Pagkatapos ni Stefany maglagay ng mga damit sa cabinet, biglang itinuro ni Fabio ang kama.
"O, next step. Ayusin mo naman 'yan. Palitan mo ng bagong bed sheet," utos ni Fabio na parang bossing.
Napalingon si Stefany sa kama at halos tumirik ang mata niya. "Ano?! Ako na naman? Parang gusto mo yata akong gawing full-time maid mo!" reklamo niya habang nakapamewang.
"Bakit? Hindi ba dapat matuto ka rin? Paano kung gisingin ka ng asawa mo sa madaling araw para lang ayusin ang kama niyo?" biro ni Fabio na may kasamang nakakalokong ngiti.
"Sa bagay... pero teka, hindi ko naman asawa ang amo mo, ah!" sagot ni Stefany habang umiiling-iling.
Habang kinukuha niya ang bagong bed sheet, hindi maiwasan ni Stefany na magmaktol. "Ano ba 'to? Ang hirap pala ng buhay dito! Hindi ko akalain na pati ang pag-aayos ng kama, may technique pa!"
"Tama! Kaya kailangan mong matutunan," sabi ni Fabio habang naka-cross arms at pinapanood siya.
Sinubukan ni Stefany na ilagay ang bed sheet, pero hindi niya maipasok nang maayos ang gilid nito. Halos madulas siya sa ibabaw ng kama habang pilit niyang inaabot ang kabilang sulok.
"Argh! Bakit ang daming sulok ng kama na 'to?!" reklamo niya habang napapakamot sa ulo.
Napangisi si Fabio at lumapit. "Gusto mo ng tulong?" tanong niya na may pang-aasar.
"Hindi na! Kaya ko 'to!" sagot ni Stefany, pero halatang hirap na hirap na siya.
Habang nag-aayos, biglang dumulas ang isang gilid ng bed sheet at bumagsak si Stefany sa kama. "Argh! Bwisit na bed sheet 'to!" Napamura siya sa inis, dahilan para mapahagalpak ng tawa si Fabio.
"Hahaha! Ang arte mo kasi! Ayan tuloy, natalo ka ng bed sheet!" asar ni Fabio habang tumatawa nang malakas.
"Tatawa-tawa ka diyan! Subukan mo kaya!" sigaw ni Stefany, sabay hampas ng unan sa mukha ni Fabio.
"Sige na nga, ako na. Tumabi ka dyan," sabi ni Fabio habang hinila si Stefany palayo.
Habang inaayos ni Fabio ang bed sheet, napansin ni Stefany kung gaano ito kasanay sa gawaing bahay. "Wow, ang galing mo ah. Mukhang araw-araw kang nag-aayos ng kama."
"Syempre. Marunong dapat," sagot ni Fabio habang nagpapakipot na parang eksperto.
"Eh, bakit parang masaya ka kapag nahihirapan ako?" tanong ni Stefany na may halong inis.
"Simple lang. Ang cute mo kasi kapag naba-badtrip," sagot ni Fabio, sabay kindat.
Napanganga si Stefany at agad na namula. "Ang kapal mo talaga!" sigaw niya, sabay talikod para itago ang kilig na hindi niya maamin.
Pagkatapos magligpit ni Stefany ng kama, napaupo siya sa gilid nito at napabuntong-hininga. "Grabe naman 'to. Para akong nag-gym sa dami ng pinagawa mo," reklamo niya habang pinapahid ang pawis sa noo.
Nakatingin lang si Fabio sa kanya, nakangisi. "Tingin ko naman, bagay sa'yo ang trabaho. Mukha kang masipag."
Tiningnan siya ni Stefany nang masama. "Masipag? Parang ginawa mo na akong katulong mo rito!"
Tumawa si Fabio. "O, sige na. Huwag ka nang magalit. May tanong ako."
"Ano na naman?" tanong ni Stefany habang umuupo nang maayos.
Lumapit si Fabio at tumingin sa kanya nang may nakakalokong ngiti. "Gusto mo ba ng ice cream?"
Biglang lumiwanag ang mukha ni Stefany. "Ice cream? Seryoso ka? Meron?"
Tumango si Fabio. "Oo naman. Pero... may kondisyon."
Agad na kumunot ang noo ni Stefany. "Ayan na naman tayo sa kondisyon mo. Ano na naman 'yan?"
"Simple lang. Dapat sabayan mo akong kumain sa labas ng garden. Doon mas masarap kumain ng ice cream."
Napaisip si Stefany, pero hindi na siya nagdalawang-isip. "Fine. Basta ice cream, go na ako!"
Natawa si Fabio. "Sabi ko na nga ba, madali kang mauto."
Habang papunta sila sa garden, hindi napigilan ni Stefany na magtanong. "Anong flavor ng ice cream? Dapat chocolate ha, 'yan ang paborito ko."
"Malalaman mo mamaya," sagot ni Fabio na parang may itinatago.
Pagdating nila sa garden, inilabas ni Fabio ang isang malaking mangkok na may halo-halong ice cream—may chocolate, vanilla, at strawberry. "Surprise!" sabi niya.
Napa-"wow" si Stefany. "Grabe, ang dami! Akala ko maliit lang. Ang dami mo namang paandar."
Habang kumakain sila, tawa nang tawa si Fabio dahil si Stefany ay parang bata na halos mabura ang mukha sa pagdila sa natutunaw na ice cream.
"Ang cute mo talaga. Para kang batang ngayon lang nakatikim ng ice cream," sabi ni Fabio habang pinapanuod siya.
"Tumigil ka nga diyan! Hayaan mo ako sa moment ko!" sagot ni Stefany habang patuloy na nag-eenjoy sa pagkain.
Natawa na lang si Fabio at inisip na kahit na sobrang arte ni Stefany, nagugustuhan niyang makita itong masaya sa simpleng bagay.
Pagkatapos nilang maubos ang ice cream, tumayo si Stefany at nagsimulang maglibot sa paligid ng mansyon. Bigla itong napahinto at tumingin kay Fabio.
"Gusto ko pa kumain," sabi niya, sabay himas sa tiyan. "Pinagod mo kasi ako sa kakapagawa mo kanina."
Natawa si Fabio at tumingin sa kanya na parang nanunukso. "Ano na naman ang gusto mo ngayon? Ice cream ulit?"
Umiling si Stefany. "Hindi! Gusto ko ng fried chicken. Nagutom ako sa kaka-ligpit ng mga gamit mo."
Napakamot si Fabio sa ulo, kunwari nag-iisip. "Fried chicken? Naku, wala yata tayong fried chicken dito."
Tumingin si Stefany sa kanya na parang magagalit. "Eh, magluto ka! Sabi mo, marami pa akong dapat matutunan, di ba? Turuan mo rin ako kung paano magprito ng chicken."
Napangiti si Fabio. "Ah, ganun? Ako na naman ang magtuturo? Baka naman sa huli, ako pa rin ang magluluto."
"Edi ikaw na lang talaga! Pagod ako, Fabio!" sagot ni Stefany na parang bata, sabay upo sa bangko at kunwaring nagtatampo.
Umiling si Fabio, pero halatang natatawa. "Sige na nga. Pero ikaw ang maghuhugas ng mga plato pagkatapos."
"Deal!" mabilis na sagot ni Stefany, sabay ngiti.
---
Pagdating nila sa kusina, inilabas ni Fabio ang mga manok mula sa refrigerator. "O, ganito. Una, kailangan linisin muna 'to."
Tumitig si Stefany sa hilaw na manok at napangiwi. "Kailangan ba talaga akong humawak niyan? Parang ang dumi!"
Natawa si Fabio. "Anong dumi? Manok 'yan, hindi basura! Sige na, linisin mo."
Napilitan si Stefany na sundin si Fabio. Habang hinuhugasan niya ang manok, napapangiwi siya sa bawat hawak nito. "Ang lamig! At ang dulas! Ayoko na, Fabio!"
"Ay naku, Stefany. Kung gusto mo talagang matutong magluto, kailangan mong tiisin 'yan," sagot ni Fabio, sabay agaw sa manok at tinulungan siyang linisin ito.
Pagkatapos linisin ang manok, tinuruan ni Fabio si Stefany kung paano ito i-marinate. Habang nagmimix ng mga pampalasa, biglang napadami ang lagay ni Stefany ng toyo.
"Hoy! Tama na 'yan! Baka maging adobo 'yan imbes na fried chicken!" natatawang sabi ni Fabio.
Nagkatinginan sila, at biglang nagtawanan nang malakas.
"Bahala ka na nga, Fabio. Basta gusto ko ng masarap na fried chicken," sabi ni Stefany habang nakaupo at pinapanood siyang magluto.
Pagkatapos ng ilang minuto, naamoy na nila ang mabangong aroma ng fried chicken. Agad na tumayo si Stefany at tinignan ang kawali. "Wow, mukhang masarap 'yan ah! Bilisan mo na, Fabio. Gutom na ako!"
Ngumiti si Fabio. "Relax ka lang. Konting hintay na lang."
Nang matapos ang luto, nilapag ni Fabio ang plato ng crispy fried chicken sa mesa. Agad na kumuha si Stefany at tinikman ito.
"Ang sarap! Ang galing mo, Fabio!" sabi niya habang nginunguya ang chicken.
"O, ano? Natutunan mo na ba?" tanong ni Fabio, nakangiti.
Umiling si Stefany. "Hindi! Pero okay lang, basta ikaw na lang ang magluto palagi."
Napailing na lang si Fabio, pero halata sa mukha niya ang tuwa habang pinapanood si Stefany na masayang kumakain.
Habang abala si Stefany sa pagnguya ng fried chicken, biglang nagsalita si Fabio, halatang tinutukso siya.
"Kung ako ang magluluto ng pagkain mo palagi, baka magalit 'yung husband-to-be mo," sabi ni Fabio, sabay tingin kay Stefany na may nakakalokong ngiti.
Napahinto si Stefany sa pagkain at nagtaas ng kilay. "Bakit naman siya magagalit? Eh, hindi naman niya alam na ikaw ang nagluluto ng pagkain ko."
Ngumisi si Fabio at tumagilid ang ulo. "Malay mo, magselos. Baka isipin niya na ako ang nagbibigay sa'yo ng atensyon na dapat sa kanya."
Natawa si Stefany at umiling. "Huwag kang assuming, Fabio. At saka, kung sakali mang magalit siya, edi sabihin ko na lang na magaling kang magluto. Hindi niya kailangang malaman na ikaw rin ang nagtuturo sa'kin."
"Ah, ganun pala, ha?" tanong ni Fabio, kunwaring seryoso. "Parang ikaw pa ang gustong magtago ng sikreto natin."
Napakunot-noo si Stefany. "Anong sikreto? Fabio, trabaho mo lang naman 'to. Wala naman akong tinatago!"
Tumawa si Fabio at sumandal sa upuan. "O, sige na nga. Pero tandaan mo 'to, Stefany. Kapag naging asawa mo na 'yung husband-to-be mo, siguraduhin mong ikaw na ang magluluto. Hindi pwedeng ibang lalaki pa ang mag-aasikaso sa'yo."
Napangiwi si Stefany at biglang nagbitaw ng biro. "Eh, paano kung mas masarap ka magluto kaysa sa kanya? Baka gusto ko pa rin ikaw ang magluto!"
Nagulat si Fabio sa sagot niya at tumawa nang malakas. "Siguraduhin mo lang na hindi ako ang unang tatawagin mo kapag hindi mo magustuhan ang luto niya, ha?"
"Bahala na," sagot ni Stefany, sabay kain ulit ng chicken. Pero sa loob niya, hindi niya maipaliwanag kung bakit parang natutuwa siya sa ideya na si Fabio ang palaging nag-aalaga sa kanya.
Pagkatapos ng masaganang pagkain, napabuntong-hininga si Stefany habang hinihimas ang tiyan. "Busog na busog ako," sabi niya, sabay ngiti kay Fabio.
Napatingin si Fabio sa kanya, halatang nagtataka. "O, anong nakain mo at biglang ang bait mo ngayon?" tanong nito, sabay tawa.
Napakunot-noo si Stefany, pero halatang pilit na pinipigilan ang ngiti. "Gusto ko lang naman magpasalamat," sagot niya, medyo nahihiya. "Sa totoo lang, ngayon ko lang yata natutunang magpasalamat nang ganito."
Tumawa nang mahina si Fabio, tila natutuwa sa sinasabi ni Stefany. "Talaga? Parang hindi naman halata na sanay kang magpasalamat."
Umirap si Stefany, pero hindi nakaligtas ang ngiti niya. "Ano bang gusto mong marinig? Na ikaw ang dahilan kaya natutunan ko 'to? Fine. Salamat sa 'yo, Fabio."
Ngumisi si Fabio, parang proud na proud sa sarili. "Aba, kung ganun pala, ang dami ko nang natuturo sa'yo. Pasasalamat pa lang 'yan. Ano kaya ang susunod?"
Napailing si Stefany at nagpakawala ng mahinang tawa. "Hay, Fabio. Kung hindi ka lang magaling magluto, hindi kita pasasalamatan."
"Kahit ganun, natutunan mo pa rin. At dahil d'yan, welcome ka," sagot ni Fabio, sabay kindat.
Habang nag-aayos ng pinagkainan, hindi maiwasan ni Stefany na mapaisip. Hindi man niya aminin, parang unti-unti niyang natututuhan ang mga bagay na noon ay hindi niya pinapansin—at lahat ng iyon ay dahil kay Fabio.