AKEESHA POV “Wow Riya. Ang ganda naman ng necklace mo.” Medyo napaaga ang pasok namin ngayon kaya kakaunti pa lang ang mga estudyante sa classroom. “Isa ito sa tradisyon ng foundation day. Ang mga lalaki ay may binibigay na kwintas sa date nila sa araw na yun. Ang kwintas ang nangangahulugan na sa araw ng foundation day ay nakatali ka sa lalaking nagbigay sayo nito. At sa midnight ng Elemental ball ay mawawala ang kwintas tanda na tapos na ang foundation day.” Muli akong napatingin sa kwintas ni Riya. Ang pendant nito ay dahon na may bato sa gitna. “Teka, wala ka pa bang date?” Nginitian ko lang si Riya. Hindi ko pa kasi sinasabi sa kanya na si Ryan ang date ko. Maski si Ryan ay wala ding sinasabi dun sa dalawa. Unti unting nagdatingan ang iba ko pang kaklase. Halos lahat ng babae

