[Ashere's Point of View] Matapos ang weekends, ay balik sa normal ulit ang lahat. Simula nang magpunta ako sa church kahapon, ay wala na akong napapanaginipan. Sana tuloy-tuloy na. Sana ay hindi na nila ako gambala-in pa. "Magandang umaga sa isang binibining Pilipina!" bati sa'kin ni Ken kaya tinarayan ito ni Gill. "Magandang umaga sa inyo!" sagot ko at tumayo na. "Saan ng punta natin? Hindi pa naman time 'di ba?" tanong ni Gill habang inaayos ang buhok niyang nakalugay. "Gusto ko sana malaman kung saan nakalagay ang Principal's cottage," sagot ko at tila nabigla si Ken sa narinig. "Bakit mo gustong malaman?" tanong niya. "Gusto ko lang masiguro na totoo ang pyramid na iyon," sagot ko at ngumiti. "Bawal daw magpunta doon ang mga estudyante eh," sagot ni Ken at tumango si Gillian.

