FIRST RANKING TEST

1185 Words
AKEESHA POV “Ano Akeesha, ready ka na ba?” Tumango lang ako kay Riya. Ngayon na kasi yung First Ranking Test at inaamin ko na kinakabahan ako. Marami nang naituro sa akin yung tatlo at masasabi kong malaki na din ang improvement ko. Hanggang ngayon ay wala pa din nahahanap na solusyon sina Mr. Davis sa problema ko. Pero okay naman na, nasanay na ako sa mga sugat na natatamo ko pagkatapos ng training ko. Ang pinoproblema ko lang ngayon ay sumasakit ang mga kamay ko kahit na naipahinga ko na sya maghapon kahapon. Namumula din ito. Hindi ko pa nagagamit ang element ko simula kahapon pero sumasakit na agad ito. Baka maapektuhan ang exam ko kapag nagpatuloy ito. “Okay ka lang Akeesha? Parang namumutla ka.”, may pag-aalalang tanong ni Jethro. “Kinakabahan lang ako.”, maikli kong sagot sa kanya. “Wag kang kabahan. Kayang kaya mo yan.”, pagchecheer naman sa akin ni Riya. Ayokong sabihin sa kanila ang totoo dahil tiyak na sasabihin nila ito sa council. Baka hindi pa nila ako pasalihin sa ranking test pag nagkataon. Ayoko namang maging unfair sa ibang estudyante dito na nagsanay din para sa event na ito. At ayoko ding masayang ang lahat ng tinuro nila sa akin. “Welcome Elementalist to the First Ranking Test. Every year na natin itong ginagawa so I’m sure alam nyo na ang proseso ng test but still, I will explain it to you. This is the Element Meter. Ito ang magsisilbing target nyo. You will attack this with your element and this meter will measure how strong your element is. So Elementalist, let’s start.” Ang Element Meter ay parang isang gong, kulay black ang paligid nito at ang gitna ay kulay gold. Sa ibabaw nito ay may parang board kung saan lalabas ang level ng element. Nag-umpisa nang magtawag ng mga estudyante. Lahat sila ay nagrange from 75 to 85 ang mga score. Sina Riya, Jethro at Ryan ay nakakuha ng 95 pati si Athena. Sila ang pinakamataas ang nakuha sa kanya kanya nilang element group. “And last but not the least, Ms. Akeesha Neptuna.” Ako ang huling tinawag dahil ako ang newbie. Mas lalo akong kinabahan habang papalapit sa Element Meter dahil bukod sa lalong sumasakit ang mga kamay ko, lahat sila ay nakatingin sa akin. “You can start Ms. Akeesha.” Huminga ako ng malalim at hindi ininda ang sumasakit kong mga kamay. Pinalabas ko ang element ko at itinutok sa Element Meter. Nagstart nang basahin ng meter ang element ko. Lalakasan ko pa sana ang element ko pero unti unting bumukas muli ang mga sugat ko. Kaya wala akong nagawa kundi idiffuse ang element ko. “Ms. Akeesha, 50.” Nagbulungan ang mga kapwa ko elementalist. 50 ang nakuha kong score, ang pinakamababang score. Ibig sabihin ay ako ang nasa lowest ranking. “Okay lang yan Akeesha.”, pagchecheer up sa akin ni Riya. “No, it’s not.”, malungkot kong sabi sa kanya. Hindi ko matanggap ang naging resulta ng test ko. Pakiramdam ko ay nasayang ang lahat ng pinagpaguran naming apat. “May 2nd ranking pa naman Akeesha. Makakabawi ka din.”, sabi sa akin ni Jethro. Nahihiya ako sa kanilang tatlo. Nakita ko sa kanila ang pagiging pursigido sa pagtuturo sakin. Pero parang nabalewala lahat ng yun dahil sa nakuha kong score. “I knew it. Sa palagay ko ay mahihiya ka na ngayong sumama sa tatlo.” Napatingin ako kay Athena na napakalawak ng ngiti. Nandito kasi ako ngayon sa CR after nung ranking test. Hindi na ako nagpasama kay Riya dahil gusto ko munang mapag-isa. Hindi ko na lang pinansin si Athena. Lumabas na ako ng cr at nagpunta sa may garden kung saan hinihintay ako nung tatlo. “Wag mo nang isipin yun Akeesha okay? Mas mabuti pa na ihanda mo na ang sarili mo dahil malapit na ang foundation day. I’m sure maraming lalaki ang lalapit sayo para ayain ka nilang maging date.” “Date?” “Oo, taon taon na yun ginaganap right after the First Ranking Test. Pinaghahandaan yun dahil magkakaroon ang academy ng arcade games, rides at iba’t ibang booth.” “So bakit kailangan pa ng date?” “Dahil ang date mo ang makakasama mo the whole day at sa Elemental Ball sa gabi.” “Hindi ba pwedeng tayo na lang ang magkasama?” “It’s a big no. Hindi pwedeng magsama ang same gender sa araw na yun. Kaya dapat may date ka na bago sumapit ang foundation day or else mag-isa ka lang sa araw na yun. It’s the tradition.” “May date ka na ba?”, tanong ko kay Riya. “May date na yan, ako. ”, sabi ni Jethro na nakatingin sa pagkain nya. Napatingin ako kay Riya at tumango lang ito. Parang may something sa dalawang ito. “Ikaw Ryan, may date ka na?”, tanong ni Riya. “Meron na”, seryosong sabi ni Ryan. So ako na lang pala ang walang date. Sabagay, sino ba naman ang mag-aaya sa akin matapos kong maging lowest sa ranking kanina. Baka magkulong na lang ako sa dorm. Ayaw ko din naman kasing may kasamang iba sa araw na yun. Hindi na naman ako makatulog dahil sa nangyari kanina. Si Riya ay tulog na dahil napagod daw sya. Napagdesisyunan ko na lumabas na lang muna. Masyadong occupied ang utak ko kaya kailangan ko ng sariwang hangin. At dito ako dinala ng mga paa ko sa harap ng Elemental Tree. “Gabi na. Bakit nasa labas ka pa?” Nagulat ako nang magsalita mula sa likod ko si Ryan. Hindi ko naramdaman ang pagdating nya. “Nahihiya ako sa inyong tatlo. Ako ang lowest kanina.”, sagot ko sa kanya habang nakatingin sa mahiwagang puno. “Nakakahiya nga yun.”, pagsang-ayon nya sa akin. “Wow, thanks!”, sarcastic kong sabi sa kanya. Narinig ko ang mahina nyang pagtawa na ikinangiti ko naman. First time kong narinig ang tawa nya. Pero nawala din ang ngiti kong iyon nang palibutan ako ni Ryan ng element nya. Humarap ako sa kanya habang sya ay nakatayo lang habang nakapamulsa. “I am your date in foundation day Ms. Akeesha.”, plain nyang sabi sa akin. “What?”, napamaang kong tanong sa kanya. “I will not repeat myself. See you.” Yun lang at umalis na sya kasabay ng pagkawala ng apoy sa paligid ko. Akala ko ba may date na sya? Hindi ko napigilan ang mapangiti. Si Ryan ang date ko. At least hindi na ganun ka-awkward kapag kaming dalawa ang magkasama, I guess. Bumalik na lang din ako sa dorm dahil nilalamig na ako. Pagbalik ko ay naabutan ko pa si Riya na kagagaling lang sa CR. Naalimpungatan siguro. “San ka galing? Lalabas na sana ako para hanapin ka.” “Nagpahangin lang ako.”, maikli kong sagot sa kanya. “Bakit namumula ka?”, nakangiti nyang tanong sa akin. Awtomatiko naman akong napahawak sa pisngi ko na lalong ikinatawa ni Riya. “May gusto ka bang ikwento sa akin Akeesha?” “Wala ah. Malamig kasi sa labas.”, pagdadahilan ko sa kanya. “I really smell something fishy.” “Itulog mo na lang ulit yan Riya. Goodnight.” Humiga na ako at nagtalukbong ng kumot para hindi na ako asarin pa ni Riya. Hindi na din naman sya nagsalita pa. Pinikit ko ang mga mata ko at tuluyan na akong hinila ng antok ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD