MAGKAKAPATID NA ANGHEL

1564 Words
Apollo's Malungkot na ngumiti si Smile sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. Humarap kami sa mga kapatid ko. "Maaring ito na ang huli nating pagkikita" malungkot na sabi ko. "Nasisiguro akong hindi na kayo papabain ni Ina at Ama dito sa lupa upang makita ako" Alam ko naguguluhan si Smile ngayon pero no choice ako. Nandito siya e. "Apollo" umiiyak na wika ni Evria. "Sama-sama na lang tayong magkakapatid dito" -Aqua. "Oo, mabuhay tayo bilang tao kasalanan man atleast magkakasama tayo." -Sakria. "Namatay si Dimasha na magkakasama tayo bakit hindi na lang natin panindigan hanggang dulo?" -Sakron. Tinitigan ko sila at umiling. Binitawan ko ang kamay ni Smile at hinalikan ang noo ng mga kapatid ko. "Apollo mag-isa ka na lang dito hayaan mo na kami... Wala na si Dimasha" -Sakron. "Hindi siya mag-iisa" napa-tingin kaming lahat kay Evria. "Dahil ba nandito si Smile?" -Aqua. Tinitigan namin si Smile na mukang natanggalan na ng malay. Hawak-hawak siya ni Sito habang nag-uusap-usap kami. "Iiwan din siya ni Smile nararamdaman ko" dugtong pa niya. "Evria tayo-tayo lang ang puwedeng mag-sama. Sino ang makaka-sama ni Apollo kung siya lang mag-isa dito?" -Sakria. "Tama mananatili kami dito, Apollo" -Sakron. "Ngunit sino ang magiging katulong nila Ina at Ama laban sa konseho?" Tanong ko na ikinatigil nila. Ngumiti ako at tiningnan si Smile. "Handa na siya at handa na'ko.... Kahit anong mangyare lalaban kami" "Ngunit Apollo paano ka dito?" -Aqua. "Paano kung mawalan din ng buhay si Smile? Paano? Mag-aantay ka na naman sa parusang hindi mo alam kung kailan matatapos?" dugtong niya pa. "Hayaan mo kaming manatili dito, Apollo maparusahan man tayo ng kalangitan ayos lang kasi magkakasama tayo" -Sakron. "Lahat tayo babalik sa kalangitan ngayon" napa-tingin kami lahat kay Evria na may luha na. "Kamatayan ni Dimasha 'to" at tumingin siya sa kalangitan na ginawa din namin. Ang anghel ng pag-asa. Kapatid ko. "Wala ng babalik sa'tin dito sa lupa——" "Ngunit Evria——" "Ang salita ko ang masusunod ngayon, Sakron bilang isang anghel na alam ang hinaharap ng lahat" tumingin siya sa amin. "Makakabalik sa kalangitan si Apollo nakikita ko" bigla akong napa-ngiti sa sinabi niya. "Ayan ba ay totoo?" -Aqua. "Nagsasabi ka ba ng totoo?" -Sakria. "Oo, makaka-buti sa ating huwag na muna bumalik dito at antayin na lamang si Apollo sa kaniyang pagbabalil" -Evria. "Ngunit paano?" Masayang tanong ko. "Aantayin ka namin sa pagbabalik mo" at nag-simula ng mawala si Evria, at ang mga kapatid ko. Napa-tingin ako sa kalangitan at ngumiti. Dahan-dahan akong tumingin kay Sito at lumapit sa kaniya. Naka-titig siya sa hukay ni Dimasha. "Patawad" panimula ko. Kinuha ko si Smile na wala ng malay. "Tinanggalan ko siya ng ala-ala... Yung parte lang na nandito tayo at nag-usap-usap tungkol sa pagkatao natin" walamg emosyon na sani niya. Naaawa akong tiningnan siya. "Pinatalsik ako sa impyerno sapagka't bumabalik loob ako sa kalangitan, si Dimasha siya ang naging tahanan ko ng talikuran ako ng lahat. Siya ang naging kapatid ko sa mundong 'to.... Pero bakit ganuon?" Lumingon siya sa akin. "Bakit ganito mangyayare sa'tin kapag lumabag tayo sa batas ng mundo natin?" Yumuko ako at tiningnan si Smile at ngumiti. "Kung ikaw makaka-balik sa kalangitan at patuloy na magiging anghel at mabubuhay ng masaya bakit si Dimasha hindi pinagbigyan? May favoritism ba langit niyo?" Galit na tiningnan niya ako. "Kasi sa impyerno wala, lahat kami nagdudusa mapa-malakas ka man o mahina pero bakit sa inyo... Ikaw magiging masaya si Dimasha hindi na?" Yumuko ako. Hindi ko alam sapagka't ang kapatid ko lang na si Evria ang may alam. Lumingon siya sa akin. "Alam kong hindi pa ito ang huli nating pagkikita" at nawala na siya nang may pumalibot na apoy sa katawan niya. Tinitigan ko si Smile at ngumiti. "Makakabalik ako sa kalangitan mahal ko" at ini-labas ko ang pakpak ko at lumipad patungo sa bahay ko. *** Smile's POV Nang magising ako hindi ko mapigilang umiyak, si Luna wala na siya. Wala na ang kaibigan ko. Naramdaman ko ang yakap ni Apollo sa'kin at paghalik sa noo ko. "Everything will be alright" sa nagdaang linggo napansin ko na may nag-iba kay Apollo. Pakiramdam ko may nangyaring maganda sa kaniya dahil madalas na siyang ngumiti ngayon. Tinitigan ko siya at ngumiti. Pinunasan niya ang luha ko. Paano kung isang araw matulad tayo kila Luna? Na mamatay ikaw o ako? "Are you ok now?" Tumango ako at ngumiti. "May trabaho ka?" Umiling ako at niyakap siya. Sinubsob ko ang muka ko sa dibdib niya. "Ang bango mo" bulong ko. Narinig ko ang pag-tawa niya na ikinangiti ko. Hinarap ko siya. "Btw kamusta pakiramdam mo ngayon dahil sa pagkawala ng kapatid mo?" Bumuntong hininga. "I know he's fine because I know he's with Luna" ngumiti ako. Ikinuwento ko kay Apollo na gusto kong mag-stay sa resort niya. Kahit one month lang. Nag-impake kami ng mga gamit namin at nag-stay kami sa resort. Mabilis na nag-swimming kami sa dagat na may ngiti at tawa sa amin. Sumisid ako sa ilalim ng tubig at hinila siya pailalim. Habang nasa ilalim kami ng tubig parehas kaming may ngiti sa mga labi. Ako na ang lumapit at ipinikit ko ang mga mata ko nang maramdaman ang malambot na labi niya. Napangiti ako lalo ng tugunin niya ang halik ko at hawakan ang likod ko. Kapwa kami nagbibigay ng hangin sa isa't-isa sa para manatili sa ganitong posisyon sa ilalim ng dagat. Nang hindi na namin kaya sabay kaming umahon at kapos na huminga. Natawa kami sa itsura namin. Niyakap ko siya at niyakap niya ako. Hindi ako umalis sa pagkakayakap ko mamaya hindi ko na 'to maramdaman ulit. "Gusto mo bang bumalik na tayo sa kuwarto?" Umiling ako. "Dito muna tayo" at niyakap ko pa siya nang mahigpit at pumikit. Apollo, mahal ko. Ilang oras pa ang tinagal namin sa ganuong posisyon at bumalik na kami sa kuwarto. Gamit ko ang t-shirt ni Apollo habang nag-luluto nang kakainin namin. Napangiti ako nung may yumakap sa akin at hinalikan ako sa leeg. "You smell good" "Utot" I joked. He laughed. Hinanda niya na yung gagamitin namin sa pagkain. Nang matapos ako sa pagluluto tumabi na ako kay Apollo. Pinag-sandukan ko siya ng kanin at ulam na ikinangiti niya. "Gusto ko to" nakangiting sabi niya. "Siyempre masarap luto ko" "What I mean is gusto ko yung ginagawa mo... Paglulutuan mo'ko, pinaghahainan...." Napa-tigil ako at tiningnan siya. "Smile hindi ako magsasawa sa ganito hanggang sa mamatay ako" "Apollo" nasabi ko na lang. "Payag ka bang pakasalan ako?" Napanganga ako sa sinabi niya at pinitik siya. "Aray" "Hilig mo mag-biro" "Pero hindi ako nagbibiro, Smile... Mahal mo ba'ko? Kasi ikaw Mahal kita" Hindi ko siya sinagot at kumain na lang. "Sabi na e" malungkot na sabi niya. "Punta muna ako sa opisina ko" at umalis na siya. Nakayuko lang ako nung umalis siya. Iniisip ano bang dapat gawin ko. Pumunta ako sa altar ng kuwarto at lumuhod sa santo. "Panginoon.... Bigyan niyo po ako ng lakas ng loob na sabihin kay Apollo na mahal ko siya." Lumipas ang ilang oras pero hindi pa din bumabalik si Apollo kaya nagpasya na akong lumabas pero napahinto ako nang makita ang isang malaking puting ibon na lumilipad sa himpapawid. Hindi ka pa ba, Pagod? Patuloy ka pa ding lumilipad. Magpahinga ka na. Dumeretso ako sa opisina ni Apollo pero wala siya kaya bumalik na lang ako sa kuwarto at nakita ko siyang inaantay ako. Nang makabalik ako mabilis na niyakap niya ako at niyakap pabalik. "I am so sorry kung umalis ako" niyakap ko siya. "Naiintindihan ko. Nagugutom ka ba?" Tumango siya kaya hinainan ko siya. Nang matapos kumain si Apollo at nang maka-tulog lumabas ako at pumunta sa tabing dagat at tinawagan ko si Tiyang. "Oh gabi na ha? Napatawag ka? Maayos ka ba diyan, Smile?" Pumatak ang luha ko sa hindi malamang dahilan. "A-ayos lang ho, Tiyang maayos ako dito" "May problema ba?" "Hindi ko nga din alam, Tiyang... Nabuhay ako na wala si Apollo pero ngayon parang hindi ko na kaya" "Mahal mo na kasi siya" "Siguro nga tiyang mahal na mahal na mahal ko siya" "Mahal ka din naman niya anak e di maayos na" umiling ako. "Tiyang sa ilalim ng kama ko... May bank book duon lahat ng inipon ko sa bangko para sa'yo yun" at pinigilan ko ang sarili kong umiyak. "Smile ano bang sinasabi mo?" "Trip ko lang ibigay ayaw mo ba?" "Wala na binigay mo na sa'kin akin na yun" "Sige na tiyang ba-bye na" at pinatay ko na yung call. Napa-tingin ako nung may umupo sa tabi ko. Napangiti ako nang makita si Apollo. Hinalikan niya ako sa noo. Isinandal ko ang ulo sa balikat niya. Kinabukasan wala kaming ginawa kung hindi ang mag-sama. Hindi ko hinayaang malayo ako sa kaniya. Tumulong na din ako sa resort. Nag-paalam na ako sa trabaho ko at nag-resign na. Bakit ko ginawa yun? Kasi may plano ako. Lagi akong nagpapabuhat kay Apollo, lagi din akong nagpapahalik sa noo kasi pakiramdam ko protektado. Isa-isa ko ng inaayos ang nga bagay bago umalis. Yung kay Tiyang maayos na, yung sa trabaho ko nag-resign na ako. Si Apollo kaya ayoko humiwalay sa kaniya kasi aalis ako pag-tapos ng isang buwan. Nang makita ko si Apollo tinawag ko siya at humarap siya sa akin. Matamis na ngumiti siya sa akin pero durog na ako. Iiwan na naman kita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD