Personal Assistant Elara Pov Gulat na gulat ako sa balitang ginawa akong Personal Assistant ni Lucien. Bakit ako? Dios ko, ano na lang ang sasabihin ng ibang katrabaho ko sa akin? Nakakahiya sa mga matagal na dito at mga magagaling na workers. Ano na naman ba ang trip ng lalaking ito? Kaya ako nabubully dahil sa kanya eh. Hindi marunong tumupad sa usapan. Baka kung hulog na hulog na ako sa kanya, saka lang ito bibitaw. Bumuntong hininga ako ng malalim. "Hindi pa rin talaga ako makapaniwala hanggang ngayon, PA ako ni boss for three days? Whoaah!" Nagugulat pa rin talaga ako. Nakatulala ako sa memo na nasa harapan ko habang nag-iimpake ako ng gamit ko sa aking bag. Si Rica at Cheryl, siyempre ang unang excited para sa akin. Sila pa nga ang kinikilig na dalawa eh. Ako naman pinagh

