Gusto ko nang bumalik sa kalangitan dahil sa labis na pag-aalala ko sa pamilya ko.
Isang araw na ang nakakalipas pero ang pamilya ko pa din ang iniisip ko.
Kung hindi ako nagkasala at umibig sa tao katulad ni Dimasha hindi mapapahamak ngayon sila Ama at Ina.
Kasalanan ko 'to, kasalanan ko 'to.
Mabilis na lumuhod ako sa harap ni Ina at Ama tinatawag ng mga tao ito bilang Santo.
"Sa ngalan ng ama... Ng Anak... Ng Diyos, Espirutu Santo.... Ako si Apollo na anghel na simbolo ng himpapawid na nakikiusap at humihingi ng kapatawaran sa konseho dahil sa pagkakasalang nagawa ko at nang kapatid kong si Dimasha na anghel na simbolo ng pag-asa... Nais kong hilingin na patawarin niyo si Ina at Ama sapagka't wala silang kasalanan sa pagkakasala namin ng aking kapatid at hindi batikusin dahil lamang sa kasalanan ng kanilang mga anak. Hindi naging kasalanan ni Ina at Ama ang kasalanan namin ni Dimasha sapagka't meroon kaming sariling pag-iisip na magdesisyon para sa aming sarili. Responsableng Ama ng kalangitan si Ama at Ina ng kalangitan si Ina sapagka't napanatili nila ang kaayusan ng sanlibutan... Nakikiusap ako na patawarin sila at bigyan ng pagkakataong muli at huwag batikusin dahil sa pagkakasala sa amin.... Ako si Apollo anghel na simbolo ng himapapawid ay humihingi ng labis na kapatawaran para sa aming nagawa.... Amen"
***
Smile's
Hindi ko alam kung bakit hinahanap ko ngayon si Apollo e alam ko naman na nasa resort yun at minamanage ang resort nila.
"10 minutes break!" Sigaw ni Mama Tetchie. Mabilis na lumabas ako ng bahay ni Apollo.
Umupo ako sa tapat ng bahay niya sa may bermuda grass at yumuko.
"Para akong mababaliw bakit hinahanap ko siya?" Bulong ko at tumingin sa langit. "Nakokonsensya ako... Umulan kahapon, nabasa kaya siya? Nakakainis ugali ko" at sinabunutan ko sarili ko sa inis.
Tapos nagkasakit pala siya, inantay niya ako ganuon. Eehg hindi naman kasi 'to palabas o w*****d ganuon kainis.
Nang may maaninag akong anino sa harap ko na dumaan napalingon ako sa nag-lakad.
Si Apollo.
Hindi niya ako nilingon at tahimik na nag-lakad papasok sa bahay. Alam siguro niya na bawal maingay kaya tahimik lang siya.
Pero kung mahal niya ako bakit hindi niya ako pinansin? May mahal bang ganuon? kainis.
Nang matapos yung set may shooting pa bukas. Hindi ko pa naka-usap si Apollo tungkol sa bayad.
Mag-mula nung pumasok siya sa kuwarto niya hindi ko pa siya nakitang lumabas. Alas tres na ng madaling araw ngayon at tapos na ang shoot. Bukas ulit itutuloy pero hindi pa lumalabas si Apollo.
Hinanap ko isa sa mga katulong ni Apollo at nakita ko yung katulong na kumausap sa akin.
"Ahm ate si Apollo po?" Napatingin siya sa akin.
"Kapag ganiyan po si sir na parang may pinagdadaanan mas gusgutuhin na lang po naming hayaan siya kaysa istorbohin" tumango ako.
"Kumain na ho ba siya?"
"Hindi pa po eh"
"Ahm may puwede ba akong lutuin para maka-kain siya?" Tanong ko. Nagulat pa ata ang ginang sa naging tanong ko.
"Meroon na po akong nilutong paboritong ulam niya"
"Ano po paborito niya?"
"Sinigang?" Parehas kami ng paborito?
"Opo"
"Ah salamat ahm saan po yung kusina ako na po maghahanda" itinuro niya sa akin yung kusina at nilagay ko sa tray ang mangkok na grapes, isang plato ng kanin at bowl ng sinigang at juice tapos tubig at may tinidor at kutsara.
Mediyo nabigatan pa'ko dahil sa bigat ng tray na dala ko. Nang makita ako ni Mama Tetchie sa hallway nang-aasar na tingin ang ibinigay niya sa akin.
"May utang kang kuwento" umiling na lang ako kay mama Tetchie at pumunta sa pinaka-dulong kuwarto kung nasaan ang mga paintings ng isang magandang babae.
Hindi ako naka-katok sa pinto kaya nag-salita ako. Sinabi din kasi nung katulong niya na dito daw lagi sa kuwarto na 'to pumupunta si Apollo kapag problemado.
"Apollo... Si Smile 'to puwede ba ako pumasok?" Wala akong narinig na sagot kaya binaba ko yung tray at pinihit yung pinto. "Papasok na ako ha" at nang mabuksan ko na yung pinto ng bahagya kinuha ko na ulit yung tray at niluwangan ang pag-bukas ng pinto at nakita ko si Apollo na naka-sandal sa dulo ng kama at naka-tingin sa painting nung babaeng nakangiti.
"Nagdala ako ng pagkain.... Hindi ka pa kasi kumakain" nahihiyang sabi ko at nilagay sa side table yung pagkain.
Napatingin ako sa kaniya nang hindi man lang niya ako pinansin. Bumuntong hininga ako at umupo sa dulo ng kama.
"May problema ba?... Puwede mo akong kuwentuhan" tinitigan niya ako at ngumiti. "Kumain ka muna..."
"Ngayon nag-aalala ka sa'kin" natigilan ako sa sinabi niya. Tinitigan niya ako.
"Ah... K-kasi... Ano e..."
"Umalis ka na, Smile... Hindi na kita kailangan--"
"Aalis ako pero kakain ka muna" pagmamatigas ko. Timitigan niya ako.
"Umalis--"
"Ako nag-handa niyan.... Kumain ka na" ngumiti ako sa kaniya kahit tinatago ko ang kaba ko.
Kinuha ko yung tray at nilagay sa kama niya at inilapit sa kaniya.
Dahan-dahan niyang kinuha ang kutsara na ikinangiti ko. Pinakatitigan ko ang paligid.
"Sino ang babaeng 'yan?" Kinakabahang tanong ko habang naka-turo sa babaeng naka-ngiti.
"She's Ligaya" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at napatingin ako sa kaniya.
"Y-yung resort mo..." Tumango siya. "Ano mo si Ligaya?" At duon tiningnan niya ako sabay tumingin kay Ligaya.
"She's... She's my lover at mahal na mahal ko siya--"
"Kung mahal mo siya eh bakit sinabi mong mahal mo'ko?" Inis na sabi ko. Umayos siya ng upo. "Mahal mo siya tapos mahal mo'ko? Ano ka cellphone? Dual sim? Kung kaninong sim ang may load duon ka... At ngayon ako yung sim mong may load?"
"Smile!" Nagulat ako sa pagtaas ng boses niya. "Ano ba 'yang iniisip mo? Mahal kita--"
"Eh bakit mahal mo din siya kung mahal mo'ko?" Hindi ko maintindihan saan nagmumula ang galit na nararamdaman ko ngayon pero naiinis ako.
"Smile even if I'll explain it to you, you wouldn't understand "
"Hindi talaga kasi hindi ka naman nag-eexplain"
"But I love you"
"Utot mo. Pag-tapos mong kumain bumaba ka na at hugasan mo 'yang pinagkainan mo tulog na mga tao--"
"You can stay here if you want--"
"Ayoko!"
"Sabi ko nga" inirapan ko muna siya bago umalis sa kuwarto niya.
Bakit pakiramdam ko napaka-tagal na naming magka-sama? Bakit pakiramdam ko kilalang-kilala ko siya?
Sa hindi malamang dahilan napa-ngiti ako. Mabilis na kinuha ko yung sticky note ko sa bag at ballpen.
Maghahanda ako ng tanghalian mo bukas ha.
-Smile
At dinikit ko sa sink dahil alam ko naman na makikita niya.
Nang makita ko ang liwanag ng kalangitan kahit gabi na.
"Ayoko na maging selfish, gusto ko mag-mahal" nakangiting sabi ko. "Kahit sa mabilis na panahon"
Kinabukasan nalate akong pumasok dahil gumawa ako ng tanghalian namin ni Apollo.
"Smile na'ko kapag nalaman kong may nobyo ka na mawawalan ka talaga ng ngiti sa akin bata ka" napapailing ako kay Tiyang.
"Tiyang kung may nobyo ako ikaw unang makaka-alam nun" paniniguro ko.
"Ano ba yang nobyo mo grade 1? Bakit kailangan may baon?" Sinamaan ko ng tingin si Tiyang. "Magbibigay ka hotdog tapos kanin? Smile naman tumabe ka riyan at ako ang maghahanda"
"Eh Tiyang gusto ko ako gagawa para sa kaniya tiyaka malelate na'ko" bumuntong hininga si Tiyang.
"Sige sa day-off mo tuturuan kitang mag-luto para hindi ka naman nakakahiya" tumango-tango ako at nilagay ko na sa paper bag yung lunch box.
Nang maka-rating sa bahay naabutan kong nag-shoshoot na sila Direk. Patagong pumunta ako sa kuwarto ni Apollo kung saan naabutan kong naka-nguso sa akin.
Natawa ako sa reaksyon niya.
"Tagal mo, gutom ako" cute. Inilapag ko ang inihanda ko sa kama niya at binuksan na.
"Hehehe malelate na kasi ako e kaya hotdog lang hehhee pero kung ayaw mo--"
"--gusto--"
"--kakainin mo pa din wala kang magagaw--"
"--ko" nagtawanan kami kasi hindi din namin naintindihan ang sinabi namin.
"I will eat this"
"Dapat lang kahit ayaw mo no choice ka kasi ito lang ang puwede mong kainin ngayon" tinitigan niya ako. Mediyo na ilang ako sa pag-uugali ko ngayon.
Ano ako nobya niya?
"I love you--"
"Kumain ka na diyan dami mo pang alam" tumawa siya at nag-dasal muna bago kumain na. "Nga pala hindi ka pupuntang resort?" Umiling siya.
"I'll go later I just waited for your prepared lunch for me" at kinain niya ang hinanda ko.
"Ahm nga pala 10k lang budget namin sa pag-rent ng bahay--"
"No need to pay"
"Weh?"
"Yeah as long as you are the location manager" napangiti ako sa sinabi niya at parang kinilig.
"Utot mo... Nga pala yung gubat na sinabi mo kay Direk saan banda yun? Paano ka nakahanap ng gubat?"
"Remember my brother? Dimasha? I talked to him if your team can shoot there and he said yes"
"Talaga? Dapat sinabi mo 10k lang bayad--"
"No need to pay--"
"As long as I'm the location Manager am I right?" Tumawa siya at tumango. Bumalik siya sa pagkain. "Baba na ako, iwan mo na lang dito yung baunan ako na bahala mag-hugas" tumango siya. Ngumiti naman ako at lumabas na ng kuwarto.
Nagulat ako nang pagkalabas ng kuwarto nanduon si mama Tetchie.
"Ano ka girl asawa? Nobya?" Hinila ko si Mama Tetchie palayo.
"Mama naman e"
"Eh ano nga?"
"Wala kaming label ano lang... Love each other without label char hehehe" kinakabahang sabi ko.
"Maria Clara ka girl?" Nag-pout ako.
"May Ligaya siya... Mahal niya daw yun tapos mahal niya ako, may painting sa kuwartong yun na puro muka ni Ligaya... Pero parang maka-luma yung suot ganuon"
"Ayos lang sa'yo na may mahal siyang iba habang mahal ka niya?" Tinitigan ko si Mama Tetchie at umiling.
"Lahat nagwawakas at pakiramdam ko malapit na yung oras ko"
"Hindi ka pa nga nakakapag-asawa"
"Hindi kasi ako mag-aasawa"
Linggo ang naka-lipas nagpasyang makipag-kita si Luna sa'kin. As usual naka-face mask siya at naka-sumbrero.
Sa isang mamahaling restaurant kami nag-kita para walang masyadong tao at kung may makakita man sa kaniya hindi siya dudumugin dahil ang mga mayayamang tao ay walang pake sa artista.
"Bakit?" Tanong ko nang maka-upo ako. May mamahaling pagkain na sa lamesa kaya kumain agad ako pero tinapik niya ang kamay ko.
"Girl hindi uso mag-dasal sa'yo?" Naalala ko kung paano nag-dasal si Apollo bago kumain. "What's with that smile?" Pinangsingkitan niya ako ng mata.
"Dasal na tayo" tumango siya at nag-simula na kaming mag-dasal kahit hindi naman ako madasaling tao. Nang matapos kaming mag-dasal kumain na muna kami. "Bakit mo pala ako inimbitahan?" Tinitigan niya ako at ngumiti ng malungkot. May nilabas siyang folder at kinuha ko yun.
"Luna" alalang sabi ko nang makita anong nakalagay sa folder.
"Why I have this feeling na pinanganak ako para mamatay ng paulit-ulit?" Naiiyak na sabi niya. "Girl... Hindi pa ako handa" at tumulo na yung luha niya. Tumabi ako sa kaniya at niyakap siya. "Pag-natapos yung pelikula ko ngayon hindi na ako magtatrabaho"
Tapos na kasi ishoot yung parte ng nasa gubat, resort at bahay dagil isang linggo na nga ang nakakalipas. Next na shoot sa ibang bansa.
Nag-usap pa kami about sa sakit niya at kung paano siya natatakot mamatay. Ayaw niya ding iwan si Dimasha.
Hindi ko na alam, hindi ko kayang mawala si Luna dahil kaibigan ko siya.
Mabilis na pinatakbo ko ang kotse ko at pumunta sa kapatid ni Apollo at tatanungin kung kilala niya si Luna hindi bilang artista kung hindi bilang mahal sa buhay.
Nang makarating sa tapat ng bahay nila Dimasha mabilis akong nag-doorbell. Wala silang katulong siguro kasi ang lumabas si Sito.
Hindi siya lumapit sa'kin.
"Bakit?"
"Gusto ko sana maka-usap si Dimasha" kumunot noo niya.
"Baka pag lumapit ako sa'yo tumalsik na naman ako"
"Hindi ka naman lalapit sa'kin kasi si Dimasha ang kailangan ko hindi ikaw papasukin mo lang ako"
"Nararamdaman ko siya ngayon naka-bantay siya sa'yo... Palalabasin ko na lang si Masha" tumango ako at pumasok na si Sito. Umupo ako sa semento habang inaantay si Dimasha.
Nagbabakasakali na siya yung tinutukoy ni Luna. Nang may marinig akong bukas ng gate tumayo ako at nakita ko si Dimasha.
"Smile anong ginagawa mo dito? Gabi na baka mapano k--ah nevermind naka-bantay siya" isinantabi ko ang kuryosidad sa sinasabi niyang naka-bantay.
"Kilala mo ba si Luna?" Agad na tanong ko. Hindi ko siya kakikitaan ng gulat.
"Yung artista ba?" Tumango ako. "Lahat ng tao sa Pilipinas kilala siya--"
"So hindi mo siya kilala?" Putol ko. Tumahimik siya. "Isang tanong, isang sagot. Ikaw ba yung tinutukoy niyang stalker?" Hindi siya nag-salita. "Dimasha--"
"Ako yun--"
"May taning na buhay ni Luna kailangan ka--" hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko nang mabilis siyang sumakay sa motor at pinaharurot yun palayo.
Tumulo ang luha ko at ngumiti. Luna.
Pumasok ako sa kotse ko at umuwi na sa bahay.
Saktong pagkahiga ko sa kama ko may nag-text sa akin.
From: Unknown
Are you ok?
To: Unknown
Sino 'to?
From: Unknown
Apollo, I got your number on Mama Tetchie
To: Unknown
Kailan mo pa siya naging nanay?
From: Unknown
I am asking you if you are okay so stop playing around.
Kailam pa siya naging bossy? Nilagay ko ang name niya sa contact ko.
To: Apollo
Hindi, sad ako.
From: Apollo.
Gusto mo bang pumunta ako sa bahay niyo?
Nagulat ako sa nireply niya at kinabahan. Anong sapak ang meroon sa utak niya?
To: Apollo
Hu? Sure ka?
Ang rupok!
From: Apollo
Yeah, just text me the address.
To: Apollo.
Sige
Then tinext ko na yung address, hindi siya nag-reply sa'kin. Naligo ako at nag-pajama na lang at oversized t-shirt. Ilang oras pa'kong nag-stay sa kuwarto ko bago lumabas at magpapa-alam kay Tiyang na may pupunta.
"Tiyang may pupunta dit--Apollo?!" Gulat na sabi ko nang makitang mag-katabi na sila ni Tiyang habang nagtatawanan.
"Nandiyan ka na pala, Smile? Ito kasing nobyo mo ayaw kang istorbohin antayin ka na lang daw lumabas kasi lalabas ka din naman daw" paliwanag ni Tiyang. Tumango ako at ngumiti.
Bakit ba pagnakikita ko siya ngumingiti ako?
"Smile" nakangiti niya ding sabi. Tumayo si Tiyang.
"Oh siya bibigyan ko kayo ng privacy pero alam niyo limitasyon niyo"
"Tiyang naman" tinawanan lang ako ni Tiyang at pumunta na sa kuwarto niya.
Tumabi ako kay Apollo. Ngumiti siya sa akin.
"Ang cute mo kapag ganiyan suot mo" inirapan ko siya. "Nga pala I bought these for you" napa-tingin ako sa lamesa nang may makitang dalawang milktea at fries duon.
"Wow seryoso?" Tumango siya. Nilagyan ko ng straw yung isang milktea at inabot ko sa kaniya. Kinuha niya naman. Kumuha ako ng platito para sa ketchup ng fries. Nilagyan ko din ng straw ang milktea ko at ininom. "Wow ang sarap" pagpuri ko. Ngumiti siya.
Kumuha ako ng fries at sinawsaw ko yun sa ketchup at inabot ko sa kaniya. Akala ko kukunin niya pero kinain niya. Ang nangyari parang sinubuan ko siya. Nagtawanan kami.
"Gabi na ha" paalala ko. "Dapat bukas na lang"
"Mama Tetchie said you guys will go to Japan?" Tumango ako.
"Kung ako nga lang ayoko sumama pero kailangan, ako kasi taga-hanap ng location" malungkot na sabi ko at uminom ng milktea.
"Can I...."
"Ano?"
"Can I come with you?" Tinitigan ko siya at pinagmasdan.
"Sure ka?" Tumango siya.
"I can help you to find a location in Japan" agad na ngumiti ako.
"Mauuna tayong aalis sa team ko pero after naman na maka-hanap tayo ng place sa Japan tapos na work ko" tumango siya.
"So makakapag-date tayo?" Nahihiyang tumango ako. Kasi naman napaka-bilis hahaha.
"Pero paano resort mo?" Tanong ko.
"My secretary can handle that besides I will ask, Dimasha if he can handle Ligaya's" kumunot ang noo ko nang marinig si Ligaya.
"Nga pala nasaan na pala si Ligaya?" Tanong ko na ikinatigil niya. Tumitig siya sa akin at bumuntong hininga.
"She can't remember me" parang sinaksak yung puso ko sa sinabi niya.
"Pero kung naaalala ka niya wala ka ngayon dito ganuon ba?" Inis na sabi ko.
"No, ito na naman tayo e. It's not like that"
"Eh ano? Mahal mo siya tapos mahal mo'ko kaso nakalimutan ka niya ngayon kaya nandito ka sa tabi ko?" Inis na tanong ko.
"Hindi ganuon, Smi--"
"Eh ano nga? Ipaliwanag mo? Apollo ang puso isa lang kaya dapat isa lang din minamahal mo pero kung dalawa mahal mo ano ka alien at dalawa ang puso mo?" Tinitigan niya ako.
"Mahal kita Smile"
"Eh yun naman pala bakit mahal mo din si Ligaya?"
"Because...."
"Ano hindi mo masabi?"
"But I do love you believe me.... Kung hindi pupunta ba'ko ngayom dito sa inyo? Kukunin ko ba number mo kay mama Tetchie mo? Kakausapin ko ba ang tita mo kung hindi? Tutulungan ba kita kung hindi? Mag-aalala ba'ko sa'yo kung hindi? Smile naman"
Natigilan ako sa sinabi niya kasi totoo naman e. Natahimik ako.
"Believe me... Kapag sinabi kong mahal kita, mahal kita"
"Eh kasi hindi ka naman nagpapaliwanag" malumanay na sabi ko.
"Pero mahal kita"
"Utot ka pa din" at sabay kaming natawa.