CHAPTER 18: REMINISCING

917 Words
Tama nga sya. Gagabihin syang masyado sa pag uwi hindi dahil sa trapik kundi dahil sa malakas na ulan. Hindi pa man sya nakakalayo kanina sa lugar na iyon ay bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan na sinabayan pa ng nagngangalit na kulog at kidlat. Nagtataka pa sya dahil napakaaliwalas ng panahon kanina. Tapos bigla bigla na lang nagbago ang panahon ng bganoon kabilis. Ganoon talaga Celestine. Love life mo nga, ang bilis din nagbago. Mainit ngunit bigla na lang naging bagyo sa isang sandali lang. Ang weather pa kaya?? Singit naman ng kanyang isipan. Hay nako naman. Sa tinagal tagal ng panahong natutulog ang kanyang other self, ngayon na naman lang ulit ito nagparamdam sa kanya. Ganoon ba talaga ang epekto sa kanya ng nangyari kanina lang? Nakakapabuhay ng kanyang other self? Natatawa sya at napailing dahil sa isipin. Kaya’t minabuti nyang magpatila na muna ng ulan bago ituloy ang pagbyahe. Sanay naman syang mag drive kahit na maulan, pero iba ang feeling nya ngayon. Parang kailangan nyang magstop. Mag give way.. at magpahinga? Literally o emotionally? Agarang sabat ng kanyang other self. Maybe both? Sagot nya naman sa sariling katanungan. Naiiling na lamang syang muli dahil sa trip ng sarili. Ngayon nya narealize na hindi nga pala talaga sya tuluyang nakapagpahinga ng kalooban at pati ng isipan sa nagdaang limang taon. Kung hindi pa nangyari yong kanina ay hindi nya pa mapapatunayan sa sariling, hindi pa rin pala sya nakaka get over sa taong yon. Bakit ganoon? Hanggang sa ngayon parang gusto nya pa ring banatan ang tao na iyon, ng pisikalan? Oo tama, pisikalan na lang huh. Tutal marunong syang mag judo. Kahit man lang sana physically ay makaganti sya at mabawasan ang inginingitngit ng kanyang kalooban. May natatanging alas man sya para saktan ito emotionally ay hindi nya iyon pupwedeng gamitin laban dito. Ayaw nyang idamay ang sariling anak para lang sa pang personal na dahilan. Kaya nga hangga’t kaya nya, tinitiis nya na lang na mapalayo rito kesa ilapit ito at maging parte ng mundo na kanyang ginagalawan. She wants the best for her child. At iyon ay ang ilayo ito sa mga taong alam nyang ma**********t lamang rito. Ayaw nyang maranasan nito ang kanyang naranasan sa isang taong mapagbalat kayo pala. Malaki ang posibilidad na magpangita ang dalawa kung isasama nya sa syudad ang anak. Iyon ang iniiwasan nya. “Let’s end this game Celestine.” Bukod tanging salitang lumabas sa bibig nito ng minsang hingian nya ito ng eksplinasyon five years ago. Hindi nya inakala na iyon na pala ang una at huli nilang pag aaway. Dahil the day after they fought, wala na ito kinabukasan sa apartment na inuupahan ng minsang katukin nya upang muli silang mag usap. Nagbaka sakali syang maliwanag na ang kaisipan nito at mahihingian nya na ng mas malinaw na sagot. Ngunit malaki ang kanyang pagkadismaya ng maalaman sa reception area na umalis na pala ito. She waited for him to explain his sides. She patiently waited for him to tell her what’s going on that day. She also confronted him what’s happening. She didn’t stop to try to call and text him. She did everything to reach him up. Pero ano? Anong ginawa nya? He ignored my calls and even changed his number!! How do I know?? Off course I tried other number to call him, pero unreachable na ang sim na kanyang ginagamit. Sa hindi nya malamang dahilan ay naglaho itong parang bula. Wala!! Wala man lang itong ginawa. Kasi kung may ginawa ito at sinabi at inamin sa kanya. Kung… Kung nagtiwala lamang ito sa kanya ng mga oras na iyon, ehh di sana… sana nagawan nila ng solusyon at hindi na sila umabot pa sa ganito. Nangako pa ito sa kanya na pakakasalan sya. May pasurprise na engagement proposal pa itong nalalaman sa kanyang mga magulang at hindi pa nahiyang mangimbita ng ibang bisita, ehh wala naman pala itong balak na tuparin ang lahat ng ipinangako nito. Kung nagpakalalaki lang sana ito. Hindi na sana sya nahihirapan at nakakagawa ng isang bagay na labag sa kalooban. Ehh di sana….. marami sanang natupad sa mga What if's na iyon kung natuto lamang itong magpaliwanag sa kanya… Ngunit hindi ehh. Mas pinili nitong manahimik at hayaan syang mag isip ng mag isip ng mga negatibo tungkol sa kanya. Na sa hanggang sa ngayon ay dala dala nya at nananatiling bangugot ng kanyang buong pagkatao. “I’m sorry den-den… I’m sorry anak. Kung hindi ko maibigay sa iyo ang isang buo at masayang pamilya na pinapangarap ng lahat ng mga tao. Deserved mo naman yon. Pero para sa mas ikabubuti at ikatatahimik natin, mas pinili kong ilayo ka sa kanila… SA KANIYA. Para wag na rin tayong makagulo sa pinili niyang pamilya.” Madamdamin nyang bulong sa natutulog na anak habang mahinhing hinahaplos ang malamyos nitong buhok. Kasalukuyang itong nakaunan sa kanyang kanang braso kaya’t Malaya nya rin itong nayayakap. Pasado alas nwebe na sya ng makarating sa bahay ng mga magulang dito sa Quezon Province na kanyang ipinatayo four years ago. Natutulog na ito pagkarating nya at tanging mga magulang nya na lang ang gising upang hintayin ang kanyang pagdating. Alam ng mga ito na uuwi sya upang magbakasyon ngunit mahigpit nyang inihabilin sa mga ito na h’wag ipapaalam sa bata para sana surprisahin ito. Ngunit sa hindi inaasahang nangyari ay hindi na nya ito naabutang gising. Muli, ay hinagkan nya ang buhok ng bata bago tuluyang ipikit ang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD