CHAPTER 14: CONSENT

1097 Words
Sumulyap muna sa kanya ang binata bago tuluyang pagbuksan ang panibagong bisita. Nanlalaki ang kanyang mga mata ng mapagsino ang bagong dating...At... A-ang... Ang sheteng Daven, n-nagmano pa sa mga i-ito.. Awang ang kanyang mga labi at hindi makapaniwala sa nasa kaniyang harapan. “Ma,Pa, ano pong ginagawa nyo rito?” tanong nya rito ng makabawi. At agad na inabot ang mga kamay ng papa nya upang magmano at humalik naman sya sa pisngi ng kanyang ina. Malawak ang ngiti nito sa mga labi matapos nyang batiin. Bumaling muna ito kay Daven bago sinagot ang kanyang tanong. “Itong si Daven, biglang tumawag sa Papa mo. At sinabing kailangan nga raw naming pumunta dito ngayong gabi. Kaya pagkasabi sa akin ng papa mo ehhh agad kaming naghanda para bumyahe.” Mahaba nitong paliwanag. “E-ehh. T-teka, t-tumawag sya sa inyo?” nanlalaki ang kanyang mata ng hindi makapaniwala. “Magkakilala kayo!?” gulat nyang tanong sa mga ito. Tumingin sya kay Daven sa nagtatanong na mga mata samantalang ito’y napakamot lamang ng noo at tipid syang nginitian saka tumango. Saka muling ibinaling ang paningin sa sariling mga magulang ng magsalita ito. “Oo. Kilala namin sya. Matagal na.” pagbibigay alam ng kanyang mama. “Actually, Silvia and Dave are one of our closest friends ng papa mo when we are in college. Nawalan lang kami ng komunikasyon ng magsipag asawa na at maging busy sa kanya kanyang buhay.” Mahabang paliwanag ng kanyang mama habang iginigiya syang papaupo. Napatango tango naman sya habang nakikinig sa nagpapaliwanag na ina. Ang papa nya,mama nya at sya ay ang magkakatabing nakaupo habang ang mga magulang ni Daven, kasama si Daven,na matapos ikuha ng makakain at maiinom ang kanilang mga magulang ay naupo na rin sa kabilang side ng sofa. Di bali magkatabi na sila ngayon ni Daven habang napapagitnaan ng mga kanya kanyang magulang. Medyo may kahabaan ang sofa set ni Daven kompara sa sofa nya sa unit nya kaya’t nagkasya silang anim. Medyo awkward din ang sitwasyon nila kasi para silang teenager na kinokorner ng kanya kanyang mga magulang para iinterogate ngunit ang kaibahan lang ay para sila’y mas lalong pagtambalin at purihin at kapansin pansin rin sa mga mata nito na natutuwa sila sa pagkakatagpo nila ni Daven. Habang abala ang kanilang mga magulang sa pagkain na inihain ni Daven sa coffee table na nasa kanilang harapan ,Iginala nya ang kanyang paningin sa iba nilang bisita para malaman kung ano na ba ang ginagawa ng mga ito. Ang iba’y busy na sa kanya kanyang gawain. May nagsisikainan habang nagkukuwentuhan at may mangilan ngilan na nagsisimula ng mag inuman kabilang na si Alexis. “You okey?” bulong na tanong ni Daven pagkahilig sa kanyang balikat. “Oo.. medyo kinakabahan lang ako.” Totoo, kinakabahan talaga sya. Wala syang kaidi ideya kung ano ang dahilan at kahihinatnan ng pagkikita kita ng kani kanilang mga magulang. “Bakit ba sila nandito? Ano bang nangyayari?” naguguluhan pa rin nyang tanong kay Daven. Hindi na sya nasagot ng binata dahil muli ng nagsalita ang mama ni Daven. “Your mama Celly and I got accidentally bumped each other’s carts in one of the groceries store nearby a day after my birthday. Syempre nagkaroon ng kaunting kumustahan…ganun…” pagkukwento ng mama ni Daven na syang nakapabalik ng kanyang pansin rito. “At syempre, bilang nanay, at gustong ipagmalaki ang gwapong anak…” pagbitin nito sabay siko kay Daven para tuksuhin. “lalo na ng malaman kong Culinary Arts rin pala ang tinapos na kurso ng anak nitong si future kumare ko,” nakangiting baling nito sa kanyang mama. “ayon…nagkayayaan maglunch to have more chickahan and take note, nagpayabangan pa kami ng kanya kanya naming mga anak na chef.” Natawa pa ito sa gitna ng pagkukwento habang napapailing.“Kung sino ang may pinakamaraming nakuhang achievements and awards sa mga competitions.. Muntikan pa nga kaming magkapikonan kasi iniinsist nyang hindi daw totoo ang sinasabi kong magaling ring chef ang anak ko kasi nga wala akong maipakitang videos o pictures man lang para patunayan na marami ring awards and achievements itong si Daven ko, hanggang sa….. ipakita nya sakin ang mga pictures mo habang tumatanggap ng iba’t ibang awards.” Lumawak ang pagkakangiti ng mama ni Daven bago nagpatuloy. “Kaya ko nalamang ikaw ang anak nyang tinutukoy.” Masigla at nangingislap ang mga matang pagkukwento nito. Napahalakhak pa ito dahil sa nakakatawa nilang encounter ng mama nya. Nais man matawa dahil sa hindi inaasahang pangyayaring nalaman sa pagitan ng mama ni Daven at ng kanyang mama, Pigil pa rin ang hiningang sumulyap sya sa kanyang mga magulang upang malaman ang reaksyon ng mga ito. Ngunit ng makitang maaliwalas ang pagkakangiti ng mga ito,lalo na ng kanyang mama ay gumaan ang kanyang pakiramdam. Naramdaman rin nyang ginagap ng binata ang kanyang palad at pinagsalikop ang mga ito ng mahigpit. Bumaling naman sya rito at sinalubong sya nito ng isang matamis na ngiti na nagsasabing “It’s alright. Everything’s gonna be okey. Chillax.” “Haaaayy… sorry my dear iha, hindi ko naman kasi alam na wala pa palang alam itong sina kumara sa relasyon nyo ni Daven….. kaya… pasensya ka na iha. Sa akin pa nila nalaman.” Paghinging paumanhin ni mommy Silvia. Nginitian nya naman ito. “Okey lang po mommy. Balak naman na rin po sana naming ipaalam ni Daven, kaso sobrang naging busy lang po kasi sa trabaho kaya nawala na rin po sa isip ko. “At gusto ko rin sanang sa personal sila makausap, kaya kahit sa tawag, hindi ko ipinagbigay alam.” Pagpapaliwanag nya at bumaling sa sariling mga magulang. “Sorry po, ma,pa.” paghingi nya ng paumanhin. “Its okey anak. Naiintindihan ka naman. No worries from us with your mom.” Dahil sa sagot ng kanyang ama ay gumaan ang kanyang pakiramdam. Tila sya nabunutan ng tinik sa dibdib dahil sa sinabi ng kanyang papa. “So, ano ng plano nyo?” tanong ng kanyang papa. Kay Daven ito nakatingin. Daven’s cleared his throat bago humarap sa kanyang mga magulang at nagsalita. “u-uhm. Tito,tita, unang una po sa lahat, gusto ko po muna sanang humingi ng paumanhin sa naging abala ko sa inyo at sa biglaang notice po. And thank you na rin po dahil pinaunlakan nyo ang invitation ko kahit madalian.” Bumuntong hininga muna ito bago nagpatuloy. Diretsong tiningnan ang mga magulang nya bago…. “Tito, tita… Kung ipahihintulot nyo po sanang…….” Daven’s sighed deeply and looked directly at her parents before continuing to speak. “I…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD