CHAPTER 16: STRANGE FEELINGS

2051 Words
Dumaan ang isang linggong puro panunukso at ang iba’y pagbati sa kanilang dalawa ni Daven ang kanilang natanggap.. Mabilis kumalat ang balita at inaasahan na nya iyon. Hindi na sya nagtaka na pagkasampa niya pa lamang noon sa shuttle service ng sumunod na araw pagkatapos ng gabing iyon ay iyon na kaagad ang bumungad sa kanya. Lalo lang nagkaingay ang kanilang mga kasamahan ng makitang nakasunod sa kanyang likuran si Daven. Very touchy ito sa kanya ng araw na iyon. At ang mokong. Ang lawak ng pakakangiti na akala mo nanalo sa lotto. Siniko nya tuloy ito sa tyan dahil sa kayabangang nakikinita sa pag ngiti ngiti nito. “Awts! Wifey naman. Your such a baddass girl.” Reklamo nito sa kanya habang nakangiti at saka sya inakbayan. Inirapan nya lamang ito dahil sa kapilyuhan at saka ipinagpatuloy ang paghahanap ng mauupuan. "Oi!!!” “ayyyiiiee!!” kantyawan tuloy lalo ng kanilang mga kasama. “Kelan ang kasal Chef? Beke nemen?” pasimpleng parinig ng isa sa mga empleyadong kasabay nila sa morning shift. “Oo nga Chef. Kakamiss ang free foods” hirit naman ng isa. “And free drinks…” pahabol naman ng isa. “Don’t worry guys… I’ll working on it, and it will be soon as possible at imbitado kayong lahat.” Pagbibigay alam ni Daven. “Yahooo!” nagkaingay pa, lalo na ang mga kalalakihan. Ang ibang mga kababaihan naman ay panay tili dahil siguro sa kilig? O tuwa? Kasi, kahit noong bagong dating pa lang ni Daven sa Resto ay mabenta na itong ireto sa kanya. Yung mga kababaihang nag mamatchmake sa kanila ni Daven noon ay gulat na gulat at lubos din ang pagkatuwa ng malamang sila na pala ng binata. “We guessed it right, Chef Tine. We told you, we have never made a wrong hunch.” They boastfully and proudly said after confirming the news. Yeah.. naalala nya ngang may sinabi ang mga ito na ganoon. Hindi nya lang pinagtuunan ng pansin dahil nga ay commited pa sya kay Justine noong time na iyon. Sinabi rin ng mga itong hindi man lang daw nila napansin na may something na pala sa kanila ng kanilang bet. “Hindi man lang nasagap ng radar namin na your two are in good terms na. Mukhang humihina na ang wifi namin. kailangan ng irecharge.” Naghahagikhikang saad pa ng mga ito, one time na they’re on their way home.. Syempre, kung mayroong natuwa ay meron ding nagtaas ng kilay at umirap. Inaasahan na rin naman nya ito, dahil sa taglay na kakisigan at kagwapuhan ni Daven ay marami ring nagtangkang lumapit at magpalipad hangin sa binata noon, kahit na hanggang sa ngayon. And now, it’s almost two weeks had already passed pero may mga bitter parin. Sabagay, di nya rin naman kasi masisisi ang ibang kababaihan na hamak na mas maganda at mas sexy sa kanya. Lalo na ang mga nasa Dining Section. Mapapalingon ka talaga kapag dumaan sila sa inyong mga harapan, hindi katulad nya na kailangan pang titigan para mapansin ang kanyang itsura. Pero, sorry na lang kayo. Hindi kayo ang type ni Daven, kundi SIYA LANG! S-I-Y-A L-A-N-G PERIOD!! Ano nga ulit yung sinabi ni Daven sa papa nya that night?? “Since the first day I laid my eyes on her…” Ano nga ulit yon? “I know it already to myself that she is my better half.” Ayyiiie! Kinikilig sya. Dahil sa naalalang naganap sa shuttle a day after that night and off course Daven’s confession sa kanyang papa, nawala ang kanyang inis na kanina ay kumakain sa kanyang sistema. Pano ba naman kasi, nahagip ng kanyang matanglawin ang ilang kababaihan na halos lumuwa na ang mata at magkabali baliktad na ang mga eyelids sa kaiirap sa kanya habang nag tetake ng break.Gusto na nga sana nya itong lapitan at tanungin kung ano ang mga problema nito sa kanya, kaso pinigilan nya na lamang ang sarili dahil gusto nyang maging professional sa mga ito.. They were on work? Heller? Where’s their works of Ethics, you know? After that one short peaceful week without Althea’s presence, bumalik sila sa awkward situations ng makabalik na ito. Kunwa’y napakabait at napakacivil nito sa kanya sa mga oras na nasa vicinity lang si Daven. Ngunit kapag naman wala na o sobrang busy ng binata, lalo na sa mga times na ito ang umaattend ng ibang mga meetings ay napakasungit na nito sa kanya. Tinatarayan pa sya nito everytime na nagkakaroon ng problema sa operations ng morning shift. Ganoon na ito makitungo sa kanya simula ng makabalik ito galing sa one week seminar na dinaluhan. At hanggang nga sa ngayon! Ganoon pa rin kung patunguhan sya nito..Ano bang problema ng babaeng ito? Hindi man nito binubuksan ang usapin tungkol sa kumakalat na balita, alam nyang nakaabot na sa kaalaman nito ang tungkol sa namamagitan sa kanila ni Daven. Pero teka…Bakit nya ba pinoproblema itong si Althea? Ano bang paki nya kung galit ito sa kanya? Tsaka anong karapatan ni Althea na magalit sa kanya, samantalang wala namang SILA ni Daven.. Hay buhay nga naman ng mga ashumera. Bumuntong hininga muna sya bago lumabas ng opisina para maghanda na sa pag uwi. Tapos na’t lahat ang kaniyang shift pero hindi nya pa rin nakikita si Daven. Ito rin kamo… simula ng kumalat ang tungkol sa kanila, at ng dumating na si Althea, naging mas madalang nya, kung makasama ito sa kitchen operation. Lagi itong busy sa hindi nya alam na trabaho. Noong una ay nagkakasabay pa sila nitong pumasok at umuwi. Nagpapaalam pa ito sa kanya ng personal kapag may dadaluhang meeting lalo na kung matatagalan ito at hindi na makakasabay pauwi para wag daw syang mag alala. Pero nitong mga nakaraan, panay text o tawag na lang ito kung magpaalam, hanggang sa dumating nga ang araw na ito, na buong duty hours ay wala itong paramdam. Hindi nya rin ito nakitang pumasok, pero sabi sa guard house ay nag time in daw ito at nakitang tumungo sa conference room kasama ng ibang Managers and Supervisors. “Hindi pa rin kaya tapos ang meeting?” “ Anyways… Bahala na nga sya. Magtetext naman yon pag natapos na ang meeting.” “Pero, halos tatlong oras na itong wala. Very unusual na halos hindi na ito nakapag function sa kitchen.” Nagtatakang bulong nya sa sarili. Ipinagkibit balikat nya na lamang ang pagtataka bago ipinagpatuloy ang pagkuha ng kanyang gamit sa kanyang personal locker. Nakauwi na siya’t lahat ay wala pa ring Daven na nagpapakita sa kanya. Tinatawagan nya rin ito kanina ay panay ring lang ang selpon nito. May times na dinadrop pa nito ang tawag nya. Kaya’t minabuti niyang itext na lang ito ngunit wala pa ring reply. Kinakabahan man, ay mas nagingibabaw na ang kanyang pagkairitang nararamdaman lalo na ng dumating ang alas sais ng gabi ay wala pa ring paramdam ang binata. Pasimple nya ring sinilip ang unit nito, dahil may access sya sa kwarto nito pero sa kasawiang palad ay hindi pa ito umuuwi. Nasaan ka na ba Daven? Saloob nya. Dahil sa tinutupak na talaga sya ay mas minabuti nyang maligo na lamang matapos makapagpahinga at napag pasyahang sa labas na lang kakain ng dinner. With her usual attire, black square pants na knee level at isang grey hoodie jacket pairing with black flat sandals ay lumabas na sya ng apartment at pumara ng taxi upang tumungo sa pinakamalapit na parke na may mga foods stall na maraming iba’t ibang mapagpipiliang pagkain. Habang nasa byahe at patingin tingin sa dinaraanan ay may namataan syang isang pamilyar na kotseng tumigil sa isang Korean restaurant. Saktong tumigil ang kanyang sinasakyan dahil sa traffic kaya’t mas nakompirma nyang kay Daven nga iyon ng lumabas ito ng sasakyan. Nangunot ang kanyang noo dahil sa nakompirma. Anong ginagawa ni Daven rito? tanong nya pa sa kanyang sarili. Napansin nyang pinagtitinginan ito ng mga tao habang mabilis na umiikot patungo sa kabilang side. Nanlaki ang kanyang mga mata ng may pagbuksan itong isang balingkinitang babaeng nakasuot ng red body hugging dress. Mukha itong modelo. Matangkad at maputi. Walang wala syang panama rito at baka mapagkamalan lang syang personal maid nito kung sila'y pagtatabihin. Inalalayan pa ito ni Daven habang naglalakad papasok ng restaurant, at dahil sa Glass wall ang dingding ng resto ay nakita pa ng kanyang dalawang mata ng ipaghila ito ni Daven ng upuan bago umupo sa katapat nito. Nasa mga ito pa rin ang atensyon ng karamihang customer dahil sa pagiging perfect match ng dalawa. May waiter na agad na dumulog sa mga ito upang mag assist. Dali dali nyang kinuha ang selpon at nagngingitngit ang kaloobang idinial ang numero nito na halos mabasag na ang screen ng kanyang selpon dahil sa gigil nyang nararamdaman ng mga oras na iyon. Mabuti na lamang ay agad nag ring ang selpon nito bago pa sya maubusan ng pasensya at sugurin na ang mga ito.. Hindi nya hinihiwalayan ng tingin ang binata. Bago pa man makapamili ng orders si Daven ay agad nitong kinuha ang tumutunog na selpon. Ngunit napataas ang kanyang kilay at biglang nakaramdam ng disappointment ng matapos nitong tingnan ang caller ay agad nitong kinancel ang call at tila baliwalang muling isinuksok sa suot na coat ang sariling selpon saka umiling ng magsalita ang kaharap na babae. Namumuyos na ang kanyang kalooban dahil sa nasaksihang iniakto ni Daven. akmang bubuksan na nya ang pintuan ng sinasakyang taxi at handa na sanang lumabas ng bigla naman itong umusad. Mabilis nyang muling naisara ang pinto at napalingon sa unahan ng magsalita ang driver. "Ma'am bawal po ditong magbaba. Baka maticketan po ako." saad ng driver. "Kung gusto nyo na pong bumaba na, meron po tayong madaraanang pwedeng babaan. Pero, medyo may kalayuan pa po yun dito mam." dagdag pa nito. Napatutop sya ng noo ng maalalang nasa kalagitnaan nga pala sila ng kalsada. "U-uhh... Sorry po manong. Pasensya na po. Hindi na po. Okey lang. diretso na po tayo sa pinakamalapit na park.. Pasensya na po ulit." nahihiyang hingi nya ng paumanhin sa driver. Bago pa makalayo ay muli syang bumaling sa kabilang side ng kalsada kung nasaan ang restaurant na pinasukan nina Daven at ng kasamang babae. Medyo may distansya man, ngunit kitang kita at tanaw na tanaw nya pa rin ang mga ito dahil nga sa cleared glass ang top to ceiling nitong dingding. Sh*t! Sh*t! Fvck you ka Daven. Mura nya pa kay Daven habang hindi nilulubayan ang pigura ng binata hanggang sa mawala na ito sa kanyang paningin pati na rin ang restong kinaroroonan ng mga ito. Mariin syang pumikit at hinilot ang sintido saka malakas at malalim na bumuntong hininga upang pakalmahin ang sarili. Naagaw naman nya ang pansin ni manong driver kaya't nagtatanong ang mga matang sinulyapan sya nito sa rearview mirror. "Okey ka lang po ba mam?" nag aalala nitong tanong. Medyo binagalan nito ang pagpapatakbo ng sasakyan. Napamulat sya bigla ng marinig ang tanong ng driver. "A-Aah opo manong... okey lang po ako." sagot nya rito habang ngumiti ng matipid rito. Nakita nyang tumango lamang ito builang pagtugon bago muling patakbuhin ng katamtamang bilis ang sasakyan. Laman ng kanyang isipan ang nakita kanina. Tumingin sya sa kanyang kasuotan ng maalala ang babaeng kasama ni Daven kanina. Magmumukha pala syang tanga kanina kung bigla bigla syang sumugod doon at mag eeskandalo lalo na’t hindi akma ang kanyang kasuotan base sa ambience and class ng resto. Ayaw nyang mapahiya. Ayaw nya ring ipahiya si Daven. Bigla naman syang nalungkot ng muling maalala ang pag ignore nito sa tawag nya. Masama ang loob na dumiretso pa rin sya sa pupuntahan ngunit nawalan na sya ng gana dahil sa nakita. Bumili lang sya ng street foods at pineapple juice bago naupo sa isang bakanteng upuang nadaanan. Nasa nakita pa rin ang kanyang isip. Ano ang gagawin nya? Tatawagan nya ba itong muli? Kung komprontahin nya kaya agad pagdating nito sa apartment nya? Ano? Ano ang gagawin nya?? O hintayin nya na lang kaya na ito mismo ang kusang magpaliwanag sa kanya kung bakit halos buong araw itong hindi sumasagot sa kanyang mga tawag? Kung bakit buong araw nya itong hindi nakita sa trabaho? At yong.... Yong nakita nya kanina? Anong ibiga sabihin nun? Ano na ang gagawin nya!? Ano na!?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD