NANG tumawag ang rider sa cellphone ko, halos liparin ko ang hagdan pababa papunta sa gate. "Parcel po para kay Karla," sabi ng rider, sabay abot ng isang nakabalot na pouch na walang anumang label o description. Discreet packaging. Eksakto sa hiningi ko. Nagpasalamat ako, kinuha ang package, at mabilis na bumalik sa kwarto ko. Ni-lock ko ang pinto ng dalawang beses. Nanginginig ang mga kamay ko habang pinupunit ang plastic at ang bubble wrap. Dahil sa pagtanggi ni Julian na galawin ako, at dahil sa imposibleng sitwasyon namin ni Blake, napilitan akong humanap ng paraan para pakainin ang demonyo sa loob ko. Hindi na sapat ang mga daliri ko. Hindi na sapat ang mga nakaw na damit. Kailangan ko ng laman. Kahit peke lang. Nang mabuksan ko ang kahon, bumungad sa akin ang isang silicone

