Protect Elara Elara Pov First day of work as a personal assistant to Lucien. Nakakahiya man ay kailangan kong maging matapang. Sino sila eh , hindi naman sila ang nagpapasahod sa akin. Kaya fighting lang, self. Pagpasok ko pa lang sa opisina, ramdam na ramdam ko na ang mga matang nakatutok sa akin. Lalo na sa mga babaeng empleyadong parang may naamoy na chismis. Kahit ba naman dito, hindi pa rin nawawala ang mga chismis. Kahit saan yata, may mga empleyado na chismosa at chismoso eh. Bumuntong-hininga ako at nagpatuloy pumasok sa loob kung saan 'yung magiging desk ko. Nasaan na ba si Nella, ang naging kakwentuhan ko kahapon na isa sa staff na sumama dito para sa out-of-town project? Hindi na nga mawala-wala ang tuksuhan sa akin kahapon, kapag wala si Lucien. Pati ba naman mga ibang e

