CHAPTER 15: THE APPROVAL

1023 Words
Flashback Daven’s cleared his throat bago humarap sa kanyang mga magulang at nagsalita. “u-uhm. Tito,tita, unang una po sa lahat, gusto ko po muna sanang humingi ng paumanhin sa naging abala ko sa inyo at sa biglaang notice po. And thank you na rin po dahil pinaunlakan nyo ang invitation ko kahit madalian.” Bumuntong hininga muna ito bago nagpatuloy. Diretsong tiningnan ang mga magulang nya bago…. “Tito, tita… Kung ipahihintulot nyo po sanang…….” Daven’s sighed deeply and looked directly at her parents before continuing to speak. “I…” he cleared his throat again to remove the lumps to for he to remain calm.. “I want to ask for your daughter's hand. Tito,Tita?” dire diretso at lakas loob nitong pahayag sa kanyang mga magulang…Particularly to her father… “I really love your daughter tito. Since the first day I laid my eyes on her… I know it already to myself that she is my better half.” Seryosong pag amin nito. Kinakabahan at pigil hiningang bumaling sya sa kanyang ama para alamin ang reaksyon nito. Pero, ngunit, subali’t imbis na gulat ang makita sa mga mukha nito ay tila kabaliktaran iyon ayon sa kanyang inaasahan.Nangingislap ang mga mata nito at ang mas malala, nakangisi pa ang mga ito na animoy inaasahan na kung ano ang maririnig na sasabihin ni Daven.. Napamaang siya sa naging reaksyon ng kanyang sariling magulang, kaya’t bumaling rin sya sa magulang ng binata at kapareho ng sa kanyang magulang.. Nangingislap din ang mga mata ng mga ito habang pinagmamasdan sila. Siya pa ngayon itong lumalabas na mas nagulantang sa ipinahayag ni Daven sa harapan ng mga magulang lalong lalo na ang paghingi nito ng permiso na pakasalan sya. Nanlalaking mga mata ng balingan niya si Daven.. “What?” bulalas nya ng ngitian lamang sya ng binata. Imbis na sagot ni Daven, hagikhik at matinis na tili ang kanyang narinig na nagmumula sa kani kanilang mga mama. Nang bumaling sya rito’y, magkayakap na ang mga ito’t nagcocongratulate na sa isa’t isa. “This is it, kumare. Magiging legal na tayong magkapamilya.” Natutuwang saad ng mama ni Daven bago muling yumakap sa kanyang mama. “Yeah… My Balae.” Tiling sagot rin ng kanyang mama sabay yakapan ulit ng dalawa. Ang kanila namang mga papa ay nakita nyang malalawak rin ang mga ngiti sa labi habang nag to toast ng mga hawak na baso ng alak.. They look happier and excited than her. Narinig nya na kasing nag paplano na ang mga ito ng mga bagay bagay para sa gaganaping kasalan. “Off course iho…. we are very willing for you to get married to our daughter. Right Papa?” masiglang tugon ng kanyang ina ng lumapit at saka kumapit sa braso ng asawa. “Yes iho. You have our blessings.” Makikitaan rin ng saya sa mukhang pag sang ayon ng ama saka tinapik ang balikat ng binata bago ituon ang atensyon sa kanya, na agad na ikinatawa nito ng makita ang pagkalito at pagkagulat na nakapaskil sa kanyang buong mukha.. “How about your future innocent wife, Daven?” her father teasing her. “Did she already said YES? It’s looks like she had no idea, huh? I am right my daughter?” lalong lumawak ang pagkakangiti nito sa kanya dahil sa nakompirmang wala nga talaga syang kaide ideya sa inihandang sorpresa ni Daven. Ginulo ng kanyang papa ang kanyang buhok at muling napahalakhak ng malukot ang kanyang mukha. Nang makabawi ay napairap na lamang sya habang nangingiti dahil sa na realize. May matitipunong braso na yumakap sa kanya mula sa likuran ng matapos ang “Surprise Engagement proposal and Announcement” na bukod tanging sya ang walang alam. Natatawa man sa sarili, nangingibabaw pa rin ang lubos nyang kasiyahan na nararamdaman at nag uumapaw sa mga oras na iyon. Kahit hindi nya tingnan, alam nyang malawak rin ang pagkakangiti ni Daven dahil na rin sa sobrang kasiyahan base na sa higpit ng pagkakakulong nito sa kanyang katawan.. “Thank you, wifey ko. Hindi moa lam kung gaano ako kasaya sa mga oras na ito. Mahal na mahal kita…” Malambing na bulong nito sa kanyang tenga kasunod ng isang mababaw na halik sa kanyang pisngi. Napangiti na lamang sya sa iniakto ng kanyang kasintahan. Kinikilig na rin dahil sa pasorpresa nito. Hindi man sya magsalita ay alam nyang ramdam ni Daven ang kanyang kasiyahan. Gayon pa man, gusto nya pa ring iparamdam sa binata ang kanyang pagmamahal rito. Humarap sya at ikinawit ang mga braso sa leeg nito at pinagsalikop sa likuran. “Salamat rin..” tinumbasan niya ng walang kasingtamis ang mga ngiti nitong sumalubong sa kanya, sa kanyang pagharap. Matiim sya itong tinitigan sa mga mata na sya rin naman niyang sinalubong. “Salamat sa sorpresa mo Daven.. to be honest with you….”pagbitin nya at hinaplos ang kanang pisngi nito. “hindi ko to ineexpect na gagawin ng isang Daven Garcia.” Kagat labing pag amin nya at napapailing nya pang dugtong. “it’s not that…you know.” Kibit balikat nya bago magpatuloy. “Hindi ko lang talaga inaasahan na manonorpresa ka. Wala sa personalidad mo.”Hinampas pa nya ang dibdib nito saka kumawala ang pinipigilang tawa. Natawa rin si Daven sa narinig saka mas humigpit ang pagkakayakap sa kanya.“I love you too, Daven… So much..” Seryoso nyang pag amin. Nakita naman nyang pumungay ang mga mata ni Daven at bago pa man sya makapag isip ay mabilis na nitong sinakop ang kanyang mga labi upang gawaran ng isang mabilis ngunit malalim na halik. Namumula ang kanyang pisngi pagkatapos ng halik at pasimple pang lumingon sa paligid para lang mas lalong mamula sa pagkahiya dahil nasa kanila na ang atensyon ng lahat ng kanilang bisita. “Woaaah!” sigawan ng mga ito. Agad naman syang ikinulong ni Daven sa isang mahigpit na yakap at isinubsob ang kanyang mukha sa malapad nitong dibdib. Automatikong pumalibot rin ang kanyang mga braso sa bewang nito upang tugunin ang mainit nitong pagkakayakap.. ito na..  ito na talaga ang kanyang pinakahihintay… Hindi na nya ito palalampasin pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD