Napatingin ako sa TV nang makita ko ang bagyo na paparating dito sa bayan namin.
"Bagyo-bagyo pa wala na ngang makain" si Tiyang. Umiling ako sa kaniya at kumain ng hapunan.
Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti habang inaalala ko na sabay kaming kumain ni Apollo.
"Hoy bata ka anong ngini-ngitu mo diyan?" Napatingin ako kay Tiyang.
"Wala, Tiyat kumain na'ko. Nang matapos akong kumain nilabhan ko yung Jacket ni Apollo at tinadtad ko ng downy. "Ewan ko lang kung hindi ka pa bumango" nang matapos ko idryer sinampay ko na agad 'to sa labas ng bahay namin at naligo na'ko at natulog.
Kinabukasan pag-tapos ko maligo at mag-bihis dumeretso ako sa sinampay ko na wala na.
"Asaan na yun?" Mabilis na tiningnan ko ang buong sampayan namin nagbabakasakaki na naurong lang pero wala. Mabilis kong hinanap si Tiyang na nakita ko sa kusina. "Tiyang nakita niyo ho ba yung sinampay kong jacket?" Alalang sabi ko. Diyos ko mukang mamahalin yun.
"May sinampay ka bang jacket?--"
"Diyos ko po, Tiyang mamahalin yun... Nakooo po patay ako, Tiyang" naiiyak na sabi ko. Tiningnan ako ni Tiyang.
"Kanino ba yung jacket na yun?"
"Sa may-ari po ng Ligaya's Resort--"
"May manliligaw kang mayaman? Pakilala mo naman sa'kin"
"Tiyang naman e hindi nakakatulong" at umalis ako ng bahay. Nang maka-sakay ako sa kotse ko iniisip ko kung anong puwedeng posibilidad na mawala yun.
Pagnanakaw lang.
Nako naman e. Huling araw na ng shoot ngayon sa Resort at next na shoot sa bahay ni Apollo patay na.
Nang makarating ako sa resort mas pinili kong iwasan na magkita kami ni Apollo. Nakakahiya, kinakabahan ako.
"Nakahanap ka na ba ng gubat?" Napatingin ako kay mama Tetchie at umiling. "Kung ganuon bakit nandito ka pa? Humanap ka na muna bago ka pa bulyawan ni Direk" tumango ako at naglakad na palayo.
Habang naglalakad hindi ko mapigilang tumingin-tingin sa paligid baka pagala-gala lang si Apollo.
"Lord help me"
"Tulong para saan?"
"Ay kalabaw" napatigil ako nang may magsalita. Napatingin ako sa lalaking kaharap ko at pilit na ngumiti. "Apollo ikaw pala 'yan hahaha geh bye" at mabilis akong lumayo sa kaniya at pumunta sa parking lot. Nang makarating ako sa parking lot mabilis na pina-andar ko ang kotse ko.
"Kinabahan ako duon... Bakit kasi nawala yun" inis na sabi ko. Nagpark ako sa overlooking na nakita ko at nilabas ang laptop ko kung saan may malapit na tourist spot na gubat o kung ano man.
Nang wala akong makita mabilis na sumakay ako sa kotse ko at naglibot-libot.
Hindi maalis sa isip ko si Apollo hindi ko alam bakit. Kasi naman yung jacket e. Bakit sa labas ko pa sinampay e dinaryer ko yun kainis.
Nang makakita nang isang subdivision na wala pang gaanong bahay agad nagliwanag ang muka mo.
Pumasok ako sa subdivision at hinarang ako ng guard.
"Kuya ako po si Smile isa po akong location manager puwede ho bang mag-shoot sa may parte na parang gubat duon"
"Ay Ma'am hindi ko po alam kay sir Dimasha eh--"
"Kamusta mang Ben" napalingon ako sa lalaking umeksena. Agad kong inatras ang kotse ko dahil harang. Pinark ko yun sa gilid at lumabas. Lumapit ako sa guwardiya at duon sa lalaki.
"Sakto Miss kasa-kasama ho siya bahay ni Sir Dimasha siya po si sir Sito" tumango ako sa guwardiya at ngumiti kay Sito.
Tinitigan ako ni Sito at ngumiti.
"Ahm anong maipaglilingkod ko sa'yo magandang binibini?" Ilang na umiwas ako sa kaniya.
"Location manager ako sa film so puwede ba kaming mag-shoot dito? Duon lang sa may part ng gubat" tumango siya.
"Hayaan mo sasamahan kita malawak at dating gubat talaga 'tong subdivision na'to" buhat-buhat niya ang dalawang paper bag sa magkabilang braso niya.
"Gusto mo tulungan kita?"
"Hindi na kaya ko naman na" tumango ako. "Hatid ko muna 'to sa bahay at magpaalam tayo kay Masha" tumango ako.
Nang makarating kami sa isang napaka-laking bahay, pumasok kami duon.
"Ikaw ang tagal mo? Anong oras na? Gutom na'ko Sito kaya siguro pinaalis ka sa impyernong pinanggalingan mo ay dahil ang kupad mo" nagulat ako sa bumugad sa aming isang lalaki.
"Mali ka ako kasi papalit sa'yo sa langit at ikaw papalit sa'kin sa impyerno hindi mo pa ba gets yun?" Reply ni Sito. Sasagot pa lang sana yung lalaki nang makita ako.
"Patay" bulong niya at may isang lalaking bumaba ng hagdan.
Mabilis na tumibok ang puso ko nang makita kung sino yun. Kumunot ang noo niya nang makita ako at mabilis na lumapit sa'kin.
"Apollo" pagpapatigil nung lalaki.
"Ay bagong anghel na pinatapon?" Tunog pang-aasar ni Sito. Kumunot ang noo ko sa mga sinabi nila at nagsisimula ng bumuo ng konklusyon saan sila kumukuha ng droga.
Nagulat ako nang tumalsik si Sito at tumama ang likod niya sa pader.
"Oh my god!" Nasabi ko na lang. Patakbo na sana ako nang mag-salita si Apollo.
"Subukan mong lumapit sa kaniya, Smile hindi mo gugustuhin ang makikita mo" galit na galit na boses ni Apollo.
"Apollo ano bang pumasok sa isip mo?" Galit na sabi nung lalaki. Kung hindi ako nagkakamali siya si Dimasha. Galit na hinarap ni Apollo si Dimasha.
"At totoo nga ang sinabi ni Evria... Talaga Dimasha? Siya ang kasama mo? Imbis na babaan ang sistensya mo pinalala mo pa lalo"
Napatingin ako kay Sito na inunat ang likod niya at tatakbo na sana siya kay Apollo para gumanti pero humarang ako at nagulat din siya sa ginawa ko at dali-daling huminto.
"Ano bang problema mo?" Galit na tanong ni Sito sa'kin. "Kapag natamaan ka ng suntok ko deretso porgatoryo ka alam mo ba yun?" Mabilis na lumapit sa'kin si Apollo at hinawakan ako sa kamay at nilagay sa likod niya.
"Lumayo ka sa kaniya" seryosong sabi ni Apollo.
"Ano ba kasing problema mo? Bumili lang ako ng grocery namin ni Dimasha tapos sinapak mo ako agad?" Hindi siya pinansin ni Apollo at humarap kay Dimasha.
Ramdam ko ang galit niya dahil sa higpit nang pagkakahawak niya sa'kin.
"Kasalanan 'to, Dimasha" seryosong sabi ni Apollo.
"Alam ko mag-iingat ka" naunang umalis si Apollo. Tinitigan ko yung Dimasha na nakangiti na sa'kin.
"Sorry sa ugali ni Apollo ako na humihingi ng patawad" ngumiti si Dimasha siya sa'kin.
Hindi ko alam kung ito ba yung sinasabi ni Luna na Dimasha hindi ako sure.
"Ngayon alam ko na kung ano ang parusa na natanggap niyo" malungkot na sabi ni Dimasha.
"Isa siyang...." Hindi na natapos ni Sito ang sasabihin niya at napatakip na lang sa bibig. "Kaya pala nagalit kapatid mo e"
"Hindi mo kasi pinapakiramdaman kasama mo" bago pa'ko mabaliw sa mga sinasabi nila.
"Mauuna na'ko pasensya na uli" tumango sila at sumunod na'ko kay Apollo na galit na nakatingin sa'kin sa tapat ng bahay.
"Ano yun, Smile? Bakit kasama mo yun?" Hindi ko makuha kung saan nanggagaling ang galit niya.
Nilagpasan ko siya dahil hindi naman kami ganuon ka-close at nakakatakot siya.
"Smile kinakausap kita.... Ano iniiwasan mo'ko dahil sa lalaking yun?" Napahinto ako sa sinabi niya at dahan-dahang tumingin sa kaniya. "Boyfriend mo ba yun? Iniiwasan mo ba'ko buong araw dahil duon?.... Tiyaka Smile hindi mo siya kilala, masamang tao siya dapat umiiwas ka sa kaniya"
"Eh ikaw? Bakit nasa bahay ka niya? Hindi ba dapat umiiwas ka din duon?"
"Ano? Kaya ako nanduon dahil kapatid ko si Dimasha at nagulat na lang ako kasama ka na ni Sito... Anong namamagitan sa inyo, Smile? Smile hindi siya katulad ng iniisip mo"
"Bakit alam mo ba iniisip ko ha?!" Hindi ko na napigilan ang pag-taas ng boses ko. "Alam mo ba? Kasi kung alam mo hindi ka magsasalita ng ganiyan... Kinausap ko siya dahil naghahanap ako nang mapagshoshootingan at saktong nasa iisang bahay lang daw sila nakatira ng may-ari ng village which is kapatid mo pala tapos imbis na nakahanap na'ko wala e sinapak mo... Hahanap na ulit ako ng bago. Salamat sa tulong, Apollo" at mabilis na umalis ako at dumeretso sa kotse ko.
Hinayaan niya lang ako at mabuti yun. Bakit ganuon siya umarte? Kami ba? Sa pagkaka-alam ko hindi. At sa pagkaka-alam ko hindi ko siya kilala.
Nakakainis, maghahanap na naman ako ng location. Hindi niya kasi alam kung gaano nakakapagod ang bumyahe nang bumyahe lalo na kung wala kang kotse.
"Nakakainis" wala akong nagawa kung hindi ang bumalik sa resort. Naabutan ko silang nag-aayos na ng set. Pack-up na siguro.
"Smile kakausapin ka ni Direk" tumango ako sa staff na kumausap sa'kin at dumeretso kay Direk kung saan humihigop ng milktea habang nakatingin sa dagat.
"Hello direk" hindi niya ako tiningnan.
"Maganda yung ginawa mo ngayon, mabilis kang nakahanap ng bahay at gubat" kumunot ang noo ko sa sinabi ni Direk. "Dumating dito yung kaibigan mo na si Apollo sabi niya nakahanap ka na daw ng bahay at gubat. Kung ako sa'yo sinasagot ko na yun bukod sa guwapo napaka-bait pa"
"Ano po direk?" Gulat na tanong ko. Ano na namang ginawa ni Apollo?
"Hays nako bata ka oh siya gusto ko lang sabihin na job well done" tumango-tango ako kay Direk at dumeretcho kat Mama Tetchie na kunot ang noong naka-tingin sa'kin.
"Sino ang location Manager si Apollo o ikaw? Bakit lagi siya ang nagsasabi na may location na imbis na ikaw" yumuko ako.
Kailangan ko magpasalamat.
"Bilisan mo na pack-up na tayo ikaw nakaka-alam kung saan yung bahay at magpasalamat ka kay Apollo" tumango ako at dumeretso sa receptionist
"Nandito na ba si Apollo?" Tinitigan niya ako.
"Kayo po ba si Ms. Smile?" Tumango ako. "Pumunta daw po kayo sa rooftop ng hotel" tumango lang ako kahit ang totoo naguguluhan ako. Dumeretso ako sa rooftop ng hotel at nang makita ang itsura ng rooftop agad akong napa-takip ng bibig ko.
Nakita ko si Apollo na naghahanda ng table for two tapos sinindihan niya na yung kandila. Ngayon naman hinihipan niya ang lobo gamit lamang ang bibig niya. Wala ba siyang pambomba ng lobo?
"Apollo" nagulat siya sa'kin at gusto kong matawa sa reaksyon niya. Tumigil siya sa ginagawa niya at nahihiyang lumapit sa'kin. "Para saan 'to?" Walang emosyon na sabi ko.
"For apologize"
"Table for two para sa kapatawaran mo?" Seryosong sabi ko.
"Gusto ko sanang mag-usap tayo at humingi ng tawad"
"Ako gusto kitang maka-usap at magpasalamat. Magpasalamat dahil sa ginawa mo sa trabaho ko at sa mga pag-tulong mo sa'kin at maka-usap kung bakit ganito ka na lang makitungo sa'kin?"
"Puwede na'ting pag-usapan 'yan, malapit na mag-dinner" nahihiyang sabi niya.
"Ayoko" nakita ko ang sakit sa mga mata niya. "Hindi kita kilala at hindi mo'ko kilala, hindi porke't tinutulungan mo'ko gagawin ko na gusto mo. Salamat sa mga pagtulong at utang na loob ko yun sa'yo na babaunin ko araw-araw pero yung tanong ko gusto kong sagutin mo. Bakit ganito ka makipag-salamuha sa'kin? Bakit parang matagal mo na'kong kilala?"
"Smile--"
"Apollo tatanungin kita... Kilala mo ba ako o hindi?"
"Smile--"
"Isang sagot, isang tanong"
"No"
"Mahal mo ako, hindi?" Tinitigan niya ako ng punong-puno ng pagmamahal.
"Hindi pa ba halata? Hindi mo ba nararamdaman? Hindi mo pa ba nakikita sa mga mata ko? Na mahal kita Smile?" Nagulat ako nung umamin siya.
Akala ko itatanggi niya, umatras ako sa kaniya at tumingin sa langit.
"Huwag naman sana mangyari ulit yun" nanghihinang sabi niya. Hinarap ko siya.
Huwag mangyare ulit ang alin?
"Bakit ang bilis mo'ko mahalin? Ilang araw lang tayong nagkikita at partida hindi pa sinasadya"
"Bakit kailangan taon ang bibilangin bago mag-mahal?"
"Apollo pangalan ko lang ang alam mo--"
"Pero puwede kitang kilalanin kung gusto mo" tinitigan ko siya.
Kahit ako sasabihin kong Mahal din kita sa ginagawa mo sa'kin at sa nararamdaman ko tuwing nandiyan ka kaso ayoko.
"Salamat sa pag-tulong--"
"Kumain muna tayo sayang hinanda k--"
"--pero simula ngayon huwag mo na'ko tulungan. Hindi ko kailangan ng tulong mo. Maraming Salamat at patawad" at mabilis na tumalikod ako sa kaniya.
Para ding binibiyak ang puso ko habang naglalakad patalikod sa kaniya.
Mali, saglit na panahon lang kaming nagkakilala.
***
Apollo's
Nang hindi ko na siya matanaw mabilis na nag-uunahan na tumulo ang luha ko.
Ang sakit.
Limang daang taon kitang hinanap, sinakripisyo ko ang tirahan ko sa langit para sa'yo, naparusahan ako at ipinatapon sa mundo niyo para sa'yo, sinuway ko utos ng Ama ko para sa'yo.
"Ang sakit, Smile ito at ang parusa ko ang masaktan ng paulit-ulit ng dahil sa'yo" nang mapatingin ako sa ginawa kong table maayos na siya, nanduon na yung mga pagkain, inumin may kandila pa nga.
Pinagpatuloy ko ang pag-ihip sa lobo hanggang sa matapos ko. Napatingin ako sa kamay ko na sobrang pula kakatali sa mga lobo.
Inantay kong baka bumalik si Smile dahil alam kong mahal niya ako pero wala siya. Hindi niya ako binalikan.
Napa-tingin ako sa kalangitan nang mag-simulang pumatak ang ulan.
Ramdam ng ina ko ang dalamhati ko ngayon.
Namatay na ang kandila at nagsisimula na'kong mabasa. Tinakpan ko ang mga pagkain para hindi mabasa at bumalik ako sa upuan ko at yumuko kasabay nang pag-tulo ng luha ko ang lakas ng ulan na pumapatak sa katawan ko.
Ina masakit siya.... Ang sakit-sakit niya.
Hindi ko pinunasan ang luha ko at hinayaan kong tumulo ito sa mga mata ko.
"Nandito naman kami kapatid, kami na lang ang kakain" dahan-dahan akong napa-tingin sa mga kapatid ko.
Kumpleto sila ngayon. Si Dimasha, Sakron, Sakria, Payra, Aqua at Evria.
Malulungkot ang mga matang naka-tingin sa'kin.
Inangat ni Aqua ang kaniyang kamay at bumuo ng upuan na sakto sa'min gamit ang tubig ulan na unti-unti nang humihinto.
Nagdagdag ng pagkain si Dimasha para sa amin. Umupo na kami sa kaniya-kaniyang upuan.
"Magdasal na tayo" tumango kaming lahat kay Dimasha at nagsimula nang magdasal. "Sa ngalan ng Ama ng Anak ng Diyos Espiritu Santo. . Salamat sa hapag na nasa harap namin ngayon, salamat at hindi niyo kami pinapabayaan sa kahit anong oras, Ama. Lubos kaming nagpapasalamat na mga anak mo na narito ngayon." -Dimasha.
"Salamat Ama at hinayaan mo kaming maka-punta ngayon sa mundo ng mga tao para damayan ang kapatid naming si Apollo sa labis na hinagpis ng kaniyang puso" -Payra.
"Ama, Ina salamat at hinayaan niyo kaming maka-piling at makasama sa hapag kainan ang kapatid naming si Apollo at Dimasha na may parusang kinakaharap ngayon" -Sakron.
"Ama, Ina salamat sa biyayang pinagkaloob mo sa amin at salamat sapagka't hindi mo hinahahayaang mapahamak ang iyong anak na si Apollo at Dimasha dito sa mundo ng mga tao" -Evria.
"Ama maraming salamat sa pagbibigay pagmamahal sa amin kahit pa man nakagawa ang ilan sa amin ng kasalanan. Salamat sa pag-aalala na ipinakita mo kaya narito kami ngayon kasama ang mga kapatid namin na labis na nasasaktan" -Sakria.
"Ama, Ina nais naming magpasalamat ng buong puso sa pagmamahal niyo at hindi niyo nakalimutang mahalin ang kapatid naming nagka-sala" -Aqua.
"Ama salamat.... Salamat dahil hinayaan mo kaming mag-sama-samang muli at Ina dahil dinamayan mo ako sa saglit na oras habang wala pa ang aking mga kapatid. Maraming Salamat" nang matapos ang aming pagdadasal.
Napatingin kami sa isa't-isa at ngumiti.
"Tila hahanap-hanapin ko ang oras na ito" -Sakron.
"Mukang ganuon din ako" -Sakria.
"Masaya akong makita na magkakasama muli tayo" -Dimasha. Nagsalin ako ng tubig sa kupita ko at ganuon din ang ginawa nila. "Gusto kong magkuwento kayo... Bilang panganay at kuya niyo gusto kong malaman ang nangyayari sa loob ng kalangitan ngayon" -Dimasha. Mabilis naman na nag-iwasan ang mga kapatid namin ng titig.
Anong meroon? Iniiwasan ba nila ang tanong ni Dimasha?
"Nais kong kumain na. Mga kapatid ako'y gutom na gutom na" -Sakron.
"Ganuon din ako" -Aqua.
"Anong nangyayare sa kalangitan?" Seryosong sabi ni Dimasha. Tahimik lang kaming lahat. "Kilala niyo ako, kapag hindi niyo sinabi ako mismo pupunta sa langit ngayon" dugtong niya pa.
"Si Ama at Ina ay binabatikos ng konseho sapagka't nagkaroon sila ng makasalanang mga anak kung kaya't baka matanggalan sa trono si Ama at mapilitan ng konseho" mabilis na napa-tingin kaming lahat kay Sakria.
"Ano? Anong sabi mo Sakria? Binabatikos si Ama at Ina dahil sa'min ni Apollo?" Dahan-dahang tumango ang mga kapatid namin.
"Ang totoong kaparusahan ay ipatapon kayo sa impyerno ngunit dito kayo ibinagsak ni Ama at ayun ang ikinagalit ng mga konseho" -Sakron.
Nasaktan ako sa mga narinig ko. Hindi kaya ng konsensya ko ang mga nangyayare ngayon.
"Kamusta sila Ama at Ina?" -Ako.
"Si Ama bugbog sa pagtatrabaho para sa kaayusan kahit pa kinakalaban na siya ng konseho, si Ina naman labis ang kaniyang hinagpis lalo pa nung maramdaman niya ang hinagpis mo Apollo" -Aqua.
Nagkatitigan kami ni Dimasha.
"Nais kong kausapin ang konseho" sabay na turan namin ni Dimasha. "Pupunta kami ng kalangitan ngayon"
Dahan-dahan kaming napatingin kay Evria at ang malungkot na muka niya at luhang tumulo galing sa mga mata niya ang nagbigay kilabot sa aming magkakapatid.
"Hindi hahayaan ng konseho ang manumbalik ang kasiyahan sa ating pamilya"