Medyo humupa na yung hapdi ng sugat ko sa binti mula nung aksidente ko kaninang umaga, pero yung inis ko, mas lalong lumala. Pagkatapos ng lunch, nagyaya 'tong si Maria na pumunta daw sa gubat malapit sa farm. Gusto daw niya manguha ng mangga kase nakita niya yung mga puno nung nangabayo kami. Ang hilig talaga umepal, probinsyana ba siya? Dahil gustong-gusto ni Brent na pinagbibigyan yung babae niya, pumayag agad ang kuya ko. Inalok niya rin kami ni Julian na sumama. Siyempre, hindi ako papayag na silang dalawa lang ang magkasama doon. Tsaka, magandang pagkakataon na naman 'to para makaganti ako sa paninira niya kanina. "Babe, kaya mo ba? Baka sumakit ulit yung sugat mo," nag-aalalang tanong ni Julian habang naglalakad kami sa medyo matarik na daan papasok sa gubat. Naka-alalay siya sa

