Buong gabi akong hindi nakatulog nang maayos. Sa tuwing pipikit ako ay naaalala ko yung nangyari kahapon sa bukid. Yung putik sa mukha ko, yung amoy nang tae nang kalabaw, at higit sa lahat yung halakhak ni Blake nang makita nya akong sumisigaw dahil sa linta. Imbes na buhatin nya ako at mag alala gaya nang inaasahan ko, mas pinili pa nyang purihin si Maria. Si Maria na walang arte, si Maria na perpekto, si Maria na mahal nya. Kumukulo yung dugo ko hanggang ngayon. Kinaumagahan, rinig na rinig ko yung boses ni Blake sa labas nang kwarto ko. "Karla! Gising na, kain na tayo nang almusal!" tawag nya, may kasama pang pamilyar na pag katok sa pinto. Bumangon ako nang mabigat ang katawan. Tinignan ko yung sarili ko sa salamin. Mugto yung mga mata ko sa inis at wala akong ganang mag ayos. P

