Office
Elara POV
Alas siyete medya na ng gabi. Heto, busy pa rin ako sa mga pinapagawa ni Lucien!
Tahimik na ang buong floor ang tanging ilaw na lang sa office ni Sir Lucien ang bukas. Ako naman ay nagpapanggap na busy kahit sa totoo lang, hindi ko na mabasa nang maayos ang spreadsheet kasi lagi kong naririnig ang boses niya sa isip ko.
"Focus, Elara! Hindi ka pwedeng ma-distract!" bulong ko sa sarili habang mabilis na nagta-type.
Bigla akong nakarinig ng mahinang yabag sa likuran ko. Paglingon ko, ayun siya nakatayo may hawak na dalawang cup ng kape.
"Coffee, Miss Delos Reyes," sabi niya, sabay abot sa akin.
"Para hindi ka makatulog sa trabaho mo. Again."
Kasalanan ko ba kung nakatulog ako kanina sa pagod? Break time ko naman iyon eh. Ang mali lang, napasarap ang tulog ko kaya nagising ako ng alas-syete ng gabi.
Sana man lang kasi ginising niya ako. Tapos magpaparinig siya.
"Thank you po, Sir," sabi ko, sabay kuha ko sa inabot niyang kape.
Pero no'ng abotin ko 'na yung cup ay nagdikit ang aming mga kamay.
'Boom. Electric ground. Static. Heart rate, 120 bpm.' sigaw ng utak ko.
"Careful," sabi niya, 'yung tono niya ay mababa na may halong ngiti.
"Mainit 'yan. Parang ikaw."
"Ha?" Halos malaglag ko 'yung kape.
"Mainit kasi mahilig ako sa... ano... kape," pilyong bawi niya, sabay tawa.
Napapikit ako. Lord, bakit ang galing niyang mang-asar? Nilandi ba ako ng lalaking ito? Akala ko ba magkalimutan na kami? Pero ano itong ginagawa niya sa akin?
'Jesus!' bulalas ng utak ko.
Pagbalik niya sa desk niya, napansin kong tahimik lang siya habang nagta-type. Pero ilang minuto pa lang, bigla siyang tumayo at lumapit ulit sa akin.
"Miss Delos Reyes, paki-check nga 'tong document bago ko ipadala sa client."
"Okay po," sabi ko na lang para makalayo na siya dito at kinuha ang tablet.
Habang tinitingnan ko 'yung file, lumapit pa siya nang konti sa akin sa sobrang lapit niya, naririnig ko na ang mabigat niyang paghinga.
"Sir..."
"Hm?"
"Ang lapit niyo po."
"Mas malinaw kasi kapag malapitan."
"Eh, file lang naman ito, Sir. Hindi po ito audio," sabi ko.
Napatawa siya nang mahina. "Ang defensive mo."
Napairap ako, pero ngumiti rin nang kaunti.
"Sanay na po akong pinagtatanggol ang sarili ko."
"Good. Pero minsan, okay lang din hayaan mo akong depensahan ka."
Natigilan ako. "Depensahan para saan po?"
Hindi ko kasi alam kung anong ibig niyang sabihin, dahil seryoso ang tono ng boses niya.
Ayon at wala akong nakuhang sagot mula sa kanya.
A few hours later
10:30 PM na.
Ang Tatay ko, kumusta na kaya siya sa bahay? Nakakain kaya siya ng mabuti?
Sana talaga hindi ko tinanggap ang overtime na ito. Kung hindi lang talaga masungit si Ma'am Theresa, baka napakiusapan ko pa siya.
Kaming dalawa na lang ang tao sa buong building. Inaantok na naman ako.
"Sir, tapos ko na po lahat ng reports. Pwede na po ba akong umuwi?" tanong ko sabay hikab.
"Sa tingin mo, safe ka umuwi mag-isa ng ganitong oras?" tanong niya habang nililigpit ang mga papel.
"Eh kasi..."
"Stay here. May couch sa side room. I'll drive you home in the morning," simpleng sabi nito.
"Ha? Hindi na po, Sir! Nakakahiya! May guard naman po sa baba-"
"Elara."
Ayon na naman 'yung boses niya na hindi ko kayang labanan.
Napalunok ako. "W-Wala po kasi kasama ang Tatay ko. May sasakyan pa naman po kapag ganitong oras."
Alam ko iyon dahil dalawang beses na akong pinag-overtime ng manager namin. Wala naman dagdag sahod.
Pero hindi pa rin niya ako pinayagan na umuwi.
Heto nga, nasa maliit na lounge room ng office na kami ni Sir Lucien. May couch sa gilid kaya doon ako naupo. Tahimik lang kaming dalawa, ang lamig sa paligid dahil sa aircon.
Naka-jacket naman ako pero malamig pa rin. May binigay siyang kumot kaya iyon ang ginamit ko para hindi ako nginigin sa lamig.
"Thank you po," sabi ko habang naka-upo sa gilid ng sofa.
Siya naman, nakaupo sa carpet, nakasandal sa dingding, at may hawak na laptop.
"Hindi ka ba makatulog?" tanong niya.
"Medyo po. Hindi kasi ako sanay matulog sa opisina. Lalo na't hindi ko bahay."
"Baka dahil hindi mo lang sanay na makatabi ako."
"Sir kasi!" halos mapatalon ako sa inis.
Ngumisi siya. "Joke lang."
Wala talaga itong hiya eh! Tapos bigla siyang tumingin sa akin ng seryoso na parang wala itong sinabi kanina.
May tililing ba talaga ito?
"Elara..."
"Sir?"
"Do you regret that night?" mahinang tanong nito.
Napasinghap ako. Ayan na. The forbidden topic. Anong isasagot ko?
'Na yisssss sir maserep?' talandi ka! Sita ng utak ko.
"Sir, baka inaantok ka na rin po, baka gusto n'yo pong magpahinga na muna."
"I'm serious."
Napatingin ako sa kanya.
'Yung mga mata niya, hindi talaga nagbibiro. Parang gusto ko siyang sagutin ng totoo, pero... paano kung isipin niyang baka ako pa 'yong may gusto?
"I... uhm... I-I don't regret learning my limits," sabi ko, halos pabulong. "Pero sana... hindi nangyari sa gano'ng paraan."
Tumango siya. Tapos marahan siyang ngumiti.
"Then let's make new memories. Ones you won't regret."
Natahimik ako. Para bang tumigil 'yong orasan dito sa loob ng opisina.
Pero bago pa ako makasagot, bumukas na bigla ang pinto, si Manong Guard pala!
"Sir! Ma'am! Naku! Akala ko may magnanakaw!" gulat na sambit nito.
Sabay kaming napatalon ni Lucien sa gulat, na halos magkadikit na ang ulo namin.
"Sir! Ma'am! Eh... magkasama pala kayo dito sa dilim?" mapang-asar na tanong ni Guard, sabay kindat.
"Ay, hindi po! Nago-overtime lang po kami dito. Huwag kang malisyoso, Manong!" sagot ko agad, namumula ang mukha ko sa hiya.
Si Lucien naman, nagkibit-balikat lang. "Hmm... Kung 'yan ang gusto mong isipin, Manong, di isipin mo!"
Napanganga ako sa sinagot ni Lucien. Pag-alis ni Guard, tinakpan ko ng unan ang mukha ko. Mahinang nagtitili sa hiya.
"Sir naman! Baka isipin ng guard na may nangyayari! Nakakainis ka!" Sabay hampas ko sa unan na hawak ko sa ulo niya.
Tumatawa naman siyang umilag sa pamamalo ko. Ngumisi na parang nasisiyahan pa siya.
"Let him think what he wants to think. At least may thrill, 'di ba?"
"Sir Lucien! Anong thrill-thrill?" impit kong sigaw.
Pero ang siraulo, nangingiti lang na tumayo para patayin ang ilaw.
"Good night, Miss Delos Reyes. Try not to dream of me. If you dream of me, you cannot skip anymore,"
"Too late," bulong ko.
'Kasi kahit gising pa lang ako, ikaw na 'yun nasa isip ko,' sagot ng isip ko.