AKEESHA POV Maaga kaming pumasok ni Riya dahil maaga daw magstart ang training sabi ni Mr. Davis. Simula ngayong araw ay maghapon na ang training namin. Ibig sabihin ay hindi ko na makakasama sina Ryan dahil magkakaiba kami ng element group. Baka nga hindi na din kami halos magkausap ni Ryan dahil bawal na din kaming tumambay sa labas. Pagkatapos ng training ay deretso na agad kami sa kanya kanyang kwarto para magpahinga at para na din sa kaligtasan naming lahat. Ang mga dorm kasi ay may protective shield na hindi agad agad masisira ng mga rebelde. “Okay ka lang ba? Makakasama mo si Athena maghapon.”, sabi sa akin ni Riya. “Ayos lang. Mas focus naman siguro sya sa pagtetrain kesa sa pang-iinis sa akin.” “Sabagay, may punto ka.” “Hi Akeesha, hi Riya!” “Hi Alvin!”, sabay na bati namin

