TILL WE MET AGAIN.....
______^^^_______
Sumapit ang birthday party ni Ellaina. Maraming mahahalagang tao ang dumating sa hacienda .ginanap ang pagtitipon sa malawak na bakuran ng mansyon. Ano pat napakarangya ng okasyong iyon.
Pero ang mga mata ni Jarred ay nakatutok lang sa masayang nagdiriwang ng kaarawan. Hindi nya inaalis ang tingin dito. Naghihintay sya ng tamang oras para itakas ang dalagita. Alam nyang di ito papayag sa gagawin nya pero kailangan. Kahit s*******n pa nya itong kunin ay gagawin nya.
Nawala lang ang atensyon nya ng mamataan ang isang binata na kakaiba ang kilos. Jarred knows that he is secretly starring at Ellaina. Ganon din sa paligid. Kinabahan ang binatilyo at sa halip ay na-focus sa lalaking yon ang atensyon ni Jarred.naisip nyang Baka nagbago ang plano. Kaya minasdan nyang mabuti ito.
"Jacob, its been a long time hijo! " binati ito ni Eleazar.
Kumunot ang noo ni Jarred, di yatat ito ang Jacob na minsan ay naikwento sa kanya ni Ellaina. Binata na pala ito.
Kinabahan si Jarred ng paglingon nya sa pwesto ni Ellaina ay wala na ito.
Ellaina?
_______^^^^______
"Ellaina sama ka sakin may ibibigay ako sayong gift" nakangiting nilapitan ni Danica si Ellaina na mukang prinsesa sa suot na gown.
"Mamaya nalang Danica baka hanapin ako ni Daddy. " tanggi ng bata.
"Nandon din si Travis, may ibibigay din daw sayo! "
Nagliwanag ang mata ni Ellaina kaya sumama sya sa dalagita. Nasulyapan pa nya si jarred na may tinitingnan. Ipinagkibit balikat nalang yon ni Ellaina.
"Danica asan na si Travis? Saka yun gift na sinasabi mo?" Kumunot ang noo ni Ellaina ng walang makitang tao don sa dulo ng guess room sa itaas ng mansyon.
Pero laking gulat nya ng bigla syang itulak ng babae sa loob kaya napasubsob sya sa semento .
"Happy birthday Ellaina, " sabi nito bago isinara ang pinto.
Mabilis na tumayo si Ellaina at lumapit sa pinto ngunit natuklasan nyang nakasara yon sa labas.
"D-danica... " tawag nya sa babae.
Nakaramdam ng panic si Ellaina kaya kumatok sya ng kumatok sa pinto ng guest room.
"Danica buksan mo to! " she begun to cry.. Iginala nya ang tingin sa silid at natakot si Ellaina .
Napatili ang bata ng biglang makarinig ng magkakasunod na pagsabog. At kitang kita nya sa labas ng bintanang kinaroroonan nya ang biglang pagkalat ng apoy sa paligid ng mansyon.
"Danica..... Danica help.. " palahaw ni Ellaina walang tigil sa pagbayo sa pintuan.
"Ellaina! "
Narinig nya ang boses ni Travis kaya sumigaw sya ng malakas.
"Travis help me... "
"Ellaina, wait ilalabas kita dyan! " boses ni Travis sa labas ng pinto.
Nakita nyang gumalaw ang door knob. Pero hindi yon nabuksan.
"Travis help!!!! " histerical na sigaw ni Ellaina nang makita ang makapal na usok na pumapasok sa silid na kinaroroonan.
"Kukunin ko lang ang susi ok! " sigaw ni Travis saka nya naramdamang umalis ito.
Umiiyak na niyakap ni Ellaina ang sarili habang pinipilit huminga .nahihirapan na kase ang baga ng bata dahil sa usok. At umiinit na ang silid na yon dahil sa apoy.
Hinintay nya ang pagbalik ni Travis. Ito lang ang pagasa nyang makaalis don.
"Mommyy... Daddyyyy... " hikbi ng bata ng makitang natutupok na ang silid.
Tumayong muli si Ellaina para piliting buksan ang pinto pero ayaw pa rin.
"Help!!!! " malat na sigaw saka napaubo sa nalanghap na usok.
Kipkip ang dibdib ay nahirapan nang kumuha ng hangin ang dalagita at unti-unti na syang napahandusay sa sahig.
"Ellaina!"
Then he was there. May sumipa ng pinto. At sa nanlalabong mata ay nakita nya ang pagdating ng isang binatilyo.
Travis.
Sa isip ni Ellaina ay bumalik si Travis, ligtas na sya.. Naramdaman nyang may humihip ng bibig nya at nagpa pump ng bandang sikmura nya. Saka sya napaubo ng malakas.
"Ellaina... God.. Oh god im sorry.im late..i will save you" bigla syang niyakap nito at binalutan ng basang tela.
Mahilo-hilong sumunod lang si Ellaina sa lalaki. Hindi ito si Travis. Nakabalot ng itim na tela ang buong katawan nito.
Ilang saglit bago sila nakalabas doon. Isinakay sya sa kabayo ng lalaki at mabilis na sumunod ito sa kanya. Saka pinatakbo ng sobrang bilis ang hayop. Di pa sila gaanong nakakalayo ng makarinig sila ng putok ng b***l. Kaya napatili si Ellaina sabay yakap sa lalaking kasama.
"Hold on tight Ellaina, i wont let you die... " sabi nitong malakas sa gitna ang hampas ng hangin sa kanila dahil sa tila nangangarerang pagpapatakbo nito ng kabayo. Napaiyak si Ellaina ng matanaw ang nasusunog na mansyon.
Ilang oras na silang tumatakbo sa gitna ng dilim ng biglang patigilin ng lalaki ang sinasakyan nilang kabayo. Saka sya binuhat pababa...
"Les go, kailangan nating maglakad mula dito. "
"San tayo pupunta? "
"Basta. Halika na... Nandyan na sila. "
Nararamdaman ni Ellaina ang mahigpit nitong paghawak sa kamay nya habang sila ay tumatakbo sa madilim na talahiban, pareho na silang pagod pero patuloy pa rin ang kanilang pagtakbo.. Palingon- lingon ang dalagita sa pinanggalingan nila pero dilim lang ang tangi nyang nakikita. Nang tingnan nya ang lalaking kahawak kamay na tumakbo ay di nya maaninag ang mukha nito dahil sa dilim. Walang nararamdaman ng mga sandaling yon si Ellaina kundi takot na mahabol sila ng kung sino mang humahabol sa kanila.
Ilang sandali pa ay nakarating sila sa isang kweba. Di nya akalain na sa gitna ng talahiban ay may kweba palang nagkukubli sa matataas na d**o. Hawak pa rin nito ang kanyang kamay nang pasukin nila ang kweba. Wari ay gamay na gamay ng lalaki ang loob nito. . Walang salitang namagitan sa kanila nang lakarin nila papasok ang kweba.
" ligtas kana! " yun ang salitang sinabi nito ng makarating sila sa dulo at maupo sa malaking bato don. Pilit na inaaninag ni Ellaina ang mukha ng kanyang tagapag ligtas pero sobrang dilim talaga ng kweba.
Kilala nya ang tinig nito. Alam nya sa sarili na kilala nya ang taong nagligtas sa kanya. Isa itong lalaki at bata ring katulad nya
" sino ka? bakit mo ko iniligtas?, bakit moko tinutulungan? " tanong ni Ellaina dito . Nakatingin sya sa gawi ng lalaki kahit anino lang ang nakikita nya. Alam ni Ellaina na nakatingin din ito sa kanya. Dinig pa nya ang buntong hininga ng lalaki.
" dapat nga ay magpasalamat ka sakin, kung di kita iniligtas malamang na patay kana ngayon"
" di ko lang maintindihan kung bakit mo ito ginagawa"
" sa darating na panahon ay maiintindihan mo rin ang lahat, kung sino ako, kung bakit kita iniligtas, kung bakit ko ginagawa to " tila may naaaninag syang lungkot sa boses ng estranghero.
Muling naramdaman ng dalagita ang pagnanais na makilala ang nagligtas sa kanya. Na makita ang mukha ng kanyang tagapag ligtas kaya tumayo sya at lumapit dito. Naramdaman nyang na tense ito nang magkalapit sila. Pilit nyang kinapa sa dilim ang muka ng lalaki. Hindi ito kumilos ng haplusin ni Ellaina ang mukha nya. Pilit na kinikilala ang kurba ng ilong ,kilay mata at labi.
" kilala kita, " nabiglang sabi ni Ellaina
" sa wakas ay nakilala mo rin ako, yun lang ang importante sa kin mahal na prinsesa! "
Nanlaki ang mga mata ng bata ng marinig ang sinabi nito. Di sya makapaniwala, bakit? Paano? Iisang tao lang ang tumatawag sa kanya ng ganon. MAHAL NA PRINSESA!!!! Ito lang ang taong yun. Alam ni Ellaina na sya yun....
" ikaw? "
Ellaina was shock.. Nang makumpirmang si Jarred ang kasama nya sa kweba, pero bakit sya nito tinulungang makalayo don.at sino ang mga taong humahabol sa kaniya?
"Ako nga Ellaina."
Ilang saglit na natigilan si Ellaina at di nakakibo. Pero ng maalala ang nangyari ay napaiyak ito.
"J-jarred bakit nila ako gustong patayin? " humihikbing tanong ni Ellaina.
"H-hindi ko alam Ellaina..." Niyakap ni Jarred ang dalagita at
Tiim ang bagang na hinaplos ang buhok nito.
"N-natatakot ako Jarred, s-si d-daddy? " nag-angat ng ulo si ellaina na para bang makikita nya sa dilim ang lalaki.
"Ligtas sya, Jacob saved him"
Kahit papano ay nakahinga ng maluwag si Ellaina sa kaalamang ligtas ang ama.
Nang bigla silang makarinig ng yabag ng paa ng mga kabayo sa labas ng kweba ay napayakap ng mahigpit ang dalagita sa kasama.
Nanginig sya sa takot. Baka matunton ng mga lalaki ang kweba at mahuli sya.
"Shhhh.. " bulong ni Jarred saka dahan dahang lumakad sa b****a at sumilip sa labas. He saw Travis sakay ng kabayo .sa liwanag ng bwan ay nakilala nya ang binata..pero mukang di nito napansin ang kwebang naroon.
"S-sino yon? " takot na bulong tanong ni Ellaina ng makabalik na sa loob si Jarred.
"W-wala,"
Huminga ng malalim si Ellaina. Muli syang nilapitan ni jArred at hinila sa tabi.
"Sleep Ellaina. Para may lakas ka bukas".
Sinunod nya ang lalaki at sumandal sa dibdib nito. At least she feel safe sa lalaking kasama. Ito ang tagapagligtas nya. Hindi nya makakalimutan ang lalaking to. Dahil ito ang nagligtas ng buhay nya.
Kinabukasan ay nagising si Ellaina at nakita si Jarred na inaayos ang b***l na dala.
"J-jarred, bakit ka may b***l? " takot na tanong ni Ellaina dito.
"Kailangan Ellaina. Lumapit ka sakin" ani Jarred.
Nang makalapit sya sa lalaki ay inilabas nito ang isang balisong at tinapyas ang laylayan ng suot nyang gown.
"A-anong ginagawa mo? "
"Hindi ka makakatakbo kung mahaba yan,"sabi nito.
"Ibig mong sabihin nasa labas pa sila? " nanginig sa takot si ellaina.
"Wag kang magaalala Ellaina, im here, i will protect you till my last breath! "
Sa sinabi ni Jarred ay nakampante ang bata.
Nang magliwanag ay mabilis ang kilos na nilisan nila ang kweba. Nakahinga ng maluwag si Ellaina ng makalabas doon ng walang humahabol sa kanila.
Pero nagkamali sila dahil di pa manlang sila nakakalayo ng nakarinig na sila ng putok ng b***l. Kaya napatili ang dalagita.
"Run,... Ellaina Run.. " sigaw na sabi ni Jarred sa babae.
"J-jarred no! " umiyak si Ellaina habang sinasabi yon.
"Listen to me, tumakbo ka sa hangganan ng hacienda at may makikita ka dong lalaki. Tell your name at alam na nya ang gagawin, now run! " mabilis na itinulak ni Jarred ang dalagitang umiiyak.
Walang nagawa ang dalagita kundi iwan ang binatilyo. Tumakbo si Ellaina sa itinurong dereksyon ni Jarred. Samantalang nakipag palitan ng putok ng b***l si Jarred sa mga humahabol sa kanila.
Dapat ay noon pa nya naitakas si Ellaina, bago pa man sumapit ang kaarawan nito kaya lang ay nagkaabiso ang Anton Perez na yon kaya huli na .
"Wag kayong magpaputok, " sigaw ng lalaki sa mga kasama ng makilala ang binatilyo.
"M-master Jarred? "
"Leave her alone! " itinutok ni Jarred ang b***l sa mga tauhan ng ama.
"M-master, utos samin ng itaas na patayin ang kasama nyo" sagot ng isa kaya kinasahan nya ito ng b***l. Habang palingon-lingon sa dalagitang tumatakbo.
Kabadong tumingin sa likod nya si Jarred para tingnan kung malayo na ang nararating ng tumatakbong si Ellaina.
"Master Jarred hindi ka dapat nakialam, pag nalaman to ng nasa itaas. Malalagot ka at ang yong ama. "
"I dont care. Now move.... Umalis na kayo. " sabi nya.
Napabuntong hininga ang mga ito saka walang nagawa kundi umalis. Nakahinga ng maluwag si Jarred. Pero saglit lang pala yon dahil may isa na namang grupo ang natanawan nya sa malayo.
Shit...
Mga tauhan ni Chairman.
Tumakbo sya at sinundan si Ellaina, kailangang maibigay nya ito kay Anton bago makarating don ang mga tauhan ni Chairman.
Pero ganon nalamang ang kabang naramdaman ni Jarred ng hindi makita ang dalaga sa sinabi nyang lugar. Natanaw nya ang nakakubling sasakyan ng lalaki .lumapit sya don.
"Si Ellaina? " agad na tanong nya sa lalaking noon lang nya nakita ng personal. Pero alam nyang si Anton yon dahil nakita nya ang larawan nito sa ibinigay ni Agustin non.
"W-wala pa po dito, kanina kopa sya hinihintay! "
Galit na napabuga sa hangin si Jarred at tila nagpatong -patong ang pagod nya dahil sa nalaman.
"Hintayin mo ako, hahanapin ko sya. Maghanda ka okey! " sabi ni Jarred saka bumalik sa gubat na pinanggalingan.
Hinanap nya kung saan saan ang dalagita. Halos mabaliw na ito sa kahahanap lalo na at napapakinig na nya ang mga yabag ng mga taong hinahanap ito.
Shit... God please help me find her.
At tila sinagot ng diyos ang dalangin ng binatilyo ng mamataan si Travis na pababa sa isang bangin. Madali nya yong sinundan at nagimbal sya ng makita ang duguang si Ellaina sa ibaba ng bangin.
Ellaina......
Gusto sana nyang lapitan ito pero ayaw ni Jarred na makita sya ni Travis. Masisira ang plano. Kaya kahit takot na takot sya sa nakikitang hitsura ng dalagitang kalong ni Travis ay hindi sya lumapit.
Ellaina anong nangyari bakit ka nahulog sa bangin?
Lihim nyang sinundan ang lalaking buhat si Ellaina at ng makitang umalis ito para humingi ng tulong ay agad na nilapitan ni Jarred ang duguang babae.
"E-ellaina? " napaluhod sa tabi nito si Jarred at di napigilang mapaluha. Di nya alam kung saan hahawakan ang dalagita dahil halos puro dugo ang katawan at mukha nito.
Mariing naipikit ni Jarred ang luhaang mata. Nakahinga lang sya ng maluwag ng makitang humihinga pa ito.
"M-master??? "
Nalingunan nya ang lalaking tagapagalaga ni Travis.
"M-master Jarred? Si Master Travis nakita nyo---" natigil ang pagsasalita nito ng mamataan ang duguang katawan ni Ellaina .
Itinutok ni Jarred ang b***l sa lalaking nahintakutan.
"Wala kang nakita Kitz.. Wala kang sasabihin kay Travis. Kapag lumabas ito i swear i will kill you and your family. " banta ni Jarred dito.
Takot na tumango si Kitz. Kilala nya ang ama ng bata kaya alam nyang kaya yong gawin ng kaharap. Na balang araw ay ito ang papalit sa ama kaya sinunod nya ang sinabi ni Jarred.
Pinahid ng binatilyo ang luha at maingat na binuhat ang walang malay na dalaga saka dinala sa naghihintay na si Anton. Si Kitz naman ay hinanap ang alaga .
Pagkagimbal ang lumarawan sa mukha ni Anton ng makitang duguan ang dalagitang buhat ni Jarred.
"Help her.. " utos ni Jarred. Binuksan ni Anton ang passenger seat ng sasakyan at tinulungan si jarred na iayos don ang babae.
"Ikaw na ang bahala, alagaan mo sya Anton. I will give you money again .after 5 years ibalik mo sya dito. Hihintayin kita dito Anton kasama sya.. " mariing bilin ni Jarred.
"Oo master Jarred, pangako! " sabi ng lalaki at nagmamadaling sumakay sa sasakkyan. Pero pinigil sya ng binatilyo.
"Treat her good, give her everything that life could offer. She is a princess. " sabi nitong malungkot na sinulyapan ang babae sa likuran ng kotse.
Muling tumango si Anton saka lumayo ang sasakyan nito sa kinaroroonan ni Jarred.
Be safe Ellaina... Till we met again