SOMEONE POV “Sya na ba ang sinasabing Legendary?” “Opo mahal na reyna.” Agad akong lumapit sa dalagang walang malay. Nilagay ko ang aking palad sa kanyang noo at pinakiramdaman ang kanyang mga element. Sya nga. Sya nga ang Legendary. “Magaling! Ang aking anak, nasaan si Alvin?” “Nagpaiwan po sya sa academy upang hindi paghinalaan. Susunod daw po sya dito kapag humupa na ang kaguluhan.” “Sige, dalhin sa selda ang babaeng yan. Lagyan ng chain lock at bantayang mabuti.” “Masusunod po Mahal na Reyna.” Napangiti ako. Ito na ang umpisa ng mga plano ko. At sisiguraduhin kong magtatagumpay ako sa oras na ito. Mapapasa akin ang buong Elemental World. AKEESHA POV Napabangon ako bigla nang maalimpungatan ako. Pinagmasdan ko ang paligid ko at hindi ito pamilyar sa akin. Si Alvin, sya ang

