Kahit natatakot akong magpatalon ng motor ay hindi ako tumigil sa pagpapatakbo. Bawat mataas na bahagi ng lupa ay kailangan kong akyatin, para unti-unti akong masanay sa ganitong laro. Mahina lang ang pagpapatakbo ko, dahil natatakot ako na baka sumemplang. Baka magasgasan ako o kaya'y mabalian ako ng buto kaya kailangan kong mag doble ingat. Practice pa lang naman ito. Hindi pa ito ang final namin. May anim na buwan pa kaming palugit para matuto ng husto at maging karapat-dapat na secret agent ng ORBIT. Nakakailang ikot na kami ng mga kasama ko, pero hindi ko pa nakikitang dumarating ang mga kasamahan namin. Nag aalala ako sa kanila, baka hindi sila maka tawid sa mga bakal na nilambitinan namin, bago umakyat sa mataas na pader. Ilang minuto pa ang lumipas bago ko makitang may mga duma

