SHE MUST DIE......
Naging masaya ang isang linggo ni Ellaina dahil bakasyon ni Travis sa klase kaya napirmi ito sa hacienda. Madalas silang mamasyal at maglaro sa kaparangan. Hindi na nya nabigyan ng pansin si Jarred dahil may kalaro na ulit sya.
"Ellaina, do you still love playing those dolls?"
Isang araw ay sabi ni Travis kay Ellaina habang naglalaro sila ng lalaki sa hardin.
"Yes, why? "
"W-wala lang, malapit kana kaseng mag 10,i just thought na baka iba na ang gusto mong gift aside from those toys"
"Barbie lang ang gusto ko,pero pwede rin ang teddy bear" ngisi ni Ellaina.nakangiting tumango-tango naman si Travis.
Handa naman nyang hintaying mag-matured ang kababata saka nya ito liligawan at pakakasalan.
Habang naglalaro si Ellaina ay kinalikot muna ni Travis ang cp.nagbura sya ng mga ilang photos don.nang biglang hablutin ni Ellaina ang cp nya saka tiningnan yon .kasalukuyang ang naroon ay ang photo ng pinsan ng bestfriend nyang si Seb.
"S-sino to?" Kunot ang noong tanong ni Ellaina.
"Si Ayesha yan,gf ko!" Pagsisinungaling ng lalaki.gusto lang nyang makita ang reaksyon ng kaibigan.
"Gf? Ano yon?" Curious na tanong ni Ellaina na ikina buntong hininga ni Travis. ang hirap magpaselos kapag inosente ang kausap.
"Girlfriend..kasintahan!" Sagot ni Travis na ikinalaki ng mata ni Ellaina.
"M-may kasintahan kana?"
Nakangising tumango si Travis. biglang sumimangot si Ellaina saka iniwan ang kaibigan.
"E-ellaina!"
Kaya ng hapunang yon ay kapansin-pansin ang matalim na sulyap ni Ellaina kay Travis.bagay na napansin ng ama ng dalagita.
"May problema ba ang prinsesa ko?"
"Wala po!" Sagot ni Ellaina saka iningusan si Travis, si Jarred ay tahimik na nakikiramdam lang.
"Meron yata eh,bakit ka nakasimangot?" Malambing na pangungulit ni Eleazar sa anak.
"Si Travis po kase may girlfriend na!"
Napanganga ang mga naroroon sa sinabi ng dalagita,maging ang ilang kawani ng bahay ay napahagikgik lalo na at nakikitang tila may LQ ang dalawang kabataan.inaasahan na kase ng lahat ng naroon na si Ellaina at Travis ang ikakAsal pag dating ng tamang panahon.yun naman ang kaugalian ng mga mayayaman.
"Totoo ba yun Travis?" Kunwari ay galit na tanong ng ama ng bata sa binatilyo.
"Hindi po Tito," nakangising sagot ni Travis.
"Sinabi mo kaya kanina" hirit pa ni Ellaina.
"Pinsan lang yon ni Seb,kaibigan ko..ikaw lang ang gusto ko Ellaina ano kaba?"
Natigilan muli ang lahat sa sinabi naman ni Travis. lalo na si Danica at Jarred na biglang nagdilim ang mukha.umirap lang nang may munting ngiti si Ellaina. nasiyahan sya sa sinabi ni Travis.
"Wag kayong magalala ,pag nasa hustong edad na kayo ay ipapakasal kona kayo,okey ba yon travis,ellaina?"
"Yes tito,with pleasure" kumindat pa ito sa dalagita.
Napatingin ang lahat kay Jarred ng biglang umingay ang pinggan nito ng padabog na malaglag ang kubyertos.
"Im sorry..una na po ako!" Mahinang sabi ni jarred saka dire-diretsong umalis sa mesa matapos iwanan ng isang makahulugang sulyap si Ellaina na walang kamalay-malay ng mga oras na yon.
"Daddy ano po yung kasal?"
Ganon na lamang ang pagkagulat ni Ellaina ng makita si Jarred na umiinom ng alak sa labas ng kwadra .sa edad ng lalaki ay di akalain ng bata na nainom na ito ng alak .pagkatapos kase ng hapunan ay sanay tumambay sa terasa si Ellaina para magpahangin at mula don ay natanawan nya ang lalaki.
Bungsod ng kyuryosidad ay lumabas ng silid si Ellaina at mabilis na lumabas ng mansyon saka tinungo ang daan papunta sa kwadra ng mga kabayo.
"J-jarred.. " tawag nya sa lalaking tumutungga ng alak.
Blangko ang mukhang tiningnan lang sya nito at ipinagpatuloy ang paglalasing.
"B-bakit ka naglalasing? Sasakit ang ulo mo sige ka.. "Banta pa ni Ellaina dito.
"Ano namang alam mo tungkol sa paglalasing ha mahal na prinsesa? " asar na tanong ni Jarred.
Ellaina's pout her lip, And Jarred cursed....
"Dati sumakit ang ulo ni Jacob kase naglasing daw sya! " sabi ng bata.
"Sino namang Jacob yun? May Travis na nga, may Jacob pa.. f**k s**t this life!. " galit na asik ni Jarred na di maintindihan ng dalagita kung bakit nagagalit ito.
"Halika na sa loob, wag ka ng maginom" akit nalang nya sa lalaki.
"N-nagaalala kaba sakin Ellaina? " umaasang tanong ni Jarred.
Kunot noong tumango si Ellaina.
"Really? " nagliwanag ang mukha ng binatilyo.
"Oo,kase sabi ni Yaya pag gabi na may mumu dito na nangunguha ng bata.. B-baka....makuha ka! "
Mariing naipikit ni Jarred ang mata sa tinitimping inis ..pagkuway ngumiti at saka tumayo. Sabay silang pumasok sa loob.
Minsang regaluhan si Ellaina ng barbie doll ni Travis ay nakita iyon ni Jarred.
"Look ang ganda diba? " nakangiting pagmamalaki ni Ellaina kay Jarred pero tinabig yon ni Jarred na ikinabigla nya.
"Pangit yan, "
"Bad ka talaga Jarred, "
"Itapon mo nalang yan, ibibili nalang kita ng mas maganda pa dyan!! " sabi pa nito pero inirapan lang sya ng bata.
"Bigay to sakin ni Travis kaya di ko itatapon to"
Nagdilim lalo ang awra ng mukha ni Jarred.
"Ellaina narinig mo ba ang sinabi ko, itapon mona yan at ibibili kita ng mas maganda""
"Ayoko nga eh, ayaw na kitang kalaro! "
"What? "
Pero nainis na si Ellaina sa lalaki dahil sa pagtabig nito sa mga laruan nya. Kaya matalim nyang tinitigan ang tiim bagang nasi Jarred.
" ayokong kalaro ka dahil pangit ka! "
"Anong sabi mo? Pangit ako? " di makapaniwalang tanong ni Jarred kay Ellaina.
"Oo, may nalahibo ka sa kilikili kagaya ka ni Speed" tukoy pa nito sa kabayo ni Jarred.
Kaya ang kaninang galit ni Jarred ay napalitan ng amusement. Tumawa ito ng malakas na ikinataka naman ng dalagita.
Hanggang isang araw, natutulog si Ellaina sa silid ng puntahan sya ni Jarred don bandang tanghali. Pinagmasdan nya ang magandang dalagita na malalim ang tulog. Aakitin sana nya itong pumunta ulit sa falls pero tulog ito kaya pinagmasdan nalang nya si Ellaina.
Hanggang may nagtulak sa binatilyo na haplusin ang pisngi nito. Si Ellaina ang laging laman ng isipan ni Jarred kahit nasa school sya o saan paman pumunta. Mas nais nyang maglagi sa hacienda para nakikita ito lagi.
Ellaina...
Di namalayan ni Jarred na naaakit na pala sya sa nakapikit na dalagita at unti-unti na pala nyang inilalapit ang labi sa nakaawang na labi ng tulog nasi Ellaina.
Yon ang naabutan ni Yaya Meding ng buksan ang pinto ng alaga.
"Susmaryosep... Master Jarred? "
Marahan ang ginawang pagtayo ni Jarred saka balewalang lumabas ng silid ng dalagita at nilampasan ang nanghihilakbot na matanda.
kaya kinausap ni yaya Meding si Georgia kaharap ang binatilyo.
"Kitang -kita ko maam Georgia na hahalikan ng anak mo si Señorita Ellaina, " giit nito.
"Aling Meding hindi ganon si Jarred baka nagkakamali lang kayo ng nakita. " sabi ni Georgia saka sinulyapan ang tahimik na anak.
"Bakit dimo tanungin yang anak mo.. Maam Georgia alaga ko si Ellaina at ibinilin sya samin ng mommy nya bago namatay kaya ganito akong magalala. Walang muwang si Ellaina sa mga ganito. Kaya sana kausapin mo ang anak mo"
Napabuntong hininga naman si Georgia.
"Di magandang tingnan ang pagpasok nya sa kwarto ni Ellaina, nagbibinata na sya at sa nakita ko... ---"
"I wont do stupid things aling Meding, so stop worrying" putol ni Jarred sa nagsasalitang matanda.
Tila inis na iniwan silang magina ng yaya ng bata.
"Jarred, kilala ko si Aling Meding.. Hindi sya mapag-gawa ng kwento. Ano ba talagang ginagawa mo sa kwarto ni Ellaina? "
"I just tried to kiss her pero dahil kay aling Meding di natuloy" balewalang sagot ni Jarred sa pagkabigla ng ina. Nanlalaki ang matang tinitigan ni Georgia ang anak.
"What? Jarred... Are you insane? Ellaina is a family" giit ni Georgia.
"I know mom that's why i starting to hate the idea of you being her dad's wife. " malungkot na sabi nito..
"A-anak.. " di makapaniwalang sambit ng ginang. Biglang nakadama ng takot si Georgia.. Lalo na at may plano na sila laban sa mag ama na lingid kay Jarred.
"Dont worry mom,may control ako, remember? Dad taught me that"
Pero ang kaba at takot ni Georgia ay dina mawala para sa anak.
You cant love her, Son..
Akala ni Jarred at tapos na ang usapan tungkol sa tangka nyang paghalik kay Ellaina pero hinarang pa rin sya ni Aling Meding sa taas ng mansyon.
"Tigilan mo ang alaga ko Master Jarred, kung hindi ay makakarating to kay Eleazar. " banta pa ng matanda.
Marahas na bumuntong hininga si Jarred.
"Sorry po Aling Meding. Hindi na mauulit"
"Dapat lang, ano nalang ang sasabihin ng tao kapag nalaman yon? Sa mata ng lahat ay magkapatid na kayo, kasal na ang magulang nyo. .isa pa si Master Travis ang nakatakdang mapangasa ng Señorita namin, pero kahit ganon ay hindi tinangka ng lalaking yon na pumasok sa silid ni Ellaina, samantalang ikaw. ......" Iiling-iling pang tila nanghihakbot ang matanda.
"Aling Meding unang-una hindi ko kapatid si Ellaina kaya pwede ko syang magustuhan, at hindi si Travis ang papakasalan nya kundi ako! " mariing sabi ni Jarred.
"Anong sabi mo? " gimbal na reaksyon ni aling meding pero nilampasan na sya ni Jarred.
Napa sign of the cross ang ginang. .
Hanggang dumating ang araw na may matuklasan si Jarred. Walang tao non sa mansyon kundi sila ni Ellaina at mga katulong na busy naman sa pagta-trabaho. Namataan ni Jarred ang dalagita na may pinasok na silid sa baba. Wala sa loob na sinundan nya ito. Nagulat sya ng makapasok don at di makita ang bata.
San yon nagpunta?.
At bigla nalang bumukas ang isang bahagi ng tiled floor saka iniluwa don si Ellaina na nabigla din ng makita sya.
"E-ellaina anong???? San ka galing, anong silid to? " puno ng pagtatakang tanong nya.
"W-wala yon Jarred. Sekreto lang natin to ha. Di pwedeng malaman ng iba. "
"E-ellaina.. " nahihiwagaang bigkas ng binatilyo. Napatutok ang paningin sa bracelet na nakita nyang ipinangbukas kanina ni Ellaina sa floor na yon.
"Halika na, Jarred" nakangiting aya ni Ellaina. Kunot ang noong sumunod nalang sya sa dalagita kahit puno ng pagtataka.
Minsan di sinasadyang marinig ni Jarred ang convo nila Danica at ng tiyuhin ni Eleazar.
"Gusto mo si Travis diba? "
Kumunot ang noo ni Jarred ng marinig ang boses na yon ni chairman kausap si Danica.
"Po? "
"Alam kong gusto mo si Travis, nakikita ko yon. Pero na kay Ellaina ang buong atensyon nya"
Lihim na napatiim ang bagang ni Jarred. Tila bini-brain wash ng matanda ang utak ni Danica.
.
"Kaya kitang tulungan, sumunod ka lang sa akin at balang araw ay kayong dalawa ang ikakasal"
"Tulungan mo akong mawala ang batang yan at sinisiguro ko sayo na lahat ng pagaari ni Ellaina ngayon ay mapupunta sayo kasama si Travis"
Nagngalit na ng tuluyan ang bagang ni Jarred sa narinig. Masama ang naging kutob nya sa mga narinig. Tila may kapahamakang mangyayari kay Ellaina.
Ilang linggo nalang ay 10th birthday na ni Ellaina.. Balak sana ni Jarred na bilhan ng malaking living doll ang dalagita kaya hihingi sana sya ng pera sa ina.ngunit natigilan sya ng makita ang kapatid na seryoso habang nakasilip sa silid ng ina nila.
"Georgia sumunod ka sa plano, wala sa usapan natin na mahulog ka sa pamangkin ko, "
"Chairman hindi ko kaya, hindi ko pala kaya... Sobrang bait ng mag-ama at----"
"Alalahanin mo ang kapakanan ng mga anak mo, pag nawala sila ay sayo mapupunta lahat ,maging ang pera na iniwan ng mommy ni Ellaina sa bata ay pwedeng -pwede mong kunin Pag wala na sila! "
Then Jarred realize ...tunay na may balak ang mga ito sa dalagita. At nakakapanlambot sa parte ng lalaki dahil ang ina at kapatid nya ay involved sa masamang planong yon.
Ellaina....
Hindi yata kakayanin ni Jarred kung may masamang mangyayari sa dalagita. Kaya lihim na nagimbistiga ang binatilyo. Nang wala ang ina ay pinasok nya ang silid ng mga ito at naghanap ng mga files sa gamit ni Georgia na makakasagot sa tanong nya. Walang problema sa kanya kung naka locked man ang mga yon dahil kaya nyang buksan ang lahat ng uri ng lock dahil itinuro yon sa kanya ng amang si Julio.
Then he frozed. ..nang makita ang profile ni Ellaina sa folder ng ina na nakalagay sa isang safety box.
ELLAINA MONDEJAR - MUST BE DIE...
wala sa loob na napalupasay sa sahig ang binatilyo hawak ang dibdib..