AKEESHA POV Sinubukan kong palabasin at kontrolin ang air element ko. Hindi naman ako nahirapang gawin ito dahil tulad ng sabi ng tatlong prinsesa, malaya ko na din itong magagamit katulad ng water element ko. I made an air tornado and attack it to Riya, Jethro and Ryan. Tinetrain na kasi nila ako ngayon katulad ng sinabi ni Mr. Davis sa amin. Hindi kasi pwedeng malaman ng iba na apat ang element ko kaya patago lang ang pagtetraining namin. Ryan was able to dodge my attack using his fire element. Nilamon nito ang tornado ko na mas lalong nagpalaki sa fire element nya. Kaya hinigop ko ang air element ko pabalik sa akin, and without my air, his fire is worthless. Kusang nawala ang fire element ni Ryan dahil inubos ko ang oxygen content nito. Inatake naman ako ng leaf blade ni Jethro na

