Hide and seek
Elara
Dalawang linggo na ang lumipas mula nung gabing ayaw kong maalala pero laging naaalala. Tapos guess what? Hindi pa rin ako nakaka-recover!
Hindi ko rin sinasagot si Papa kapag nagtatanong ito kung saan ko kinuha ang pinangbayad ko sa hospital bills at operasyon nito.
Sa totoo lang hindi rin ko rin alam na bayad na lahat pati ang pamamalagi ni Papa sa private room. May hinala na akong kagagawan 'yun ni sir.
Gusto ko sana magpasalamat ulit kaya lang may kasalanan pa ako sa boss namin. Kaya iniiwasan ko talaga siua. Ginawa ko na ang lahat para hindi ko siya makita.
Nagpalit na rin ako ng ruta, ng break time schedule ko at pati perfume pinalitan ko na rin! Retoke na lang ang kulang para mapalitan ko na rin ang mukha ko.
"My gosh!" bulalas ko. Na-stress pa ako sa kakaiwas sa boss ko.
Isa pa baka kasi amoy pa lang, makikilala na naman niya ako! Pero kahit anong iwas ko... Para siyang multo na may built-in GPS o hawak ang surveillance camera ng buong building.
Kung saan ako pupunta, andoon din siya!
Kanina lang tahimik akong kumakain sa pantry habang nagbabasa ng spreadsheet.
Bigla na lang akong natigilan nang marinig ko ‘yung pamilyar na boses na parang mababang kuryente sa tenga ko. Kinilabutan ako.
"Coffee?"
Halos malaglag ang tinidor ko pati na rin ang panga ko.
Pag-angat ko ng tingin, ayun siya nakatayo sa harapan ko may hawak na dalawang cup ng kape. Ngiting parang walang ginawa sa buhay kundi ang i-tease ako.
Tsaka bihira lang ang matataas na posisyon dito sa kompanya ang pumapasok dito sa pantry. Baka mamaya tampulan na ako ng chismis dito.
"Sir Lucien!" bulalas ko.
"Hmm? I thought we agreed on ‘Sir Montclair’ inside the office."
"Oh, oo nga po pala, Sir Montclair!" sabay tayo ko. Pero natamaan ko ang upuan kaya halos matumba dahil sa pagkataranta ko.
"Careful," sabi niya habang mabilis akong hinawakan sa braso.
Heto na naman ang kuryenteng hindi ko alam kung galing sa static o sa kakulangan ko sa self-control.
"Salamat po," sabi ko, sabay iwas ko ng tingin sa kanya.
"Relax, Miss Delos Reyes. Hindi kita kakainin." niloloko na naman niya ako.
Hindi pa ngayon maybe later, parang gusto kong isagot pero baka ma-suspend ako. O, di kaya ay sunggaban nito agad ang sinabi ko.
Umupo siya sa tapat ko sa table na pang-four seats pero gusto niyang umupo sa opposite side ko mismo.
Katahimikan ang namayani sa aming dalawa.
Habang kumakain ako ng sandwich ramdam ko 'yong titig niya. 'Yung tipo ng titig na parang may sinasabi kahit walang salita.
"Sir, bakit po? May dumi po ba ako sa mukha?" tanong ko ng hindi na ako nakatiis. Nakakailang naman kasi ang paraan ng titig niya.
"Wala naman." simpleng sagot niya.
"Eh bakit niyo po ako tinititigan? Hindi na ako makanguya dito,"
"Wala lang. Nakakaaliw kang panoorin habang kinakabahan,"
"Ha?! Hindi po ako kinakabahan, Sir!" sabay lagok ko ng kape na sobrang init pala.
"Aray!" Ang lalamunan ko na sunog na! Sigaw ng isip ko.
Agad siyang tumayo palapit sa akin at hinawakan ang baba ko, sabay hinga ng malalim. "You should be careful. You always rush things, Miss Delos Reyes. Ayan tuloy ang napala mo!" Seryosong sermon niya sa akin.
Ang lapit niya sa akin. As in, malapit na parang isang iglap lang, baka mag-deja vu kami ng one-night disaster namin.
Napakurap ako at sabay atras.
"Hindi na po mauulit, Sir! Promise! Hindi na ako magmamadali kahit late ako!"
Napangiti siya. "Good. At wala rin dahilan para umiwas ka."
Habang palabas siya ng pantry, bigla siyang lumingon sa gawi ko.
"Oh, and Elara…"
Napatingin ako agad sa gawi niya.
"Yes po?"
"Next time you avoid me, I’ll just join you wherever you hide." Sabay kindat nito.
Aba’t! Grabe itong lalaki na 'to! May lakas pa ng loob na mang-kindat! Fake news yata ang sabi nila na masama ugali ng boss namin. Mukhang hindi naman siya masama ayon lang mukhang may tililing sa ulo!
🍀🍀🍀
Sa opisina, habang abala ako sa pag-eencode, biglang pumasok si Ma’am Theresa.
"Elara, the CEO requested your help upstairs." seryosong sabi nito na may irap pang kasama.
Ako? Lord, bakit ako na naman?!
"Bakit ako po? Ang dami ko pa pong ginagawa dito?" angal ko agad.
"Huwag ka na magreklamo pa, Elara! Sundin mo na lang ang utos ng CEO!" mataray na sabi ni Ma'am Theresa.
Hindi na lang ako umimik at nagtungo na sa opisina ng boss namin. Kumatok na muna ako bago ko binuksan ang pinto.
Pagpasok ko sa executive office, si Lucien ay nakasandal sa swivel chair, hawak ang tablet, parang model ng perfume ad. Kay gwapong nilalang pero may tililing.
Gusto ko sana tumawa kaya lang pinigilan ko ang sarili.
"Sir, pinapatawag niyo raw po ako?" bungad ko.
"Hmm." sabay tingin siya sa akin. "I need your assistance. We’ll be working late tonight." anunsyo nito.
"Ha? As in overnight po? Bakit ako? Anong silbi ng secretary mo, sir?"
"He's on leave!"
"Kaya ako ang tinawag mo dito, mag-overnight?"
"Yes. Just like the old times."
"OLD TIMES?!" halos mapatalon ako sa sinabi nito. "Sir, huwag na po nating i-bring up—"
I’m talking about overtime, Miss Delos Reyes," sabay taas ng kilay niya. "Why? What were you thinking, huh?"
"W-wala po! Akala ko lang… may ibang ibig kayong sabihin…" mahina kong sagot.
Ngumisi siya, 'yong ngiting alam mong sinasadya talaga para ma-conscious ka. Nakakaasar siya! Gumaganti ba ito sa sinabi kong mabaho ang hininga nito?
"I like it when you stutter."
"Sir, baka may nakakarinig po..."
"Let them," bulong niya. "I’m your boss. I can talk to my staff anytime I want."
Bakit parang may double meaning lahat ng sinasabi niya? Baka ako lang naman ang masyadong nag-iisip ng kung ano-ano.
Habang nag-overtime kami, ramdam kong nakatingin siya sa akin mula sa kabilang desk.
Every time na magtataas ako ng tingin, sakto naman na nakatitig siya sa akin.
"Sir, gusto niyo po ba ng kape?" tanong ko para lang maputol ang katahimikan at ang madalas nitong pagtitig sa akin.
"Sure. Pero huwag sobrang init."
"Ay, opo. Para hindi po kayo mapaso gaya ko kanina."
Ngumiti siya. "You remembered."
"Of course po! Kanina lang iyon nangyari eh. At saka marunong po akong matuto sa mga pagkakamali."
"Good," bulong niya habang tumayo at lumapit sa gawi ko.
"Pero sana matutunan mo rin na huwag akong iwasan."
Hindi ko alam kung ano ang mas malakas ang t***k ng puso ko o kalabog ng keyboard.
Ang lapit na naman niya, ang init ng tingin niya sa akin na parang nakakapaso na sa sobrang init. Sira na ba ang ozone layer?
Pero nginitian ko na lang siya nang pilit. "Hindi po ako umiiwas, Sir. Marami lang po akong ginagawa dito," gusto ko sana magsumbong kaya lang baka sabihan pa nila akong sipsip.
"Hmm... Then I’ll give you more reasons to stay close."
Napatulala ako sa sinabi nito.
Bago siya lumabas ng office, tumingin pa siya sa akin at ngumiti ng pilyo. Pagkaalis niya ay napahawak ako sa dibdib ko.
Ano ba 'tong ginagawa ng boss ko sa akin. Gusto ko na lang na nagsusungit siya sa akin eh. Kesa 'yong ganito, nakakailang, nakakakaba at nakaka-conscious.
"Bakit parang mas nakakahiya kapag ngumingiti siya? Magsungit na lang sana siya."
At bakit parang gusto kong huwag umiwas minsan. Sana hindi ako masanay sa presensya niya.