Literal na hindi na naman ako nakaimik. Parang gusto kong kumanta ng "it's raining men, hallelujah it raining men amen!" Pero mas pinili ko na lang na wag magsalita baka madulas pa ang dila ko. Better not to talk talaga baka maipahamak ko pa ang sarili ko. Mabagal na binabaybay ni Lucien ang daan patungong hotel kung saan kami naka-book. Nang dumaan kami sa madilim na bahagi ng kalsada, biglang lumakas pa ang buhos ng ulan kaya mas nagkaroon ng katahimikan sa loob ng sasakyan. Hindi naman awkward ang paligid. Parang pareho kaming pinapakinggan ang tunog ng ulan na tumatama sa bubong ng sasakyan. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko, hindi mahigpit ang hawak pero sapat para maramdaman ko ang init ng palad niya. “Elara.” “Yes po?” “If I ask you something, can you promise me you w

