HE IS JARRED DAVE EVAÑEZ..
Unang kita palang ni Ellaina sa anak na lalaki ng tita Georgia nya ay inis na ang nararamdaman ng bata dito, matangkad lang si Jarred ng konti kay Travis at halos magkasing edad lang ang dalawa. Contrast ng ugali ang dalawang lalaki. Si Travis ay malambing magsalita at laging nakangiti samantalang si Jarred ay may pagka snob at parang laging galit. Kaya iniwasan ito ni Ellaina. Sabagay ilag naman talaga sya sa magiina pero mas matindi sa lalaki. Hindi safe ang pakiramdam nya kay Jarred.
"Barbie there's a bad boy outside, so don't ever try to get close to him.. He is bad! "
Minsang naglalaro si Ellaina ng mga barbie nya sa kwarto at kinakausap ang mga laruang manika.
Hindi nya alam na nasa may bukas na pintuan na pala si Jarred at nakahalukipkip na pinapanood sya sa pagsusuklay sa mga buhok ng laruan. Narinig nito ang sinasabi ni Ellaina sa mga barbie doll.
"And may i know who is that bad boy na sinasabi mo dyan mahal na prinsesa? "
Nagulat si Ellaina at nabigla ng makita ang madilim na mukha ng tinutukoy na lalaki. Paano itong nakarating sa tapat ng pinto na di nya nalalaman at anong karapatan nitong buksan yon ng walang pahintulot.
"What are you doing here? Get out! " asik nya sa lalaki pero ngumisi lang ito at ang kapal ng mukang basta nalang pumasok sa loob.
"Nice room.. Para ka pala talagang prinsesa eh.. Lahat ng gamit mo mamahalin" sabi ni Jarred habang iginagala ang paningin sa loob ng silid ni Ellaina.
Tumayo sa kamang kinauupuan si Ellaina at nakapamaywang na itinuro ang pinto ng kwarto nya.
"Get out! " matinis na sabi nya.
Nainis ang bata dahil di manlang kumilos ang lalaki. Nakatingin lang ito sa umuusok sa inis na si Ellaina.
"Bakit kaba galit sakin ha? Inaano kaba? " biglang tanong ni Jarred.
Natigilan naman si Ellaina sa narinig. Nakadama sya ng guilt dahil don. Pero naiinis talaga sya sa lalaki.
"Ayoko sayo kaya wag mo akong kakausapin" sabi nya.
Natakot sya ng makita ang pagtiim ng bagang ni Jarred pero di sya nagpahalata.
"Kahit ayaw mo sakin ay wala ka ng magagawa. Kasal na ang magulang natin kaya sa ayaw at sa gusto mo magsasama tayo sa iisang bahay! " anito.
Nairita sya dahil yon ang totoo.
"I hate you, i hate your mother, i hate your family.. Bakit pa kase kayo dumating dito? " umatake ang tantrums ng bata.
Nagulat sya ng biglang hilahin ni Jarred ang braso nya. Nawalan ng panimbang ang dalagita kaya nasubsob sa may leeg ni Jarred.
"Akala mo ba di ko alam yon? " galit at nakakatakot na sabi ni jarred habang mahigpit na hawak ang pulsuhan nya. Napadaing si Ellaina sa sakit ng pagkakahawak nito sa kanya.
"Bitiwa----"
"Ito tatandaan mo ha, kung napapasunod mo lahat ng tao dito pwes ibahin mo ako, ikaw ang susunod sa akin naiintindihan mo!? "
"And who do you think you are para sabihin yan? Bitiwan mo ako! " saad ni Ellaina na nagsisimula ng matakot.
Gustuhin man nyang sumigaw ay imposibleng may makarinig sa kanya dahil nasa ibaba lahat ng kawaksi don at wala ang daddy nya saka mommy nito dahil lagi lang sa trabaho ang dalawa kaya madalas na kami lang tatlo ang naiiwan sa bahay.
"Because i'm Jarred Dave Evañez, at hindi mo ako mapapasunod. Naiintindihan moba mahal na prinsesa? "
Binitiwan sya nito at napahikbi si Ellaina ng makita ang namumulang pulsuhan na hinawakan ni Jarred. Nabigla din ang binatilyo ng makita yon saka lumambot ng bahagya ang matigas na ekspresyon kanina.
"And one more thing.. Wag mong pairalin sa akin ang pagiging spoild brat mo, baka di kita matantsya.. Ayusin mo ang pakikitungo mo sa amin kung hindi ako ang puputol dyan sa sungay mo! " banta pa nito bago umalis.
Naiwang takot na takot ang batang si Ellaina. Sunod-sunod na hikbi ang pinakawalan nya.
"M-mommy..." Impit na sambit nito habang umiiyak yakap ang mga manika. na naririnig naman ni Jarred na nasa labas lang ng pinto ng silid nya at di pa lumalayo.
Lihim na kinagalitan ng binatilyo ang sarili kung bakit ginawa yon sa bata. Hindi nya maintindihan ang nangyayari sa kanya. Kung tutuusin ay wala naman talagang ipinapakitang masama si Ellaina sa pamilya nya kahit pa sabihing ilag ito ay never naman nitong binastos ang ina o kapatid. Hindi lang ito palakibo sa kanila lalo na sa kanya .yon ang nagpapakulo ng dugo ni Jarred..
Naiirita sya na di maintindihan kapag nakikita nyang iniiwasan sya ng batang si Ellaina pero lintik namang makangiti kapag nasa hacienda ang kaibigan nitong si Travis. Hindi alam ni Jarred kung bakit ganon ang epekto sa kanya ng anak ng asawa ng mommy nya.
Isa lang ang sigurado si Jarred.. Nagugustuhan nya ang pananatili sa hacienda mondejar dahil sa dalagita.
Mula non ay lalong naging mailap si Ellaina sa magiina. Lagi nalang syang nagkukulong sa kwarto kapag umaalis ang ama at madrasta .lalo na pag nasa business trip ang mga ito. Si Travis naman ay busy pa sa school kaya nalulungkot si Ellaina dahil wala syang kalaro.
"Hi Ellaina, pwede ba tayong maglaro? " lapit sa kanya ni Danica.
Tatanggi sana si Ellaina dahil ayaw nyang kalaro ito pero napansin nya si Jarred sa di kalayuan na patingin -tingin kaya natakot sya at pumayag sa suhestiyon ng kapatid nito.
Okey naman si Danica. Polite ito at palaging nakangiti. Pero hindi na ito mahilig maglaro ng barbie. Bagay na ikinalungkot nya, yon kase ang paborito nyang laruin. Inakit nalang sya ni Danica sa labas. Sumama naman sya dito. 10 years old na si Danica. Isang taon lang ang tanda nito kay Ellaina pero nagsisimula na agad itong magayos na tila dalagita na. Samantalang si Ellaina ay nananatiling bata ang pagiisip sa edad na 9 years old.
Napapansin din ni Ellaina ang madalas na pagtatanong ni Danica tungkol kay Travis. Ipinagsawalang bahala lang naman nya yon.
"Mabait ka pala Ellaina, buti nalang magiging magkapatid na talaga tayo! "
Nagulat si Ellaina at di naintindihan ang ibig sabihin ni Danica.
"A-anong ibig mong sabihin? " tanong ng bata.
Ngumiti si Danica at hinawakan ang kamay ni Ellaina.
"Kase pareho na tayo ng surname. Pinabago na ni daddy Eleazar ang name ko, Danica Mondejar na ako.. Kapatid na kita Ellaina" masayang sabi pa nito saka sya niyakap.
Pero hindi ganon ang dating non kay Ellaina. Nabigla sya sa nalaman. Bakit ginawa yon ng ama ng hindi manlang sinasabi sa kanya. Ni ang pagtira nga ng mga ito ay kinaaayawan nya tapos ngayon pati apelyedo nila dala na ng mga ito.lihim na naghimagsik ang bata.
Nang maiwan sya don ni Danica ay saka nya pinakawalan ang pagiyak. Umiyak sya ng umiyak.. Hanggang lapitan sya ni Jarred.
"A-anong nangyari sayo Ellaina? Sabihin mo sakin bakit ka umiiyak? " nagaaalalang tanong ng lalaki habang tinitingnan ang katawan ni Ellaina kung may nangyari ba dito na dahilan ng pagiyak nito.
Ngunit itinulak sya ni Ellaina.. At nanlilisik na tiningnan.
"Hindi ko kayo kapatid, never na mangyayari yon kahit maging Mondejar pa kayong lahat.!! " iyak ni Ellaina na ikinabigla ni Jarred. Marahil ay inilihim ni Eleazar ang tungkol don sa anak. Naisip pa ni Jarred.
Mahigpit na hinaklit ni Jarred ang umiiyak na si Ellaina.
"Dont worry mahal na prinsesa. Hindi ako papayag na maging kapatid ka. That will never ever happen! " deklarasyon nito na ikinatigil ni Ellaina sa pagiyak.
"Talaga? " sabi pa.
"Yes.. " tango ni Jarred.
Cause you will be my wife someday!!
Pero dina yon isinatinig ni Jarred. Nakatitig lang sa batang si Ellaina na tila nagustuhan ang sagot ng lalaki.
"Now wipe your tears princess. Gusto mo bang gumala? " biglang akit ni Jarred kay Ellaina.
"A-ayoko.. " tanggi naman ni Ellaina.
Marahas na napabuntong hininga si Jarred. Naiirita na naman ito dahil mailap pa rin ang bata sa kanya. Pero hinayaan nalang muna nya ito. Pasasaan ba at gagaan din ang loob ni Ellaina sa kanya.
Lihim na pinagmamasdan ni Ellaina ang pagpapatakbo ni Jarred sa kabayo nitong si Speed.mahilig kaseng mag horse back ridding ang lalaki katulad ni Travis. Yun nga lang si Travis ay mas nag focus sa music club nito.
Habang pinagmamasdan si Jarred ay humanga si Ellaina sa galing nitong mangabayo kahit sa murang edad ay tila expert na ang binatilyo sa pagpapaamo ng hayop. Lagi syang namumula pag nakikita ang paghuhubad ng pangitaas na kasuotan ni Jarred. Mas gusto nito na mangabayo na walang suot na tshirt kaya kita ang katawan nitong nagsisimula ng magbinata.
Mula sa taas ng terasa ng mansyon ay titingalain sya lagi ni Jarred at kakawayan na ikakapula ng mukha nya at ang gagawin ni Ellaina ay magtatago sa sementadong railing ng terrace.
Lagi syang inaalok mamasyal ni Jarred. Nalibot na kase nito ang buong kagubatan ng hacienda sakay ni speed kaya inaalok nya lagi si Ellaina para maipakita ang magagandang tanawin na natuklasan don. Pero lagi itong tinatanggihan ng dalagita. Kaya paulit -ulit na kinukulit ni Jarred si Ellaina.
Hanggang ....
"May falls don, pwede mong dalhin ang mga barbie mo. At liguan mo don, promise you'll like it. " pangeengganyo pa niya kay Ellaina.
Nang marinig yon ay nagliwanag ang mukha ni Ellaina. Hindi pa nakakapunta sa falls ang mga barbie nya. Kaya agad syang pumayag sa alok ni Jarred. Naggayak ng pagkain si Jarred habang si Ellaina ay inilagay sa backpack ang tatlong barbie doll na napili nya. Hindi naman pwedeng dalhin lahat. Sa susunod nalang ang iba. Masaya syang sumakay kay speed habang nasa likod naman si Jarred. Naiilang si Ellaina sa closeness nila pero inalis nalang nya yon sa isip. Excitted na syang makarating sa sinasabi nitong falls.
And Jarred didn't lie, the place was beautiful indeed ,and relaxing. Inalalayan sya nitong makababa sa kabayo saka itinali sa isang puno ang hayop bago sabay kaming pumunta sa malapit sa talon.
"Wow alam kaya ni Daddy ang lugar na to? " nakangiting tanong ni Ellaina.
Kibit balikat lang si Jarred na nasisiyahan sa nakikitang pagkalibang ni Ellaina sa lugar. Dahil may dala naman silang damit ay di nag-atubiling magtampisaw ang dalagita.
"J-jarred? " nagaalangang tawag ni Ellaina sa kasama.
Napansin kasi nyang hindi ito sumunod at matiim lang na pinagmamasdan sya sa pagtatampisaw sa mababaw na ilog.
"Lets go, lapit tayo sa falls!! " sabi ni Jarred matapos bumuntong hininga.
Nakangiting sumangayon ang dalagita. Sinabi sa sarili na mamaya nalang liliguan ang mga dalang barbie.
Jarred just love the sight. Ellaina was so innocent playing her barbie dolls habang itinatapat sa falls. It was the time na inamin nya sa sarili na mahal nya ang babae. Hindi nya alam kung gaano kasidhi dahil bata pa sya pero ang sigurado sya ay gusto nya ito laging kasama. Gusto nyang tumatawa ito dahil sa kanya. And he will do everything for this girl.
Magdadapit hapon na ng umuwi sila, nagtaka pa si Ellaina ng salubungin sila ni Travis na sakay din ng kabayo nito.
"Travis! " masayang kaway ni Ellaina dito. Hindi manlang napansin ang pagsusukatan ng tingin ng dalawang lalaki.
Madilim ang mukha ni Travis na bumaba ng puting kabayo. May sarili din kase itong kabayo sa hacienda na ginagamit nya pag naroon. Si Speed naman na pagaari ni Jarred ay kulay itim.
"Ellaina! " may diing tawag ni Travis saka lumapit sa dalawang nasa taas pa ng kabayo at inalalayang makababa si Ellaina habang matiim ang titig kay Jarred na ni hindi naapektuhan sa tinging iyon ni Travis.
"Ellaina hindi ka dapat sumasama sa lalaking yon sa gitna ng kagubatan, " mariing sabi ni Travis sa dalagita ng makapasok ng mansyon.
"Bakit naman? Mabait naman sya eh" sabi ni ellaina.
"K-kahit na,you are a girl at di mopa sya gaanong kilala, promise me Ellaina. Hindi kana ulit sasama kay Jarred okey? "
Wala sa loob na tumango nalang si Ellaina.
Si Travis naman ay lihim na nagpupuyos ang loob. Gustuhin man nyang kausapin si Jarred ay alam nyang katawa-tawa iyon dahil wala namang masamang ginagawa ang lalaki. Pero naiirita talaga sya sa pamamasyal ng dalawa.