Mumunting hagikgik ang nakapagpagising sa kanya ng umagang iyon. Dahan dahan niyang pilit na iminulat ang isang mata upang tingnan kung saan nagmumula ang mga hagikhik. Namimigat pa man ang talukap ng kanyang mga mata ay bigla itong namilog at napabulahat ng mapagtanto kung sino ang nasa kanyang higaan sa mga oras na yaon.
“Mama!!” sambit ng bata na at agad na ibinuka ang mga braso para sa isang mahigpit na yakap. Kitang kita ang kasiyahan sa mga mata nito. Agad naman nyang sinalubong ang mga yakap pagkabangon nya.
“I miss you den-den ko….”sambit nya at agad na pinupupog ng halik ang matatambok nitong pisngi. Bago muling hinigpitan ang pagkakayakap. Higpit na sakto lang para hindi ito maipit.
“Miss you too, po mama ko.” Cute na response nito sa kanya.
“Best morning ever!!! Salamat po Panginoon sa panibagong araw na ito at sa pagkakataong makayakap muli ang aking anak.” Saad nyang may pagpapasalamat dahil sa napakagandang araw na muling dumating sa kanyang buhay.
“Mama, hindi nap o ako makahinga.” Reklamo ng anak sabay hagikhik.
Natatawang kumalas naman sya sa pagkakayakap rito bago ito hinarap.
“Sorry baby ko.” Sabay kintal ng halik sa noo nito. “Kanina ka pa ba gising anak ko?”
Tumango tango ito at itinakip sa bibig ang maliliit nitong palad bago muling humagikhik. “Opo mama. Umiiyak pa nga po ako ng mahina kanina nun pumasok dito si lola mama para sana tingnan kung gising na ako.” Natatawa pa nitong kwento saka muling itinakip ang mga palad sa bibig at muling humagikhik….
Hay ang cute cute talaga ng batang ito.. napakabibo at ang kulit rin. Tulad ni…..
Ipiniling nya ang ulo at agad na pinutol ang sariling isipin.
“Bakit ka naman umiiyak?” nagtatakang tanong naman niya.
“kasi po, I thought you’re a stranger mama, hehehe.”
“Kung hindi pa po sinabi ni mama lola na pagmasdan kita, hindi pa po kita makikilala mama ko.”humikbi ito at bigla syang niyakap.
“Sorry po mama. sorry po”pag hingi nito ng paumanhin.
Natawa na naman sya at medyo nalungkot rin dahil sa inasal ng bata. Napakainosente pa talaga nito. Ngayon pa nga lang na nakikita nya itong humihikbi ay nalulungkot na sya kahit na napakababaw pa lang ng dahilan nito, pano pa kaya kung dumating na ang araw mas seryosong bagay na ang maging rason ng pag iyak nito. Hindi nya maaatim na makita itong nasasaktan.
“Hush now baby. It’s okey po. Atleast now alam mo ng ako lang pala ang kayakap mo?” pag aalo nya rito.
Mabilis naman itong sunod sunod na tumango. “Uhhh sya, halika na. Magbreakfast na tayo?” pag aya nya rito.
“Yehey!!!” masayang saad nito at tumalon talon pa sa kama.
***
Matapos mag almusal ay inaya nya ang kanyang mga magulang upang buksan na ang mga dala nyang pasalubong para sa mga ito.. Malawak ang ngiti ni Den-den habang dahan dahang binubuksan ang nasa isang malaking paper bag.
“WOAH!!!” namamanghang bulalas nito ng mailabas na ang pasalubong nya para rito.
“Ang ganda ganda ng doll house ko mama!!! Thank you po.!” Lubos ang kasiyahang saad nito at muli syang ginawaran ng mahigpit na yakap.
“Welcome baby ko.” At ginanti rin ang yakap nito.
“Mama, lolo, lola pupunta lang po muna ako kina aling Selya. Yayayain kop o si antonette.” Paalam nito bago tuluyang tumakbo palabas.
“Be careful den!” sigaw nya rito ngunit mabilis itong nawala sa kanyang paningin.
***
“Kumusta ka na?” seryosong tanong ng kanyang mama.Umangat rito ang kanyang paningin mula sa binabasang email sa kanyang laptop. Inilapag nito ang umuusok pang soya coffee sa may direksyon nya bago umupo sa katapat ng kanyang inuupuan.
“Ókey lang po mama” tugon nya bago muling binalikan ang binabasang email.
Katahimikan.
Dahil wala ng narinig na salita mula sa kanyang mama ay muli nya itong sinulyapan at nakitang mataman lamang sya nitong pinagmamasdan. Bahagya nyang isinara at maingat na ipinatong sa center table ang sariling laptop bago muling binalingan ang ina.
“Ma? Okey ka lang po ba?” “May problema ho ba?” nag aalala nyang tanong sa ina.
Bumuntong hininga lamang ito, saka umiling..
“You have something to tell me ma.” Hindi patanong kundi paninigurado niyang saad. Na siya namang agad nyang nakumpirma ng bumakas ang pag aalala sa mga mata nito. Agad syang kinabahan dahil sa nakikitang emosyon sa mata ng kanyang ina. Alam na nya kung ano ang ipinag aalala nito.
“Anak….”
Malalim syang bumuntong hininga para pakalmahin ang sarili. Lumunok rin sya ng isang beses bago magsalita.
“A-ano p-pong sabi ng doctor m-mama?” garalgal ang boses na tanong nya sa ina.
“S-she needs professional care, Tine. Walang sapat na knowledge ang mga doctor dito sa atin tungkol sa sakit ng anak mo.” Naluluha na nitong sabi. Agad nitong pinalis ang mga luhang pumatak at mabilis na bumaling sa ibang direksyon.
“Pero sa Manila yon mama. Hindi ko sya pupwedeng isama ron. Baka hindi nya kayanin ang kapaligiran doon.. a-at… A-at saka…..”hindi nya na maituloy ang sasabihin.
“Pero tine. Hanggang kailan mo ba tatakbuhan ang bangungot ng nakaraan? Hindi ba oras na rin naman para harapin mo na ito? Hindi ka matatahimik, lalo naman kami ng papa mo kung patuloy mong itinatago ang totoo.”
“Isipin mo ang mas makakabuti sa anak mo,isaalang alang mo ang kapakanan nya. Nakasurvive sya sa loob ng apat na taon.. Pero…. Hindi ko alam kung sa susunod ba na atakehin syang muli at kinailangang salinan ng dugo ay kakayanin pa ng katawan nya. Masyado pang mahina ang katawan ni Den-den at natatakot ako na baka….. baka sa susunod…………”
“Don’t say that mama!” agaran nyang pagputol sa sasabihin ng ina. Mabilis syang tumayo para makalapit rito.“Gagaling pa po si Den-den!gagaling pa sya mama. Gagawin natin ang lahat para tuluyan siyang gumaling.” Pagpapatuloy nya habang nanghihinang napasalampak sa paanan ng inang nanatiling nakaupo dahil sa panghihina ng tuhod sa mga oras na yaon.
Mas lalo niyang hindi na napigilan pa na kumawala ang mga luhang kanina pa nagbabadyang bumuhos at nag uunahang mamalibis sa kanyang pisngi ng maramdaman ang mga braso ng inang yumakap sa kanya ng mahigpit...hinahaplos rin nito ang kanyang likuran upang pagaanin ang kanyang kalooban.
“H-hindi mama. H-hindi po a-ako papayag… na pati siya…a-ay… ay iwan a-ako….hindi ko na kakayanin mama” namumugtong mga mata ang isinalubong nya sa kanyang ina bago muling nagsalita.
“Bukas na bukas rin po, luluwas na tayo ng Maynila. Hahanap po agad tayo ng pinakamagaling na Doctor. Gagaling pa si Den-den… gagaling pa po sya mama.” Pagsusumamo niya sa ina.
“Oo anak. May awa ang Dios. Wag tayong manghimagod manalangin at humingi ng tulong sa kanya… May awa ang Dios…”