JACKET

2718 Words
Napatitig ako sa itsura ko sa salamin at inamoy ang sarili ko. "Bakit ba ako kinakabahan kung mabaho ako nung niyakap niya ako?" Inis na sabi ko at kinagat ang labi ko. "Baka naman adik siya o baliw, may sa'kit sa pag-iisip ganuon... Bakit kasi yakap nang yakap yun?" "Sino naman yakap nang yakap sa'yo aber?" Mabilis na napakingon ano kay Tiyang. "Tiyang" "Hoy Smile sinasabi ko sa'yo kung may boyfriend ka sabihin mo sa'kin hindi yung magugulat ako buntis ka na" "Tiyang naman... May bigla kasing yumakap sa'kin sa likod... Sabi niya sa akin masaya daw siyang makita ako ulit... Tiyang hindi ko pa siya nakikita... Baka naaksidente ako tapos asawa ko pala siya diba? Hindi ko lang maalala--aray naman tiyang maka-batok" sabi ko habang hinihimas-himas ang braso ko. "Una sa lahat wala kang amnesia, pangalawa hindi ka pa naaksidente, pangatlo isang beses ka lang ata niyakap hindi yakap nang yakap.... Itong batang 'to ka-aga-aga assumera" "Tiyang naman e" "Tiyang naman... Dami mong alam, Smile. Ano papasok ka ba ngayon?" "Tiyang may alam ba kayong bahay na mapagshoshootingan?" "Bahay natin ayaw mo?" Pinagmasdan ko bahay namin. "Hindi na tiyang hahanap na lang akong iba" nagtoothbrush lang ako at umalis na. "Hindi ka ba muna maliligo?" "Hindi na muna tiyang mamaya na lang. Late na'ko" "Juice ko kang bata ka, ni magpalit hindi mo gagawin?" "Sa kotse na lang ako magpapalit. Alis na ako tiyang" "Ingat" tumango ako at pumasok na sa kotse ko. Nang mag-traffic kinuha ko yung chance para tanggalin ang pajama ko at palitan ng pantalon. Hinubad ko na din ang damit ko at bra lang ang itinira. "Kailan pa naging masikip ang square pants?" Inis na sabi ko at pilit na sinuot ang square pants ko at dito ko lang din napagtanto na ripped jean pala nakuha ko. Hindi sinasadyang nakabig ko ang manibela at bumangga yun sa kotseng kaharap ko. "Oh my god" gulat na sabi ko. Tinitigan ko ang kotse sa harap ko na malaki ang yupi. Nagtunugan na ang dalawang kotse namin. "Swerte mo, Smile hindi ka na nga naligo ganito pa nangyare" mabilis na lumabas yung driver. Isa siyang matanda na halata ang galit sa muka. "Patay" kinakabahang sabi ko habang pilit na sinusuot ang pantalon ko. Marahas na kinatok nung lalaki ang wind shield ko. "HOY LUMABAS KA DIYAN!" parang gusto kong maiyak sa inis sa pantalon na hindi ko masuot. Mabuti na lang tinted yung salamin ng kotse ko. "Hindi ka lalabas diyan babasagin ko salamin mo!" Gusto ko maiyak sa nangyayare sa'kin ngayon. Susunugin ko talaga 'tong pantalon na'to. Mabilis na sinuot ko ang pajama ko at lumabas saktong hahampasin niya ang bintana ng kotse ko. "Mister--" "Nakita mo ba nangyare sa kotse ko?" Galit na tanong niya. Tumango-tango naman ako. Pinakatitigan niya ako. "Miss nagaadik ka ba? Naka-pajama ka ba habang naka-bra?" At mabilis na tiningnan ko ang sarili ko sa salamin ng kotse ko nang mapagtanto kong naka-bra lang ako. Babalik na sana ako sa kotse ko ang kaso naka-lock yung pinto. Padabog na hinampas ko yung kotse ko. "Ano miss--" parang huminto ang pag-galaw ng mundo nang may mag-lapat ng isang mabango at magandang jacket sa katawan ko para takpan ang dibdib ko. Nagulat pa ako ng isara niya ang zipper at pinakatitigan ako. "Mr. Apollo" yun lang nasabi ko. "Hello sir, I will pay for your car" kinakabahan ako at ang lakas ng t***k ng puso ko. Parang gustong mag-wala dahil sa ginawa niya. Paano siya napunta dito? "Dapat lang at pasabi sa girlfriend mo huwag umaalis ng naka-bra lang" "Yes, sir I will" at binigay ni Mr. Apollo contact number niya. "I am the Manager of Ligaya's resort and here's my contact number. Just call me how much is the cost" "Sure ka hindi ka bogus ha" "Yes sir" tumango yung lalaki, sumakay sa kotse niya at duon ko lang nalaman na kami na lang pala nasa gitna ng kalsada. "Susi mo?" Walang buhay na tanong ni Mr. Apollo. Inginuso ko ang loob ng kotse ko. "You left it inside?" Tumango ako. Hindi ko masuot ng maayos jacket niya nahihiya ako pero gusto ko ipasok yung mga braso ko sa long sleeve ng jacket at namnamin ang amoy ni Mr. Apollo pero pinipigilan ko. Nakasabit lang kasi ang jacket sa balikat ko at naka-zipper. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Mr. Apollo at nag-labas ng kung anong metal at kinalikot ang kotse ko. Habang tinititigan ko siya kung paano ako tulungan hindi din nakaligtas ang mabilis na pag-t***k ng puso ko sa hindi malamang dahilan. Nang bumukas ang pinto ng kotse ko lumayo siya duon at pumasok na ako. Lumingon ako sa kaniya at ngumiti. "Maraming salamat" tumango lang siya kaya pina-andar ko na yung kotse ko. Lalabhan ko na lang yung jacket niya. Nang maka-rating sa Ligaya's Resort ilang oras ko bago nasuot ang pantalon ko at t-shirt at sapatos ko. Nang makita kong maayos ang sarili ko saktong pag-baba ko nagpark ang kotse ni Mr. Apollo sa harap ko. Inantay ko siyang bumaba at kinuha yung jacket niya. Nang makita ko siyang nag-lakad palayo sinundan ko siya. "Ahm Mr. Apollo--" "Apollo" "Sir Apollo" "Apollo sabi" "Hindi kasi magandang tingnan... Mayaman ka tapos mahirap ako--" napahinto ako sa pagsasalita nang matigilan siya. "B-bakit?" "You remind me of someone" sino naman yung someone na yun? "Ah" "So say Apollo" bumuntong hininga ako. "Apollo" "Hhhmm?" "Gusto mo bang labhan ko yung jacket mo bago ibalik sa'yo o ibalik ko na?" Napahinto ako nung huminto siya sa harap ko at tumitig sa'kin. "Ang gusto ko maligo ka" at iniwan niya ako. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng kahihiyan sa sinabi niya. Nakakahiya yun. "Malelate lang naman ako kaya ganuon" sigaw ko. "Bakit kasi tinitigan ko muna sarili ko sa salamin?" Ayaw mo lang mawala ang amoy niya sa'yo nung niyakap ka niya. "Aaisshhh" inis na sabi ko at pumunta na sa dagat kung saan sila nagshoshoot. Ending kasi yung shinoshoot nila ngayon pero hindi pa tapos yung film. "ACTION!" sigaw ni Direk at nagsimula nang tumakbo si Luna habang tumatawa at hinahabol siya ni Kali. Na hindi mo makikitaan ng spark. "Basta ako taga-hanap lang ng location" sabi ko at napa-tingin ako sa liwanag ng langit. Napangiti ako nang may makita akong lumipad na malaking ibon na may puting pakpak pataas sa kalangitan. "Magkaroon ka sana ng maayos na paglalakbay" ** Apollo's Nang maka-rating ako sa pintuan ng langit nag-palit na'ko ng anyo bilang isang anghel at hindi bilang isang malaking ibon. "Patawad sa pag-gambala ngunit maari ba'kong pumasok?" Naka-luhod na sabi ko habang inaantay ang pag-sagot ng guwardiyang taga-pag-bantay. "Nais kong humingi ng tawad ngunit Apollo ang simbolo ng himpapawid ay hindi na pinahihintulutang maka-balik sa loob ng kalangitan hangga't hindi pa natatapos ang iyong parusa" hindi ko makita ang guwardiya dahil naka-yuko ako. "Limang daang taon na'kong nabubuhay sa mundo ng mga tao... Na hindi nakikita si Ligaya kahit ano pa mang gawin kong hanap sa kaniya ngunit patuloy pa din akong nabubuhay at pagkalipas ng limang daang taon nakita ko na siya... Nabuhay mula sa katawan ng isang babaeng location Manager na ang pangalan ay Smile... Nais ko lamang mag-tanong.... Maari ko bang malaman ang parusa ko?" Malungkot na sabi ko. "Patawad, Apollo sapagka't kahit kami ay hindi alam ang parusang ipinataw sa'yo ni Ama" "Ngunit maari mo bang sabihin bakit nakita ko siyang muli?" "Wala akong alam ngunit maaaring binibigyan kayo ng pagkakataon na magka-sama katulad ng panalangin mo sa nagdaang limang daang taon" "Pagkakataon para kami'y magkasama?" Gulat na tanong ko. "Maari lamang ang aking turan hindi ko nais na iyon ay bigyan mo ng iba pang kahulugan." "Maraming salamat" ayun lang ang masabi ko at nag-palit ako ng wangis bilang isang ibon at bumalik na sa lupa. Nang matanaw ko sa himpapawid si Ligay--Smile na siya. Konektado pa din naman. Naka-upo siya sa pinaka-dulong bahagi ng isla at naka-tingin sa dagat. Siya lang mag-isa sa parteng yun kaya walang makaka-agaw pansin sa'kin dahil sa laki ko bilang ibon. Lumipad ako papunta sa kaniya at bumaba mismo sa harap niya. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya at gusto kong matawa dahil sa reaksyon niya. Mahal ko napaka-ganda ng bawat parte ng muka mo mula nuon hanggang ngayon. "Pagod ka naba?" Nagulat ako sa biglaang tanong niya pero hindi ako lumipad palayo. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang ulo ko at inihimas ng marahan. Napaka-sarap sa pakiramdam ng iyong kamay mahal ko. Lumapit pa ako sa kaniya at pinagpatuloy niya ang ginagawa niya. "Pagod na pagod ka na ba?" Kung sasagot ako baka tumakbo siya. "Kasi kung hindi, hindi ka naman hihinto sa pag-lipad diba?" Tinitigan ko siya at puno ng lungkot ang mga mata niya. Anong nangyare sa'yo mahal ko sa nagdaang limang daang taon? "Ako din pagod na... Ganito lang ako pero problemado ako, mabuti ka pa nga malaya kang nagagawa ang gusto mo, lumipad hangga't kaya mo... E ako? Hanggang dito na lang ako" at ngumiti siya ng malungkot. Mahal ko nasaan na ang ngiti mo? "Lumipad ka na... Magpapahinga pero hindi susuko kaya lumipad ka na at libutin mo ang buong langit para sa'kin" Nalibot ko na ang buong kalangitan kung gusto mo ilalarawan ko pa sa'yo yun. "Hinihiling ko ang ligtas na pag-lipad mo" at naglakad na siya palayo. Nang mapansin kong walang tao kahit isa nagpalit na'ko ng anyo bilang tao. Mabilis na bumalik ako sa opisina ko. Gusto kong may gawin para sa kaniya, gusto ko matanggal ang lungkot niya, gusto kong maging masaya siya. Nang may maisip ako mabilis na bumalik ako sa set nila at hinanap yung mama Tetchie na lagi niyang binibigkas. "Ahm Miss" lumingon sa akin ang isang ginang at nginitian ako. "Anong maipaglilingkod ko sa'yo? Kung gusto mo maging artista puwede" "Not that. Gusto ko lang po sabihin na you can use my house para sa next shoot niyo. Naka-usap ko na si Smile about duon kaso tumanggi ako nung una pero nag-bago na isip ko kaya puwede niyo ng gamitin" Kailan pa'kong natutong mag-sinungaling? Napaka-pangahas ko at nagkasala na naman ako. "Ah ganuon ba? Sige maraming salamat" ngumiti ako sa ginang at saktong pag-talikod ko nanduon si Smile naka-tingin sa akin. Hindi ko siya pinansin at nilagpasan ko siya at dumeretso sa opisina ko. Alam ko nainis at nagalit siya sa ginawang pagyakap ko, hindi ko lang kasi talaga napigilan sarili kong yakapin siya pero pipilitin ko ang sarili kong huwag siyang matakot sa'kin muli. Baka tama ang tagapag-bantay ng pinto ng kalangitan na baka binigyan kami ng pagkakataong muling magkasama. Napa-tingin ako sa pinto ng opisina ko at nakita ko si Payra kasama si Evria. "Napapadalas ang pagbaba niyo dito sa lupa ayaw kong isipin na katulad namin ni Dimasha kayo ay naparusahan na" seryosong sabi ko. Umuling sila ng sabay at umupo sa upuan. "May pahintulot kami ni Ama sa tuwing bumababa dito sapagka't gusto ni ina na maayos kayo ni Dimasha" -Payra. "Ngunit dahil din sa pagbaba namin ni Dimasha upang panatilihin ang kaayusan ng mundong ito nahulog ang loob namin sa tao" sita ko sa kanila. "Hindi lahat ng tao nabubuhay bilang tao. Mga kapatid ki, ang mundong ito ay katumbas ng impyerno... Pinapaalalahanan at binabalaan ko kayo Evria, Payra at paalala niyo din kila Aqua at Sakria na huwag kayong tumulad sa amin ni Dimasha" "Ngunit Apollo masama bang ipaglaban ang pag-ibig na nais mo?" -Payra. Tinitigan ko siya. "Payra nasaksihan mo ang pag-hihirap namin ni Dimasha hindi ko nais na maranasan niyo ang ganuong hirap dahil sa ipinagbabawal na pag-mamahal" "Nais kong ibahin ang pinag-uusapan niyo sapagaka't Apollo may nakatirang Angel ng impyerno sa tirahan ni Dimasha" mabilis na sumeryoso kami lalo ni Payra sa sinabi ni Evria. "Ano?" -Ako. "Itinakwil na siya ng impyerno sapagka't unti-unti siyang bumabalik loob kay ama" -Evria. "Ikaw ba ay seryoso, Evria?" -Payra. "Kung nanaisin niyo maaari tayong pumunta kay Dimasha" "Ngunit kailangan na nating bumalik at kasalanan yun sa atin dahil tayo ay binasbasan ni Ina at Ama at kung tayo ay magkakaroon ng koneksyon sa kaniya mapaparusahan tayo, Evria" -Payra. Bumuntong hininga ako. "Hindi birong makipag-salamuha sa anghel ng impyerno" "Saan mo nalaman yun, Evria?" -Ako. "Nakita ko sa pangitain ko" tumango ako. "Bilang nakaka-tamda niyong kapatod, pinagbabawalan ko kayong bisitahin si Dimasha sa kaniyang tirahan simula ngayon. Maari niyo siyang bisitahin ngunit hinihioing ko na sana ay hindi niyo makita ang anghek na tinutukoy ni Evria. Paalalahanan mo ang iba pa nating kapatid ukod dito" tumango silang dalawa. "Nais ko pa lang mag-tanong Evria alam mo ba kung ano ang parusa ko?" Nagtinginan pa sila at umiling. "Hindi ba't sinabi na ni ina sa'yo?" -Payra. Umiling ako. "Sa loob ng limang daang taon hindi ko alam ang parusa ko" "Ngunit bakit si Dimasha ay alam ang kaniya?" -Payra. "Katulad ng sabi ko limang daang taon na ang nakakalipas bago ka ipatapon sa mundo ng mga tao hindi hahayaan ng kalangitan na ika'y sumayang muli" -Evria. "Kung hindi nila hahayaan na manumbalik ang saya ko bakit nasa tabi ko si Smile?" hindi sila sumagot sa'kin. "Maaring kung kailan mahal niyo na uli ang isa't-isa tiyaka kayo paghihiwaying muli" -Payra. "Ano lang ang alam mo sa parusa mo, Apollo?" -Evria. "Na mananatili ako sa mundo ng mga tao hangga't hindi ko pa nararanasan ang parusa ko" "Kahit kami'y naguguluhan... Pero huwag sanang umabot ang parusa mo katulad sa nangyari kay Dimasha at Luna" -Payra. "Kung saan nakikita ni Dimasha ang pagkamatay ng mahal niya sa tuwing bibigkasin ni Luna na mahal niya siya" -Evria. "Sa tuwing bibigkasin ni Luna na mahal niya si Dimasha mamatay siya?" Tumango ang dalawa kong kapatid. "At lahat yun makikita ni Dimasha at mag-aantay ng ilang taon o daang taon bago muling mabuhay si Luna" -Payra. "Kailan matatapos ang parusa ni Dimasha?" "Kapag napigilan ni Dimasha ang pagkamatay ni Luna.... Matatapos na ang parusa" -Evria. "Kung ganuon puwede na silang mag-sama?" Umiling ang dalawa kong kapatid. "Isa lang sa kanila ang puwedeng buhay, kapag nabuhay si Dimasha mawawala ang kay Luna ngunit kapag nabuhay si Luna matitigil na ang parusa ngunit mawawakasan na ang buhay ni Dimasha" -Evria. Hindi ko lubos maisip ano ang nararamdaman ngayon ni Dimasha. "Mabubuhay muli si Dimasha tama?" Kinakabahang sabi ko. "Patawad kapatid ko ngunit hindi na siya bubuhaying muli ni Ama" -Payra. "Alam ba 'to ni Dimasha?" "Alam ni Dimasha at patuloy niya pa ding gustong iligtas si Luna ngunit hindi niya nagagawa" -Evria. "Paano kung mauunang mamatay ngayon si Dimasha?" Umiling sila. "Wala siyang kamatayan dito katulad na'tin liban na lang kung kauri natin ang wawakas sa buhay niya" -Payra. "Pero kung may posibilidad na mamamatay siya..." Putol na sabi ni Payra. "Maaring matapos ang parusa sa kanila ni Luna" na tinapos ni Evria. Bumuntong hininga ako. "Paalalang muli mga kapatid ko huwag kayong tutulad sa amin ni Dimasha" paalala ko. "Makaka-asa ka, Apollo" sabay nilang sabi. Binalot ng apoy si Payra at nawala na. Ngumiti muna sa akin si Evria bago parang hangin na nawala. Wala silang pakpak katulad ko dahil kung ano ang simbolo mo yun ang kakayahan mo. Nakarinig ako ng katok ng pinti sa opisina ko. "Come in" hindi ko pinahalata ang gulat ko nang makita si Smile sa harap ko na may dala-dalang paper bag. Pilit na ngumiti siya at dahan-dahang lumapit sa akin at inilapag ang paper bag sa lamesa ko. "Tanghali na kasi.... Sabi din nung... Nung secretary mo hindi ka pa din daw kumakain kaya ito tanghalian... Pagkain ko yan masyadong madami kasi... Kaya naisipan kong bigyan ka" tinitigan ko siya. Gusto kong ngumiti sa ginagawa niya. Nag-aalala ka pa din sa'kin mahal ko. Nakalimutan man ako ng iyong isip ngunit ang iyong puso ay hindi. "Bakit mo'ko binibigyan?" Tanong ko kahit alam ko ang sagot. "Gusto kong magpasalamat sa sinabi mo kay Mama Tetchie at humingi ng tawad sa'yo nung pumunta ako sa bahay mo" umiling ako. "I am the one who should apologize here" "Tama yun natakot lang talaga ako nung bigla mo'kong yakapin" gusto kong matawa sa itsura niya ngayon na naka-pout. "So Smile I am so sorry" ngumiti siya sa akin tumango. "Forgiven" tinitigan ko ang paper bag. "Gusto mo sabay na tayo kumain?" Nagdalawang isip pa siya pero tumango na din. Salamat sa Diyos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD