CHAPTER 20: DREAM

527 Words
Malamig na simoy ng hangin ang agad na sumalubong at yumakap sa kanya, pagkabukas nya pa lamang ng pinto sa likurang bahagi ng kanilang rest house. Nakaharap ito sa malawak na karagatang sa kasalukuyan ay banayad ang paghampas ng alon sa may dalampasigan... Papasikat pa lamang ang haring araw kaya’t napakalamig pa ng simoy nito na sinasabayan pa ng paghuni ng mga ibong tila nag aawitan..Napakapayapa…Pumikit sya upang namnamin ang napakatahimik na kapaligiran. Nilalasap ang bawat sandali.. Nagpakawala sya ng isang malalim na buntong hininga bago imulat ang mga mata. Panibagong araw, panibagong simula… panibagong buhay.. Nagpasya syang lumabas na upang hanapin ang taong matagal na nyang hinahangad na makitang muli. Matatamis na ngiti ang agad na namutawi sa kanyang mga labi ng masilayan ang taong kanina pa hinahanap ng kanyang mga mata. Prente itong nakaupo sa isang bench lounge sa medyo may kalayuang parte ng dalampasigan. Agad rin siya nitong nakita at kinawayan habang sinusuklian siya ng mas matamis na pagkakangiti. Sa mabilis na pagkilos ay agad siyang lumapit sa importanteng taong matagal na nyang ninanais na makita. Patuloy ito sa pagkaway habang hindi nawawala ang mga ngiti sa mga labi. Mababakas ang kasabikan sa mukha nito habang nakatanaw sa kanyang paglapit. Sa kanyang bawat paghakbang, mapuputing buhangin na kay pino at kay sarap yapakan ang sumasalo sa kanyang makikinis at mamula mulang talampakan. Ngunit, habang papalapit ng papalapit, napapalitan ng matitigas at matutulis na bato ang kanyang nayayapakan. Nang una’y hindi nya ito iniinda, ngunit habang papalapit na sya ng papalapit sa taong yaon ay patalim na ng patalim ang kanyang mga naaapakang mga bato. Napadaing na sya sa sakit hanggang sa tuluyan na siyang mapasalampak sa batuhan ng may isang mas matulis na bagay ang tumusok sa paa nya na naging sanhi ng pagdurugo nito. Sinubukan nyang tumayo upang mapaigik lamang dahil sa tindi ng kirot ng dumurugong paa. Umangat sya ng paningin sa taong nananatiling nakaupo at nakangiti pa rin sa kanya. Ngunit ang kanyang ipinagtataka, unti unti itong nawawala at naglalaho sa kanyang paningin. “NO!!!!” sigaw nya habang sinusubukang muling makatayo upang ipagpatuloy ang paglapit rito. Masakit man ang nararamdaman dahil sa mga natatamong sugat na nagmumula sa mas pinatalim na mga bato at tinik na naaapakan ay ipinagpatuloy nya ang paghakbang na naging pagtakbo na dahil sa mas bumibilis na paglaho ng taong nakaupo. “N-NO!!! wait for me!!PLEASE!! I’m begging you!!!”patuloy sa pagsigaw nya ng pagmamakaawa habang hilam na ng mga luha ang kanyang mga mata. Buong lakas at mas binilisan nya pa ang pagtakbo na hindi inalintana ang mga dawag at tinik na biglang nagsisulputan sa kanyang daraanan. “Takbo Celestine!! Takbo!!” pamilyar na tinig na nagmumula sa kung saan ang kanyang narinig na syang nagpalakas ng kanyang kalooban. Habol ang hininga at namumugtong mga mata ng marating nya ang kinaroroonan niyaon na agad nya namang nahawakan at mabilis na niyakap ng mahigpit bago pa tuluyang mawala. “I missed you so, much!!” sambit nya sa taong nakakulong sa kanyang mga bisig. “I miised you too.” Tugon naman nito na agad syang ginantihan ng mas mahigpit at mas mainit na yakap…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD