HBHT-9

2186 Words
THIRD POV Habang abala si Fabio sa pag-aayos ng mga papeles sa opisina ng hacienda, biglang pumasok si Mang Berting, kasunod ang isang lalaking bihis na bihis. Agad itong tumayo nang makita ang dumating. "Fabio, narito si Ginoo Lopez, isa sa mga tauhan ni Mayor Mauro," anunsyo ni Mang Berting habang pinapapasok ang lalaki. Tumango si Fabio bilang pagbati, ngunit halata ang kawalan ng interes sa kanyang mukha. "Ano'ng sadya mo rito, Ginoo Lopez?" Ngumiti si Ginoo Lopez at naglabas ng isang sobre mula sa kanyang dalang folder. "Ito po ay personal na imbitasyon mula kay Mayor Mauro. Magkakaroon po ng engrandeng pagtitipon sa kanilang mansyon sa susunod na linggo. Inaanyayahan po kayo bilang isa sa mga pangunahing panauhin." Kinuha ni Fabio ang sobre at binuksan ito. Binasa niya nang mabilis ang nakasulat. "Grand Gala Night," basa niya nang malakas. "At anong dahilan para dito?" "Magsisilbi po itong selebrasyon ng kaarawan ni Mayor Mauro, at pagkakataon na rin upang magtipon-tipon ang mga may-ari ng lupa at negosyante sa San Clemente," paliwanag ni Ginoo Lopez. Nagtaas ng kilay si Fabio, halatang hindi naaaliw sa ideya. "Mukhang hindi ako ang tamang tao para rito. Hindi ako interesado sa mga ganitong klase ng event." "Fabio," sabat ni Mang Berting, "hindi ito simpleng party. Mahalaga ito para sa relasyon mo sa mga tao rito sa bayan. Alam mo naman na iniidolo ka ng marami bilang isa sa pinakamatagumpay na may-ari ng lupa rito." Napabuntong-hininga si Fabio. Ayaw niya talaga ng mga ganitong kaganapan, ngunit alam niyang tama si Mang Berting. Kailangan niyang magpakita bilang respeto kay Mayor Mauro at para na rin sa maayos na pakikitungo sa mga tao sa bayan. "Sabihin mo kay Mayor na darating ako," sa wakas ay sagot ni Fabio. Ngumiti si Ginoo Lopez. "Maraming salamat, Ginoo Fabio. Siguradong matutuwa si Mayor sa inyong pagdalo. Ipapadala rin po namin ang mga detalye sa darating na araw." Pagkaalis ni Ginoo Lopez, humarap si Fabio kay Mang Berting. "Huwag mo akong pilitin na magsuot ng mga pormal na damit na hindi ko gusto," biro niya, ngunit may bahid ng pagkayamot. Tumawa si Mang Berting. "Huwag kang mag-alala. Magdadala na lang ako ng kabayo mo para may maibaon ka kung magsawa ka sa event." Napangiti si Fabio, ngunit sa likod ng kanyang isip, alam niyang ang gabi ng gala ay magdadala ng bagong mga kaganapan na maaaring magpabago sa kanyang tahimik na buhay. Habang naglalakad si Elena papunta sa kusina, narinig niya ang usapan nina Fabio at Mang Berting tungkol sa engrandeng event na gaganapin sa mansyon ni Mayor Mauro. Hindi niya napigilan ang sarili at tahimik siyang tumigil malapit sa pintuan upang makinig. “Engrandeng pagtitipon?” bulong niya sa sarili habang iniisip ang narinig. Pagkaalis ni Mang Berting at ni Ginoo Lopez, agad na bumalik si Elena sa kanyang silid. Kinakabahan siya ngunit may halong excitement sa dibdib. "Ngayon na ang pagkakataon ko," sabi niya habang hinahanap ang pinakabago niyang damit sa baul. Inilabas niya ang simpleng bestida na binili niya mula sa bayan ilang buwan na ang nakalipas. Kahit hindi ito mamahalin, ang disenyo nito ay elegante at tamang-tama para sa okasyon. Habang pinagmamasdan niya ang damit, biglang bumilis ang t***k ng puso niya. “Kung mapansin ako ni Fabio sa event na ito, baka magkaroon na rin ako ng pagkakataong makausap siya nang mas maayos,” bulong niya habang hinahaplos ang tela ng damit. Nagsimula siyang maghanda. Nilinis niya ang kanyang mukha at inayos ang kanyang buhok. Kahit wala siyang mamahaling make-up, ginamit niya ang abot-kaya niyang pulbos at lip tint upang magmukhang presentable. Habang inaayos ang sarili, nag-isip siya ng mga maaaring sabihin kay Fabio sa event. “Kailangan kong magpasalamat sa lahat ng kabutihan niya sa hacienda. At baka… baka puwede ko rin siyang anyayahan sa isang simpleng hapunan para makilala niya ako nang lubos,” ani Elena habang ngumiti sa salamin. Ngunit sa likod ng kanyang isip, may bahid ng pagdududa. Alam niyang si Fabio ay hindi basta-basta naaakit. Hindi siya mahilig sa pakikisalamuha, at higit sa lahat, tila wala itong interes sa mga babaeng nakapaligid sa kanya. "Pero susubukan ko," determinadong sabi niya sa sarili. "Kahit minsan lang, gusto kong makita niya kung ano ang halaga ko." Kinagabihan, habang nagpapahinga na si Fabio, lihim na nagsimula nang magplano si Elena para sa nalalapit na event. Sa kabilang dako, tahimik na pumili si Fabio ng isusuot mula sa kanyang aparador. Hindi siya mahilig sa magagarbong damit; mas gusto niya ang mga simpleng kasuotan na nagbibigay-diin sa kanyang kakisigan. Hinila niya ang isang plain white polo mula sa hanger, sinamahan ng itim na slacks na paborito niyang isuot sa mga espesyal na okasyon. Bagamat simple ang mga ito, bumagay sa kanyang matikas na pangangatawan ang porma ng mga damit. Habang inaayos ang kuwelyo ng polo, bahagya siyang napangiti. Hindi dahil sa engrandeng event na pupuntahan niya, kundi dahil alam niyang kahit hindi siya magbihis nang magarbo, sapat na ang kanyang presensya upang makuha ang respeto ng mga tao sa bayan. Pagharap niya sa salamin, pinasadahan niya ng kamay ang kanyang buhok, inayos ito sa isang malinis na istilo. Ang maitim niyang buhok ay natural na bumagay sa kanyang matapang na features—matangos na ilong, matalim na mga mata, at matibay na panga. "Hindi naman ito tungkol sa itsura," bulong niya sa sarili. "Kailangan ko lang ipakita ang respeto ko kay Mayor Mauro." Ngunit sa likod ng kanyang isip, naroon ang tanong ng kanyang ama. Kailan nga ba siya magdadala ng asawa? Kailan siya titigil sa pagtutok sa trabaho at pag-aalaga ng kabayo para magpokus sa sarili niyang buhay? "Hayaan na muna," aniya, habang inaabot ang itim na sapatos sa ilalim ng aparador. "Hindi ito ang tamang panahon para doon." Matapos magbihis, kinuha niya ang isang simpleng itim na relo mula sa kanyang mesa. Nang isinuot niya ito, tila kompleto na ang kanyang itsura—disente, makisig, ngunit nananatiling mapagkumbaba. Nang bumaba siya mula sa kanyang silid, napatigil si Mang Berting at ang ibang tauhan. Hindi nila napigilang mapansin ang presensya ni Fabio. “Boss Fabio, ang linis niyo po tingnan,” biro ni Mang Berting. “Parang aakit ng babae sa event mamaya,” dagdag ng isa pang tauhan. Ngunit umiling lang si Fabio at ngumiti nang bahagya. “Hindi ako pupunta roon para sa babae,” sagot niya. “Pupunta ako roon para ipakita ang respeto ko sa imbitasyon ni Mayor.” Habang papalabas siya ng hacienda, dama ang kanyang aura—simple ngunit malakas. Siya ang tipo ng lalaking hindi kailangang magsalita nang marami upang makuha ang atensyon ng iba. Pagka-alis ni Fabio sa hacienda, tila hindi niya maalis sa isipan ang biro ni Mang Berting kanina. Bagamat sanay na siya sa mga asar ng kanyang tauhan, may kung anong bumabagabag sa kanya ngayon. Habang binabaybay ang maalikabok na daan sakay ng kanyang pick-up truck, paulit-ulit na sumasagi sa isip niya ang sinabi nito: “Parang aakit ng babae sa event mamaya.” Napakunot ang noo ni Fabio, saka siya napailing. “Hindi ako pupunta doon para sa mga babae,” aniya sa sarili, bahagyang iritadong tinapik ang manibela. Ngunit hindi niya maiwasang magtanong sa sarili. Bakit nga ba hindi ako interesado? Hindi naman siya pihikan. Sa totoo lang, maraming babae ang sinusubukang makuha ang atensyon niya, lalo na sa bayan. Pero hindi niya nakikita ang sarili na naaakit o nahuhulog sa kahit na sino. Marahil ay dahil abala siya sa hacienda, sa negosyo, at sa mga pangarap niya para sa San Clemente. Ngunit sa kabila ng mga dahilan niyang iyon, naroon pa rin ang pakiramdam na tila may kulang. Habang nagmamaneho, huminto siya sa gilid ng kalsada para sumindi ng sigarilyo. Sa gitna ng katahimikan ng gabi, saglit siyang nag-isip. “Bakit ba ako naapektuhan sa sinabi ni Berting?” tanong niya sa sarili. Naalala niya ang huling pagkakataon na nagseryoso siya sa isang babae. Taon na rin ang lumipas mula nang masaktan siya sa isang relasyon. Mula noon, pinili niyang umiwas at ituon ang sarili sa trabaho. “Siguro nga tama sila,” bulong niya habang hinihithit ang sigarilyo. “Pero hindi ibig sabihin na magpapadala ako sa sinasabi nila. Hindi ko kailangan ng babae para patunayan ang sarili ko.” Muling umusad ang sasakyan ni Fabio patungo sa mansyon ni Mayor Mauro. Ngunit sa likod ng kanyang isip, hindi niya maiwasang isipin kung ano ang mangyayari sa gabing iyon. May kung anong kaba at pananabik na hindi niya maipaliwanag. Pagdating ni Fabio sa engrandeng event sa mansyon ni Mayor Mauro, agad itong naging sentro ng atensyon. Sa kabila ng simpleng damit na suot niya—isang puting long-sleeve shirt na bahagyang nakabukas ang itaas na butones at itim na slacks—hindi maikakaila ang kanyang karisma. Ang kanyang matikas na tindig, malamlam na mga mata, at malapad na balikat ay sapat na para mapaangat ang tingin ng bawat babaeng naroon. “Siya ba si Fabio? Siya yung may-ari ng malaking hacienda, hindi ba?” bulong ng isang babae sa kasama nito. “Ang gwapo niya! At mukhang suplado. Lalo tuloy nakakaakit,” sagot naman ng isa pa habang lihim na nakatingin kay Fabio. Kahit pa wala siyang ginagawang kakaiba, natural na naaakit sa kanya ang mga tao. Ang simpleng lakad niya papasok sa venue ay parang isang palabas na inaabangan ng lahat. Maraming babae ang nagpapapansin, ang iba’y nagpapanggap na napapadaan lamang sa kanyang daraanan, ngunit hindi siya nagbigay ng kahit anong pansin. Umupo si Fabio sa isang mesa sa likurang bahagi ng bulwagan, kung saan mas tahimik. Habang iniinom niya ang wine na inihain sa kanya, patuloy niyang nararamdaman ang mga matang nakatingin sa kanya. Napailing siya nang bahagya. Ito na naman, akala mo mga asong gutom, bulong niya sa sarili, halatang iritado. “Fabio, mabuti’t nakarating ka,” bati ni Mayor Mauro habang lumapit ito sa kanyang mesa. Kasama nito ang ilang kilalang negosyante at pulitiko sa lugar. Tumayo si Fabio at nakipagkamay kay Mayor Mauro. “Salamat sa imbitasyon, Mayor. Napakaganda ng event ninyo.” “Salamat! Pero mas gumanda dahil sa presensya mo,” biro ng mayor, saka ito tumawa. “Mukhang maraming nag-aabang sa’yo rito, Fabio. Hindi mo ba napapansin? Halos lahat ng dalaga dito, nakaabang na sa bawat galaw mo.” Bahagyang ngumiti si Fabio, ngunit may halong inis sa kanyang tinig. “Wala akong interes sa kahit sino sa kanila, Mayor. Narito ako para suportahan ang event mo, hindi para makipaglandian.” “Kung sabagay,” sagot ni Mayor Mauro habang humahalakhak. “Pero kung sakali lang, baka rito mo makita ang babaeng magpapabago sa isip mo.” Sa kabila ng kasiyahan sa paligid, nanatiling seryoso si Fabio. Para sa kanya, ang gabing iyon ay isa lamang ordinaryong pagtitipon, ngunit lingid sa kanyang kaalaman, may mangyayaring magbabago sa takbo ng kanyang buhay. Sa kabilang dako, halos hindi na malaman ni Stefany ang gagawin sa araw-araw na sermon ng kanyang mga magulang. Pakiramdam niya ay parang wala siyang nagagawang tama sa mata ng mga ito. Sa gitna ng kanyang inis at stress, tinawag siya ng kanyang ina habang nakaupo siya sa kanyang kwarto, hawak ang telepono na tila ba may iniisip na paraan upang takasan ang lahat. “Stefany, bumaba ka nga rito. May mahalaga kaming pag-uusapan,” matigas na tawag ng kanyang ina mula sa hagdanan. Wala siyang nagawa kundi sundin ito. Bumaba siya nang mabagal, pilit na itinatago ang inis sa kanyang mukha. Sa ibaba, naroon ang kanyang mga magulang na parehong seryoso ang ekspresyon. “Magbihis ka ng maayos. Isuot mo ‘yung best dress mo. May pupuntahan tayo mamaya,” utos ng kanyang ina na hindi man lang siya tiningnan nang diretso. Napakunot ang noo ni Stefany. “Saan naman tayo pupunta? At bakit kailangan pang magbihis ng maganda?” tanong niya, halatang walang gana. Hindi sumagot ang kanyang ina, kaya’t ang kanyang ama ang nagsalita. “May importante kaming ipapakilala sa’yo. Ang pamilya Ellison.” “Ellison?” ulit ni Stefany, halatang walang ideya kung sino ang tinutukoy ng kanyang ama. “Sino sila?” Hindi sumagot ang kanyang ama at sa halip ay tiningnan siya nang matalim. “Wala kang kailangang itanong. Sundin mo na lang ang sinasabi namin.” Napapikit si Stefany, pilit pinipigilan ang sarili na sumagot nang pabalang. Ngunit sa loob-loob niya, kumukulo ang kanyang dugo. Pakiramdam niya, para siyang sunud-sunurang bata na wala nang sariling desisyon sa buhay. “Fine,” sagot niya sa wakas, bago tumalikod at umakyat muli sa kanyang kwarto. Habang naghahanda, hindi mapigilan ni Stefany na isipin kung ano ang kahalagahan ng pamilyang iyon at kung bakit parang napaka-importante ng okasyon na iyon sa kanyang mga magulang. Habang isinusukat ang isang simpleng, ngunit eleganteng cocktail dress na kulay pastel pink, napabuntong-hininga siya. “Ano na naman kaya ‘to? Parang lagi na lang akong itinutulak sa kung ano ang gusto nila,” bulong niya sa sarili habang tinitingnan ang sarili sa salamin. Sa kabila ng kanyang mga tanong at reklamo, alam niyang wala siyang magagawa. Isa na namang gabi ng pagpapanggap ang kanyang haharapin, at hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanya sa pamilya Ellison.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD