyakap siya.
"Love God first, before courting me," dagdag ko pa.
"Hindi ka ba galit sa'kin? " tanong niya na tila ba'y nahihiya na tumingin sa'kin.
"Bakit naman ako magagalit? Ken, loving is normal. Pero God first, please!" I said and he nodded.