ISANG buwan na. Isang buwan na kaming "magkarelasyon" ni Julian. Isang buwan na rin akong nagpapanggap, ginagamit ang katawan niya, ang mga halik niya, at ang boses niya para punan ang gutom ko sa lalaking hinding-hindi magiging akin. Hapon noon. Nakaupo ako sa sala at nagbabasa ng magazine nang biglang may kumatok. Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin si Julian. May dala siyang isang bouquet ng red roses at isang maliit na box ng cake. Nakangiti siya nang napakatamis, suot ang pinakamagandang polo niya. "Surprise, babe! Happy first monthsary!" bati niya, sabay abot ng mga bulaklak sa akin. Pilit akong ngumiti. Kinuha ko ang mga bulaklak. "Happy monthsary din, Julian. Pasok ka." "Wala ba akong kiss diyan?" lambing niya. Imbes na sa pisngi o sa labi, hinawakan ko siya sa kwe

