ANG PAGHIHIWALAY

1447 Words
Hindi ko mapigilang mangiti habang hawak ko ang kamay ni Apollo. Ang dating pangarap ko, natupad na. Nakasandal ako sa dibdib niya habang inaantay ang pag-lubog ng araw. Magkahawak ang kamay at hindi na gustong bumitaw pa. "What should I call you? Ligaya o Smile?" Ngumiti ako sa kaniya. "Mahal" at napangiti na din siya. "Mahal ko, mahal ang gusto kong itawag mo sa akin" mahina siyang natawa. "Mahal ko.... Mahal na mahal kita" ngumiti ako ng malungkot. "Pag binigkas kong mahal kita.... Matatapos na ang parusa" natigilan siya at mahigpit na niyakap ako. "Hayaan mo na lang akong sabihang mahal kita sa araw-araw ayos ba yun?" Tumango ako. "Ikaw ang puso ko" yun na lamang ang sinabi ko. Hindi na ako nagulat nang halikan niya ako sa labi na ikinangiti ko. "Miss na miss kita" hinawakan ko ang pisngi niya. "Ako din, mahal kuwento mo naman sa'kin anong nangyare sa'yo dito sa lupa sa tuwing nakikita kita" sabi ko. Bumuntong hininga siya. "Sa tuwing natatagpuan na kita... Parati ka na lang naka-pikit, sisigaw na lang ako sa sakit at yayakapin ka ng mahigpit. Nung namatay kang matanda, ang lamig mo na nuon ngunit hawak ko pa din ang kamay mo hanggang sa ilibing ka, nung hinampas ng alon ang bangkang sinasakyan mo nakita kita namatay na naman sa harap ko. Hindi kita iniwan hanggang sa ilibing ka, nung mabuhay kang muli nakita kita malakas ka nung palapit na ako sa'yo mahal ko bigla ka na lang nasagasaan. Hinabol ko ang ambulansya gusto kong hawakan ang kamay mo para kahit papaano maramdaman mo'ko ngunit nung makita mo'ko binawian ka na naman ng buhay. Hawak ko ulit ang kamay mo at hindi na umaasang makikita ka pang muli. Bumisita sa akin ang kapatid kong si Evria at sinabi niyang makikita nga kita ulit pero hindi na ako umasa kasi alam ko kukunin ka din sa akin" at pinunasan niya ang luhang tumulo sa mga mata ko. "Ang sakit isipin mahal ko na ikaw naligtas mo'ko samantalang ako ang nagagawa ko lang hawakan ang malamig na kamay mo. Hindi kita naabutang buhay, patawad. Nais kong humingi ng kapatawaran sapagka't ganitong buhay ang nangyayari sa atin. Ngunit mahal ko nais kong malaman mo na mahal na mahal na mahal kita" tumango-tango ako sa kaniya. "Ikaw ang puso ko Apollo, ikaw. Kahit pa nakikita lang kita nuon bago ako mawalan ng buhay at makikita mo'kong isa ng bangkay. Puso kita, Apollo mahal ko" "Mahal na mahal kita, mahal ko mahal na mahal" ** Nang magising ako bumili ako sa grocery store ng makaka-kain pabalik na sana ako nang makita ko ang isang babaeng napaka-ganda. Mabilis na lumuhod ako. "Patawad kung nag-lihim ako sa kapatid ko at hinayaan kong manatiling ganiyan ang pagmamahalan niyo" sabi niya. "Ako si Evria ang anghel ng simbolo ng hinaharap." "Anong maipaglilingkod ko sa inyo mahal na anghel?" "Ang kalayaan ng kapatid ko" at duon natigilan ako. "Nais kong tumayo ka" dahan-dahan ko siyang sinunod. "Hawakan mo ang kamay ko at malalaman mo ang hinaharap sa daang pinili niyo ni Apollo" dahan-dahan kong hinawakan ang kamay niya. "Mahaalllll kooooo" napa-tingin ako sa paligid at hindi alam kung nasaan. "Gumising ka mahal ko... Nakikiusap ako itigil niyo na ito" napa-takip ako sa bunganga ko nang makita ang sarili kong naka-gapos sa isang gintong bakal at hinang-hina. Dahan-dahan kong tiningnan kung sino ang tinitingnan ko. "TAMAAAA NAAAA!! NAKIKIUSAAPP AKOOOO MAAWAAA KAYOOOOO" tila nakaka-binging sigaw ang isinigaw ko. Napaluhod ako nang makita ang kalagayan ni Apollo. Naka-pako siya sa isang gintong krus habang hinang-hina ang muka. "Kapatiddd koooo" "Maaawa kayooo sa anak ko" napa-tingin ako sa paligid at lahat ng kapatid ni Apollo ay naka-gapos na at tila hinang-hina. Ang ina nila na ngayo'y labis ang hinagpis at ang ama ni Apollo na naka-pako din sa krus katabi niya. Dahan-dahan akong lumapit kay Apollo. "Apolllooo mahall ko gumising ka na.... Bawiin mo na ang iyong sinabi.... Hayaan mo akong manatili sa impyerno nakikiusap ako mahal ko para sa ikakabuti mo at ng pamilya mo" napa-tigil ako sa paglalakad nang marinig ang sarili ko. "M-mahal kita" at kusa ng tumulo ang luha ko nang marinig ang boses na yun. "M-mahal na mahal" "Apollo" umiiyak na wika ko. "Mahal na konseho patawarin niyo siya wala siya sa sariling pag-iisip nakikiusap ako" napatingin ako sa sarili ko nang makitang naka-luhod na ako at halos halikan ang mga paa ng matatanda sa harap ko. "Parang awa niyo na. Ako si Ligaya ay nakik——" "M-mahal kita" rinig kong sabi ni Apollo na nakapag-patigil sa isang ako. "Mahal na mahal" "Tanggalan siya ng pakpak!" Malakas na sigaw ng isang matanda. Ang kapatid ni Apollo ay kapwa nagwawala na upang maka-takas sa gintong bakal na naka-suot sa kanila. Hindi ko na din mapigilan ang sarili ko at hahawakan na sana si Apollo ngunit hindi ko magawa. "APOLLLOOOO!" "P-patawad" yun lang ang nasabi ni Apollo. "Patawad sapagka't hindi ko kayang bawiin ang sinabi kong mahal kita dahil Ligaya... Mahal na mahal kita" "Apollo maawa ka sa pamilya mo sa sarili mo mahal ko" "Mahal na mahal kitaaaaAAAAAHHHHHHHHHHH" at tila natigil na nga ang oras nang makita ko kung paano nila tinanggal ang pakpak ni Apollo na ikinatigil ng mundo. Ang masakit na sigaw niya, ang kondisyon ng ama niya, ang nangyare sa pamilya niya. Umiiyak ako nang bitawan ni Evria ang kamay ko. "Hindi mo pa nanaising makita ang susunod na mangyayare. Nakiki-usap ako sa'yo, Ligaya, Smile o kung sino ka man... Pakawalan mo ang kapatid ko at iligtas kami sa kapahamakang mangyayari hindi lamang kay Apollo ngunit pati na din sa Ama na'min. Nais kong maintindihan mo'ko" Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti ng malungkot. "Gusto ko murahin yung konseho niyo sa pag-gawa ng batas na bawal mag-mahal ang isang anghel" galit na sabi ko. "Tutal papunta din naman ako sa impyerno... Wala ng atrasan to" At mabilis na humarap ako sa kalangitan. "KAYONG MATATA DNAG KONSEHO... NAKIKITA NIYO BA GITNANG DALIRI KO? SA INYO LANG SUMASALUDO YAN. MGA BWISIT KAYO, GAGO KAYO, TANGINA NIYO, MAMATAY NA KAYO. KAPAG AKO NAPUNTA NA SA IMPYERNO SISIGURADUHIN KONG KAKAIBIGANIN KO SI LUCIFER AT PAPATAYIN NIYA KAYO.... WALA KAYONG KUWENTA DAPAT SA INYO MABULOK SA IMPYERNO MGA MATATANDANG HINDI NA NAKAPAG-ASAWA PUNYETA KAYO. MGA TANGINA NIYO GAGO BWISIT. ANG TATANDA NIYO BITTER" nang matapos ako. Huminga ako ng malalim at humarap kay Evria na naka-ngiti. "Magsasakripisyo ako hindi para sa inyo at pamilya niyo kung hindi para kay Apollo kapag ako nasa impyerno na at nalaman kong hindi maganda ang kalagayahan ng mahal ko.... Babalikan ko kayo naiintindihan mo?" Dahan-dahang tumango si Evria. "Nais mo bang malaman ang kalagayan mo sa impyerno?" Tumango ako at hinawakan ang kamay niya. At duon nakita ko kung paano ako inihagis sa isang dagat ng apoy at sumisigaw ng pangalan ni 'Apollo' pero wakang dumadating. Mamamatay ako duon at mabubuhay muli ngunit torture na. Tinatanggal nila ang parte ng katawan ko habang tumatawa, mamatay akong muli at mabubuhay ulit. Ipinasok ako sa yelo at hinayaang mamatay duon nang mabuhay akong muli lahat sila ginalaw ako, tinanggalan ako ng puri at pinag-laruan hanggang sa mamatay ako. Paulit-ulit ang ginagawa nila sa akin, hinuhulog sa apoy, tinatanggalan ng parte ng katawan, ipapasok sa yelo at gagahasain. Bawat segundo pangalan ni Apollo ang isinisigaw ko nagbabakasakaling ililigtas niya ako pero hindi. Dahil nakalimutan na ako nung mahal ko. Ipinagpatuloy niya ang buhay bilang isang anghel ng himpapawid. Nang bawiin ko ang kamay ko ngumiti ako kay Evria. "Maayos ako hangga't maayos ang mahal ko" "Nais kong humingi ng kapatawaran, Ligaya" "Ayos lang... Sige mauuna na ako" Nang maka-balik ako sa resort mabilos na nakita ko si Apollo magsasalita pa lang sana ako pero niyakap na niya ako. "Kanina pa kita hinahanap, akala ko nawala ka na. Iniwan mo na ulit ako. Saan ka ba nanggaling? Pinag-alala mo'ko mahal ko" "Apollo" "Tara na?" Tumango ako hinawakan ang kamay niya. Tatapusin ko lang ang tanghalian. Tinulungan ako mag-hugas ni Apollo ng mga gulay, ako naman nagsimula ng magpainit ng kawali. Tinilungan niya ako sa lahat hanggang sa makaka-kain kami. Hindi ako humiwalay sa kaniya at niyakap ko lang siya ng mahigpit. Gusto kong marinig mo'ko sa impyerno, humihingi ako ng tulong, Apollo saklolohan mo'ko. "Anong merron bakit ang sweet mo?" Nang makita kong tapps na siyang kumain. Hinalikan ko siya sa kabilang pisngi tapos sa kabila pa uli sa mata, sa kabilang mata, sa ilong, sa noo, sa baba at sa labi. Ngumiti siya. "Mahal na mahal kita, mahal ko" "At mahal na mahal din kita, Apollo" nakangiting sabi ko na ikinatanggal ng ngiti niya at ikinatigil ng oras kasabay ng pagbukas ng isang liwanag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD