JAPAN TRIP

1881 Words
Naghahanda na ako para sa damit ko pa-Japan. Masaya ako sa trabaho ko dahil kahit saan nakaka-punta ako sa ibang bansa. "Smile pasalubong ko ha.... Kahit snow lang" "Tiyang kung may snow pag-dating dito tunaw na yun" "Eh di mga beauty product ng Japan ganuon ha basta pasalubong" "Sige Tiyang" "Bilisan mo kanina pa sa labas si Apollo ayaw naman pumasok kasi nakakahiya daw sa taxi na kanina pa nag-aantay para sa'yo... VIP ka?" Natawa ako at mabilis na kumilos. Humalik muna ako kay Tiyang at lumabas na ng bahay. Nang makita ko si Apollo na naka-sandal sa taxi ngumiti siya sa akin at tinulungan ako sa mga gamit ko. Nang makapasok kami sa taxi umalis na kami. Napangiti ako nang hawakan niya ang kamay ko. Sumandal ako sa balikat niya at pumikit dahil malayo pa ang airport. Kaya kami nag-taxi dahil kung magkokotse kami walang magbabalik ng kotse namin pabalik kasi hindi naman nila kaya umandar mag-isa. "Apollo" tawag ko nang magising ako. Hawak niya pa din ang kamay ko. "Hmm?" "Hindi ka natulog?" "Sa eroplano na lang" tumango ako at hinigpitan ang kamay naming magkahawak. "I love you" dinig kong bulong niya pero hindi ako sumagot at nagpanggap na lang akong natutulog. Nang maka-sakay kami sa eroplano, inayos niya muna yung uupuan ko at nilagyan ng maliit na unan ang likod ko. Nagpasalamat ako sa kaniya at umupo na. Inayos niya muna yung mga dala namin at umupo na din sa tabi ko. Naka-iglip agad siya ang kaso hindi sa balikat ko. Binuksan ko cellphone ko at nag-video. "My favorite seatmate starting today" nakangiting sabi ko sa camera ng phone ko at pinakita ang cute na muka ni Apollo na natutulog. "Thank you" at pinatay ko na yung video. Ipinikit ko na din ang mata ko at natulog. Hindi ko alam kung anong oras ako naka-tulog pero pag-dilat ko saktong naka-landing na yung eroplano. Gutom na'ko. Si Apollo ang nag-bibit ng mga bag na bubuhatin samantalang ako hila-hila ko ang maleta naming dalawa. May sumundo sa aming kotse nag-book kasi si Apollo. Habang bumabyahe tinignan ko kung saang hotel kami pumunta. Mabilis na nilingon ko si Apollo na tulog at niyogyog ko siya. "Why?" Tanong niya pero pumikit ulit. "Apollo mali yung pinuntahang hotel nung driver... Apollooo" kinakabahang sabi ko. Tiningnan niya yung paligid. "Smile we are at the right place--ouch" nagisinh na siya nung tuluyan nung kinurot ko siya. "Right place? Tingnan mo kung nasaan tayo.... Apollo, Diyos ko mamumulubi tayo sa hotel na'to" kinakabahang sabi ko. Natawa naman siya. Kung alam niyo yung Gora, Kadan Hakone sa Japan naiintindihin niyo ako kung bakit ako kinakabahan. "Chill, Smile I already book a hotel room--" "Apollo mahal dito--" "So? Mahal din naman kita" napatihimik ako sa sinabi niya at umayos ng upo at tumalikod sa kaniya. Kasi naman e. "Saan ako magbobook ng hotel?" Tanong ko na lang. "Two bed yung kinuha ko tapos one room don't worry" nanghinayang naman ako kasi may part sa'kin na sana.... Sana lang naman... Sana isang bed isang room na lang heheh malamig sa Japan e. Nang maka-rating kami sa hotel may kumuha ng mga bag namin at dumeretso na agad kami ni Apollo sa kuwarto namin at binigay sa kaniya nung hotel boy yung card. Walang susi card lang. Nang maka-pasok sa hotel room. Oh my god! As in oh my god! Literal na oh my god kasi oh my god! Yun na lang ang masasabi ko sa ganda ng hotel room na'to. Mabilis na tumalon ako sa napakalambot na kama. "Aahh parang kumunoy lulubog ka talaga" sabi ko at sinubsob ang muka ko sa malakimg kama. Napansin ko naman na sinimulan nang ayusin ni Apollo ang mga gamit namin at inilagay sa damitan na pang-hapon. "Ahm Apollo ako na diyan" tumingin siya sa'kin. "Ahm no, the room service might go here for our food you should be ready and change your clothes first" tumango ako sa kaniya at nag-palit na ng damit sa loob ng CR at lumabas din ako agad na ayos na mga gamit namin. Kinuha ko agad ang laptop ko at tumingin ng magandang spot para sa pag-kikita ni Luna at Cali sa set. "Ahm Love--Apollo" nubayan nadadala ako sa nangyayari. Para kasi kaming mag-boyfriend. Tumingin siya sa akin at ngumiti, lumapit siya sa akin at pumunta sa likod ko tapos niyakap niya ako. "Hindi ako magsisising hanapin ka paulit-ulit" halos tumalon ako sa tuwa nung halikan niya ang pisngi ko at amuyin ang leeg ko. Oh my god. Kinikilig ako. Niyakap niya ako ng mas mahigpit at hinawakan ko ang pisngi niya. "I love you" ngumiti ako. "Utot mo" natatawang sabi ko. Tinitigan niya ako. "You like me, do you?" Tumango ako at ngumiti siya. "Then you should say I like you everytime I says I love you" umiling ako. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. "Hindi naman puwede yun... Gusto ko... Ang sasabihin ko yung palaging sinasabi mo.... Antayin mo na lang ako maging handa... Puwede ba yun?" Tumango siya at ngumiti at hinalikan ulit ako sa pisngi. "I will" nang-makarating yung pagkain of course nag-dasal muna kami. Natutuwa ako sa pagiging maka-diyos ni Apollo at hindi ko mapigilang mapangiti. "Why don't we go out?" Napalimgon ako kay Apollo na naka-higa sa kama niya at naka-pout. "Instead of searching some nice spot here bakit hindi na lang tayo humanap duon at para makita na'tin" napa-isip ako at tumango-tango. Nag-suot ako ng jacket samantalang siya cap. Ang hot niyang tingnan. Sabay kaming lumabas ng hotel room na magkahawak ang kamay. Namangha ako sa kalsada na ngayo'y nakikita ko. Ang matataas na building na dati sa anime ko lang napapanuod. "Picturan mo'ko?" Tanong ko. Tumango siya at kinuha ang cellphone niya. Shala Iphone panes. Tumawid ako sa kalsadang saktong greenlight at naiwan siya sa kabilang linya at nagulat ako saktong pag-lingon ko sa kaniya na naka-ngiti clinic niya yung camera. Nang makita ko kung anong itsura ko daig ko pa model sa victoria secret. Naka-focus pa. Magkahawak kami ng kamay at naglakad ako pero huminto siya kaya naextend yung kamay ko at paglingon ko pinictyran niya na naman ako at kasama yung kamay naming magkahawak. "My favorite picture from now on" sabi niya na ikinakilig ko. Nang mapa-lingon ako sa pedestrian lane. Tama.... Magkakasalubong kasi si Luna at Kali kunyare ahhg naka-hanap na din ako ng spot. Mabilis na sinend ko kay Mama Tetchie ang pictyre ng kalsada kung saan kunyareng maglalakad si Luna at Kali at magkakasalubong. Nag-reply siya na approve daw ni Direk at maghanap na lang daw ako ng apartment na titirahan ni Luna kunyare nag-reply naman ako ng okay. Habang nauunang maglakad si Apollo nilabas ko yung cellphone ko at pinicturan ko siya saktong kinuhanan niya ng picture yung isang building. Pinost ko sa i********: ko yung pictura niya na may caption na... My favorite photographer. Saktong pagtago ko ng phone ko, lumingon siya sa akinbat inilahad ang kamay niya na mabilis kong tinanggap. Nagpasya kaming bumili ng beauty products para kay Tiyang. Buhat-buhat niya ang basket habang nasa kabilang kamay niya kamay ko. "Ikaw anong gusto mo?" Tanong ko. Tinitigan niya ako. "Ikaw" "Kasi naman..." "Hahaha I don't need nothing aside from you" tumango na lang ako at itinago ko ang kilig ko. Siya ang nag-dala nung mga pinamili namin at bumalik na kami sa hotel dahil pagod na pagod na kami dahil sa byahe. Nang mamatay ang ilaw at ang nagsisilbi na lang na liwanag ay ang nanggagaling sa lamp. Naka-higa na kami sa kaniya-kaniyang kama at hindi ako maka-tulog. "Ahm... Ano... Ahm" parang ewan lang. "Do you need something?" Rinig kong tanong niya. "Gusto mo bang.... Gusto mo bang matulog sa tabi ko?" Nahihiyang sabi ko. "You sure?" "Oo pero kung gust--sabi ko nga gusto mo" bawi ko nang makita siyang inangat yung kumot ko at tumabi sa akin. "You can use my arm as your pillow" tumango ako at inunan ang braso niya. Niyakap niya ang baywang ko. Niyakap ko din siya at sinubsob ko ang muka ko sa dibdib niya. Bakit naiiyak ako? Apollo bakit? "I love you.... Sleep tight" Nang magising ako kinabukasan humanap agad kami ng apartment at naka-hanap naman kami agad at sinend ko na yung apartment kayama Tetchie at nag-okay daw si Direk. Naka-hanap na din ako ng restaurant na kunyareng trabaho ni Luna dito sa Japan. Lahat kinausap ko na kung puwede mag-shoot at pumayag naman din sila sa bayad at sa pag-shoot basta daw nanduon yung pangalan nung apartment at restaurant na tinanguan ko. Naglibot-libot na lang kami ni Apollo dito habang inaantay na dumating sila Direk sa Japan. "Picture tayong dalawa gusto mo?" Sabi ko nang may makita kaming street na walang katao-tao. Napaka-linis at puros makaluma ang nakatayong bahay. "You sure?" Tumango ako at nilagay ko yung mga cellphone namin sa pader at sinandal yun. Tumapat ako sa cellphone niya at pinatapat ko siya sa cellphone ko at pinindot ko yung timer at mabilis na niyakap siya na ikinagulat niya. Couple wallpaper. "Hahahaha" natatawang sabi ko at winallpaper ko ang picture niyang nagulat sa yakap ko at napangiti ako nung gawing wallpaper niya yung muka kong nakayakap sa hindu niya kitang katawan. Kapag pinagdikit ang phone namin makikitang magkasama kami. Inenjoy pa namin yung Japan. Nang makarating dito sila Luna mabilis na pinuntahan ko siya. Hindi na ako nagulat nung kasama niya si Dimasha. Bakas ang pamumutla ni Luna. "Ano ba 'yang make-up artist mo, Luna? Ang putla mo oh. Last shoot na'to" Una kasi naming shinoot yung gitna pangalawa yung ending tapos ngayon na last shoot na simula. "Sorry po" yung make up artist ni Luna. Magkasama ngayon si Dimasha at Apollo samantalang kami ni Luna. Naka-upo siya sa upuan niya at naka-pikit habang nasa tapat ng salamin. "Ayos ka lang ba?" Umiling siya. "Nanaginip ako.... Sumigaw si Dim habang hawak ang malamig na katawan ko" dumilat siya at tinitigan ako. "Pakiramdam ko.... Pag-tapos ng shoot na'to.... Iiwanan ko na si Dim" at tumulo ang luha niya. "Luna" "Nakikita mo ba?.... Mahina na ako..." Tapos ngumiti siya sa'kin. "Iniisip ko... Baka nasa isa akong parusa o sumpa...." "Luna naman tumigil ka nga.." "Kung bibigyan akong.... Pagkakataon na humiling" tinitigan niya ako. "Hihiling ako na sana.... Sana hindi na'ko maipanganak pang muli--" "LUNA!" galit na sabi ko. Ngumiti siya sa akin at ngumiti. "Gusto ko magpahinga sa tabi ni Dim habang hindi pa nagsstart yung shoot" patuloy pa din siyang inaayusan ng make-up artist niya. Mabilis na nakita ko sila Apollo. Tumingin ako kay Dimasha ng malungkot. "Hindi mo siya kayang iligtas tama ba ako?" Tanong ko. Yumuko siya. "Wala ba tayong pag-asa?" "Tinanggalan ng pag-asa ang anghel na simbolo ng pag-asa" malungkot na sabi ni Apollo. Tumingin ako kay Dimasha. "Ikaw daw gusto niya maka-sama... P-pumunta ka na duon" pigil ang iyak na sabi ki at mabilis na sumunod si Dimasha. Tinitigan ako ni Apollo binuksan niya ang braso niya na mabilis kong niyakap. "Sshhh" "Gusto ko siyang... Maka-sama bago siya mawala pero... Pero kailangan nila ng oras ni Dimasha." Umiiyak na sabi ko. "Si Luna yun e... Kaibigan ko..." Niyakap niya ako. "Hindi ko alam kung magiging maayos ang lahat" tinitigan ko siya. "Apollo...." "Hhmmm" pinunasan niya ang mga luha ko. "Hindi pa'ko handa" at umiyak ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD