"H-hindi, s-sabi mo.... Kahit hanggang impyerno mag-kasama tayo" umiiyak na sabi ni Apollo. "S-sabi mo hindi mo'ko iiwan ulit"
"Mahal k——"
"Tama na... B-bakit? Bakit, Ligaya? Bakit mo sa'kin to ginagawa?" Malakas na sigaw niya.
"Apollo, anghel na sim——"
"Tumigil ka... Hindi ko kailangan niyan" hinawakan niya ang kamay ko. "Mahal diba sabi mo mag-kasama tayo? Iniwan mo na'ko nuon... Nag-dedisyon ka para sa'ting dalawa pero bakit? Bakit? Bakit mo na naman to ginagawa?" Ngumiti ako sa kaniya at hinawakan ang muka niya.
**
Third Person POV
Hinawakan ni Ligaya ang malambot na muka ng kaniyang pinaka-mamahal na Apollo.
"Mahal hindi ko kaya na..... H-hindi na kita kayang mawala pa... Takas na kang tayo maawa ka sa'kim huwag mo'kong patayin sa sakit. Nakikiusap ako mahal ko, kahit saan pang mundo manirahan basta kasama kita.... Nakikiusap ako mahal" ang napaka-sakit na pagmamakaawa ni Apollo kay Ligaya na nag-bigay ng pinaka-matinding sakit sa kaniya.
Ngumiti si Ligaya at hinaplos ang buhok ni Apollo.
"Mahal na mahal din——" napatigil si Ligaya sa pagsasalita nang yakapin siya ni Apollo.
"Bakit ka nagdedesisyon para sa ating dalawa? Mahal na mahal na mahal kita, mahal ko" at duon labis na umiyak si Ligaya.
"Mahal na mahal din k-kita.... Apollo natatakot ako.... Natatakot ako" hinigpitan ni Apollo ang yakap kay Ligaya. "Natatakot ako.... T-takot na takot ako ngayon"
"Hindi kita iiwan... Ako naman ang lalaban, mahal ko. Dito ka lang sa likod ko hindi kita ibibigay sa kanila" itinago ni Apollo si Ligaya sa likod nito at hinarap ang mga kapatid niya at ang ina nito.
"Ako si Ina——"
"Ina" pagsisimula ni Apollo. "Isang anak mo na ang namatay.... Isang anak mo na ang nawala at kapag pinag-patuloy mo pa ito maski ako mawawala——"
"Ang ina ng kalamgitan at sanlibutan——"
"Ina, nakikiusap ako" umiiyak lamang sa likod ni Apollo si Smile at ang mga kapatid ni Apollo ay hindi maka-tingin sa kaniya lalo na si Evria.
"Ay tinatangg——"
"Patawad" at inilabas ni Apollo ang kaniyang pakpak at mabilis na binuhat si Ligaya paalis at lumipad sa kalangitan.
Lumipad sila ng mataas at labis ang gulat ng lahat ng lumabas sa pinto ng kalangitan ang mga anghel na sugo ng konseho.
Mabilis na itinutok nila ang kaniya-kaniyang pana at pinaulanan ng pana ang magkasintahan.
Protektado ng pakpak ni Apollo ang buong katawan ni Ligaya.
"Apollo bumaba na tayo harapin na natin to"
"Kapag sinabi kong mahal kita asahan mo lalaban ako hanggang kamatayan para sayo" at hindi na nakapag salita si Ligaya nang unti-unting tumagos ang dugo sa damit ni Apollo.
May tama siya ng pana sa likod. Nag-paulan pa ang konseho ng mga pakpak ngunit walang tumama ni isa sa kanila.
Pag-tingin nila Apollo tila piniga ang puso niya nang makita ang mga kapatid at ina niya na nakikipag-laban na sa mga anghel ng konseho para pigilan sila sa pag-pana.
"Kasalanan 'to Ina sapagkat nilabag mo na din ang batas ng kalangitan" ang isang anghel na nag-sabi habang may espadang hawak ang kamay niya.
Hindi maka-galaw si Apollo habang nakikita ang pamilya niya. Hinawakan ni Ligaya ang muka niya.
"Tama na.... Malaking gulo na't——"
"APOLLO TUMAKAS NA KAYO!" sigaw ni Aqua habang nakikipag-espadahan sa mga anghel.
"Nais kong maniwala kayong hindi ko gustong gamitin ang kakayahan ko" panimula ni Sakria at nag-iba na ang kulay ng kaniyang mga mata. "Ngunit kinalaban niyo ang pamilya ko kaya.... Ako si Sakria ang simbolo ng kamatayan ay binabawian ko kayo ng buhay" at ikinumpas ni Sakria ang kamay niya at totoo sa kaniyang salita.
Isa-isang nawalan ng hininga ang mga anghel ngunit madaming anghel ang lumabas sa pinto ng kalangitan.
Tinitigan ni Apollo si Ligaya at ngumiti ang dalaga.
"Lumaban ka para sa pamilya mo, may tiwala ako sa'yo" tumango si Apollo at hinalikan ang noo ni Ligaya.
Mabilis na bumaba sila sa lupa at isinandal si Ligaya. Ang kaninang masayang resort ay nawala na. Tumigil ang oras ng mga tao at tanging sila lamang ang nakakagalaw.
Nang ikumpas ni Apollo ang kaniyang kamay lumipad papunta sa kaniya ang espada na simbolo ng himpapawid at mabilis siyang lumipad at lumaban kasama ang pamilya niya.
"Dapat tumakas ka na Apollo" malakas na sigaw ni Sakron habang nakikipag-laban.
"Sakron nais kong buhayin mo si Dimasha upang maka-tulong sa atin" sigaw ni Payra.
"Ngunit hindi ko kaya sapagka't hindi na siyang ipapanganak muli"
"AAAHHHHH" malakas na sigaw ni Payra kasabay ng pagka-sunog ng mga anghel sa harap niya. Nang may anghel na susugod sa kaniya nagulat ang lahat ng bigla 'tong nasunog.
Napa-tingin ang lahat sa gumawa at nakita nila si Sito at ang sungay nito.
"Walang maaaring makapanakit sa mahal ko" ngumiti sa kaniya si Payra at sabay silang lumaban.
Puno ng sakit ang puso ng Ina nila sapagka't nag-mahal na naman ang mga anak niya na labag sa batas ng kalangitan.
"Ako si Aqua ay humihingi ng tulong sa aking asawa na hari ng karagatan na si Adam" pagka-usap ni Aqua sa tubig na hawak niya at nag-simula itong mawala. "Ngayon niyo sabihin ang konseho niyo ang pinaka-mataas" at kasabay nuon ang pag-litaw ng mga taong dagat kasama ang mga armas nito.
Labis na nagpapasalamat si Apollo at nasa resort sila. Nasa gitna ng mga ito ang isang matipunong lalaki na may hawak na gintong baston. Hinanap niya ang asawa niya at nag-tangis ang bagang nang makitang pinagtutulungan ito ng dalawang anghel ng konseho.
"Anong karapatan niyong kalabanin ang mahal ko?" Yun ang nasabi ng lalaki at nagsimula nung lumusob ang mga taong-dagat kasama ang kaniya-kaniyang armas.
Pinagalaw ng asawa ni Aqua ang katubigan at tinulungan ang asawa.
Tinitigan ni Apollo si Evria na ngayoy nakikipag-laban.
Mabilis na nakipag-laban si Apollo sa mga anghel na susugod sa kaniya.
Hindi niya alam na habang siya nakikipag-laban si Ligaya.
Si Ligaya na naka-sandal ay may naka-harap sa kaniya. Isang lalaking kulay pula ang balat at may mahabang sungay.
"Nais mo na bang sumama?" Pagtatanong ng lalaki. Labis ang takot ni Ligaya sa nakikita.
Nang titigan niya sila Apollo labis ang awa niya nang makitang lumalaban sila para sa pag-iibigan nila.
"Kapag ba sumama ako sa'yo mababalik mo ang oras? Kung saan maayos pa ang lahat?"
"Kung ika'y sasama sa akin magiging maayos ang lahat. Sapagka't ang paninirahan mo sa impyerno ang kaayusan ng mahal mo"
"Sige sasama ako sa'yo" tumango ang lakaki at nawala na ito. Akala ni Ligaya iniwan siya pero mali.
Unti-unting nasusunog ang katawan niya. Ramdam niya ang sakit at pagod habang nakikita ang mahal niyang lumalaban sa kaniya at siya na unti-unti ng mawawala.
"Apollo" mahinang sabi niya na ikinangiti niya kahit ang sakit-sakit na. "Patawad kung nagdesisyong muli ako para sa atin. Nais kong humingi ng kapatawaran sa'yo, mahal ko. Ngunit ayaw ng kalangitan ang pag-iibigan na'tin" napahinto si Ligaya sa pagsasalita nang makita g sunod na ang kalahating katawan niya. "Kung kaya't dadalhin ko na lamang ang pagmamahal ko sa'yo sa impyerno" nang makita ni Ligaya na unti-unti na siyang nawawala. "APOLLLOOOOO" isang napaka-lakas na sigaw ni Ligaya ang nakapag-patigil sa lahat.
"H-hindi" nanghihinang sabi ni Apollo nang makita ang mahal niyang unti-unti ng nawawala.
"Mahal kita, Apollo" isang napaka-tamis na ngiti ang pinakawalan ni Ligaya bago tuluyang mawala.
Pinilit abutin ni Apollo ang kamay niya ngunit huli na. Kinuha na ng impyerno ang mahal niya.
"AAAAAAHHHHHHHHHHHH" isang napaka-lakas na sigaw ang nakapag-patigil sa lahat.
Maski ang mga kapatid niya ay nasasaktan sa kaniya. Si Evria na hindi na makagalaw at palihim na sinisisi ang sarili niya.
Nag-tatangis ang bagang tumingin si Apollo sa mga anghel ng konseho at unti-unting nagbago ang puti nitong pakpak sa kulay itim.
"Ngayon matitikman niyo ang hinagpis ng anghel ng himpapawid" at isang malakas na hangin ang kumitil sa buhay ng mga anghel ng konseho.
Labis ang hinagpis ni Apollo nang matapos ang laban at manalo siya pero ang laban nila ni Ligaya ay palaging natatalo siya.
Isang liwanag ang nakapag-pabago sa lahat.
Napa-tingin si Apollo sa paligid at labis ang gulat niya sa nakita niya.
"Mga kapatid ko, anong ginagawa na'tin sa mundo ng mga tao? Nais kong malaman bakit ang daming walang buhay na anghel dito?" Gulat na naka-tingin sa kaniya ang lahat. "Bakit narito ang anghel ng impyerno? Bakit narito ang hari ng karagatan? Bakit nandito ang mga taong dagat?"
Walang nakapag-salita sa nangyare kay Apollo pero iisa lang lahat ng tumatakbo sa isip nila.
Nakalimutan na ni Apollo ang mahal niya habang si Ligaya nagsisimula ng mahirapan.
Dumaan ang ilang daang taon nanumbalik ang kaayusan sa langit. Nanumbalik ang anghel ng himpapawid.
Nawakasan nila ang konseho ng kalangitan pagkatapos ng maraming dimaan na nangyare sa kalangitan.
Nanumbalik nga ang kaayusan ng langit ngunit lamang na ang lungkot. Lungkot dahil kailanman hindi na mabubuo ang saya, pagsasama ng magkakapatid na anghel.
Malungkot ngunit kailangan pa rin mabuhay, hindi man manumbalik ang magkakapatid sa dati nagawa naman nilang mapaayos ang lahat.
Naglalakad si Apollo nang may marinig siyang sigaw. Sigaw nang humihingi ng tulong. Sa loob nang nagdaang taon. Palagi siyang nakakarinig ng sigaw ng tulong at pangalan niya ang palaging binibikas.
Sa tuwing naririnig niya ang sigaw sumasakit ang puso niya at tumutulo ang luha niya. Hinahanap niya ang sigaw ngunit kahit anong hanap niya. Hindi niya matagpuan saan nanggagaling ang sigaw.
Paulit-ulit, 'Apollo tulungan mo'ko, Apollo'. Ang sigaw na paulit-ulit niyang naririnig.
"Mahal kita, Apollo" ang ala-alang nakikita niya lagi. Isang babaeng nawala pagkatapos bigkasin ang tatlong salita na yun.
Napahawak si Apollo sa dibdib niya at isang magandang ngiti ang nakikita niya.
Tumingin si Apollo sa pinto ng kalangitan at nagsimula na niyang inilabas ang pakpak niya.
Hindi ka man matandaan ng ala-ala ko, ngunit tandang-tanda ka ng puso ko.
"Kung sino ka man... Ako si Apollo ang simbolo ng himpapawid ay hahanapin ka at ililigtas, mahal ko"
The End.
__________
NAIS SABIHIN NG MAY AKDA.
Salamat sa lahat ng nagbasa. Sana patuloy niyo pa din akong suportahan. Salamat din kay God dahil pinatapos na naman niya ako ng panibagong story.