[Ashere's Point of View]
Napaisip ako saglit. Tama ba na hayaan ko si Ken na manligaw sa'kin kapag nagawa na niya ang ipinagagawa ko? Mahal ko siya, oo. Pero bilang kaibigan lang, at parang kapatid na rin ang tingin ko sa kaniya. Ano ba ang dapat kong gawin? I should ask mama and Papa about this.
I contacted their number para na rin kumustahin sila. For now, hindi ko muna ipapaalam sa kanila ang tungkol sa mga nakikita at napapanaginipan ko. Ayaw ko na baka mag-alala sila sa'kin ng sobra at maapektuhan pa ang misyon nila.
"Hello anak! Kumusta kana riyan?" Agad na tanong ni mama matapos niyang sagutin ang tawag ko.
"God is always good, Mama. Kayo po, kumusta?"
Huminga ako ng malalim upang ihanda ang sarili na mag open ng topic kay mama. Open ako kay mama simula noon. Alam niya lahat ng sekreto ko, at hindi ko kayang maglihim kay mama.
"Maayos kami dito anak. God always provides us all our needs. Ang Papa mo ayon nagluluto," sagot ni mama at tiyak ko na nakangiti siya ngayon.
"Mama, may sasabihin po sana ako. Gusto ko po na humingi ng payo mula sa iyo, " sabi ko at napahigpit ang hawak ko sa telepono.
"Ano iyon anak? Handa akong magpayo, " sagot hi mama.
"Ma, kasi po si Ken. Gusto niya pong manligaw sakin," mahinahon kong sabi.
"Ano naman ang isinagot mo sa kaniya anak?" Batid sa boses ni mama ang concern at ang seryoso ng tono niya.
"Sinabi ko po na he should love God first, alam niyo naman po 'di ba kung ano siya?" sagot ko.
"Anak, tama ang sinabi mo. Pero ang tanong, bibigyan mo ba ng chance si Ken? Alam ko na mahal ka niya, pero sana you should guard your heart lalo nga't nag-aaral pa kayo. Let God be the center of your lives. Sabi pa nga sa life verse mo there is a time for everything," Mama said.
I smiled and sighed in relief. Ito 'yong gusto ko kay mama. Thankful ako kay Lord dahil ibinigay niya ang ganitong kabait na mama sa'kin. Imbes na pagalitan ako, ito siya at pinapayuan ako. That's the advantage of having Christ in our lives. Masayang mabuhay na naaayon sa kagustuhan Niya.
"Thank you mama, ngayon ay alam ko na ang gagawin ko," sabi ko.
"Si Ash ba iyan?" Narinig ko ang boses ni Papa kaya tila ba tumalon ang puso ko.
"Papa!" I called his name, at narinig ko na tumawa si Papa.
"Baby, kumusta? Kumusta ang baby namin ni mama?"
Natawa ako sa sinabi ni Papa. Hindi talaga si Papa nagbabago. Still ang sweet pa rin niya, kaya alam ko kung bakit nagustuhan siya ni mama.
"Okay lang po ako Papa, namimiss ko na po kayo!" sagot ko at tila'y naiiyak.
"Oh, umiiyak ba ang baby? Huwag kang mag-alala, babalik din kami riyan. Pagbalik namin may regalo ka mula sa'min ni mama," sabi ni Papa kaya napangiti ako.
"Papa talaga, naiiyak lang ako kasi miss ko na kayo. At kahit wala ng regalo, kayo ang importante sa'kin," sabi ko.
"That's our baby. Magiging mature ka na nga," sabi ni mama.
For almost 5 years na rin akong mag-isang nakatira dito sa bahay. Tama si papa, nagiging mature na nga ako. Thanks kay God at hindi niya ako pinababayaan.
"Glory to God, Papa. Oh, sige po matutulog na po ako," sabi ko.
"Nag basa kana ba ng Bible mo? Don't forget to pray anak huh," paalala ni Papa.
"Anak, kapag may problema ka tumawag ka lang sa'min ha. Handa kami ni Papa na makinig sa iyo," pahabol ni mama.
"Opo mama at papa. I love you both, ingat po kayo diyan," sagot ko.
"We love you more, Anak. Godbless you baby!" Sabay nilang sabi bago ibinaba ang tawag.
Humarap ako sa salamin habang nakangiti. Pero nawala ang ngiti ko nang maalala ko ang nakita ko sa library. Hindi ako maaaring magkamali, siya ang lalaking nasa panaginip ko.
Sino kaya siya? Bakit siya nagpapakita sa'kin? Patay na ba siya?
Matapos akong magdasal ay nahiga na ako sa kama. Hindi ako makatulog, dahil maraming katanungan ang naglalaro sa isipan ko. I really need to wear the whole armour of God. Nararamdaman ko na nasa stage ako ng battle of my faith. Nararamdaman ko na medyo nanghihina ako.
Bakit ba kasi ginugulo nila ako? Naghahanap ba sila ng taong tutulong sa kanila? O tama si Ma'am Sheryl?
I have my Lord. Hindi ako lilipat saagkat nasusulat sa banal na aklat na, I'm safe in God's presence. We will not let any evil touch me.
Nagising ako nang natamaan ng si katawan ng araw ang balat ko. Umaga na pala, at naging mahimbing ang tulog ko.
Bumangon ako para ayusin ang higaan ko saka ko lang napansin na nawawala ang notebook ng babae. Hindi ako p'weding magkamali, dito ko iyon inilagay sa mesa. Sino ang kumuha?
Paglingon ko ay nakabukas ang bintana. May pumasok ba dito kagabi? Pero sino?
Hindi p'weding mawala ang notebook na iyon, sapagkat hindi ko iyon pag-aari. I need to find it back again.
Agad na akong naglakad pababa ng hagdan, at may nadatnan akong pagkain sa mesa.
"May pumasok nga," bulong ko.
Pero sino? Si Ken ba? Pero wala siyang susi sa gate. Hindi naman siya aakyat siguro . At kung si Ken man iyon, ay nandito siya ngayon. Should I eat that food? Baka may lagay na lason iyan. Pero bakit ba ako mag-aalala? By prayers, talo ang kahit anong lason sa pagkain na iyan.
I check if what was the food in the dinning table. Sakto lang at ang paborito ko itong shawarma at siomai. Nagdasal na ako at nagsimula ng kumain.
I shouldn't think too much. Baka sila lolo at lola naman ang nag-iwan nito dito.
Napatigil ako sa pagkain nang may narinig akong sasakyan na huminto sa tapat ng bahay. Sigurado na sila Gill at Ken na iyan. Agad akong tumayo at lumabas ng bahay.
"Ash, buksan mo itong gate niyo!" sigaw ni Gillian na may dala-dalang tupperware .
"Pasok kayo!" sagot ko at nakita ko si Ken na may dala din.
"Ano iyan?" tanong ko sa kanila.
"Breakfast natin. Sabi kasi ni Ken, mas masaya kung sabay-sabay na tayong kakain. Tama nga naman kasi siya," wika ni Gillian at inilapag sa mesa ang mga dala nila.
"Kumakain kana?" tanong ni Ken.
"Oo, akala ko mamaya pa ang dating niyo," sagot ko at naupo.
"Maaga ka yatang nagising at nakapagluto kana agad," sabi ni Gill at nagsandok ng kanin.
Natawa ako saglit. "Hindi ko nga alam kung sino ang nagluto nito," sagot ko kaya napalingon sila sakin.
"Ano? Bakit mo naman kinakain? " tanong ni Ken.
"Kasi sayang kung itatapon ko. Baka sila Lola ang nag-iwan nito dito," sagot ko.
Hindi na sila umangal at kumain na lang kami ng sabay-sabay. Nakakatuwa silang kasama.
"So, movie marathon tayo mamaya?" tanong ni Gill kaya tumango agad ako.
"Excited na ako!" sigaw nito.
"Wait, pahiram nga muna ng gitara mo sis!"
"Nasa kwarto ko, Gill. Kunin ko na lang, nasa ibabaw ng study table ko," sagot ko kay Gill.
"So, bakit ang tahimik mo, Ken? " I asked him.
"Nahihiya ako sa'yo, Ash," sagot niya.
"Ano ka ba, huwag kang mahiya sakin. Kung iniisip mo na iiwasan na kita, nagkakamali ka. Ken, always remember na nangako ako na best friends tayo forever,"sabi ko.
"You mean, hanggang kaibigan lang talaga ako?" tanong niya na nakayuko.
"Let God handle everything. Huwag nating madaliin,"sagot ko at ngumiti siya.
"Ash!" sigaw ni Gillian na tumatakbo mula sa itaas.
"Hey!" sagot ko dito at sinalubong.
"Bakit may tao sa loob ng kwarto mo? May kumakanta sa loob ng cr mo!" aniya kaya natigilan ako.
"Ano? Seryoso? Mag-isa lang ako dito. Baka naiwan ko ang cellphone ko sa cr," sagot ko.
"Ito na ang ikinakatakot ko. Hindi ka nag-iisa." Hinawakan ni Ken ang kamay ko.
"Ken, ano ang plano mo?" tanong ni Gill.
Umakyat kaming tatlo na halos hindi makagawa ng ingay. Dahan-dahan na binuksan ni Ken ang pinto, at hindi sumama si Gill sa loob.
"Wala naman," sabi ko, kaya sumilip si Gill sa loob.
"Hindi! Narinig ko promise. Bukas nga ang shower eh! Sinilip ko, nakabukas ang shower, at may umaawit sa loob!" giit niya Gillian na tila ba'y takot na takot.
"Pero wala naman, baka guni-guni mo lang," sagot ko at kinuha ang gitara.
"Sa baba na tayo tumambay," wika ni Ken.
Hindi ko alam, pero parang gusto kong maniwala sa kanila. Parang totoo ang sinasabi ni Ken.
"Hindi ka ba natatakot dito?" tanong ni Gill sakin.
Ngumiti ako sa kaniya bago ko siya sinagot. "Hindi. Kasi alam ko na hindi ako pababayaan ng Diyos," sagot ko.
"By the way, may nalaman ako tungkol sa library," biglang sabi ni Ken.
"Ano naman ba iyan?" tanong ni Gill.
"Takot ang mga mag-aaral doon. Dahil may isang estudyante na namatay doon ng di alam ang dahilan," sagot ni Ken.
"Babae o lalaki?" tanong ko.
"Babae, at nagmumulto daw ito," aniya kaya mas lalong natakot si Gillian.
"P'wede ba Ken, tama na iyang pananakot mo!" sigaw ni Gillian at hinampas ito ng unan.
"Huwag kayong mag-alala. May awa ang Diyos," sagot ko.
Matapos ang mahaba naming usapan, ay napagpasiyahan muna naming matulog. Sa sala kami nakahiga, nakabukas lang lahat ng bintana.
"Ashere."
Nagtayuan ang balahibo ko nang marinig ko ang boses na iyon. Ang lalim at ang lamig ng boses niya.
"Sino ka?" tanong ko pabalik.
Iginala ko ang aking paningin ngunit wala na ako sa bahay. Wala sila Ken at Gill sa tabi ko.
Ang tanong ngayon, nasaan na naman ba ako?
Naglakad ako kahit sobrang dilim ng paligid. Nakakabulag na kadiliman ang aking binabaybay.
"Huwag kang susunod sa kaniya!" Boses iyon ng babae na tila ba'y nanggaling sa likuran ko.
Gusto kong lumingon, pero hindi ko magawa. Para bang nakamagnet na ang katawan ko at pa tuloy lang itong naglalakad. Napatigil na lang ako nang makita ko ang liwanag. At simbolo nasa tiles ang mas lalong na kaagaw ng attensiyon ko. Symbolo ito ng dyablo, ang pyramid. Pero bakit mayroon ito dito? Nasaan nga ba ako?
Iginala ko ang aking paningin at tila ba'y pamilyar ang bahay na ito. Paano nga ba ako nakapasok dito? Panaginip na naman ba?
"Gumising ka, Ashere. Huwag mo siyang tulungan!" Sigaw ng babae ngunit hindi ko siya makita.
"Sinong siya?" tanong ko pabalik.
"Ang lalaki. Ang lalaking nasa harap mo!"
Nagtaka ako sa sinabi niya, sapagkat wala akong makitang lalaki. Walang lalaki sa harap ko.
"Huwag kang makinig sa kaniya. Kailangan ko ang tulong mo."
Hindi ako nakagalaw at parang naging paralitiko ang buo kong lang niya tawag. Naramdaman ko na nasa likod ko siya at inaamoy nito ang buhok ko.
"Layuan mo ako!" I said and tries to move my body, but I failed.
"Matapang ka, at napahanga mo ako. Tulungan mo ako, kapalit ng buhay ng kaibigan mo," he said..
"Huwag mo siyang pakinggan, nililinlang ka lamang niya. Ang kaluluwa ay hindi na makapananakit pa, ngunit kong tulungan mo siya na mabuhay, tiyak buhay mo ang isusunod niya!"
Nakakarindi sa tenga ang sigaw ng babae. Naahawak ako sa tenga ko.
"ASH! PARANG AWA MO NA, GUMISING KA!"
Naramdaman ko na niyuyugyog ako ni Gillian. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata.
"Thanks God, nagising ka rin sa wakas! "
"Nanaginip ako," sagot ko.
"Bangungot iyon," wika ni Ken.
"Pero parang totoo. Nakakalakad at nakakapagsalita ako doon. Parang totoo," sabi ko.
"Lucid dream ang tawag diyan," bulong ni Gillian.
"Nakakatakot, pero dapat ba akong matakot? Kailangan nila ang tulong ko, pero bakit ako?"
"Ash, you are a chosen. You have the light and I think you need to show that to the world. What I mean is, nasa dilim sila, kaya kailangan nila ng ilaw, at ikaw iyon," Ken said.
Tama si Ken. Nasa akin ang ilaw, pero bakit parang unti-unti nila itong pinapatay?
"Ang pyramid," sagot ko.
"Pyramid? Makikita iyon sa Principal's cottage," sagot ni Ken.
"Paano mo nalaman?" takang tanong ni Gill.
"Dahil nga gumagawa ako ng research tungkol sa paaralan na ito," sagot ni Ken.
"Nandoon ako kanina," sabi ko at natigilan sila.
"May kakayahan ka na mag travel ang kaluluwa mo sa labas ng katawan mo. Possibly iyon, Astral projection ang tawag doon," paliwanag ni Ken, habang ako nakatanga lang sa kanila.
"Hindi ko alam kung ano ng paniniwalaan ko," malungkot kong sagot.
"Huwag kang mag-alala, kasama mo kami," sabi ni Gillian at niyakap ako.
Siguro ay dala na ito ng palagi akong mag-isa sa bahay namin. Hindi kaya, anxiety at depression ang dahilan kaya ako nakakakita ng ganoon? Pero 'di naman ako depress at lalong wala akong anxiety.
Oh God, ano po ang nangyayari sa'kin?