Kung may music kayo na malungkot puwede niyo pong patugtugin para mas feel po yung chapter na'to.
Naka-sakay kami sa bangka at nililibot ang dagat. Napapangiti ako nang makita ang ganda ng karagatan.
Masasabi mo kung gaano maka-pangyarihan ang panginoon. Dahil sa ganda ng likha niya.
Nang maisipan kong mag-swimming tumalon ako sa dagat at hinayaan ang sarili kong lamunin ng tubig pero hindi din nag-tagal may kamay na humawak sa akin at hinila ako pataas.
"Ano bang problema mo?" Bakas ang galit sa boses niya. "Alam mo ba kung gaano kalalim ang tinalon mo? Hindi ka pa lumangoy paakyat hinayaan mo lang lumubog ang sarili mo" napangiti ako sa pag-aalala niya.
"Salamat, salamat talaga" at tumulo na ang luha ko. "Apollo" at mabilis ko siyang niyakap. Niyakap niya ako pabalik at hinalikan sa noo.
"Ayos lang 'yan siguro apektado ka pa din dahil kay Luna" niyakap ko lang siya. Hinaplos niya ang buhok ko.
Kami lang ang nag-pagana nung bangka dahil marunong naman si Apollo kaya hinayaan kami tiyaka siya may-ari.
Nang sumakay ako sa bangka umupo ako sa gilid at kinuha ni Apollo yung tuwalya ko at ibinalot sa katawan ko.
Humarap siya sa akin at hinalikan ako sa noo.
"Anong problema?" Hinawakan ko ang muka niya kasabay ng pag-tulo ng luha ko. "Smile" umiling ako.
"Ligaya" at duon gulat siyang tumitig sa akin. "Ligaya ang pangalan ko"
"P-papaanong?" At duon tumulo ang luha ko nang alalahanin ang lahat.
Nang magising ako wala na ang aking mahal, kinuha na ng kalangitan.
Lumuhod ako nang may makitang isang napaka-gandang babae na bumabang muli.
"Ako si Ina ang Ina ng kalangitan at ng lahat... Ako ang Ina ni Apollo na anghel ng himpapawid na minahal mo"
"Ako si Ligaya ang hamak na tao minahal ang isamg katulad ni Apollo... Nais kong humiling na huwag niyong parusahan ang mahal ko. Hindi ako karapat-dapat na humiling ngunit" hinarap ko si Ina. "Ngunit maari bang ako na lang? Huwag na si Apollo" tumingin siya sa akin at tumango.
"Ako si Ina ang ina ng kalangitan at sanlibutan ay pinarurusahan ka Ligaya sapagka't nag-mahal ka ng isang anghel at nilabag ang batas ng langit"
Mahal ko, para sa'yo 'to.
"Pinarurusaham kitang manatili ang iyong ala-ala sa tuwing mabubuhay ka. Upang maramdaman ang sakit ng pagmamahal at pagdurusa ng hinagpis. Mawawala lamang ang parusang naka-patong sa ulo mo kung maari na kayong mag-sama ni Apollo at mabigkas mo ang salitang pinaghahawakan ng anak ko. Maiintindihan mo ang wika ko kapag nakita mo na siya."
"Kung matatanggal ang parusang nakapatong sa akin at mabigkas kong mahal ko si Apollo maaari na ba kaming magsama?"
"Ikinalulungkot ko ngunit hindi maari. Si Apollo ay babalik sa kalangitan at pagiging anghel"
"Ngunit ako?"
"Ikaw ay ipapatapon sa impyerno dahil sa pagkakasala mo at hindi ka na matatandaang muli ni Apollo"
Labis ang hinagpis ko mahal ko, natatakot ako sa pag-iibigang pinasok ko. Nais kong iligtas mo'ko.
"Magiging maayos ba si Apollo?" Tumango siya. "Tinatanggap ko ang parusa"
Namatay ako sa digmaan ng kastila laban sa mga Pilipino, nabuhay akong muli bilang isang mayamang dalaga sa Pilipinas na tanda ang lahat.
Ang katauhan ni Apollo, ang parusa ko, at ang mangyayari sa akin. Hinanap ko ang aking Apollo ngunit hindi ko siya nahanap hanggang sa ipakasal ako ng aking mga magulang sa isang maharlikang lalaki. Hindi kami nagkaanak at hindi ko siya minahal.
Nasa hardin ako at tumanda ng dalaga sapagkat hiniwalayan ako ng asawa ko. Kulubot na ang balat ko at hirap na akong mag-salita. Tinitigan ko ang ganda hardin ngunit ganuon na lamang ang aking pighati nang makita ko ang aking Apollo.
Ngayon naiintindihan ko na kung bakit sinabi ng iyong ina, Apollo na kung maari na tayong mag-sama sapagka't nakita nga kita ako'y ulugod na.
May ngiti ako sa labi nang mamatay bilang sapagka't nakita ko si Apollo.
Nang isilang akong muli isa akong batang babae na nagmula sa isang mangingisdang pamilya. Hinanap ko si Apollo ngunit hindi ko siya mahanap.
Pagod na pagod na akong mabuhay ng puno ng sakit mahal ko. Mamatay ako ngunit mabubuhay din na dala-dala ang ala-alang mayroon tayo.
Sumama ako sa aking itay na mangisda ngunit malakas na hampas ng alon dahil sa bagyo at tumama sa bangka namin. May malaking kahoy na naka-tusok sa akin dibdib at alam ko ng patapos na naman ang aking buhay.
Nang ipipikit ko na ang aking kamay napangito ako nang makita muli si Apollo bago ako mawalan ng buhay.
Nang mabuhay akong muli taong 2009 na. Kung saan nagbago na ang paraan ng pamumuhay ng lahat, wala ng pananakop na nangyayari.
Nagbago na ang lahat ngunit ang nararamdaman ko ay walang pagbabago. Apoll nasaan ka na mahal ko.
Gusto ko nang matigil ang parusang ito at maka-balik ka na sa kalangitan.
Napapagod na akong mabuhay paulit-ulit dala-dala ang nakaraan na'tin Apollo masakit.
Nang maglakad ako isang sasakyan ang naka-bangga sa akin at nang madala ako sa ospital napangiti ako nang makita ko si Apollo bago ako mabawian ng buhay.
Paulit-ulit na lang ba tayong matatalo?
Alam kong si Apollo ang ibon na lumilipad sa himpapawid kung kaya't lagi akong nagtatanong kung siya'y napapagod.
Taong 2016 nabuhay ako bilang si Smile hindi na ako umaasang magkikita pa tayo kasi alam ko mamatay din ako.
Ngunit mapag-laro ata ang kalangitan at nakita muli kita at nakakatuwang ipinangalan mo sa akin ang resort mo.
Mahal ko labis ang hinagpis ng puso ko nang makita ang mga larawang likha mo.
Duon ko naramdaman na hindi ko pa kaya, hindi ko pa kayang iwan ka. Ayoko pang matapos ang parusang nakapatong sa'kin sapagkat malalayo na naman ako sa'yo. Iiwan na naman kita at masasaktan na naman ako.
Mahal na mahal kita Apolo at mas lalong minamahal ngunit sa tuwing nakikita kita nasasaktan ako sa katotohanang hindi lagi puwedeng ganito.
Kailangan isa sa atin at mag-wakas ang parusang 'to nang makapag-pahinga na tayo mahal ko. Mahal na mahal kita kaya ginagawa ko 'to.
Nang masaksihan ko ang tadhana nila Luna at Dimasha inisip ko na buti pa sila magkasama hanggang sa mamahinga.
Ngunit tayo? Ikaw babalik sa kalangitan at ako ipapatapon sa impyerno.
Nakakatakot, Apollo.
Nakakatakot. Iligtas mo'ko pero kung patuloy tayong ganito ikaw ang delikado.
Mahal ko ang paborito kong lugar ay kung saan nasa loob ako ng bisig mo at ang higpit ng yakap mo
Ang paborito kong tanawin ay ang magagandang ngiti mo.
Ang paborito kong musika ay ang hindi nakakasawang halakhak mo at
Ang paborito kong pakiramdam ay ang pakiramdam ng labi mo sa leeg ko.
Mahal ko, bakit ganito?
Ang araw ng libing ni Luna ay Dimasha. Nagkakamali ka ng isipin mong hindi ko tanda ang lahat nang usapan niyo duon.
Hindi binura ni Sito ang ala-ala ko at hinayaan niya akong magpanggap ng tulog. Nang marinig ko ang wila ng kapatid mong si Evria na makakabalik ka na sa langit.
Duon ko naramdaman na alam niyang hindi ako tulog at nakikinig lamang. Alam niya ang nararamdaman ko at alam niya na gagawin ko 'to kaya aantayin nila ang pagbabalik mo.
Gusto kong kausapin si Sito kung anong mundo ba ang impyerno? Mahal ko natatakot talaga ako.
Pakiramdam ko wala pa ako duon pero ramdam ko na ang paghihirap na mararanasan ko. Pero iniisio ko din na, Ligaya mo yan kasi kapalit ng paghihirap mo ang kaayusan at kapayapaan mo mahal ko.
Humiling ako, kahit isang buwan lang. Isang buwan lang. Isang buwan lang. Tapos tatapusin ko na ang parusa.
Nakakatakot pero kakayanin ko. Isang buwan lang. Iiwan ko ang tiyang kong minahal ko na, ang trabaho kong minahal ko din at si Apollo na iiwan ko na naman.
Patawad mahal ko sa pagkat parati kitang iniiwan, patawarin mo'ko pero ang kaligayahan ay hindi talaga itinadhana para sa atin.
Ayoko matapos ang isang buwan mahal ko, ayoko maiwan sa impyerno, ayoko na masaktan, ayoko na please. Apollo iligtas mo'ko. Parang awa mo na. Natatakot talaga ako.
Kung si Sito na duon nakatira umalis na ako pa kaya? Please.... Please... Apollo takot na takot ang ligaya mo.
Bumalik ako sa uliray sa haplos ni Dimasha at ngumiti siya.
"Ngayon naintindihan ko na bakit sinabi yun ni Evria" at hinawakan niya ang kamay ko. "Magsasakripisyo ka na naman" at may sakit sa boses niya. "Amg pagsasakripisyo mong lagi mong ikinakasakit at parati mokong iniiwan" yumuko ako ngunit itinaas niya ang muka ko at ngumiti.
"Apollo" umiiyak na sabi ko.
"Kung hindi tayo tanggap ng kalangitan, Mahal ko.... Gusto mo bang sumama sa'kin sa impyerno?"