bc

Apollo's Smile

book_age16+
19
FOLLOW
1K
READ
drama
tragedy
serious
like
intro-logo
Blurb

Apollo the angel symbolize the sky sinned in the heavens to love a mortal.

The punishment he inflicts on every angel who sins is what he goes through. He was punished in heaven and threw him to the earth where humans live and his beloved also.

Hundred years later, he saw and reunited with his beloved.

But will they still continue their love?

Or

Let alone because of sin.

chap-preview
Free preview
Ang Simula
"Napaka-kakaiba ng 'yong ngalan, ginoo. Ikaw si Liwanag? At ako si Ligaya maari kayang dapat tayo'y mag-sama? Sapagka't ako'y kukuha ng liwanag sa'yo at ako'y magiging Ligaya mo" nakangiti at labis na saya na wika ni Ligaya. Ang kaniyang ngiti ang nagbibigay Ligaya sa'kin at ang nararamdaman ko ngayo'y ay hindi mapagsidlang saya. "Nga pala, ginoo kahit pa Liwanag ang pangalan mo hindi pa din tama na tinatawag lamang kitang Liwanag sapagka't ang iyong wangis ay katulad ng wangis ng mga mahaharlika at isa lamang akong hamak na indio" Naka-upo siya sa malaking bato at walang sapin sa paa gayunpaman. Iniibig ko siya. Hindi ko siya binigyang pansin at ako'y tumitig lamang sa ganda ng papalubog na araw. "Kay ganda ng dapit-hapon hindi ba? Ginoo hindi masamang mag-salita kung yun ang nasa isip mo" nag-lakad siya patungo sa'kin at lumayo ako ng bahagya sa kaniya at tinitigan siya. "Ginoo wala naman akong nakakahawang sa'kit kaya't bakit mo'ko iniiwasan? Hindi ba't nung nakaraang buwan sinabi mo sa'kin na ako'y iyong iniibig?" "Ligaya hindi magandang tingnan na malapit ka sa'kin kahit pa na nasabi ko nuon na mahal kita" ngumiti lamang siya at ilang segundo lamang ang nakakalipas may luhang tumulo sa mga mata niya. Mabilis na lumapit ako sa kaniya ag pinunasan ang mga luhang tumutulo galing sa kaniyang mga mata.. "Ano ang dahilan ng iyong luha?" Nag-aalalang wika ko. Hinarap niya ako at nginitian. Mabilis na hinalikan ko ang kaniyang noo. "Nagkakamali ka kung akala mong hindi kita mahal, labis kitang minamahal, Ligaya. Pinipigilan ko lamang ang aking sarili" kinalas niya ang aking mga bisig at dahan-dahang lumayo. Para akong sinaksak ng milyong-milyong palaso sa kaniyang ginawa. Napaka-sakit, Ligaya. "Kagabi may bumisita sa'king, panaginip. Isang napakagandang babae. Hindi niya sinabi ang kaniyang ngalan ngunit.... Sinabi niyang siya'y iyong ina" Hindi maari, hindi ito nangyayari. "Apollo ang anghel ng himpapawid" labis ang iyak ng sabihin niya iyon. "Nais kong lumipad ka pabalik sa langit" "Ligaya wala akong alam sa iyong sina——" "Kailan pa nag-simulang natutong magsinungaling ang mga anghel?" Lumuhod siya sa harap ko. "Ayokong maparusahan ka mahal ko, parang awa mo na bumalik ka na sa tirahan mo. Nakiki-usap ako." "Sinusubukan lamang tayo ng panginoon mahal ko" hindi ko na napigilang mapaluha. "Isa kang anghel na nagpapanggap na tao para lamang makasama ang isang dukhang katulad ko at isa yun sa pagkakasala mo dahil bawal umibig ang mataas na katulad mo sa putik na gaya ko" "Ligaya makinig——" "PANGINOON... PATAWARIN NIYO PO ANG INYONG ANAK SA PAGKAKASALANG MAHALIN ANG HAMAK NA GAYA KO... PERO AKO NA HO MISMO ANG HUMIHINGI NG PANGALAWANG PAGKAKATAON NA IBALIK SIYA SA TAHANAN NIYO AT HUWAG PARUSAHAN.... SA NGALAN NG AMA——" "Ligaya makinig ka muna——" "NG ANAK——" "Ligaya parang awa mo na——" "NG DIYOS ESPIRITU SANTO... AMEN" kasabay ng pagdadasal niya ang pagkatanggal niya ng malay. At lumiwanag ang pinto ng kalangitan at lumabas ang aking ina. "Halika na anak ko, nag-aantay na ang konseho sa parusang matatanggap mo" "Ina..." "Alam mo ang batas sa atin anak ko... Maawa ka sa sarili mo labis ang pighati na'min ng iyong ama ngayon" "Hindi ko na siya makikita kung sasama ako sa'yo" "Ang iyong kapatid na si Dimasha ay umibig din sa tao katulad mo at ngayo'y naka-kulong siya at ipapatapon sa mundo ng mga tao" "Hindi parusa yun kung ipapatapon niyo din siya dito sapagka't nandito ang kaniyang mahal" "Mali ka, dahil wala siyang kamatayan dito at paulit-ulit ipapakita sa kaniya ang pagkamatay at paghihirap ng minamahal niya" "Ina" walang buhay na aking wika. "Sumama ka na anak ko sapagka't kung mananatili ka dito... Hindi lamang ikaw ang mapaparusahan ng ama mo" inilahad ni ina ang kamay niya at tumingin muna ako pabalik kay Ligaya bago ako mawala ng tuluyan. Mahal ko, ginagawa ko 'to para sa'yo nakatingin lang ako sa himpapawid at binabantayan ka. ** Mabilis na pumunta ako sa aking silid upang magdamdam ngunit naabutan ko ang aking mga kapatid. "Maligayang pagbabalik, kapatid ko" bakas ang pag-aalala sa muka ni Payra nang akapin niya ako. Ang babaeng kapatid ko siya ang anghel ng simbolo ng apoy. "Gusto mo ba magpahinga?" -Aqua. Ang kapatid kong babae na simbolo ng tubig. "Si Dimasha naka kulong pa din sa pihitan kapatid ko" -Sakron ang kapatid kong simbolo ng pagkabuhay. "Hindi din niya nais na kumain" -Sakria ang kakambal ni Sakron. Isa siyang babae at ang kaniyang simbolo ay kamatayan. Tumingin kaming lahat kay Evria. Ang kapatid naming simbolo ng hinahanarap. Kung ano ang aming simbolo siya din ang aming kakayahan. "Anong nakikita mo sa hinaharap ng ating kapatid na si Dimasha?" Pagtatanong ko. Malungkot na ngumiti siya sa amin. "Hindi ko maaaring sabihin——" napahinto si Evria sa pagsasalita nang magbago ang kulay ng kaniyang mata na dahilan na may nakikita na siyang pangyayare sa hinaharap. Mabilis na kumilos si Sakron at ako upang alalayan si Evria. "Anong nakikita mo?" Tanong ko nang manumbalik ang kaniyang normal na kulay ng mata. "Apollo" labis ang kaniyang pighati. "Evria anong nakita mo?" Payra. "Ang kalungkutan mo, Apollo" napatitig ako sa kaniya. "Sapagka't hindi hahayan ng kalangitang manumbalik ang ngiti mo" malungkot na wika niya na ikinalungkot ko din. Ligaya. "Sa ngalan ng ama... Ng anak... Ng esperitu santo... Panginoon huwag niyo sana parusahan ang mahal ko, patawarin niyo siya sa pagkakasala niya, patawarin niyo siya at bigyan ng pagkakataon na magsimula muli. Sa ngalan ni Apollo na anghel ng himpapawid nakikiusap ako. -Amen.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

His Obsession

read
104.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook