Stranded in the rain Elara POV Pagkatapos ng meeting namin ay pagod na pagod ang buong team. Nagmadali na akong inayos ang mga gamit ko. Pero ako ay pagod at lutang. Hindi ko maalis sa isip ko ang nangyari sa hallway kanina o mas tamang sabihin na iyong hindi dapat nangyari. Kung hindi lang siya tinawag baka namukbang na naman niya ang lâbi ko. Ako naman na madaling bumigay sa kanya tutugon agad. Ang katawan ko ay para lang talaga sa kanya. Hindi nakikilig sa ibang lalaki kahit gwapo pa. Kay Lucien lang talaga ako nakikilig ng tudo. 'Tigil na sa kakaasa, Elara. Baka mali lang interpret mo sa mga kilos niya at hindi ka naman talaga niya gusto. Baka gusto ka lang niya pagtripan.' bulong ng utak ko. Sumimangot ako at lumabas na ako ng building ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.

