NAIS SABIHIN NG MAY AKDA.
Ang lugar, pangalan, insidente at pangyayari sa kuwento na may pagkakaparehas sa totoong buhay ay nagkataon lamang.
Ang nilalaman ng istoryang ito ay base lamang sa utak ng may akda. Kaugnay ang mga diyos-diyosan na mababanggit sa kuwento.
Nais kong hilingin ang taos pusong pag-intindi niyo sa storyang ito.
Maraming Salamat.
Plagiarism is a crime!
Nais ko sanang basahin niyo ang iba ko pang kuwento. Maraming salamat.
Painful Battle Series.
________
2017
"Smile ano ba? Gumising ka na diyan. Diyos ko kang bata ka" kahit napaka-layo ng kuwarto ko rinig ko ang nakakarinding boses ng tiyahin ko.
Mabilis na bumangon ako at inayos ang higaan ko at naligo. Dumeretso ako sa kusina pag-tapos ko.
"Oh anong klaseng mukang 'yan? Itsura ng papasok sa trabaho ganiyan muka? Smile ngumiti ka naman" tinitigan ko si Tiyang.
"Ano oras na ho? Baka pagalitan ako nila Direk" walang buhay na sabi ko at kinuha ko yung tinapay at kinain ko.
Kinuha ko na yung susi ko at Ipad.
"Tiyang alis na'ko"
"Sige mag-iingat ka ha" tumango ako at sumakay na sa kotse ko. Tinawagan ko si Mama Tetchie.
"Mama Tetch--"
"Nako patay tayo.... Patay talaga tayo.... Patay na patay lalo ka na... Nasaan ka na? Nasaan ka na? Diyos ko po pati kami dinamay mo sa palpak mo.... Smile nasaan na ang mga location? Smile Diyos ko po galit na galit na si Direk"
"Mama Tetchie papunta na nga ako sa resort kung saan ishoshoot yung ending ng pelikula, Diyos ko naman e. Na-late lang ako kasi naki-usap pa'ko...."
"Ano pumayag ba?"
"Hehehe kasi Mama--"
"Pumunta ka na agad sa resort na yun ha at huwag na huwag na huwag kang babalik dito kapag wala kang nahanap na location ng set ha"
"Oho, oho pasensya"
"Sige mag-iingat ka" napabuntong hininga ako.
Bakit kasi ayaw nila magpa-shoot sa mga resort nila?
Location Manager ako sa mga films, ako ang taga hanap ng mga location sa films simple lang.
Nako, parang gusto ko tuloy bumalik na lang sa nakaraan. Sa nakaraan siguro mga pahinhinan ang mga babae.
Nang makakita ako ng resort sa tabi agad kong pinasok ang sasakyan ko.
Ligaya's Resort.
"Bakit ganuon ba ka-ligaya ang resort na yan at Ligaya ang pangalan?" Inis na sabi ko. Nakaka-stress ang trabaho ko.
Nang maka-pasok ako hindi ko itatanggi ang ganda ng resort na'to.
Napaka-linis at halatang elegante at mayayaman ata ang mga nakakapasok dito.
Hindi ata pasok sa budget namin.
"Ahm miss puwede ba akong makipag-usap sa manager niyo?" Tanong ko sa receptionist.
"Ma'am kailangan niyo po muna magpa-appointment kasi busy po si Sir Apollo"
"Ganuon ba? Kailan kaya siya free--"
"Magui I need a hard copy on that folder okay"
"Yes sir"
"And please tell to Mr. Senedy that I don't want him to be late"
"Yes sir copy"
"Good afternoon sir Apollo" napa-tingin ako sa lalaking nagmamadaling maglakad.
Katulad ko walang bakas ng saya sa mga muka niya, sumusunod sa kaniya ang isang babae na kung hindi ako nagkakamali sekretarya niya.
Sa sobrang guwapo at lakas ng dating niya para siyang hindi guwapo.
Nang papasok na siya sa elevator duon lang nag-sink-in sa akin na siya si Mr. Apollo.
"Sir! Sir! Sir! Sir" mabilis na tumakbo ako papalapit sa kaniya. Hindi siya huminto pero tinitigan niya ako. Pumasok sila sa elevator kaya wala akong nagawa kung hindi ang pumasok na din.
Magsasalita pa sana yung sekretarya niya na lumabas ako sa elevator ang kaso sumara na yung pinto.
"Sir" hingal na sabi ko. Hindi ba uso sa lalaking 'to ang salitang hinto. "Kapagod... Saglit lang" huminga muna ako.
"Miss sobrang busy na resort ngayon kung kailangan mo ng meeting with Mr. Apollo please set an appointment" hindi ko pinansin ang sekretarya niya at tumingin ako sa Apollo na hindi man lang ako tinitingnan.
Nang makita siya ng malapitan parang sinaksak ang puso ko sa sakit, parang gusto kong umiyak, para akong nangungulila.
Anong nangyayare sa'kin?
Nang tumingin siya sa'kin walang mababakas ng emosyon. Sa ilang segundong pagtitig ko sa kaniya gusto kong umiyak sa hindi malamang dahilan.
Anong meroon?
Nang mag-bukas ang elevator hindi ko sila sinundan. Hindi ko alam bakit saktong pag-sara ng elevator napa-upo at napaiyak.
Charot.
Ano ako nasa drama?
Inayos ko ang sarili ko at nag-powder muna.
"Mayayari ka kay Direk kapag wala pang location" mabilis na umakyat ulit yung elevator sa binabaan nung Mr. Apollo. Nang bumukas ang pinto ng elevator ang dami kong pinto na nakita. "Saan naman dito?" Isa-isa kong tiningnan ang pinto at sa dulong pinto may nakalagay.
Manager's Office.
Bingo!
Mabilis na kinatok ko ang pinto at bumungad sa akin ang sekretarya ni Mr. Apollo.
"Miss like what I sai--" tinulak ko siya palayo at pumasok ako sa opisina at duon ko nakita ang isang babae at si Mr. Apollo.
Napatingin sila sa'kin at ngumiti yung babae na akala mo kilala ako.
"Tama nga si Evria" sabi nung babae.
"Aqua nais kong umalis ka na dito... Bumalik ka na sa tubig na pinanggalingan mo" si Mr. Apollo. Tumayo yung sinabi niyang Aqua at ngumiti sa akin.
"Isa ako sa mga manager ng hotel na ito. Ako si Aqua" mabilis na ngumiti ako. "Hindi ko nais maka-kita ng ganiyang uri ng pag-ngiti" at mabilis na nawala ang ngiti ko.
"Ako po si Smile--"
"Smile? Napaka-ganda ng pangalan mo... Konektado sa Ligaya" tumango na lang ako.
"Ahm Ma'am isa po akong Location Manager sa film. Kailangan po kasi namin ng resort na pagshoshootingan. May plan B po kaso may emergency na nangyari sa Resort na binook po namin" pagsisinungaling ko. "Kaya kung puwede po sana gamitin 'tong Resort niyo? Kung gusto niyo po masasama sa credits ang resort niyo, imemention ng artista pangalan ng resort at vivideohan pa po namin yung magagandang spot dito at isasama sa film... Deal?" Hingal na sabi ko.
Nagkatinginan pa yung Aqua at si Mr. Apollo.
"Sir, Ma'am we can't. Fully book na po ang resort dahil bakasyon--"
"Okay--No" napa-tingin ako nang sabay na mag-salita si Ms. Aqua at si Mr. Apollo.
"Get out, Aqua"
"Apollo nais kong mahiya ka sa binibining nasa harap mo ngunit kailangan ko ng umalis--"
"Mag-iingat ka kapatid ko" nakita kong sinamaan ng tingin ni Ms. Aqua si Mr. Apollo bago ito lumabas ng pinto.
Saktong pagkaharap ni Mr. Apollo sa'kin.
"No--"
"Nag-yes na po yung partner niyo wala na kayong magagawa kung hindi ang payagan ako"
"Bakit ang tigas ng ulo mo? Ria call the security--" mabilis na lumuhod ako sa harap niya.
"Parang awa mo na... Please sir nakikiusap ako.... May dumalaw sa panaginip ko, hindi niya sinabi yung pangalan pero Direktor daw siya tatanggalan niya ako ng trabaho pag hindi ko daw 'to nakuha.... Parang awa mo na" nang hindi siya mag-salita tinitigan ko siya. "Please sir" bumuntong hininga siya.
"No" mabilis na tumayo ako at hinarap siya.
"50k? Ano deal? Hindi ka na lugi magkano lang entrance ata niyo dit--"
"Eh kung 70k?" Tinitigan ko siya. Mukang pera 'to ha.
10k nga lang budget, 70k naman. Kakailanganin na kasi mamaya. Patay talaga ako nito e.
Ambagan ko na lang. Ubos ipon kong makapag-ibang bansa.
"Deal" tinitigan niya ako. "Pero puwedeng hulog-hulugan? Wala kasing budget ang poduction team--"
"No"
"Sabi ko nga" at naglabas na'ko ng wallet. Kinuha ko ang card ko. "Sir puwedr pengeng resibo? Palagay sa resibo 10k lang binayaran ko" napa-tingin sa akin si Mr. Apollo.
"Bakit?"
"Kasi sir 10k lang budget para dito eh aabonohan ko na lang--"
"No" napatingin ako sa sinabi niya. Para siyang galit. Bakit?
"Hu? Anong no? No? Na hindi na 70k? Or No? na bawal na?" Kinakabahang sabi ko.
"No na bawal na--"
"Sir huwag--" napahinto ako sa pagsasalita nang tumawag si Mama Tetchie. "Hello--"
"SMILE WHERE THE HELL ARE YOU? ANO KAILAN KA PA NAGING IMPORTANTE? NASAAN NA ANG RESORT? NASAAN KA? HA" napaiwas ako sa cellphone ko sa malakas na sigaw ni Direk.
"Mukang bad mood tayo, Direk ha hehehe" biro ko pero kinakabahan na ako. Mukang hindi talaga papayag si Mr. Apollo.
Nilagay ko sa balikat ko ang cellphone ko at inipit sa tainga ko. Kinuha ko ang laptop ko sa bag at nag-research ng malapit na resort dito sa Ligaya's.
"Paanong hindi? Smile naman? Nasaan na ang resort? Nasaan ang bahay na pagshoshootingan? Nasaan ang gubat na gagamitin? Smilee!"
"Direk ito na kasi saglit--"
"Sige na" napahinto ako sa paghahanap sa laptop ko ng location nang marinig ko si Mr. Apollo. "You guys can shoot here" tumango ako sa kaniya at ngumiti.
"Ahm direk sa Ligaya's Resort sesend ko address ha"
"Sesend mo? Eh hindi ko pa nga nakikita yung picture? Eh paano kung hindi ganiyan gusto kong resort dapat may plan B ka"
"Of course direk lagi akong may Plan B. Sesend ko muna yung video at pictures ng resort babye direk" at mabilis na binuksan ko ang laptop ko. "Mr. Apollo mayroon bang page 'tong resort niyo na mapagkukunan ko ng video at pictures ng resort?" Tarantang sabi ko at sinearch sa f*******: ang group page. "Ay huwag na pala nakita ko na"
Mabilis na sinend ko kay Direk yung video at picture. Naki-upo muna ako sa couch kahit alam kong pinapaalis nako ng tingin.
Naghanap akong ibang resort na puwedeng hanapin kung sakaling hindu magustuhan ni Direk.
"Hello Ma'am" sabi ko pagkatawag ng call sa isa sa mga resort na nakita ko.
"Yes, Ma'am? Drenyan's Resort here. How may I help you?" Sasagot pa lang sana ako nung mag-reply si Direk na otw na daw sila.
"Ah susurprise ko sana boyfriend ko diyan kami mag-stay kaso nakipag-break na siya I am so sorry" at pinatay ko na. Nakahinga ako ng malalim at pag-tingin ko kay Apollo.
"Get out" at nagulat na lang ako nung nasa labas na ako.
Kinabahan ako duon. Nang dumating sila direk mabilis na inabangan ko sila sa entrance.
"Hello dire--"
"Bilisan mo na huwag kang ano" tumango ako nung lagpasan nila ako.
"Oh ihanda niyo na mga gamit? Ano pa ginagawa niyo?" Lumapit ako kay Mama Tetchie. "Oh padating na ba yung mga artista?"
"Yes mama Tetchie otw na daw po si Luna pati din po so Kali" sagot ng isang staff.
"Mama Tetchie" lumingon siya sa akin at sinabunutan ako ng unti. "Aray naman"
"Talagang masasaktan ka. Ano bang nangyare ha bata ka? Naka-hanap ka na ba ng bahay at gubat?" Umiling ako. "Oh edi umalis ka na"
"Opo mama"
"Magiingat ka bata ka ha" tumango ako at bumalik sa loob ng resort para hanapin si Mr. Apollo.
Nakita ko siya sa tabing dagat at nakatingin sa kalangitan habang naka-pasok ang mga kamay sa bulsa.
Ang lakas ng dating.
"Sir Apollo" napalingon siya sa akin at dali-dali akong lumapit.
"Hmm?" Cold naman.
"Sir ito na po yung card ko pero yung resibo po sana 10k lang ilagay" nahihiyang sabi ko. Tinitigan niya ako at may inabot na papel.
Resibo yun at may pirma niya na 10k ang binayaran ko.
"Pero hindi pa po ako bayad--"
"Hindi ko kailangan ng pera basta nasa credits ang resort namin at ilalagay ang pangalan ng resort sa pelikula" tumango-tango ako.
"Salamat po sir salamat talaga" mabilis na nilabas ko yung cellphone ko at naghanap na agad ng bagay na gagamitin.
"What are you doing?" Tiningnan ko si sir Apollo.
"Naghahanap ng bahay sir para sa next shoot"
"I knew some place" agad na nagliwanag ang mga mata ko.
"Talaga sir? Sige po pahinge po ang address" tinitigan niya ako at umiling.
"I will come with you" at duon gulat akong tumingin sa kaniya.
"S-sir huwag na po.... Huwag na po" mamaya may gawin siya sa'kin e.
"As If I'm gonna r**e you? Hind ikaw ang taste ko"
"Hindi na po sir--"
"I insist"
"Busy po sir ang resort niyo"
"Ako din naman ang may-ari kaya ayos lang na wala ako" tinitigan ko siya. Mabilis na tumibok ang puso ko habang naka-tingin sa kaniya.
"Ayoko po"
"Why?"
"Ayoko lang salamat po ulit" at umalis na ako. Mabilis na hinawakan ko ang puso ko. "Bakit? Ano meroon?" Nang makararing ako sa parking lot. Mabilis na sumakay ako sa kotse ko at tinawagan si Luna.
Ang bidang babae sa pelikula na kaibigan ko.
"Malelate ako sis" sagot niya.
"Bakit?"
"Naalala mo ba yung kinuwento kong si Dim?"
"Dim? Sinong Dim?"
"Dimasha duh nakalimutan mo agad?"
"Ah oo kilala ko na. Yung lalaking stalker mo na crush mo?"
"Oo siya nag-away kami ngayon... Sabi niya sa akin pinagpalit niya daw ang kalangitan para sa'kin pero sinasaktan ko daw siya"
"Baka kasi sobrang ganda nung babae niya bago ikaw tapos mahal na mahal siya... Bakit ba kayo nag-away?"
"Ayaw niya ng may kissing scene"
"Eh kayo ba?"
"Hindi--Luna please open the door... I swear kapag hindi sisirain ko 'to"
"Gusto mo bang tumawag na'ko ng pulis? Hoy Luna baka sinasaktan ka niyan ha"
"Hindi siya ganuon--I am so sorry please--babye na"
"Rupok" at namatay na ang call. Nang may makita akong malaki at magandang bahay.
Mabilis na huminto ako at nag door bell. May lumabas na katulong.
"Bakit po ma'am?"
"Ahm hello, location Manager po ako sa isang film puwede po bang gamitin yung bahay na'to?"
"Ay sorry po Ma'am wala pa po si sir Apollo dito" napanganga ako sa sinabi niya.
Tama ba narinig ko? Apollo?
"Ahm nasaan ba boss mo? Tatawagan ko?"
"Sorry po talaga Ma'am maganda na nag-iingat"
"Hindi naman po ako budol-budol Ma'am ito po ID ko" at pinakita ko ID ko.
"Sorry po talaga Ma'am" tumango na lang ako at pumasok na siya sa loob.
Wala na'kong oras ishoshoot na yun bukas. Mabilis na bumalik ako sa resort at hinanap si Mr. Apollo.
Pero this time hindi na ako pinapasok sa opisina niya. Hinanap ko siya sa buong resort. Patay na.
"Ahm miss kasi kaibigan ako ni Apollo--"
"Sorry po talaga pero ikaw po yung location manager kanina"
"Miss sobrang importante po talaga nito"
"Ma'am sorry po"
"What's happening?" Mabilis na lumingon ako nung marinig ko si Mr. Apollo.
"Sir may nakita na po akong bahay--"
"Then? Nasakin ba pambayad?" Pinigilan kong mainis sa kaniya.
"Sir bahay niyo po kasi ang nakita ko... Baka puwedeng gamitin yun?" Tinitigan niya ako.
"Let's go?" Nagliwanag ang mga mata ko at sumama sa kaniya. Kotse niya ang ginamit papunta sa bahay niya.
Nang makapasok kami lumapit sa amin ang katulong na nakausap ko kanina. Nagulat pa siya nang makita ako.
Nang maka-pasok kami sa bahay dito ko nasabi na sobrang ganda nung bahay.
"Puwede ko ba tingnan yung mga kuwarto?" Tanong ko. Tumango siya at pinuntahan kong una yung pinaka-dulong kuwarto.
Nagulat ako sa dami ng painting na nanduon, isang babae na naka-luhod habang umiiyak sa gitna ng dapit-hapon.
Isang babaeng naka-upo sa bato habang nakayapak.
Isang babaeng naka-tingin sa kalangitan.
At isang babaeng nakangiti na parang nakatingin sa akin.
"B-bakit? Bakit ako umiiy--" napatigil ako sa pagsasalita nung may yumakap sa akin mula sa likudan.
Lahat ng balahibo ko nag-taasan. Ang mabangong amoy niya na nanunuot sa ilong ko. Ang mainit niyang braso na yumayakap sa katawan ko.
"Finally I found you" ang apat na salitang yun ang nagpa-balikwas sa akin at lumayo sa kaniya.
Nasasaktan siyang tingnan ako.
"Hindi mo naaalala tama ba?"
"Anong ginagawa mo? Bakit mo'ko niyakap? Magkakilala ba tayo?" Galit na tanong ko.
Sinabunutan niya ang buhok niya at umupo sa lapag.
"Ginawa ko na ang lahat.... Ngunit bakit hindi tayo hayaan?... Bakit?.... " Nagulat ako nung may tumulong luha sa kaniya. "Narinig ko ang dasal mo... Binigyan akong pagkakataon ngayon dahil sa'yo.... Pero bakit.... Bakit ganito?"
Gulong-gulo ako sa mga sinasabi niya. Anong nangyayari sa kaniya?
"Sir hindi na po pala ito yung bahay na gagamitin namin.... Sorry sa abala" nagsimula na akong lumakad palayo.
"Ligaya" bigkas niya na ikinatigil ko. Sino naman yun? Tinatawag niya resort niya?
"Sorry po sir sa abala"
"Nakahinga ako ng maluwag nang makitang maayos ka mahal ko" tinitigan ko siya at nakatingin siya sa babae sa painting na nakangiti.
Napaka-ganda ng babaeng 'yon.
Nababaliw na siya.
"Aalis na ako sir"
"Masaya akong nakita ulit kita"
______________________________________