bc

DARKEST LOVE ( Book 2 ) Reborn Of The Queen

book_age12+
1.0K
FOLLOW
3.6K
READ
killer
love-triangle
possessive
mafia
king
mxb
campus
childhood crush
friendship
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Akala mo tapos na.....

Pero Nagsisimila palang ...akala mo alam mona ang lahat... Pero marami pa palang mga sekreto... Akala mo happy ending na...yun pala simula palang ng mga pasakit.

Then the twist of faith begin.

Ellaina's POV

"Kill me now Jarred.. Or else i'l kill you myself once na makalaya ako dito! " sabi ko.

Narinig ko ang pagtatagis ng bagang nya. Tila pinipigilan lang nito ang galit ng mga oras na iyon. He grab my chin firmly.

"Let me f**k you tonight Ellaina. Baka sakaling makalog yang utak mo at maintindihan mo ang nais kong sabihin. !"

"No!!. " sigaw ko.

He kiss my earlob. I feel his breathe, a demon's breathe. Nataranta ako bigla. Hindi pwede! Ayokong traydurin ng sariling katawan na nananabik sa halik at haplos ni Jarred.

Sinubukan kong makawala sa puno pero ng lumapat ang labi nya sa leeg ko ay napapikit ako. Nadama ko ang dila nya don pataas sa aking panga.

"J-jarred." Anas ko na pinigilang mapaungol sa kiliting nararamdaman.

Then he place his two hand above my head and kiss my lips savagely. I moan between his kisses. Tinangka kong itikom ang bibig upang pigilan sya sa tangkang pananalakay ng dila nya pero kinagat nya ang ibabang labi ko at napadaing ako sa sakit non kaya nagawa nyang palalimin ang halik.

Napasigaw pa ako ng bigla nyang hilahin mula sa pagkakadikit ng aking katawan sa punong yon dahil sa palaso nya. Nanlalaki ang matang tiningnan ko ang saplot na naiwan. Napunit yon sa katawan ko ng hilahin nya ako. Nalaglag ang suot kong bestida sa lupa.

Naitulak ko sya sa dibdib ng maramdamang underwear nlang ang suot ko. Nagulat ako ng lumuhod sya sa aking harapan .

Ako si Ellaina Mondejar... And my mission is to kill the man i love!.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
THE DAY HE CAME.. 10 YEARS AGO.... Umiiyak na nakatingin lang sa ina ang anim na taong gulang na si Ellaina.. Paalis ito at malamang ay hindi na babalik base sa mga sinasabi nitong tagubilin. "Mommy...sama ako! " lumuluhang pakiusap nya sa babae. Pero marahan syang niyakap ng mommy nya saka pinahid ang mga luha nya sa pisngi. "Ellaina hindi kita pwedeng isama anak, delikado ang misyon ni mommy at ayokong madamay ka.. " "Pero mommy ---" "Listen well sweet little Ellaina, " putol nito sa pagsasalita ng bata. "Alam mona ang gagawin mo diba, ingatan mo ang bracelet na yan.. Ikaw lang ang sinabihan ko ng tungkol dyan diba? " Tumango ang bata sa ina. "Remember to trust no one.. Sarili mo lang ang pagkatiwalaan mo Ellaina. " Sunod sunod na tumango si Ellaina ,pagkuway niyakap sya ni Samantha na di na napigilang umiyak ng oras na yon. "Ellaina baby im sorry... Kapag naiintindihan mona ang lahat.. Sana di ka magalit sakin baby! " "M-mommy" yumakap sya ng mahigpit dito kahit walang muwang sa nangyayari . "Aalis na ako Ellaina. Kapag dina ako nakabalik alam mona ang gagawin mo" sabi pa nito saka kinuha ang bag na iginayak kanina. Gustuhin man nyang humabol dito ay hindi nya magawa. Kailangan nyang tatagan ang loob tulad ng sinabi ng mommy nya. Ngunit yon na pala ang huling beses na makikita nya ang ina dahil bangkay na itong bumalik sa bahay nila. "Jacob.. Anong nangyari sa mommy ko? " umiiyak na tanong ni Ellaina sa binatilyong naghatid ng bangkay ng ina. "Namatay sya habang nasa mission Ellaina, im sorry kung di ko sya nailigtas." Malungkot na sabi ng lalaki. Hindi man alam ng bata ang trabaho ng ina ay batid nyang delikado yon. Nang mailibing ang ina ay kinausap sya ng amang si Eleazar. "Anak may binilin ba sayo ang mommy mo? " tanong nito sa bata. Nagisip muna sandali si Ellaina bago umiling. "W-wala po, sabi nya magingat daw ako " iyak ni Ellaina. "What about the room? Kailangan nating mabuksan ang room na yon anak,para malaman natin kung ano talaga ang nangyari sa mommy mo" sabi pa nito. Dahil bata at may tiwala sa ama ay ipinakita nya ang bracelet. "Open it baby girl" Sinubukan nyang buksan ang pinto sa pamamagitan ng susing nasa bracelet na yon pero ayaw mabuksan ng pinto. Umilaw ang screen sa may door knob nito at nakalagay ang date at year na pwedeng mabuksan ang silid.. And it was 11 years from now.. Meaning 18 years old na sya bago nya yon mabuksan. Inisip ng bata kung ano ba ang meron don at mahigpit na ibinilin sa kanya ng ina na ingatan ang silid na yon. Bumuntong-hininga si Eleazar at niyakap ang anak. "Its okey anak, lets go" tiim ang bagang na inakay nya palabas si Ellaina. Naging malulungkutin ang batang si Ellaina mula ng mawala ang inang si Samantha, si Yaya Meding nalang ang laging kumakausap sa bata para mapasaya ito. Pero tila ilap ang bata at madalang magsalita. Ang ama naman nitong si Eleazar ay madalang umuwi ng hacienda dahil sa mga negosyo nito. Na lalong nakapagpadagdag sa kalungkutan ni Ellaina. ang nasa isip ng bata ay magisa nalang sya dahil wala na ang mommy nya. Isang araw ay nagpaalam din si Jacob na aalis na at kailangan nitong mag-training. Kung ano man yon ay di alam ng bata. Hindi rin naman nya maiintindihan ang nangyayari sa paligid. Hanggang dumating ang sandaling yon. She was 7 years old that time. Magisa lang syang naglalaro sa malawak na kaparangan sa loob ng hacienda. "Hi.. " Nang bigla nyang makita ang isang matikas na batang lalaki. Nakatayo ito sa harap nya suot ang tshirt at maong short nito .naka rubber shoes at cap ang lalaki na tila mas matanda sa kanya ng ilang taon. "Ikaw ba si Ellaina? " nakangiting tanong nito. Wala sa loob na napatango si Ellaina. "Ako si Travis, kasama ko si Daddy nasa loob sya kausap ng dad mo! " ani Travis. Halatang laging nakangiti ang batang lalaki na ikinagaan ng loob nya dito. "Ako si Ellaina! " nahihiyang sabi nya. "Ilang taon kana Ellaina? " "Seven.. " "Im 10 years old. Ang ganda naman dito, " Napangiti si Ellaina. Likas na masayahin ang kausap kaya nakagaanan agad nya ito ng loob. Nalaman nyang anak ito ng kaibigan ng ama, na nais magbakasyon sa hacienda. Mula ng dumating ang batang si Travis ay muling bumalik ang sigla at natural na pagkabibo ni Ellaina. Naging madaldal na ulit ito at lagi na nyang kalaro ang lalaki. May kalayuan ang bahay nila Travis sa hacienda kaya madalang syang magpunta doon pero kapag walang pasok sa iskwela ay lagi silang magkasama ng batang si Ellaina. Nakita ng lahat ang sayang idinulot ni Travis sa heredera ng mga Mondejar. Labis yong ikinatuwa ng mga tao sa loob ng hacienda lalo na ng yaya Meding nito. "Yaya wala pa po ba si Travis? " may pagka inip sa boses ni Ellaina ng magtanong sa babae. "Wala pa hija, hintayin mo nalang at baka may iba pang dinaanan ang kotse nila. ". Napasimangot si Ellaina. Yakap ang barbie doll na lumabas sya sa mansyon. Doon nya hihintayin sa lilim ng punong mangga na tambayan nila si Travis. Ilang sandali pa ay narinig na nya ang tinig nito. Kaya masaya nyang sinalubong ang kaibigan. May dala itong gitara. Kumunot ang noo ni Ellaina. "Ano yan? " "Guitar, sumali ako sa music club ng school eh, gusto mo kantahan kita? " nakangiting tanong nito. "Sige.. " Mahilig palang kumanta si Travis. Kaya yun na ang lagi nilang ginagawa. Tutugtog ito ng gitara sabay kakanta habang nakahilig sya sa balikat ng lalaki. At madalas ay nakakatulog si Ellaina dahil sa nakakaantok na tinig nito. Noon ay inosente pa ang isipan ni Ellaina. Ang closeness nila ni Travis ay dinala nya sa puso nya bilang pinakamahalagang bagay sa kanya. At ganon din naman si Travis. Wala itong gustong kasama kundi si Ellaina. "Dad.. Uncle gusto ko pong si Ellaina ang mapangasawa ko balang araw... Kung okey lang po sa inyo! " Nagulat pa sila Eleazar at Miguel sa sinabi ng binatilyo. Labing isang taon palang non si Travis kaya natawa sila sa sinabi nito. "Hayaan mo hijo at darating tayo. dyan, sino pa ba ang mapapangasawa ng aking anak kundi yun kilala na ng pamilya. "Sabi ni Eleazar saka tinapik ang balikat ni Travis. Tumawa lang ang ama nito. Pero wala namang ibang sinabi. Hanggang isang araw. Nasa mataas na terasa ang mag-amang Eleazar at Ellaina. Itinuturo nya ang hangganan ng hachienda sa bata. "Ang lawak po pala ng hacienda no daddy? " "Oo anak, minana pa ito ng yung ina sa namayapa nyang ama kaya sayo ang buong hacienda na ito" nakangiting sabi ng lalaki. Namilog naman ang mga mata ni Ellaina saka namamanghang muling tinunghayan ang malawak na lupain. Halos sinasakop non ang 80 porsyentong lupa ng nasabing lungsod. Kaya naman halos sa kanila na umaasa ng trabaho ang mga tao don. "A-akin talaga to? " tila wala naman sa sariling sambit ni Ellaina. "Yes anak, lahat ng natatanaw mo ay sayo, ikaw ang kaisa -isang tagapagmana ko, " Ngumiti lang si Ellaina saka niyakap ang ama. Mahalaga sa kanya ang hacienda dahil sa mga alaala ng kanyang namayapang ina. Saka nasa lupang yon ang silid na ibinilin ng ina sa kanya. "E-ellaina... " Napalingon si Ellaina ng muling tawagin ni Eleazar. "G-gusto ko sanang hingin ang permiso mo anak" biglang sabi nito. Kumunot ang noo ng bata. Hinintay nya ang sasabihin ng ama. "Gusto ko sanang magasawang muli! " Ayaw man ni Ellaina na muling magasawa ang ama ay hindi nya ito pinigilan. Sinabi ni Eleazar na don na titira ang bago nitong asawa kasama ang dalawang anak. Lihim na naghimagsik ang kalooban ni Ellaina pero wala syang sinabi sa ama. "Ellaina bata pa kase ang daddy mo kaya posible talagang magkaasawa pa sya! " pangaalo ni Yaya Meding sa umiiyak na dalagita. 8 years old na sya non. "A-ayoko po sila dito yaya... Sabi ni daddy bahay ko to pero bakit may ibang titira? " hikbi ni Ellaina. "Wag kang magalala anak, malay mo mabait ang bago mong magiging mommy? " Umiling ng mariin si Ellaina. Iisa lang ang ina nya at patay na yon. Kaya kung sino man ang bagong asawa ng daddy nya ay hindi nya ito tatanggapin bilang ina kahit kailan. Yon ang nasa isip ng bata. Dumating ang araw nang pagdating ng bagong pamilya ni Eleazar. Nandon lang sa lilim ng punong mangga si Ellaina at malungkot na nakatanaw sa malayo. Di nya namalayan na dumating pala si Travis. "Hey... Anong ginagawa mo dito magisa.? " malamlam ang matang tanong nito. Saka naupo sa tabi nya. "Ayoko sa loob, darating ngayon ang bagong asawa ni daddy, kasama ng mga anak nya" nakasimangot na sabi ni Ellaina. "Ayaw mo non may mga kapatid kana? " ngiti pa ni Travis. Nainis sya sa sinabi nito kaya kinurot nya ng pino ang lalaki sa tagiliran. "Aray!... Ellaina ha? " Natawa sya sa hitsura ng mukha ng kaibigan. Kahit papano ay gumaan ang nagmamaktol nyang kalooban. "Ellaina, you don't have to worry.. Andito ako sa tabi mo, kapag inapi ka ng madrasta mo, sabihin mo lang sakin" seryosong sabi ni Travis. Napatitig sya sa gwapong mukha ni Travis at naramdaman nya na may kakampi sya sa katauhan nito. Na hindi sya dapat mangamba dahil kasama nya ang lalaki. "Travis salamat " totoo sa loob na sabi ni Ellaina. " pakiramdam ko kase wala nang mangyayaring maganda ngayong andito na sila " "Don't say that Ellaina, hindi mo pa naman sila kilala kaya wag mong husgahan ang pagkatao nila, " pangaral pa ni Travis. "Sorry, diko lang kase mapigilang isipin yon. " sabi ko. Habang sa mansyon naman ay naroon na ang magiina at hinihintay na bumaba si Eleazar. Madilim ang mukha ni Jarred .kung ang kapatid na si Danica ay masaya sa pagsama sa ina ay kabaligtaran nya. Ayaw nyang tumira sa bahay ng ibang asawa ng mommy nya. Pero sinabi ng ama nyang si Julio na mas mapapabuti pa daw sila don kesa maiwan sila sa poder nito. Na lalong ikinapuyos ng damdamin nya. Matalim ang matang lihim nyang iginala ang tingin sa bahay ng bagong asawa ni Georgia.. Halatang mayaman nga ang lalaki, kitang -kita naman yon sa mga kagamitan at lawak ng buong hacienda. Pati mga nagsabit na painting ay mga sikat na painter ang gumawa. Tsk... Lihim na napaismid si Jarred. Kung pera lang din naman ay meron ang tunay nilang ama kaya lang komplikado ang sitwasyon nila sa poder ni Julio. Kaya no choice sila ni Danica kundi sumama dito. Habang madilim ang mukha sa pagtingin -tingin don ay napadako ang mata ni Jarred sa nagiisang larawan sa gitna ng wall na napapaggitnaan ng dalawang pahabang painting ng bulaklak. Lihim na natigilan si Jarred nang mamasdan ang larawan ng nakangiting bata. Napatitig sya sa mga matang yon na tila nangungusap at may nais sabihin. Biglang kumabog ng husto ang dibdib ng binatilyo kaya mabilis nyang inalis ang tingin don ..pero ilang saglit lang ay tila may pwersang humihila sa kanya na muling masdan ang larawan. At pinilit mang pigilan na mapatingin don ay di nabigo sya. Muling dumako don ang kanyang titig at dina inalis ang paningin sa larawan. MY PRINCESS ELLAINA. Yon ang nakasulat sa ibaba ng kwadrado. Samantala hapon na nang magpasyang bumalik ng mansyon si Ellaina kasama si Travis. Nagkakatawanan pa silang dalawa ng pumasok sa malawak na sala ng mansyon nila ng bigla silang matigilan ng makita ang dalawang bata na nakaupo don. Kumunot ang noo ni Ellaina. "Sila na ang mga bago mong kapatid! " biglang bulong sa tenga nya ni Travis. Lihim kong siniko ang lalaki. Nang biglang pumasok ang amang si Eleazar kasama ng isang magandang babae. Ito marahil si Georgia. Ang bagong asawa ng daddy nya. Nang ipakilala kay Ellaina ang mga bagong dating ay di sya nagpakita ng anumang reaksyon. Wala syang pakialam sa mga ito at ang plano nya ay wag nalang pansinin ang bagong pamilya ng ama. Ngunit may pumukaw sa atensyon ng batang si Ellaina. Yun ay ang malalalim na titig ng anak na Lalaki ni Georgia sa kanya. Nang ipakilala ito ng ama ay nakadama ng di maipaliwanag na kaba si Ellaina dahil sa klase ng titig nito na tumatagos sa buo nyang pagkatao, titig na titig ito sa kanya na tila inaarok ang laman ng isip ni Ellaina. Tinaasan nya ng kilay ang batang si Jarred na tila sinasaway ang pagtitig nito sa kanya. Anong tinitingin-tingin mo? Yun ang sinasabi ng pagtaas ng kilay niya pero tipid na ngisi ang isinagot don ni Jarred na ikinainis ni Ellaina. Sa isip ng bata ay mukang di madali ang makasama sa iisang bahay ang magiina. Lalo na si Jarred na may nakakairitang tingin. "Dimo ba feel ang new brother mo Ellaina" bulong ni Travis sa bata ng nakain na silang dalawa. Sila nalang kase ang di pa nakain. "Stop calling him my brother cause he's not, and will never be. " asik niya sa lalaki. "O-okey, as you wish" sabi naman niTO. Habang kumakain ay palihim na muling sinulyapan ni Ellaina ang batang si Jarred na nasa sala parin katabi ng daddy nya at nila Tita Georgia at Danica. And the most irritating and shocking part is that he's still looking at her intently. Halos manginig ang kamay ni Ellaina sa kaba ng makitang nakatitig parin sa kanya si Jarred. At tila di manlang ito natakot ng mahuli nya ang titig nito. Tila wala itong pakialam sa iisipin nya kung bakit nakatitig ito sa kanya. The nerve of this boy..... Tsk! .

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Professor's Wife

read
450.4K
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
342.2K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.8K
bc

My Last (Tagalog)

read
487.0K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
416.1K
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook